5: Second Child


Masyadong malaki ang mess hall ng HMU na sumasakop ng halos isang buong basketball court kaya maraming libreng upuan at mesa. Pumuwesto si Arjo sa bandang gitna at inilapag doon ang kinakain niyang carbonara at strawberry smoothie.

Simangot na simangot siya habang kausap si Max.

"Tigilan mo nga 'yang kakatawag mo sa 'king bobo!" reklamo niya sa phone. "Isusumbong talaga kita kay Papa, akala mo!"

"Ikaw ang isusumbong ko kay Papa. Hindi ka gumagawa ng homework mo."

"Kuyaaaa!" Inis na inis niyang tinusok-tusok ng tinidor ang kinakain niya.

"Ibabagsak ka ni Miss Etherin. Kapag 'to nalaman ni Mama, sasabihin kong i-grounded ka talaga buong summer."

"Kuya kasiii!" Binalibag niya sa plato ang tinidor at naiiritang sumandal sa upuan.

"Pupuntahan kita diyan sa mess hall. Kapag hindi kita nakita diyan, ikukulong talaga kita sa cabinet."

At biglang namatay ang tawag.

"Hnng!" Gusot na gusot ang mukha ni Arjo nang ibalibag sa mesa ang phone niya.

Nainis siyang lalo dahil nagpapaka-stalker na nga ang kuya niya, mukhang magiging sumbungero pa. Kaya nga iniisip niyang malamang na mag-eespiya lang ito sa klase niya para talaga ipahamak siya nito sa mga magulang nila.

"Hey baby babes!"

Itinaas niya ang paningin at nakita na naman ang lalaking bumati sa kanya kaninang umaga. Si Melon. Umupo ito sa katapat niyang upuan at ipinatong ang mga braso sa mesa habang nakangiti nang malawak sa kanya.

"Pwede bang tigilan mo na ang kakatawag sa 'kin ng babes," mataray na sinabi ni Arjo. "Boyfriend ba kita?"

"Gusto mo ba?" nakangiting tanong nito.

"Sapak, gusto mo rin ba?"

"Hahaha! Okay, okay, Armida na lang," sabi nito habang natatawa.

Napasimangot si Arjo dahil sa tinawag sa kanya nito. "Don't call me Armida! It sounds so primitive! Yuck!"

Napataas naman ng magkabilang kamay si Melon para sumuko. "Chill ka lang, babes! Hindi ako lalaban!"

"Psh!" Inilipat ni Arjo ang tingin sa kinakain niya at tinusok-tusok ng tinidor ang mga strand ng pasta.

Napangiti na lang si Melon at ibinalik ang nakatuping mga braso sa mesa. "Natatandaan mo naman ako, di ba?"

"Ikaw yung may pangalang Melon," masungit na sagot ni Arjo habang tutok sa pagkain niya.

Yumuko naman nang bahagya si Melon para tingnan ang mukha ni Arjo na nagmamataray. "Bakit ka lumipat dito?"

Napahinto si Arjo sa pagkain at napatingin sa kaharap. "Wala ka nang pakialam. Registrar ka ba?" sagot niya sabay tusok na naman doon sa kinakain.

Tiningnan naman ni Melon ang carbonara ni Arjo. Mukha nang nilamutak na suka ng pusa. Napalunok na lang siya dahil hindi niya alam kung balak pa bang kainin iyon ni Arjo. Ngiwing-ngiwi siya habang palipat-lipat ang tingin niya sa plato at sa mukha ng dalagang kaharap.

"Anyway," panimula ni Melon at sinuklay niya ang buhok palikod.

"Hi, Mel!" bati ng isang babaeng estudyante na kadaraan lang.

"Hi, babes!" bati naman ni Melon doon sa bumati sa kanya. Kinindatan niya ang babae with matching kaway pa.

Napatingin tuloy si Arjo sa binata sabay ngiwi.

"Sino kaya 'yon?" tanong ni Melon kay Arjo. "Kilala mo ba 'yon?"

Napanganga si Arjo. Mababasa sa mukha niya ang pagkagulat at hindi pagkapaniwala.

"Anyway, maiba uli tayo . . ." dugtong ni Melon. "Kani—"

"Hello, Melon!" sabay-sabay na bati ng isang grupo ng mga babaeng dumaan.

"Uy! Hello girls! Ang ganda n'yo ngayon a!" masayang bati ni Melon sabay flying kiss doon sa grupo.

Kanya-kanyang tawa naman yung mga babae sa kanya habang papalayo.

Lalong napanganga si Arjo.

"Grabe," napailing na lang si Melon, "parang ngayon ko lang nakita yung mga 'yon dito a," sabi niya habang nililingon yung mga bumati sa kanya.

Ibinalik niya ang atensiyon kay Arjo na iba na ang tingin sa kanya

"Anyway, maiba tayo . . ."

"Cut that," putol na ni Arjo. "Sasapakin ko na ang susunod na babati sa 'yo."

Tumaas ang kilay ni Melon habang nakangiti. "Ang selosa mo naman, hindi pa nga kita sinasagot."

Isang what-the-hell face ang binigay ni Arjo kay Melon. "Iba rin! Siguro kung iuuntog ko 'yang pagmumukha mo sa pader, malamang wasak yung pader. Kapal ng mukha mo e."

"Hahaha! My gosh." Natawa na lang si Melon sa hirit ni Arjo. "Grabe ka naman."

"Psh." Sinimangutan lang ni Arjo si Melon. "Bakit mo ba 'ko kinakausap, ha? Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?"

"Uhm, teka . . ." Inisip pa ni Melon ang sagot sa tanong na iyon. "Bago ka kasi rito, so I'm just entertaining you."

