7: Saved

Usap-usapan ang nakalagay roon sa note pati na ang nabasag na bintana. Hindi pa man dismissal, bulong-bulungan na si Arjo at si Max sa buong section na iyon.

"Grabe, girl! Patay ka!"

"Whoah! As in whoah!"

"Good luck! Hahaha!"

Grabeng pangangantyaw ang inabot ni Arjo dahil lang doon sa note na iyon.

At ang iniisip ng lahat, kursunada siya ni Maximilian Zach at balak siyang pormahan. Iniisip pa lang niya ang ideya, kinikilabutan na siya.

"Ayokong maniwalang doon sa lalaking 'yon galing ang note na kumakalat ngayon," bungad sa kanya ni Melon na nakapamulsa habang may subong chocolate stick paglabas na paglabas niya sa pinto.

"Natural na hindi kanya galing 'yon!" Huminto si Arjo at tiningnan nang masama si Melon. "Hindi magsusulat ng ganoon ang ku-" Napahinto siya sa pagsasalita at naiwan ang nguso niya sa pagkakatulis niyon.

"Ang ku . . . ?" Hinintay naman ni Melon ang susunod niyang sasabihin.

"Ku-Ku-" Inikot ni Arjo ang paningin para maghanap ng karugtong. "Kumag! Hindi magsusulat ng ganoon ang kumag na 'yon!"

"Uhm-hmm . . ." Napatango naman si Melon dahil sa sinabi niya pero nasa mukha na ayaw maniwala sa kanya. "How'd you know? Close ba kayo?"

"Huh?" Napangiwi naman si Arjo dahil sa sinabi ni Melon. "No!"

"E bakit lagi ko kayong nakikitang magkasama paglabas? Boyfriend mo?"

"HA?! YUCK! KADIRI KA NAMAN!"

Inismiran agad ni Arjo si Melon at dali-dali siyang naglakad paalis doon. Naiinis siya. Ang daming puwedeng itanong, iyon pa talaga.



****



Samantala . . .


Nasa faculty room si Max at pinagagalitan ng prof niya sa psychology. Wala naman itong pakialam talaga sa note. Pero binasag kasi niya ang bintana habang nagtuturo ito. Iyon ang talagang issue ng propesor.

"How can you explain this to the administration?" sermon ni Mr. Xerces kay Max. "Mababayaran mo ba yung bintana, hmm?"

Nakayuko naman si Max habang pinagagalitan. Sa totoo lang, sising-sisi siya dahil sa ginawa niya. Iniisip niyang sana, hinayaan na lang batuhin ng mga siraulong classmate niya ang kapatid niyang engot. Siya tuloy ang nagigisa roon.

"May problema ba rito?" tanong ni Miss Etherin na lumapit sa kanila para mangialam.

"This man broke the 403 room's window," sabi ni Mr. Xerces.

"Paanong sinira?" tanong ni Miss Etherin habang nakatingin kay Max.

"Tingnan mo ang room na 'yon ngayon para malaman mo." Inilipat niya ang tingin kay Max na iwas ang tingin.

"'Yon lang?" tanong ni Miss Etherin. "E di pabayaran mo sa magulang nito. Bakit dinala mo pa rito, hindi naman 'to elementary?"

Itinaas naman ni Mr. Xerces ang isang nilukot na papel na pinag-ugatan ng lahat. Itinapat niya ito sa mukha ni Miss Etherin.

"Fuck me, bitch. Suck my dick, Malavega."

"Pfft-hahaha!" Isang malakas na tawa ang nagawa ni Miss Etherin matapos mabasa ang nakasulat sa note. "Oh my goodness!"

Parehong takang-taka sina Max at Mr. Xerces sa lakas ng tawa ni Miss Etherin.

"He didn't wrote that!" natatawa sinabi ni Miss Etherin at hinalbot ang note at saka lumapit sa table niya para kuhain ang notebook ni Max na katatapos lang niyang check-an. Lumapit na ulit siya kina Mr. Xerces at ipinagkompara ang sulat sa note at sa notebook.

"Itong nasa note, parang kinahig ng manok ang sulat." Itinaas ng babaeng guro ang note na nilukot. "Ito ang notebook nitong pinagagalitan mo. Architectural ang handwriting font nito." Ipinakita niya ang sulat ni Max. "And I know you can tell the huge difference, Xerces."

