50: King's Pawn


May sariling opisina si King Ace Havenstein sa Citadel pero kailangan niyang manatili sa bayan nila para ayusin ang mga naiwan ng ama. Iyon nga lang, nagkakaroon sila ng problema ng kapatid dahil doon. Kalahati kasi ng pagmamay-ari ng mga Havenstein ay nakuha ng bunsong kapatid ngunit pinababayaan naman nito. Maliban sa hindi ito seryoso sa kalakaran ng pamilya, kasalukuyan itong nakikipagkasundo sa kalaban nilang pamilya, ang mga Romanov.

Mahigpit ang security sa casa kung saan kasalukuyang nakatira si King. At damang-dama ni Laby ang higpit niyon dahil nasa rotonda pa lang siya ng buong bayan, naharang na agad siya ng mga bantay.

Nang tanungin kung ano ang ginagawa niya sa lugar, sinabi niyang pakay niya si King. Nagpakita ng badge at IDs, kahit ang insigna bilang Superior, nailabas na niya. At kahit na kulang na lang ay hingan siya ng birth certificate para lang makasiguro sa identity niya, naghintay pa siya nang sampung minuto para lang ma-cross reference sa lahat ng classified agency ang pagkatao niya.

Ang sama tuloy ng tingin niya sa harapan habang pinagigitnaan ng dalawang malalaking personal security guard sa backseat ng isang 4x4.

Malayo ang mismong casa kung lalakarin pero aabot lang ng pitong minuto sa tamang bilis kung gagamit ng sasakyan. Kaya ilang minuto lang ang kinailangan niya bago makatapak sa Casa del Fierro.

Malawak ang lugar, mapayapa nga kung tutuusin. May mga puno sa gilid ng bahay, may mga hedge sa hardin. May gazeebo pa na may puting mesa at ilang upuan.

Malaki ang buong lugar, pakuwadrado hugis ng pinakabakod ng bahay. Dumaan si Laby kasama ang dalawang malaking bantay na doble halos ng sukat ng katawan niya sa isang iron gate. Saglit silang huminto sa isang pasilyo bago pa ang isa na namang gate sa harapan. Pinasadahan siya ng metal scanner para masigurong wala siyang dalang armas.

Nilingon ni Laby ang magkabilang panig ng pasilyo. Walang ilaw maliban sa mga bintana. Sa dulo niyon ay may paliko pang mga daan. Malamang na nagsisilbi ang puwesto nila bilang malaking bakod ng main house.

Iginiya na si Laby patungo sa panibagong gate at halos mapakunot ang noo niya dahil sa sikat ng araw. Tanghaling tapat, masakit sa balat ang init. Nagtataka siya kung paano nakakatagal ang mga guwardiyang nakaitim sa ganoon kainit na klima.

Apat na palapag lang ang main house pero malawak naman. Kahit sa bawat palapag, may mga bantay ring may dalang mga baril. Para bang handa-handa ang mga itong sa giyera.

Bukas na bukas ang malaking swing door ng main house. Pagpasok ni Laby, high ceiling receiving area agad ang bumungad sa kanya na may chandelier na gawa sa pabilog na metal at may mano-manong lagayan ng malalaking kandila. Makinis na pulang semento ang sahig kaya nagpapasalamat siyang nag-running shoes siya dahil kung hindi, malamang na madudulas siya roon.

Dinala siya ng mga guwardiya sa kanang gilid ng main house, papalabas sa isa na namang nakabukas na swing gate. Tinahak ang gilid ng bahay sa labas. Dinaanan ang malawak na namang hardin na puno ng magagandang bulaklak na nakagiginhawa sa paningin. Sa gitna niyon ay may puting piano at sa palibot ay mahaba at pabilog na upuang gawa sa puting marmol.

Lumiko sila sa kaliwa at isang daan na naman ang tinahak. Napahugot siya ng hininga dahil overlooking na ang dinadaanan nila ng Gulf of Orosei. Ang sarap sa paningin ng asul na dagat at di-hamak na mas malamig na ang hangin sa panig na iyon. Nakakalma na ang paligid kompara sa harapan ng casa na parang kapitbahay lang ng impyerno sa init.

