Chapter 15 - Dakma
"MIA, customer sa table number 8," sabi ni Madam Eloisa.
Ngumiti si Mia. "Salamat, madam."
"Puntahan mo na, mukhang mayaman. Ang swerte mo talagang babaita ka. Di ka nababakante, kahit di naman maka-score sa'yo ang mga lalake."
"Iyon siguro ang dahilan kung bakit nila ako gusto. Kasi alam nilang panalo kung sakaling makukuha nila ako," kumpiyansang sagot ni Mia.
"Agree naman ako dun, girl. Kaya pagbutihin mo pa dahil alam mo namang isa ka talaga sa pambato ng club na ito. Ito lang ang bukod-tanging club na may virgin GRO!" Humalakhak si Madam Eloisa. Si Mia naman ay lumakad na patungo sa table kung saan naghihintay ang customer.
Seksing-seksi si Mia habang naglalakad. Ang natural na pag-imbay ng kanyang balakang ay nagpapakita ng natural niyang sensuwalidad. Hindi pilit ang kanyang pagkembot. Kusang umiindayog ang kanyang balakang sa bawat paghakbang ng kanyang mga paa.
"Hi!" bati ni Mia sa lalaking customer na kung titingnan ay mga edad trenta lang. May hitsura ito at halatang batak sa gym ang pangangatawan.
"Hello! Take a seat," ang lapad ng pagkakangiti ng lalaki.
"Thank you." Umupo si Mia sa tabi ng kanyang customer.
"What's your name?" tanong ng lalaki. "Oh, by the way I'm Jake." Inilahad nito ang palad kay Mia.
"I'm Mia..." nginitian niya si Jake.
"So, what do you want? Food, drink?"
"Just one ladies drink," kinawayan ni Mia ang isang waiter na agad namang lumapit sa kanya. "One ladies drink for me," sabi niya sa waiter na tumango at agad na umalis para kunin ang order niya.
"You're really beautiful. Malayo pa lang, maganda ka na pero mas maganda ka pa sa malapitan," hindi itinago ni Jake ang paghanga sa dalagang ka-table.
"Salamat... Ngayon ka lang nagawi dito?"
"Oo, kagagaling ko lang sa isang business meeting and I thought it would be better if I unwind before going home. Mabuti naman at dito ako dinala ng pagkakataon, nakilala tuloy kita," hinawakan ni Jake ang kamay ni Mia. Hindi naman pumalag ang dalaga.
"Saan ka nagtatrabaho?"
"Manager ako sa isang manufacturing firm sa Pasig."
"Ahh..."
"Labas tayo mamaya?" biglang sinabi ni Jake.
"Hmm, sorry di ako nagpapa-take out."
Dumating ang waiter dala ang ladies drink na inorder ni Mia. Inilapag nito ang drink sa ibabaw ng mesa.
"Why?" tanong ni Jake.
"Hanggang table lang ako. Di ako sumasama sa customer sa labas."
"I'll double your price, sumama ka lang sa akin."
"Sorry talaga, Jake. Puwede ka naman pumili ng iba, marami naman kaming GRO dito."
"No, I don't want any other girl here. Ikaw ang gusto ko. I wanna spend a night with you," madiin ang pagsasalita ni Jake. Halatang desidido itong ipilit ang gusto niya.
"Hindi ako lumalabas kasama ng customer, at lalong hindi ako gumagawa ng gusto mong mangyari."
"What's wrong with you?" You are a slut so don't play virginal!"
Nagulat si Mia sa sinabi ni Jake. Gusto sana niyang sagutin ang matalim na pahayag nito pero nahagip ng mga mata niya ang entrance ng club at nakita niyang papasok si Mr. Choi kasama ang dalawa nitong bodyguards. Nakita rin niyang sinalubong ni Madam Eloisa ang mayamang intsik na suki sa club at hinatid sa isang bakanteng table. Nang nakaupo na si Mr. Choi ay sandaling kinausap nito ang club manager at maya-maya pa ay nagmamadali na si Madam Eloisa papunta kay Mia. Alam na ni Mia, oras na para kay Mr. Choi naman siya tumeybol. Walang ibang kinukuhang babae sa club ang matandang intsik kundi siya at siya lamang.
