9: Suspension

Kung may isang bagay ang madalas katakutan ng mag-asawa sa mga panahong iyon, iyon ay ang malaman ng mga anak nila ang katotohanan tungkol sa buong pamilya nila. 

Sinusubukan nilang mamuhay nang normal ilang taon na. Pero habang tumatagal, lalo lang nagiging komplikado ang lahat habang tumatanda ang mga anak nila.

Alas-siyete ng umaga ng Sabado, isang normal na umaga para sa kanila, masyado nang maaga ang alas-siyete para magising agad dahil weekend naman. Tulog pa si Arjo, tulog pa rin si Zone. Si Max, maagang bumangon para makapagpaalam sa mga magulang.

“Ma,” pagtawag ni Max nang makababa at maabutan ang Mama niya na naghahanda ng almusal pero tinutulungan na ng Papa niya sa paghahanda. “Ayos ka na?”

Hindi kasi niya napansing nakauwi na ang mga ito kagabi dahil nakatulog siya sa pagbabantay kay Zone. Panay kasi ang ngawa kahahanap sa Mama niya hanggang sa nakatulugan na lang ang pag-iyak.

“Masyado lang kinabahan ang Papa mo,” paliwanag ni Armida at naglapag na ng dalawang plato sa mesa na may lamang tuna omelet at bacon. “I’m perfectly fine.”

Inilipat ni Max ang tingin sa Papa niyang nagpaikot ng mata na halata namang kahit naiinis ay kinukunsinti na lang ang paniniwala ng Mama niya na okay talaga ito.

“Ma, I need to go to Maresa Lands today,” paalam ni Max na nananatili pa ring nakatayo sa pagitan ng sala at dining area. “Ocular visit.”

Nagtaas lang ng kilay ang Mama niya at umirap. “Before you go anywhere, Soldier, you have to come with us today.”

“For what?” tanong ni Max.

“Pinatawag kami sa HMU, you broke your room’s window,” paliwanag ni Armida sabay pamaywang.

“I can pay for that. No need to come,” sagot ni Max at akmang aalis na pero mabilis na humugot ng pinakamalapit na display ang mama niya sa island na divider ng kitchen at dining area saka ibinato sa kanya. Mabilis naman siyang humarap ulit at walang kahirap-hirap na sinalo ang isang display na plastic banana na eksakto sana sa mukha niya.

“Who told you to turn your back on me, kid?” singhal ni Armida sabay pamaywang. “I’m not done talking to you!”

Inis na nagbuga ng hininga si Max at nagmartsa papalapit sa mesa para ilapag doon ang saging na hawak.

“You’ll come with us today, or you’re not going home anymore,” banta ni Armida sa kanya. “Kasalanan mo kung bakit kami ipinatawag and you can’t escape this stupidity by paying the damage!”

“Ha! It’s really a ton of headache dealing with your own demon, milady,” natatawang sinabi ni Josef.

“Shut up,” mariing sinabi ni Armida sa asawa niya habang dinuduro ito. “Isa ka pa.”

Nakangiting tiningnan ni Josef si Max na takang-taka sa kanilang dalawa. “Your mother always do that. Tapos naiinis siya kapag ikaw ang gumagawa.” Napangiwi si Josef sa ideya sabay kibit-balikat.

“Isa, Josef!” Biglang hinampas ni Armida ang asawa niya sa braso.

“Hahaha!” Lalong natawa si Josef. “At least we both know you can’t put the blame on me. Magkaugali rin naman kayo ng anak mo.”

Sa HMU . . .

Nakasimangot si Max habang sinusundan ang paglalakad ng mga magulang niya, kasama ang Director ng HMU at ni Mr. Xerces papunta sa Room 403.

Kaysa naman daw mag-away pa sila ng Mama niya, at dahil na rin sa pag-aalalang baka atakihin na naman ito ng sakit, sumama na lang siya.