Tinantanan na naman ni Arjo ang kinakain niya sabay halukipkip. "Bago? E bakit paglabas ko ng bahay namin, mukha mo agad ang bumungad sa 'kin?" sarcastic niyang tanong. "Ano 'yon? Hanggang sa bahay, ine-entertain mo 'ko?"

Napangiti dahil doon si Melon. "Babes, kaharap lang ng bahay namin ang bahay n'yo."

"Stop calling me babes, kadiri ka!" inis na sinabi ni Arjo sabay duro ng tinidor kay Melon. "Isang babes mo pa, isasaksak ko talaga 'to sa lalamunan mo."

"Hwoy!" Napaatras tuloy si Melon dahil muntik na siyang abutan ng tinidor sa mukha. "Ikaw, masyado kang brutal! Gusto mong kasuhan kita ng cruelty?"

"Animal cruelty for hurting you? Why not?"

"Ay, grabe ka talaga," kunwaring hindi naman makapaniwala si Melon sa narinig at napasapo pa siya ng dibdib dahil sa kunwaring sama ng loob. "Ang bad mo naman sa 'kin, babes." Yumuko siya sa mesa para kunwaring iiyak. "Hu-hu-hu, sad na 'ko."

"Psh!" Isang malupit na eyeroll na lang si Arjo dahil ang sarap gulpihin ng kaharap niya. "Bahala ka sa buhay mo." Tinaboy pa niya ito ng kamay. "Umalis ka na nga rito, nakakairita ka sa balat."

Pag-angat niya ng tingin, nakita niya ang isang lalaking nakaitim na naglalakad papalapit sa mesa nila.

"Oh shit." Mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya at tumakbo patungo sa direksiyon palabas.

"Huy, Malavega!" sigaw ni Melon pero hindi na niya ito pinansin pa.



****



Samantala . . .


Nakatulog na si Zone habang nasa biyahe sila pauwi. Inabot na sila ng tanghali sa labas. At dahil hindi pumasok si Josef sa trabaho, siya na ang totokang magluto ng tanghalian nila.

"Kailan mo i-e-enroll sa HMU si Zone?" tanong ni Josef.

"Bukas siguro, maggo-grocery ka, di ba? Samahan muna 'ko tapos sabay na tayong mamili," sagot ni Armida. "Ipapabantay ko na lang si Zone kina Arjo."

Tumango na lang si Josef at hininto ang kotse sa garahe ng bahay nila. Iyon ang kagandahan sa Grei Vale dahil hindi na nila kailangan pa ng gate sa bawat bahay.

Nauna na ng lumabas si Josef at umikot sa kabilang pinto. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse sa passenger seat at kinuha ang natutulog na anak sa kandungan ng asawa.

"Dae Hyun, tara kay Papa." Binuhat niya ang anak at kinarga. Pinalibot naman nito ang mga braso sa may batok niya at ipinatong ang pisngi sa kanang balikat niya.

"Hindi mo pa rin papatulan yung program?" tanong ni Josef kay Armida na sinasara na ang pinto ng kotse.

"Kung i-a-accelerate siya ng second grade, bakit hindi?" sagot ni Armida. Sinabayan na siya ni Josef papasok sa bahay nila.

"Kung i-homeschool kaya natin si Zone?" tanong ni Josef.

Binuksan na ni Armida ang pinto ng bahay at pinauna nang papasukin ang asawa niyang buhat ang anak. "At sino ang pagtuturuin mo sa anak mo, aber? E mas matalino pa 'yan doon sa nakaraang teacher niya."

Napangiwi si Josef dahil sa sinabi ng asawa.

"'Wag mo na lang kayang pag-aralin 'tong anak mo?" sabi ni Josef habang nakatingin sa itaas at nag-iisip.

"E kung bugbugin kaya kita, gusto mo?" sarcastic na tanong ni Armida.

"Kaya nga ibigay na natin kay Laby."

"Isang Laby mo pa, Josef, palalayasin talaga kita rito sa bahay," banta ni Armida. Naiinis nitong itinuro ang itaas para dalhin doon sa kuwarto ang anak.

Nagbuntonghininga si Josef at napailing. Dumiretso nga siya sa kuwarto ni Zone at inilapag sa kama ang natutulog na bata saka kinumutan. Hinalikan niya ito sa noo at saka hinawi ang buhok.

Tumayo na siya at binuksan ang air-con ng kuwarto.

"Sa tingin mo, ayos lang kaya si Max doon sa HMU?" tanong ni Armida.

"Kung nag-aalala ka, sana hindi mo na lang pinayagan," sabi ni Josef.

Sabay na silang lumabas na mag-asawa sa kuwarto ni Zone.

"Saka matanda na yung anak mo," dagdag ni Josef. "Alam na niya ang ginagawa niya."

"Pero kasi si Arjo . . ." Natigilan si Armida at napatingin sa pinto ng kuwarto ni Arjo na katabi ng kay Zone sa kaliwang banda.

Hinawakan ni Josef sa magkabilang balikat ang asawa niya at tinitigan ito nang matiim. "Gusto lang bantayan ni Max si Arjo. Hayaan mo na siya."

Nagbuntonghininga si Josef at napansin na naman niya ang estado ng katawan ng asawa. "Lalo kang pumuputla." Hinawakan niya ang pisngi ni Armida at inangat ang mukha nito para ipaharap sa kanya. "Sigurado ka bang kaya mo pa? Baka puwede nating kausapin si Arjo—"

"Hindi." Tinabig niya agadang kamay ni Josef na nasa mukha niya. "Hayaan mo na si Arjo. Wala kangsasabihin, wala siyang dapat malaman."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top