Sa dulo ng pasilyo ay isang malawak na tiled area na kung nasaan niya nakita si King na nakaupo sa isang red and gold couch kaharap ang laptop na nakapatong sa mababang coffee table at ilang papeles. Mukhang abala ito sa trabaho. Saglit siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang atensyon sa laptop.

"Akala ko ba, ayaw mo 'kong makita?" pambungad nito sa kanya.

Napabuga si Laby ng hangin habang nakatuon ang tingin sa lalaki. Hindi niya alam kung kailan ba sila huling nagkita. Binibilang niya ang araw o buwan o taon, sa dami ng nangyayari sa buhay niya, parang noong isang araw lang niya ito huling nakausap. Pero alam niyang matagal na panahon na ang lumipas. Medyo mahaba na ang buhok nito at lumampas na sa batok. Mukhang hindi naman nito pinababayaan ang sarili, mas umamo nga ang mukha nito ngayon kompara noon na parang ang laki ng galit nito sa mundo. Maaliwalas naman itong tingnan kahit na pambahay lang ang suot nito. Nagagawa pa nitong magsuot ng maluwang na T-shirt at maluwang na jogging pants.

"Pwede ka bang makausap nang personal?" asiwang tanong ni Laby dahil higit pa sa sampu ang nakapalibot sa kanilang guwardiya.

"Kung tungkol sa trabaho 'yan sa Citadel, hindi mo kailangang paalisin ang mga guwardiya ko," sagot nito habang tutok pa rin sa laptop.

"Patay na ang mag-asawang Zordick at Zach."

Doon na napahinto si King sa ginagawa at napasulyap na naman kay Laby para malaman kung seryoso ba ito. At mukhang seryoso nga ito.

"Alam mong may Decurion ako para magbalita sa 'kin, di ba?" sagot na lang ni King at sumandal sa inuupuan. "Don't tell me, pinagbibintangan mo 'ko."

"Gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang kumuha sa bioweapon," mariing sagot ni Laby.

Biglang kumunot ang noo ni King dahil doon. "Citadel should have your project by now if the Zordick and Zach's death is confirmed. 'Yan ang agreement ng Order at ni Armida Zordick."

"Exactly!" galit na sigaw rin ni Laby. "Now where are they?"

Napatayo sa gulat si King dahil doon. "Winala n'yo yung mga bata?!"

Agad na naglaho ang inis sa mukha ni Laby nang makita ang reaksyon ni King. Alam niyang hindi normal kay King ang nagugulat. At kung hawak nga nito ang project niya, malamang na magmamalaki pa ito at ipamumukha sa lahat na mga inutil sila at ang mag-asawa.

"So . . . hindi mo alam . . . ?" takang tanong ni Laby.

Imbis na sumagot, mabilis na kinuha ni King ang phone na katabi ng laptop niya at may tinawagan doon. Nag-loudspeaker pa siya para ipaalam kay Laby na wala siyang tinatago rito. "Lolli, si King 'to. Nasaan ang bioweapon?" kunot-noong tanong ng lalaki sa kausap.

"Boss, naunahan kami," sagot ng isang babae sa kabilang linya.

"Naunahan nino?"

"Ina-identify pa namin kung sino. Sorrounded ang area kagabi, mukhang pinagplanuhan ang lahat."

Dahan-dahang napalingon si King kay Laby na mukhang nagulat din sa report ng tauhan niya.

"Yung mag-asawa?"

"Nag-cross-reference kami ng data galing sa ibang office, boss. Pare-parehas ng field report, unidentified pa yung mga katawan, pero wala nang nata-track ang CCS na location nila. Nasa 87% na ang probability na patay na nga sila. Pending pa ang reports ng ibang office, lalo na ng Fuhrer at ni Armida Zordick."

Mabilis na pinatay ni King ang tawag at naniningkit ang mga mata nang tingnan si Laby. "Papatayin ko si Keros oras na malaman kong siya ang nakakuha sa batang 'yon."

Mabilis na sinara ni Kingang laptop at inutos sa guard kunin iyon. "Pakihanda ng chopper. Pupunta ako saCitadel." Saglit niyang nilingon si Laby. "Sumabay ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top