Kanina pa hinahagod ng tingin ni Armida ang propesor ng mga anak dahil mukhang ilang taon lang ang tanda nito sa panganay niya. Ayaw naman niyang magtanong kung naglalaro ba sa 26 o 28 ang edad nito dahil baka isipin nito na usisera siya. Pero talagang nababataan siya rito.

“This is the window.” Itinuro ni Mr. Xerces ang bintana na may butas at may crack na animo’y binaril sa malayuan.

“Pinaimbestigahan na namin ang kasong ito kahapon,” sabi ng Director. “Ang report sa amin, ang estudyanteng si Maximilian Zach ang gumawa.”

Napataas na lang ng kilay si Josef habang tinitingnan ang bintana. Kahit wala pa mang paliwanagan, alam na niyang guilty ang anak niya. Maliban naman kasi sa asawa niyang magaling, anak lang niya ang may kakayahang gumawa niyon doon.

“Sino ang mga nagsabing anak ko nga ang gumawa nito?” tanong ni Armida. Ibinaba niya ang tingin ang tinitigan ang butas na gawa ng anak.

“Ang mga kaklase niya, Mrs. Zach,” sagot ng Director.

“At naniwala kayong siya nga ang may gawa?” sarcastic pa niyang tanong habang kinukuha ang anggulo kung saan galing ang pinambutas sa bintana.

“Hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, Mrs. Zach.”

“3 millimeter ang radius ng butas,” sabi ni Armida. Ipinikit niya ang kanang mata at tiningnan ng kaliwang mata kung saan eksaktong nanggaling ang pinambutas sa bintanang iyon. “Anak ko ba ang nakaupo doon sa mesa na malapit sa bintana, sa pinakadulong upuan?”

“Yes, Mrs. Zach.”

Tumayo na si Armida nang maayos at tiningnan ang Director at si Mr. Xerces na nakataas ang kilay sa kanya.

“Where’s the pen?” Inilahad naman ni Armida ang palad para hingin ang ebidensiyang kanina pa pinipilit ni Mr. Xerces na sa anak niya.

Itinapat ng propesor sa mukha niya ang technical pen na nasa loob ng isang ziplock bag.

“Napaka-gentleman mo naman,” sarcastic na sinabi ni Armida sa propesor sabay irap dito matapos halbutin ang ziplock bag.

Kahit na hindi na siya magtanong, alam na alam naman na niyang si Max nga ang may gawa ng butas na iyon sa salaming bintana. Gusto lang talaga niyang mag-usisa.

“Uhm-hmm . . .” Nagusot ang dulo ng labi niya at napatango nang tingnang maigi ang hawak. Nakita niya ang pinaghintuan ng gasgas na nasa gitna ng pen. Napataas ang magkabila niyang kilay nang makita ang naka-engrave na Max Zach in golden all capital font sa katawan ng pen.

Inilipat niya ang tingin sa anak niya na parang nagtatalo ang gusto niya itong yakapin at gusto niya itong sampalin.

“Max . . .” Ibinalik niya ang ebidensiya kay Mr. Xerces na halos isampal nito sa mukha ng propesor habang nakatingin sa anak niya. “Alam kong mabait kang bata.”

“Ugh God,” biglang napaikot ng mga mata si Max dahil sinasabi lang iyon ng Mama niya sa kanya kapag nanggigigil na itong bugbugin siya pero hindi nito magawa dahil may nakaharap sa kanila.

Napabuntonghininga na lang si Armida at napailing. “Okay, sige, sabihin na nating anak ko nga ang may gawa.” Aminado na siya sa sariling anak nga niya ang may gawa ng pagbutas doon sa bintana. “Magkano ang bintana?”

“Napakadali hong palitan ang bintana,” mahinahong sinabi ni Mr. Xerces. “Ang concern lang ho namin ay yung behavior nila sa klase. At hindi pwedeng palampasin lang ang nangyaring ito,” sabi nito habang tinuturo ang bintana.

