8: Regeneration

Alas-siyete na ng gabi at naghahapunan ang buong pamilya Malavega. 

Nakabusangot ang mukha ni Arjo habang minu-murder ang beef tenderloin niya. Si Max naman, puro imaginary written calculation ang ginagawa sa mesa para i-compute ang sukat ng mga gagamiting bakal sa planong townhouse. Si Zone, patuloy lang sa pagkain at walang iniisip na kung anong problema.

"Arjo, ano ba 'yang ginagawa mo sa pagkain?" tanong ni Josef nang mapansing pinanggigigilan ni Arjo ang ulam niya.

Ibinagsak ni Arjo ang hawak na kubyertos at inis na tiningnan ang kuya niya sa katapat na upuan.

Sinundan naman ng mag-asawa ang tingin niya na kay Max nakalaan. Nagkapalitan pa ng tingin ang mag-asawa para magtanong sa isa't isa kung ano ba ang nangyayari.

"May nangyari ba sa school?" tanong ni Armida.

Si Max, kunwari ay walang naririnig. hala-sige-compute pa rin.

"Bakit ba kasi kailangang pumasok ni Kuya sa school?!" reklamo ni Arjo sa mama niya. "Graduate na siya, di ba?! Dapat iniisip na lang niya ang trabaho niya! Hindi yung nanggugulo pa siya ro'n!"

Tumaas naman ang kilay ni Armida at tiningnan si Max na sandaling napahinto sa ginagawa pero nagpatuloy din agad.

"What happened?" tanong na ni Josef.

"Pinatawag siya sa office!" sumbong ni Arjo habang tinuturo ang kuya niya habang nakatingin sa Papa niya. "Binutas niya yung bintana ng room namin! Tapos napagbintangan pa siya ng mga classmate ko na—"

"SHUT UP!" putol agad ni Max. Tumayo ito at dinabugan ng mga palad ang mesa habang pinandidilatan ng mata ang kapatid niya. "Magpasalamat ka na lang sa ginawa ko!"

Tumayo naman si Arjo at sinigawan din ang kuya niya. "Magpasalamat?! Paano 'ko magpapasalamat e lahat sila iniisip na may gusto ka sa 'kin!"

"Ah! Magalit ka kung totoo!" sigaw ni Max sa kanya. "Ang bobo mo kaya! Mangongopya ka na nga lang, hindi mo pa nagawa!"

"STOP IT!" sigaw ni Josef sabay hawak sa balikat ng dalawa niyang anak at tulak sa mga ito pababa pabalik sa pagkakaupo.

Ang sama ng tingin ng magkapatid sa isa't isa.

Tiningnan ni Josef ang asawa na kung kumilos, parang walang nagkakagulong mga anak sa harapan lang nito.

"Nasa harap kayo ng pagkain," mahinahong sinabi ni Armida habang chill na chill na hinihiwa ang kinakain niyang karne.

Gusto sanang magreklamo ni Josef dahil sa ginagawa ngayon ni Armida, pero naisip niya na mas mabuting hindi na ito dumagdag sa problema.

"Fix everything," inis na sinabi ni Arjo sa kuya niya sabay walkout paakyat sa taas ng bahay nila.

"Huh!" Napatingin na lang sa itaas si Max dahil ang hopeless ng sitwasyon niya. Tumayo na lang siya at nag-walkout din paakyat sa sariling kuwarto nito.

Napailing na lang si Josef habang nakahawak sa bridge ng ilong. Si Armida naman, patuloy na ngumunguya habang tinitingnan ang asawa niyang namomroblema.

"Mama, I'm through," sabi ni Zone. Pinunasan niya ang bibig at kinuha ang tubig niya.

Napabuntonghininga na lang si Josef habang nakatingin sa bunso niyang anak. Alam niyang maya-maya, ito naman ang poproblemahin niya.








Matagal nang normal sa pamilya nila na nag-aaway sina Max at Arjo. Sobrang dalas pa namang maging aburido ni Max. Lahat na lang, kahit maliliit na bagay, inis na inis na ito.

