44: Plans
Dismayadong-dismayado si Armida sa panganay dahil sa ginawa nito. Nakatulog na gawa ng pagod at pag-iyak si Arjo. Nasa sala si Max, kausap ang mama niya. Alas-kuwatro na, hindi pa nila nakakausap si Josef para sa opinyon nito.
"Ano'ng nangyari, bakit nasugatan ang kapatid mo?" pag-iimbestiga ni Armida habang naka-dekuwatro ang mga binti at nakakrus ang mga braso. Nakatitig sa anak niyang nakasalikop lang ang magkabilang kamay habang bahagyang nakayukod sa inuupuan.
"I confronted Marlon Levarez," pag-amin ni Max. "Pinipilit niyang sabihin ko kay Arjo ang totoo. And he even said we need to go somewhere safe. Umawat si Arjo. I didn't mean to push her, but I did."
Napahugot ng hininga si Armida at napatango. Parang naiintindihan na agad nito ang lahat kahit iyon lang ang binanggit ni Max sa kanya. "Si Cassandra, tinawagan ka na?"
Biglang kunot ng noo ni Max. Bakit naman ako tatawagan ni Lola?"
Napatingin sa center table si Armida. Mukhang hindi pa nga sila tinatawagan ni Cas. Ilang araw na lang at magsisimula na ang initial screening para sa paparating na Annual Elimination. Pero hindi lang iyon, tatlong araw na lang ang natitira para sa isang mahalagang okasyon.
"Ma?" pagtawag ni Max na nagsisimula na namang maghinala.
"Nothing," kaswal na sagot ni Armida. "Just thinking about your birthday three days from now, Soldier."
"You sure?" tanong pa ni Max dahil talagang nakapagdududa ang mama niya.
"Max, 21st birthday mo na sa Thursday. Magiging legal ka na-"
"Ah," putol agad ni Max sa ina. "I get it, Ma. 21 na 'ko sa Thursday. Valid na to accept the throne legally. Si Cas ang magde-declare ng position ko sa Citadel once I agreed. And after that, isasalang kayo ni Papa sa castigation for punishment sa pagtatago sa mga project ng Citadel a.k.a. mga kapatid ko."
Napasimangot agad si Armida dahil maliban sa pinutol na siya ng anak sa pagsasalita, mabilis din nitong nakuha ang napakalabong bagay na gusto niyang puntuhin. Naiinis na rin siya kapag kinakausap ito nang masinsinan, kaya palagi niyang nababato. Gusto palagi nitong pinatatahimik ang kausap. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay yung inuunahan siya sa isang bagay na gusto pa lang niyang ipaliwanag.
"Max, trust me, before you, ang dami nang nagtangkang sirain ang sistema ng Citadel," paliwanag agad niya. "Even me, even your father. Or even your father's father."
"Papa ni Papa? Why? Blinded by idolatry ba ang iyo, Ma?"
"Max, this is not our choice," pagpilit ni Armida.
"Yes, not your choice. Not even Papa. That hell is controlling us, Ma, and you know that better! Even my own name, hindi mo nga rin desisyon, di ba? What more pati desisyon sa buhay ko?"
"Maximilian, understand the whole situation!" mariin nang utos ni Armida at nagtaas na ng boses. "Hindi lang 'to tungkol sa 'yo. Tungkol 'to sa buong pamilya natin."
"Yes, Ma! Yung pamilya natin ang tungkol dito dahil buong pamilya natin ang kinokontrol nila!" galit na katwiran ni Max. "They even called Arjo and Zone, projects! Bakit kayo parurusahan? Dahil tinuring n'yong tao yung patapong bagay lang para sa kanila? That's utter nonsense!"
"Enough!" sigaw rin ni Armida.
Kinuyom nang mahigpit ni Max ang mga kamay habang pinipigil ang sariling huwag nang makipagsigawan sa ina. Sinasabi nitong unawain niya ang sitwasyon, pero paano niya iyon gagawin kung hindi niya alam kung anong sitwasyon na ba ang nangyayari sa kanila.
May nangyayari kay Arjo at sa katawan nito. At wala siyang ibang paliwanag doon maliban sa eksperimento ito ng Citadel. Ganoon din si Zone. Pero paano niya ipaliliwanag na ganoon din ang mama niya? Napapatanong siya kung isa rin bang project gaya ng sinasabi nila ang sariling ina gaya ng mga kapatid dahil sa nangyayari dito.
Ang masakit lang sa panig niya, pinaniwala siya at binuhay siya sa isang normal na pagtrato sa mga kapatid niya kahit na hindi ito mga normal kung tutuusin.
Paano niya poprotektahan ang mga ito kung ang tanging alam lang niya ay kailangan lang itong protektahan?
Napupuno siya ng bakit at paano. At hindi rin sumasagot sa kanya ang mama at papa niya.
"Ma, tell me, kukunin ba nila sina Arjo at Zone?" iyon na lang ang naitanong ni Max sa ina.
Hindi nakaimik si Armida. Tiningnan lang niya ang anak na parang naaawa siya rito.