“Bakit ba niya binutas ’yang bintana?” Itinuon niya ang tingin sa anak niyang nakasimangot habang nakatingin sa kanya. “Bakit mo binutas ’to?” tanong niya habang tinuturo ang bintana. “Sagot!”

“Mrs. Zach, ang sabi ng isang classmate niya, hindi siya nagsasalita,” katwiran ni Mr. Xerces dahil mukhang sesermunan na talaga niya ang anak.

“Hindi nagsasalita?” tanong niya sa propesor at ibinalik ang tingin kay Max. “So, you’re not defending yourself here, kid. Ganyan ba kita pinalaki?”

“Armida,” pag-awat ni Josef at hinawakan na sa balikat ang asawa niya para pigilan ito.

“This is what I saw yesterday.” Iniabot ni Mr. Xerces ang lukot na note kay Armida na kinuha naman nito. “Nakatuhog ’yan doon sa pen niya na nakabaon diyan sa bintana.”

Tiningnan naman ng mag-asawa ang note.

Nanlaki ang mga mata ni Josef at napataas naman ng kilay si Armida.

Tiningnan ni Armida ang anak. “Hahaha!” Natawa na lang siya na pumuno sa tahimik na pasilyong iyon. Lalo niyang nilukot ang note at ibinato sa propesor na ikinagulat naman nito.

“Dapat diniretso mo sa lalamunan ng kaklase mo yung lapis! Kung ’yon ang ginawa mo, e di wala kang nasirang bintana! Kailan kita tinuruang manira ng mga bagay sa paligid mo ha bata ka?”

“Pst!” tawag ni Josef. Nilingon naman siya ni Armida na galit na galit. “Nanira ng bintana ang anak mo . . .” Nanlaki nang bahagya ang mata niya at itinuro ng tingin sina Mr. Xerces na naririnig ang mga sinasabi niya.

“Wala akong pakialam kahit sirain pa niya ang lahat ng bintana rito!” galit na sigaw ni Armida at minata ang propesor at ang direktor na gulat na gulat sa sinabi niya. “Yung anak ko, nanira ng bintana. E nasaan ang gumawa ng buwisit na note na ’yan, aber?”

“Anak n’yo rin ang gumawa ng note na ’yan,” sabi ni Mr. Xerces.

“Hoy, mister, kung sino ka man,” nanggigigil na sinabi ni Armida sabay duro sa mukha ng propesor. “Imposible ’yang sinasabi mo.”

“Pero siya ang tinuturo ng mga kaklase niya, misis,” mariin ding tugon ni Mr. Xerces.

“Anak ko ang Malavega na tinutukoy diyan sa note na hawak mo,” mariing sagot ni Armida. “Paano gagawin ng panganay ko ’yan sa kapatid niya, ha? Gumagamit ka ba ng kokote mo?”

"A-Anak n'yo?" di-makapaniwalang tanong ni Mr. Xerces.

“Max, pakilayo nga muna ng Mama mo,” utos ni Josef dahil nanggigigil na talaga ang asawa niya sa nangyayari.

Napairap na naman si Max at hinawakan na sa balikat si Armida para ilayo roon. “Ma, huwag ka na kasing sumagot. Bayaran na lang natin yung bintana. Mura lang 'yan e."

Nagulat naman si Mr. Xerces at napaturo kay Max na marunong naman palang magsalita.

“Maximilian, tigilan mo ’ko!” singhal ni Armida na ayaw paawat. Dinuro na naman niya si Mr. Xerces habang nanggigigil. “Ipatawag mo ang magulang ng mga batang ’yan at ako ang babato ng lapis sa mga anak nila.”

“Ma!” pag-awat na ni Max dahil nagsisimula na itong magbanta.

“Enough, okay?” pag-awat na rin ni Josef na humaharang na sa harapan ng asawa niya para hindi nito masugod ang dalawang kasagutan nito. “Let me handle this.”