Pasado alas-otso nang makatanggap ng tawag si Armida mula sa admin office ng HMU. Pinapatawag ang guardian ni Max dahil napatunayang kanya ang pen na bumaon sa bintana ng isa sa mga room ng unibersidad. Lalo pa, may pangalan nito ang nasabing lapis.

"Ano'ng sabi ng admin?" tanong ni Josef na may dalang gatas para sa asawa niya.

"Yung anak mo, binutas daw ang bintana," kuwento nito na katatapos lang kausapin ang staff na nasa school pa rin.

"Bakit ngayong gabi lang itinawag?" Inilapag ni Josef ang baso sa center table at umupo siya sa couch.

"Ngayon lang natapos yung meeting nina Kevin about that," sagot ni Armida at umupo sa tabi ng asawa niya. "Kung utusan ko kaya si Max na mag-drop na lang? Wala pang dalawang linggo, may problema na siya."

"Armida, hindi na bata yung anak mo." Kinuha ni Josef ang baso ng gatas at inabot na sa asawa niya. "Kausapin na lang natin si Kevin bukas para papalitan ang bintana."

Kinuha naman ni Armida ang baso ng gatas at ininuman iyon.

Nag-aalala talaga siya kay Max dahil sa mga ginagawa nito. Ni hindi nga nito maintindihan kung bakit kailangang pumasok sa HMU ng anak niya. Pero kahit na ganoon, sinuportahan pa rin naman niya ang desisyon nito dahil ayaw rin naman nitong papigil.

Pagbaba niya ng baso, biglang kunot ng noo niya dahil may kahalong pula na iyon.

Napahawak siya sa ilong at nakitang may dugo roon. Hindi niya napansin, akala niya, mantsa lang ng gatas ang nasa ibabaw ng labi.

"Josef," pagtawag niya.

Paglingon sa kanya ng asawa. "Armida!"

"Kumuha ka ng towel," mahinahon niyang utos habang hawak ang ilong na patuloy lang sa pag-agos ng dugo.

"Oh God—" Madaling tumungo sa kusina si Josef at kumuha muna roon sa may counter ng paper towel para ibigay sa asawa niya. "I'm gonna call Ray. Hang on."

Kahit na gaano kahinahon ang kilos ni Josef nang akyatin ang second floor ng bahay ay hindi maitatago sa mukha niya ang pag-aalala. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya at bigla siyang binalot ng takot.

"Max," pagkatok niya sa pinto ng kuwarto nito. Hangga't maaari, ayaw niyang marinig iyon ng iba pa niyang anak.

"Pa, not now," sabi sa loob.

Halos suntukin na lang ni Josef ang pinto dahil noon pa naisip ng anak niya ang mag-inarte. Sapilitan na lang niyang binuksan ang naka-lock nitong kuwarto at hinanap ang anak niyang may ginagawa sa working table nito.

"Pa, I'm busy," sabi ni Max.

"Max, bantayan mo yung mga kapatid mo. Pupunta kami ng Mama mo sa ospital."

Hindi man sumisigaw si Josef pero sapat na ang sinabi nito para maalerto si Max.

"Pero Pa—!"

"Ssshh!" pagpapatahimik niya sa anak. "Bantayan mo si Zone. Hahanapin niya ang mama niya bago matulog."

"Pero, Pa, ano'ng sasabihin ko kay Dae Hyun?" nag-aalalang sinabi ni Max sa mahinang boses.

"Ikaw na ang bahala." Iyon lang at lumabas na ulit si Josef saka kinuha sa kuwarto nila ni Armida ang phone at susi ng kotse.

Binalikan niya ang asawa niyang. Nakaupo pa rin sa sofa, nakapikit, at kalat-kalat na sa mababang mesa maging sa inuupuan nito ang puro dugong paper towel.

"Ray?" pagtawag ni Josef sa phone.

"Yes, Josef. Problem?"

"Dumudugo na naman ang ilong ni Armida. Pupunta kami ng clinic tonight. Are you there?"

"Ha? Yes, yes. Sige, pumunta na lang kayo rito, ihahanda ko lang yung kuwarto."

Pinatay na ni Josef ang tawag at inakay ang asawa niya patayo. "Armida, kaya mo bang maglakad? Gusto mo bang buhatin na kita?"