Tiningnan ni Max si Miss Etherin. Kinindatan siya ng babaeng prof sabay ngiti.

"Tss." Umirap na lang si Max dahil hindi naman niya hinihingi ang tulong nito.

"He still broke the window," pagpipilit ni Mr. Xerces.

"Paano ba yang 'broke' na 'yan na kanina mo pa ini-insist, hmm?" tanong ni Miss Etherin.

"I saw this note barbecued in a technical pen buried halfway in the window," sabi ni Mr. Xerces sabay halbot ng note kay Miss Etherin.

"Oh . . ." Inilipat ni Miss Etherin ang tingin kay Max. Binigyan niya ito ng makahulugang tingin na nagsasabing 'You really did that?' Inilipat niya ang tingin kay Mr. Xerces kalaunan. "You think it is possible for this man to do that kind of thing?"

"Yes," mariing sagot ni Mr. Xerces.

"How can you say so? Nakita mong ginawa niya?" tanong ni Miss Etherin sabay krus ng mga braso.

Tumaas naman ang kilay ni Mr. Xerces sabay tingin sa mga co-prof niya na nakikiusyoso sa kanila. "No," mababang tonong sagot niya.

"Then you're accusing your student of something you didn't know if he really did do. That's an offense, Mr Xerces." Tiningnan ni Laby ang relo. "Let the school investigate for this. If he's guilty, papalitan na lang sa kanya ang bintana then ibigay ang penalty na nararapat sa kanya for destruction of school property and equipments. IF and IF the damage is intentional. That will be fair to everyone."

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Mr. Xerces dahil napapahiya na siya ni Miss Etherin.

"And about the note, paiimbestigahan din 'yan para maparusahan ang mga magagaling mong estudyante for libel because of the note and slander because of putting the blame to Mr. Zach."

Wala nang nasagot pa si Mr. Xerces sa hirit ni Miss Etherin.

"Don't make any stories para lang ma-incriminate ang batang 'to. Pareho lang kayong mapaparusahan." Tiningnan ni Miss Etherin si Max at sinenyasan itong lumabas na ng faculty room.

Napailing na lang si Max at saka lumabas. Na-bad trip siya nang sobra sa nangyari. Malamang na pag-uusapan siya pagpasok nila sa Lunes. At hindi lang iyon, malamang na malalaman ang nangyari ng parents niya. Dagdag sa ikinaiinis niya ay tinulungan pa siya ng pinakaayaw niyang prof sa problema niya.

"Wala ka bang balak mag-thank you?"

Napahinto sa paglakad si Max sa tahimik na hallway na iyon nang marinig ang boses ng kinaiinisan niya.

Napatingin siya sa kaliwang gilid nang makita roon si Miss Etherin na nililinis ang salamin nito na sinasabayan pala siya sa paglalakad.

"I'm not asking for your help," malamig na sinabi ni Max.

Natawa nang mahina si Miss Etherin dahil sa pagiging inggrato ni Max.

"I know you did that," sabi ni Miss Etherin. Isinuot niya ang salamin at pagkatapos ay tiningnan si Max. "Your mother could kill using anything. Malamang na namana mo lang 'yon sa kanya." Natawa nang mahina ang propesor at nagpamaywang. "Tigilan mo na ang pagprotekta kay Arjo. Pinapahamak mo lang ang sarili mo."

Kusa nang kumilos ang mga kamay ni Max saka itinulak sa pader ng hallway ang guro. Itinukod niya ang kanang kamay niya sa gilid ng ulo nito habang tinitingnan niya ito nang masama.

"At kailan ka pa naging concern sa 'kin, ha?"

Napangisi na lang si Miss Etherin dahil sa kanya. Ni hindi man lang nakitaan ng gulat o takot ang mukha nito dahil sa nangyayari. "You should know your limits. Don't give me reason to protect you if you don't want me to."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo," mariing sinabi ni Max na puno ng galit ang mga tingin.

"But your family do. It includes you." Tinabig niya ang kamay ni Max na nakaharang at saka siya nagtaas ng mukha rito. "If you won't tell what happened to your parents, ako ang magsasabi sa kanila. Malamang na matutuwa ang Papa mo kapag nagkita ulit kaming dalawa."

---------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top