“Josef, papayag ka na gaganituhin lang ang mga anak natin?! Subukan mo lang, ha! Subukan mo lang! Sinasabi ko sa ’yo, ako ang pupunta sa bahay ng mga ’yan para malaman nila kung sino’ng binabangga nila!” singhal niya habang dinuduro ang asawa niya.

“Ma, tara na nga!” Ipinalibot na ni Max ang kanang braso niya sa baywang ng mama niya at sapilitan itong kinaladkad papalayo roon.

“Pasensya na kayo sa asawa ko, nadala lang siya ng emosyon,” paumanhin ni Josef. “Yung estudyanteng pinaglalaanan ng note na hawak n’yo ay babaeng anak ko. So, I’m hoping you’ll see where we’re coming from.”

Napahugot ng hininga sina Mr. Xerces at napailag ng tingin kay Josef. Hindi naman kasi nila inaasahang magpapakita ang magulang ng babaeng Malavega. Ang alam kasi nila ay Zach ang mga ito.

“Mr. Zach!” pagtawag mula sa dulo ng hallway.

Sabay-sabay silang napatingin doon at nakitang humahangos ang isang may-edad na lalaki. Ilang saglit pa ay huminto ito nang makalapit sa kanila. Yumukod pa ito pagharap kay Josef.

“Mr. President,” pagbati nina Mr. Xerces at ng Director sa ginoong kadarating lang.

Binalewala lang ng presidente ng HMU ang paggalang sa kanya ng dalawa at pinagtuunan ng pansin si Josef. “Mr. Zach, hindi ko yata naabutan si Madame.”

“Yes, Kevin, pinababa na siya ni Max,” kaswal na sagot ni Josef at itinuro ang kaliwang gilid niya. “Sinira daw ng anak ko ang bintana.”

“Papalitan po namin ang bintana, Mr. Zach,” magalang na sagot ng presidente.

Napaatras sina Mr. Xerces dahil sa sinabi ng presidente. Bakas ang gulat sa mga mukha nila. Pinababayaran na kasi nila ang bintana sa pamilya ng estudyante pero biglang binawi ng presidente pa mismo.

“Nabanggit na may penalty pa ang anak ko maliban sa pagpapalit ng bintana,” mahinahong sinabi ni Josef.

“Yes, the suspension. Three days ’yon, Mr. Zach.”

“We’re fine with that. My wife said yes to that earlier. Fair naman siya kung talagang guilty ang anak niya. Pero yung tungkol sa note, hindi anak ko ang may gawa n’on.”

“We’re very sorry, Mr. Zach. Aalamin namin kung sino ang gumawa ng note.”

“Make sure na makakatanggap ng punishment ang mga gumawa n’on, Kevin. Kapag nalaman ni Armida ang bigotry ng mga staff dito, alam mo na ang mangyayari,” banta ni Josef kina Mr. Xerces.

“We’ll make sure we’ll punish the responsible for this, Mr. Zach. I’ll apologize to Miss Hill-Miller.”

Si Josef naman ang nangmata kina Mr. Xerces. “You better. Ayaw pa naman niya ng sinasagot-sagot siya sa sarili niyang eskuwelahan.”

Tinapik niya sa braso ng presidente. “We better go. Thanks for your assistance, Kev.”

“My pleasure, Mr. Zach.”

***

Nasa waiting area sa campus ng HMU si Armida habang nasa harapan niya si Max na nakaupo sa isang sementadong upuan doon at iwas ang tingin sa kanya. Naghahalo ang init ng araw sa init ng ulo niya.

“Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo, ha?” inis na sinabi niya sa anak.

Wala namang isinagot si Max sa kanya.

“Hinayaan ka lang talakan ng demonyong professor na ’yon?”

Wala na namang isinagot si Max.

“E kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa!”

“Ma, pinapagod mo lang ang sarili mo.”

“Aba, talagang—” At bigla niyang sinabunutan ang anak. “Sumasagot ka pa!”