Paglapit ni Madam Eloisa kay Mia ay yumuko ito at ibinulong sa dalaga ang pagdating ni Mr. Choi. Agad ding umalis ang club manager. Sa ganung sitwasyon, alam na ni Mia ang kasunod na gagawin.
"Ah, excuse me may kakausapin lang ako sandali. Babalik ako kaagad."
Hinawakan ni Jake ang braso ni Mia. "No, you can't go and leave me. Just stay here."
"Saglit lang, may kailangan lang akong kausapin."
"Pag sinabi kong hindi ka puwedeng umalis, hindi ka puwedeng umalis!" hinigpitan ni Jake ang hawak sa braso ni Mia. "Stay here. May pambayad ako sa'yo." At bago pa nakakilos si Mia ay bigla siyang kinabig papalapit ni Jake at mariing hinalikan sa labi. Kasabay nun ay mabilis ding kumilos ang mga kamay nito at dinakma ang kanyang dibdib. Naglaro ang kamay ng customer sa malusog na dibdib ni Mia.
Gulat man sa bilis ng pangyayari ay agad na kumawala si Mia at binigyan ng isang malakas na sampal ang kostumer.
"Bastos ka!"
Hindi naman nagulat si Jake sa natamong sampal. Itinaas nito ang isang kamay para sampalin din si Mia. Pero hindi nito nagawang padapuin ang palad sa pisngi ni Mia dahil agad na lumapit ang isang bodyguard ni Mr. Choi at sinuntok sa mukha ang customer.
Natumba si Jake sa kabilang mesa dahilan para magkaroon ng komosyon sa loob ng club. Dinampot ng bodyguard si Jake at akmang muling susuntukin ito pero sinipa ni Jake sa bandang pagkalalaki ang bodyguard at agad itong namilipit sa sakit.
Ang bouncer ng club ay nag-enjoy lang sa panonood ng mga kaganapan. Hindi man lang ito nagtangkang kumilos para umawat o makisali sa rambulan.
Noon lumapit ang ikalawang bodyguard ni Mr. Choi at hinarap si Jake. Nagpalitan ng suntukan ang dalawa. Bawat isa ay tila ayaw magpatalo. Ang unang bodyguard ay nakabawi na sa sakit na dulot ng pagsipa sa kanyang pagkalalaki at nakisali na rin sa suntukan. Dalawang bodyguards laban sa isang lalaking malaki rin ang katawan at handang lumaban ng bugbugan. Sa huli, nanaig ang dalawang bodyguards.
At saka lang kumilos ang bouncer. Binitbit nito papalabas ng club si Jake.
Parang walang anumang nangyari sa loob ng club. Nagsibalikan sa mga table nila ang mga kostumer. Business as usual.
Si Mia ay tumeybol na kay Mr. Choi.
"Ikaw okay lang, Mia?" nag-aalalang tanong ng matandang intsik.
"Ayos lang ako, Mr. Choi. Salamat sa'yo at sa mga bodyguard mo."
"Wala 'yun. Ako hindi payag na babastos sa'yo ang ibang lalake. Kahit sino, hindi puwede babastos sa'yo."
Nginitian ni Mia si Mr. Choi.
"Ikaw sama na sa akin. Mia. Ako papakasal sa'yo. Hindi ka na tatalabaho dito. Dun ka lang sa bahay ko."
Hindi nakasagot si Mia.
"Ayaw mo?" tanong ni Mr. Choi. "Ayaw mo asawa mistel Choi?" seryoso ang boses nito.
Ewan pero nakaramdam ng iba si Mia sa tono ng boses ni Mr. Choi. At sa liwanag na dala ng neon lights sa loob ng madilim na club ay naaninag ni Mia ang tila poot sa mga mata ng matandang intsik.
"Akin ka, Mia. Akin lang. Wala iba lalaki makikinabang sa'yo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top