46: The Sisters
"Baby, let's cruise away from here . . ."
Ang ganda ng ngiti niya sa lahat habang nakapamulsa. Kung makakilos siya, animo'y walang nakamasid sa kanila na anumang oras ay puwedeng magpakawala ng balang handa nang bumaon sa mga katawan nila.
"Don't be confuse the way is clear . . ."
"Stop singing, Sam," inis na sinabi ni Laby sa kanya
"Why?" sabi niya habang nakangisi. "Wala namang nakalagay sa Credo na masamang kumanta." Napa-ikot ng mata si Laby dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad papasok sa loob ng Grei Vale.
"Oooh . . . Theee Grei Vale." Ngumisi siya at pumunta sa harapan ni Laby. Paatras siyang naglakad habang nakatingin nang diretso sa babae. "You're hiding here?"
"There's no safer place than here," sagot ni Laby.
Kinagat na lang niya ang ibabang labi at saka tumango. "Safer, huh . . ."
Nagtuloy-tuloy sila sa paglakad. Lumingon-lingon pa si Sam sa paligid para pagmasdan ang village na napasukan nila.
Unang bumungad sa kanila ang daan patungong entrance papunta sa pinakamalapit na mall. Halatang pinagkagastusan ang lugar. Brickroad ang daan, Bermuda ang grassland part. Wala siyang makitang mataas na building sa lugar maliban sa mall at sa HMU sa dulo. Pare-parehas ang itsura ng bahay. Puro up and down, townhouse, at bungalow. Kanya-kanya na lang disenyo ang mga may-ari ng mga bahay.
Tahimik ang lugar sa mga sandaling iyon. Wala halos nakikitang naglalakad sa daan.
"Hindi ko pa nakikita nang personal yung mag-asawa," kuwento ni Sam habang nagtitingin-tingin sa mga bahay. "Na-cu-curious tuloy ako kung ano ba talagang klase ng tao sila."
"Um-attend ka kasi ng meeting para di ka nagtataka," sarcastic na sagot ni Laby. Ilang minutong paglalakad pa ay nakita na nila ang HMU. Wala pa naman siyang pasok sa araw na iyon. Akala niya, makakapagpahinga siya.
Eksaktong natapat sila sa isang crossing na malapit sa HMU. Pangalawang bahay roon ay ang bahay ng mga Malavega, katapat ang bahay ni Melon. Pinigilan ni Laby ang sariling huwag tumingin sa parehong bahay para lang hindi mag-usisa si Sam na alam pala niya kung sino-sino ang mga nakatira doon.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kasabay si Sam na parang batang nagmamasid-masid sa paligid. Nadako tuloy ang tingin niya sa kaliliko lang na dalawang babae sa crossing at kasabay na nila sa kanang bahagi ng kalsada.
"I really don't get why we need to walk. Super init!" reklamo ng babaeng nagpapagpag ng suot na white suit. Maalinsangan sa paligid, lalo pa't tirik ang araw. Pagtatawanan sana niya ang reklamo nito kung hindi lang niya nakita ang kasama nitong nakaitim na bestidang hanggang talampakan ang haba. Hindi lang iyon, long-sleeved pa ang bestida na parang lamig na lamig sa klima.
"Ikaw ang may gusto nito, Ate. Huwag kang magreklamo sa akin."
"Sino'ng una nating pupuntahan?"
"Kung sino ang unang makikita."
Ang bilis ng lakad ng mga ito. Hindi mukhang nagmamadali, halatang mga fastwalker lang.
"Ang wiwirdo pala ng mga tao rito," bati ni Sam nang makita rin ang dalawang babaeng iyon.
Nagpatuloy sa pagpasok ang dalawang babae sa HMU. Nakasunod lang ang tingin ni Laby sa kanila. Tumungo lang naman ang mga ito sa building sa kanang panig kung nasaan ang admin office ng basic department. Wala naman siyang pakay sa basic department kundi sa tertiary kaya lumiko siya sa kaliwa kasabay si Sam.
"Hindi ba tayo pupunta sa bahay ng Fuhrer?" tanong ni Sam dahil school ang pinasukan nila.