"So it's a yes. They're gonna take them soon." Napatango-tango na lang si Max at sobrang nadismaya sa nalaman. "This is disappointing, Ma. I'm disappointed in you." Tumayo na si Max sa kinauupuan at akmang aakyat na ulit.
"Max, I prepared you since you were a kid for this moment," ani Armida na diretso lang ang tingin sa harapan. "This is your destiny."
"Ma, hindi ang lugar na 'yon ang gagawa ng kapalaran ko. At hindi ako papayag na kunin ng Citadel ang mga kapatid ko pati kayo ni Papa."
****
Alas-onse y medya ng gabi. Nakaupo si Laby sa isang upuan sa maliit niyang mesa. Nakatulala lang siya habang hawak ang isang can ng beer. Pinakikiramdam ang bisita niya sa gabing iyon.
"Alam ni King na nandito ka?" tanong ni Laby sa lalaking nakabalagbag ng higa sa kama niya.
"Kung maingay ang Decurion niya, malamang na alam na niya ngayon." Bumangon ito at kinuha ang ang beer sa nightstand. Uminom siya nang kaunti at nilibot ng tingin ang buong kuwarto ni Laby na madilim na sa mga sandaling iyon dahil masyadong dim ang ilaw sa lamp shade na tanging nakabukas bilang liwanag. "Wala rin namang mangyayari kung malalaman niyang nandito ako."
"Ano ba talagang pakay mo rito?" Tiningnan ni Laby ang kausap na papalapit sa kanya. "Yung prototype? Yung bioweapon? Yung regenerator?"
Isang mapang-asar na ngisi ang ibinigay nito sa kanya. "Depende sa sitwasyon." Inilapag niya sa mesa ang beer at umupo sa isang upuang nandoon saka nangalumbaba. "I'm here because of what happened. Ipapaalala ko lang sa 'yo, hindi ka bakal. Mas mahalaga pa ba ang chamber na 'yon kaysa sa sarili mo?"
Sinalubong ni Laby ang tingin ng lalaking iyon. Mas lalong nagiging mapanganib sa paningin ang mga mata nitong para bang napakalalim kung titingnan. Animo'y apoy ang maliit na liwanag sa balintataw nito ang ilaw ng lampshade. Bumaba ang tingin niya sa ngiti nito. Nagkaroon ng malalim na guhit ang pisngi nito, katabi ng dulo ng manipis na labi. Nagpakita ang ngipin nitong masyadong malaki ang unang apat sa harapan at may mahabang pangil sa kanan na hindi naman pumantay sa haba ng kaliwa.
"Buhay ko ang chamber na 'yon," paliwanag ni Laby. "'Wag ka na lang magsalita dahil wala kang alam."
"Talagang kakalabanin mo si Keros pagdating dito? Hahaha!" Natawa na lang siya at ininuman uli ang beer. "By the way, missing pa rin ang prototype. I heard, nagpadala ng breacher si Keros para sa PZ02. Did you know that?"
Kumunot ang noo ni Laby at napaayos ng upo. "Ano? Kailan?"
Nagkibit-balikat ang lalaki dahil malay niya naman talaga. "King is after PZ02. Keros is after the prototype. Of course, Keros will do anything to cut the connection of the prototype from it's other body."
Napatayo agad si Laby at kinuha sa nightstand ang phone niya. "Haay! Uhmp!" Isang malakas na sipa ang ibinigay niya sa lalaki. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin!"
"Aray!" Hinimas nito ang hita na sinipa ng babae. "Pasalamat ka nga, sinabi ko pa!"
"Tss!" D-in-ial agad ni Laby ang number ni Melon "Come on . . . Answer it . . ." Kagat-kagat niya ang daliri habang alalang naghihintay na sagutin ni Melon ang phone. "Marlon's supposed to monitor the situation about the PZ02!"
"Hahaha!" Lalo lang natawa ang lalaki habang pinanonood si Laby na mag-panic "There's no point on panicking, dear," aniya sabay ngisi.
"Shut up, Sam! You're not helping!" Inilayo niya ang phone sa tainga at d-in-ial uli ang number ni Melon.
Napailing na lang si Sam habang nakangiti kay Laby. "If I were you, hindi na 'ko magpa-panic, it's a waste of time." Iinom na sana siya pero nagdagdag pa ng sasabihin. "Oh! And energy, too." Tumango siya at nagtuloy na sa pag-inom.
"Mel! May alam ka ba doon sa plano ni Keros?" galit na sigaw ni Laby nang sagutin ni Melon ang tawag.
"Tapos na 'yon. Naayos na."
"Ano yung ginamit na breacher?"
"Radioactive yung device. Hindi ko muna pinagalaw sa Vale. masyadong delikado. Pina-forward ko kay Rivo para dalhin sa lab."
"May update doon?"
"Surprisingly, na-trace ng breacher ang location ng prototype."
Napahugot ng hininga si Laby at napaayos ng tayo. "Where's the Zone prototype?"
"Nasa HMU."
"Ha?" gulat na tugon ni Laby. "H-How come?"
"We don't know. Walang definite location kung saan mismo sa HMU, pero naka-flag ang prototype sa HMU mismo."