“Ma!”  Tinabig agad ni Max ang kamay ng nanay niya na sumasabunot sa kanya sabay layo rito.

“Maximilian!” Itinuro ni Armida ang anak at pinilit niyang pabalikin doon sa inupuan nito. “Umupo ka rito!”

Nakasimangot lang si Max habang hawak yung buhok niyang sinabunutan ni Armida. “No!”

“Isa, Maximilian!”

“Ma naman! Ang OA mo naman e! Babayaran na nga lang natin yung bintana, di ba? Kahit ako pa yung mag-install n'on kung gusto mo! Bakit ang ingay mo pa?”

“At talagang ’yan pa ang katwiran mo?”

“Ma, nakakahiya ka na.”

Hinubad ni Armida ang suot niyang black wedge at ibinato sa anak niyang naiwasan naman nito. “This is my school, this is my land, and now, you’re telling me, nakakahiya ako? Kilala mo ba kung sino ang pinagsasabihan mong bata ka, ha?!”

“Tsk!” Mabilis namang kinuha ni Max ang pangyapak ng mama niya na ibinato nito. Napapakamot na lang siya ng ulo dahil sa pagkairita. Inis na inis siyang bumalik dito at inuluhod ang kanang tuhod para isuot ulit sa mama niya ang wedge. Ang bigat ng hininga niya habang para siyang aliping sumusunod dito.

Kahit hindi siya nakatingin ay nag-aabang siyang masasabunutan nito o kaya sasapukin. Pero hindi naman siya nito sinaktan kahit nang matapos niyang isuot dito ang ibinato.

Iwas ang tingin niya nang tumayo ulit sa harapan nito kahit na nakasimangot siya.

“Mag-drop ka na rito,” mariing utos nito pero sa mababang tinig na.

“No,” kontra niya.

“Ligtas si Arjo dito,” katwiran ni Armida habang nag-aalala nang nakatingin sa anak niya.

“Ligtas?” Doon na tumingin si Max sa mama niya. “Pinagti-trip-an siya ng mga classmate namin. Yung mga retarded na lalaki sa room yung nagbato sa kanya ng note na ’yon. They’re picking on her. Arjo can’t fight for herself. Is that what safe means to you, Ma?”

Ang galit at inis sa mukha ni Armida ay napalitan ng pag-aalala. Napabuntonghininga na lang siya at tinapik nang marahan ang pisngi ng anak niya. “You’re three-day suspended.”

“I know you’re just being fair with the rules, Ma. Wala rin ako rito within that suspension days.”

“Ako ang bahala sa kapatid mo. Tell me who to punish, and I’ll handle it.”

“No,” mabilis na tanggi ni Max. “I know you too well. Don’t kill someone. Ma naman, hindi naman hayop yung mga classmate ko na ipababaril mo out of nowhere.”

Napairap tuloy si Armida dahil doon. Akala niya, asawa lang niya ang manenermon sa kanya. Pati pala anak niya.

“Huwag ka nang ma-stress dito, Ma, okay?” Hinawakan ni Max sa batok ang mama niya at hinalikan ito sa noo. “Mamaya, mag-collapse ka na naman e.”

At hindi talaga maikakaila na iyon na ang pinakamalaking kahinaan ni Armida sa mga sandaling iyon. Kapag nilambing na siya ng anak, lahat ng inis niya, maglalaho na lang bigla.

“Mag-usap kayo ng Papa mo. Hindi ka na nakikinig sa ’kin,” nagtatampong sinabi ni Armida sa anak. Nagkrus pa siya ng mga braso at umirap. “At mag-ayos ka ng sarili mo. May meeting ka, mukha kang ermitanyo.”

“Ugh, yeah, yeah,” pag-ismid ni Max sa sinabi ng ina. "Sa Maresa na ’ko mag-aayos. Ihahatid muna kita sa bahay. Dederetso ng grocery si Papa."

.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top