"Ang sabi ni Josef, nandito sila ni Armida. Dito ko sila kakausapin," sagot ni Laby at nilakad na ang hallway ng College of Arts and Science building. "Sana lang talaga nandito ang prototype."
Samantala . . .
"Jin, ang usapan, si Josef ang kakausapin natin, right?" sabi ni Erah habang nilalakad nila ang likurang bahagi ng building na pinasukan. Madilim na kasi sa lugar na iyon. Kung may liwanag man, doon pa sa dulong pinto na naka-lock.
"Ate, tinatawag tayo ng anak ni Milady," sagot ni Jin.
"Wala akong pakialam sa anak ni Milady. Si Josef ang gusto kong makausap," pamimilit ni Erah.
Napahinto sa paglakad si Jin at tinitigang maigi ang mukha ng kapatid kahit hindi gaanong maliwanag sa puwesto nila. "Ate, kaya mo bang hindi maging makasarili kahit ngayong araw lang?"
"Jin," pagpilit pa rin ni Erah, "yung anak ni Milady, nakakulong dahil kailangan niyang ikulong. We both know that kid is dangerous. Bakit mo tutulungan?"
"Masusunod po, Lord Ricardo."
"Thank you, Heidi."
Magkasabay na napalingon sa kanan ang magkapatid at nakita ang lalaking lumabas sa isang pinto roon.
"Waaaaaah!" Binalot ng alingawngaw ng tili ni Erah ang pasilyong iyon at tinakbo agad ang lalaking kalalabas lang sa kuwarto roon. "JOSEF!" Bigla niya itong tinalon at niyakap ang braso palibot sa batok nito. "I miss you!"
Halos itulak siya ni Josef para makalayo mula sa pagkakayakap niya. "Miss, excuse me!" inis na sinabi nito. "Sino ka?"
Tinapik-takip ni Erah ang dibdib habang malapad na nakangisi. "Ako 'to, si Erah!"
"HA?!" Napaatras nang dalawang hakbang si Josef at inaninag si Erah sa madilim na pasilyong iyon, kasunod ay si Jin na ilang dipa ang layo sa kanila.
"Ako si Jin. Maaari ka ba naming makausap, Josef?"
TIKOM NA TIKOM ang bibig ni Josef habang nakatingin sa dalawang babae sa harapan niya. Para siyang nakatingin sa dalawang multo kung titigan ang mga ito. Nagpumilit kasi si Erah na kakain daw muna siya kaya pumunta sila sa mess hall at nakisiksik sa mga estudyanteng kumakain doon dahil eksaktong lunch time din.
Huling silip niya sa phone, may kinakausap daw na janitor ang asawa niya. Hindi naman niya alam kung anong kinalaman ng janitor sa issue ni Arjo at sa mansyon pero hindi na siya nag-usisa. Naging dahilan pa iyon para hindi makita ng asawa niya ang dalawang kaharap ngayon.
Si Erah daw ang babaeng nakaputi at kaharap niya. Ang alam niya, napakasamang babae ni Erah gaya ng ugali ng alter ng asawa niya. Pero kung tingnan niya ito, parang si Jocas ang nakikita niya. Kahit ang katakawan nito. Kaka-order lang nito ng spaghetti saka chocolate waffle, hindi pa nga iyon ubos, inutusan pa siya nitong bumili ng strawberry bingsu. Tinanong niya si Jin kung ito rin ba, mag-uutos ng pagkain. Sabi lang nito, tubig lang na maligamgam, okay na.
"Hindi ba siya delikado?" tanong ni Josef kay Jin habang pasulyap-sulyap kay Erah na sinisimot ang waffle nito.
"Hindi siya gaya ng iniisip mo," malamig na tugon ni Jin.
Napalunok si Josef. Kung intimidating na ang aura ni Jin bilang alter, mas intimidating pala ito sa personal. Marahil ay hindi nito kamukha ang asawa niya. Sobrang layo kung tutuusin. Parang walang tinutungo ang tingin nito. At kung magsalubong ang tingin nila, para siyang hinuhusgahan hanggang sa pinakamaliit na hibla ng kaluluwa at pagkatao niya.