Umiling lang ito at nagtaas ng isang kamay na duguan din para sabihing huwag na.

Inalalayan lang niya ito palabas ng bahay. Pinilit niyang lumabas nang tahimik, dahil oras na makita ni Zone ang nangyayari, malamang na magwawala ang bata.




Hindi maitago sa mukha ni Josef ang pag-aalala habang nasa biyahe. Sampung minuto rin ang inabot bago sila nakarating sa clinic ng kaibigan. At sa labas pa lang, sinalubong na sila nito.

"Rayson!" pagtawag ni Josef at inutusan munang paalalayan ang asawa niya.

"Jin," pagtawag nito at inakay si Armida papasok sa loob ng klinika. "Ano'ng nangyari?"

Sumunod na rin si Josef at umalalay sa kabilang gilid ng asawa. "Nag-uusap lang kami. Umiinom siya ng gatas, then she bleeds."

"Wala ba siyang ibang ginagawang mabigat?" Ipinaupo muna ni Rayson sa hospital bed na nasa kanang gilid lang ng dingding ng entrance. Kumuha siya ng ilang tissue at ibinigay kay Armida.

"Wala naman. Palagi naman niyang binubuhat si Zone, hindi naman siya nabibigatan sa bata," paliwanag ni Josef.

Naglagay muna ng alcohol si Rayson sa kamay at kinuha ang stethoscope niya para i-check ang puso at baga ng pasyente niya.

"Mababa naman ang heart beat mo. Wala namang problema sa breathing," paliwanag ng doktor. Saglit niyang inalis ang kamay ni Armida at nakitang patuloy pa rin ang pagdugo ng ilong nito. "You called me thirteen minutes ago, hindi pa rin humihinto ang epistaxis." Pinataas niya ang mukha ni Armida para tingnan ang magkabilang mata nito. Kapansin-pansin na sobrang putla nito at parang kulang na kulang na sa dugo. "Jin, I don't want to tell this to you again. But we really need to cure you. We need your regenerator."

Biglang tinabig ni Armida ang kamay ni Rayson sa kanya. "No."

"Armida naman . . ." naiinis nang sinabi ni Josef na hindi mapakali sa isang gilid.

Nagbigay na lang ng decongestant spray si Rayson para mahinto ang pagdurugo ng ilong ni Armida.

"Jin, ginawa ang regenerator mo para gumaling ka," pamimilit ni Rayson.

Bakas na bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala dahil nagbubutil-butil na ang pawis niya at lalong namutla habang ginagamit ang decongestant.

Tinakpan niya ang isang butas ng ilong at in-spray doon ang gamot habang sumisinghot.

Kumuha ng panibagong tissue si Josef at pinunasan ang noo at mukha ng asawa niya. "Armida, sige na. Kailan mo ng regenerator."

Umiling lang si Armida para sabihing hindi at kumuha ng kulumpon ng tissue. Humalak siya at idinura ang buo-buong dugo roon.

Inurong na lang ni Rayson ang trashbin at doon ibinagsak ni Armida ang duguang tissue.

"Kaya ko pa . . ." nanghihina niyang sinabi. "Hayaan n'yo 'ko. Kaya ko pa."

"Jin, mamamatay ka sa ginagawa mo," panakot sa kanya ni Rayson.

Tumango lang si Armida sa narinig. "Just . . ." Mariin siyang pumikit at sinubukang huminga nang malalim kahit nahihirapan. "Just don't tell the kids about this. Please . . ."

"Armida, dugo lang 'yon. Mapapalitan 'yon," nagagalit nang pamimilit ni Josef kahit mababa lang ang tinig at iniiwasang sumigaw.

"Pero magtatanong ang anak ko," mariing sagot ni Armida.

"Kaya nga ipaliliwanag natin . . ."

"Hayaan mo siya. Kung mamamatay, e di mamatay."

"Jin!"

"Armida!"

Nang matigil ang pagdurugong ilong ay madali siyang bumaba sa kamang inuupuan. "Ayoko nang pag-usapan'to. Josef, umuwi na tayo. Hahanapin ako ni Zone."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top