"Alam ba 'to ni Armida Zordick?"
"I bet no. Whatever that means, mukhang nahirapan din ang Fuhrer i-dispose ang experiment mo."
Nakagat ni Lab ang kuko ng hintuturo habang iniisip kung saang banda ng HMU maitatago ni Josef ang Zone prototype. Sang-ayon siyang hindi nito basta-basta mapapatay ang prototype dahil nakapangalan ito bilang si Edreana Zordick. Malamang na kapag pinatay niya ito, malaking problema ang mangyayari sa pagitan nila ng asawang si Armida.
"Anyway," pagpapatuloy ni Melon, "sabi ng Decurion ko, nandito raw yung psycho lover mo."
"Tss." Tiningnan ni Laby nang masama si Sam na nakangiti sa kanya. "Sana hindi mo na pinaalala."
"Nagkita na kayo?"
Napaikot agad ng mata si Laby dahil sa tanong na iyon. "Sana nga hindi."
At kahit hindi niya nakikita si Melon, na-vi-visualize niya ang pag-facepalm nito. Narinig niya ang pagbuntonghininga mula sa kabilang linya.
"Mas kampante pa 'ko kung si Ran ang nandiyan," sabi sa kabilang linya.
"Huwag mo nang hanapin ang wala."
"Kapag may ginawa 'yang masama rito, pasensyahan kami dahil ako mismo ang papatay sa kanya."
Humugot ng malalim na hininga si Laby at tiningnan nang masama ang kasamang lalaki.
"Kung sakaling mangyari 'yon, uunahan na kita." At ibinaba na niya ang tawag.
"Let me guess . . ." Tumayo na si Sam at humarap kay Laby. Itinapat niya ang mukha sa mukha ng babae at saka ngumiti nang matamis. "Is there a death threat for me again?"
"You're full of death threats. May bago ba?" poker-faced na sinabi ni Laby.
"Hahaha!" Umalingawngaw na naman ang tawa ni Sam sa maliit na apartment na iyon. Nakangisi nga siya ngunit hindi naman siya nakatingin kay Laby kundi sa labas ng bintana sa likod nito. "You should change your location. Oras na lumabas ako rito, pasasabugin nila ang buong building."
Napapikit-pikit na lang si Laby at napalunok. Alam niyang hindi ito nagbibiro. Pagkatapos ng nangyari noong Biyernes, malamang na mangyari nga ang sinasabi ng lalaki.
"Change your clothes, we have to go." T-in-ap niya ang ulo ni Laby at pinapunta sa maliit na closet nito. Sumilip siya sa bintana at hinanap ang lahat ng sniper na visible sa puwesto niya.
Samantala . . .
"Jin, tingin mo, hahanapin tayo ni Milady?" Tiningnan ni Erah ang kapatid na nakatingala lang sa langit na puno ng nagkikislapang mga bituin. Nakaupo lang sila sa isang weaved hammock na may malambot na cushion sa garden ng sariling bahay sa norte.
"Kung hahanapin niya tayo, malamang na dahil iyon sa nawawalang anak niya," sagot ni Jin na animo'y nasa langit ang kausap.
"Si Jocas, malamang na hahanapin sila. Nalaman na niya kung nasaan ang pamilya ni Milady."
"Alam mo," ani Erah at pumaling ng upo pakanan para harapin ang kapatid na nakatingala lang, "feeling ko, sasamantalahin ni Jocas ang sitwasyon para gumanti kay Milady. Ang hirap niyang patayin, ha."
"Ate . . ." Doon lang naibaling ni Jin ang atensiyon sa kapatid. "Tandaan mong alaala nga ni Jocas ang hawak mo kapag nasa katawan ni Milady ang isip mo. Pero hindi ibig sabihin n'on, hindi alam ni Jocas ang nalalaman mo."
"Alam mo, may naisip ako," ani Erah at napanguso pakanan habang nag-iisip, "puntahan kaya natin si Josef? Bigyan lang natin ng warning about Jocas."
"Ate . . ."
"Sige na, sige naaaa!" pagpilit ni Erah. "Samahan mo lang ako! Tapos sasabihin ko sa kanyang si Jocas talaga yung kontrabida rito."
Bahagyang ngumiwi si Jin sa kapatid na namimilit na naman. "Noong una, sinabi mong sundan si Max. Ngayon naman, si Josef. Sabihin mo lang kung gusto mo silang makita sa personal, huwag mo nang idamay ang pangalan ni Jocas."
Biglang lapad ng ngisi ni Erah dahil mukhang nakuha ni Jin ang isa niyang intensiyon.
"Ang alam ni Josef, delikado kang tao."
"Ay, hindi ba?" nakangising pamimilosopo pa ni Erah.
"Alam mo, Ate, kaya nakukulitan sa 'yo si Josef, dahil sa mga ganyan mo."
"Sige, kahit sa warning na lang! Warning-an na lang natin siya!"
Napabuntonghininga na lang si Jin at napailing. "Bahala ka na."
"Waaaah!" Kinampay-kampay agad ni Erah ang braso sa hangin. "We're gonna see Josef tomorrow! Yey!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top