"Akala ko, patay na kayo," seryosong sinabi ni Josef kay Jin, binalewala si Erah na panay lang ang kain.
"Sana nga patay na kami," sagot na lang ni Jin.
"Paano kayo nabuhay?" tanong ni Josef noon pang sinabi ni Max na nakita niya ang dalawa.
"Buhay kaming lahat, gaya ng kung paano ka buhay ngayon," paliwanag ni Jin. "Alam kong alam mo na dapat matagal na tayong patay dahil nandoon ka nang i-dispose tayo ng Four Pillars. Hindi lang ito tungkol sa asawa mo. Tungkol ito sa atin."
Biglang iwas ng tingin ni Josef kay Jin at bumuga ng hininga. Maliban sa alam niya kung ano ang tinutukoy nito, ayaw na lang niyang isingit ang sarili sa katotohanang nakatago sa Project RYJO.
"Hindi naman kayo nandito para sabihin sa asawa ko ang totoo kung bakit kayo buhay, di ba?" nag-aalala niyang tanong.
Umiling si Jin. "Nandito kami para balaan ka."
Napahugot ng hininga si Josef dahil sa sinabi ni Jin. Wala pa man ang detalye, kinikilabutan na siya. Doon pa lang sa pagsabi nito, parang kamatayan na ang kasunod ng bawat babala.
"Uhm!" Nakisingit agad si Erah sa usapan habang may subo-subo pang kutsara. "Ganito, Josef, you need to prepare for Jocas."
"Jocas?"
Ang bilis ng tango ni Erah at sumubo na naman ng bingsu. "I don't know, ha. Pero kinausap yata siya ni Milady."
"Alam ni Armida na buhay rin siya gaya n'yo?"
"NOT THAT!" tili agad ni Erah na nakakuha ng atensiyon maging ng mga kahilera nilang mesa.
"Will you please tone down your voice?" iritang utos ni Josef. "I don't get all this, okay?" Umakto siya na parang may hinihiwa sa mesa gamit ang gilid ng palad. "You're warning me about Jocas. Buhay kayong pareho. Ibig sabihin, buhay rin si Jocas at nakakausap siya ng asawa ko."
"Mali ka ng intindi," kontra agad ni Jin. "May bahagi ang utak namin na binuksan ng gamot galing sa Project RYJO. Tinatawag namin 'yong Terminal. Doon kami nakakausap ng asawa mo."
Napasandal sa kinauupuan si Josef at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa magkapatid. Sinusubukan niyang intindihin ang mga sinasabi nito.
Nabanggit na iyon noon ni Laby. Isa sa paraan kung paanong nakokontrol ni Edreana ang utak nina Armida at Zone. Hindi nga lang niya alam kung ano ang tawag doon at kung paano iyon nangyayari. Ang alam lang niya, may connection at control.
"Terminal," pag-ulit niya sa sinabi ni Jin. "Doon n'yo nakakausap ang asawa ko."
"Exactly!" masayang sinabi ni Erah. "Kapag wala siya sa katawan niya, nandoon siya kasama kami."
"Pero . . ." Lalong nagtaka si Josef. "Ang akala ko, alters lang kayo. I mean, you're just a made-up persona. Kasi kung buhay kayo, dapat hindi kayo alters."
"Psychologically, that's the initial diagnosis. Until you realized that once WE are in her body, we have her memory, we have her control, we have her knowledge," dagdag ni Erah at inubos na ang kinakain niya. "Sa mga alter ng asawa mo, ako ang may hawak ng so-called persona ni Jocas."
"Hypothetically, para kaming mga multong sumasanib sa kanya. We take control inside her mind kasi bukas sa amin ang utak niya para kontrolin."
Bahagyang napaatras si Josef at akma sanang tatango pero nahinto sa pagtaas ang mukha habang tinatantiya ng tingin si Erah.
"Oh. So . . . kaya pala."
Nagpaikot lang ng mata si Erah habang tumatango sa kung ano man ang 'kaya pala' na sinabi ni Josef. "She's a total failed project. Blame the scientists. Tanga sila magtrabaho."
"Kaya ka namin gustong balaan kay Jocas," pagpapatuloy ni Jin. "Kung alam mo ang ugali ng tinatawag mong Erah na nasa katawan ng asawa mo, dapat alam mo na kung anong kabaliwan ang kaya niyang gawin."
Napaisip nang malalim si Josef at napaurong sa mesa habang nakasalikop ang magkabilang kamay. "Ano'ng plano ni Jocas?"
"Maling proseso ang ginawa ng kung sinong doktor sa katawan ng asawa mo," paliwanag ni Jin. "Kaya kami nakalabas."
"Yes, kaya kami nakalabas," pagsang-ayon ni Erah habang tumatango.
"Alam na niya ngayon kung saan kayo hahanapin."
"Yes, alam na niya kung saan kayo hahanapin," pag-uulit ni Erah.
"Sooner or later, pupunta na siya rito."
"Yes, pupunta na siya rito."
"Ate."
"Yes?" sagot agad ni Erah nang lingunin ang kapatid.
"Shut up."
"Jin!" reklamo agad ni Erah. "I'm just agreeing with you!"
Napabuntonghininga si Josef habang pinanonood na magtalo ang magkapatid. Dati, akala niya, nakaka-stress na ang pagpapalit-palit ng alter ng asawa niya. Mas nakaka-stress palang kausap ang mga ito kapag nasa magkaibang katawan na. Mas malala sa inaasahan niya.
Kitang-kita niya na stressed na rin si Jin sa kakulitan ni Erah. Gusto na tuloy niyang damayan ito at sabihing alam na alam niya ang pakiramdam dahil sobrang kulit ng Jocas alter na kilala niya.
"Okay, fine, I'll shut up," pagsuko ni Erah. "Pero Jocas is really dangerous talaga, Josef. You better be careful, kayo ni Milady."
"I'll be," simpleng sagot ni Josef at matipid na tumango.
"She's after Edreana," pagpapatuloy ni Erah kahit nagsabi nang tatahimik na raw siya. "Gagamitin niya yung bata para sa plano niya."
Doon nakuha ni Erah ang atensiyon ni Josef. "Si Ana?"
"Yes. Kaya kasing kontrolin ni Ana ang isipan ng asawa mo. Jocas is a psychopath. Hindi namin alam kung ano ba'ng mga binabalak niya?"
Nakisabat na rin si Jin. "Tell us, Josef. Hawak mo si Ana, hindi ba?"
Hindi agad nakasagot si Josef sa tanong na iyon. Pakiramdam niya, walang lugar ang pagsisinungaling sa magkapatid, lalo na kay Jin. Tipong kahit na sabihin niyang hindi niya alam, may paraan ito para malamang nagsisinungaling siya.
"Yes, you have her," nang-aasar na sabat ni Erah habang nakangisi. Tinuro niya ng kanang hintuturo si Josef na parang binubuyo pa ito. "Josef, we have ways to see her. No need to lie."
"Magpapakita ba kayo kay Armida?" dismayadong tanong ni Josef, mailayo lang ang usapan tungkol kay Ana.
"Alam niyang babalik kami," sagot agad ni Jin. "Nag-usap na kami tungkol dito. Gusto ka lang talagang makita ng kapatid ko."
"JIN!" tili agad ni Erah na biglang namula. "Uy, Josef, wait, let me explain!"
"No, it's fine," sagot agad ni Josef. Mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang nalaman tungkol kay Jocas at sa pakay nito. "Ganito na lang . . . pwede ba 'kong makahingi ng pabor?"
"Sure! What is it?"
"Kaya n'yong lumaban?"
"Uhm! Uhm! I'm a gun expert!" masayang sinabi ni Erah habang taas-taas ang kanang kamay.
"Joc—I mean, Erah . . ." Si Josef na ang nagbaba ng kamay niya dahil nagtinginan sa kanila ang mga estudyanteng nasa kabilang mesa. "Can you . . . ?"
Malapad ang ngiti ni Erah nang tumango lang at sinubukang i-contain ang sarili sa upuan.
"What do you mean by lumaban?" tanong ni Jin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top