41: Floating Hints
Whooh! Oke, mga beshiewaps, nagpapasalamat po talaga ako sa lahat ng sumusuporta sa akin dito sa Wattpad. May pa-star na sila hahaha (shet, nahihiya ako, kasama ko sa iisang GC yung mga peymus dito sa Wattpad) anyway, just wanna share na sa original version ng SOTM, pa-ending na tayo. Tatlong chapter na lang, tapos na dapat ang story. But since maraming dinagdag sa revised version, aabot tayo ng hanggang walong chapter pa.
Sa mga nagbabasa lang ulit, alam na ninyo ang ending hahaha pero titingnan natin kung paano matatapos ang revised version (gaya ng di yata natin inasahan ang ending ng book 6 haha). Kalalampas pa lang sa kalahati nitong SOTM kaya abangan sina ano sa mga susunod na chapter (spoiler alert)
***
Ayaw ni Armida na may ibang nakakaalam sa kaso ng pamilya niya. Sapat nang dahilan iyon para hindi siya kumuha ng maid at personal na bantayan ang bunso nila sa school at sa bahay. Kung sakali mang kailangang linisan ang bahay nila, kakausap lang siya ng mga maid mula sa Citadel para tunguhin ang bahay nila at maglinis habang walang tao sa bahay nila.
Naroon lang siya sa malapit na waiting shed na katapat ng room ng kindergarten. Nakaupo siya sa isang sementadong upuan at nakapangalumbaba sa sementado ring mesa. Alas-nuwebe ng umaga pero mataas na ang araw at may sapat nang init. Mabuti na lang at nilililiman siya ng puno para hindi mainitan.
Wala siyang magagawa kundi bantayan ito sa araw na iyon dahil nawala ito sa HMU nitong nakaraang linggo. Mas lalo siyang kinakabahan dahil gusto itong makuha ni King dahil lang sa isang maling akala.
"Good morning, Mrs. Zach."
Nalipat ang tingin niya roon sa bumati. Umupo ito sa kaharap niyang upuan at saka siya diretsong tiningnan.
"I'm sorry to disturb you. Nakita lang kita sa kabilang hall, mukhang hindi ka naman busy."
Napaangat ang kanang dulo ng labi ni Armida at nabuo ang matipid na ngisi habang tinitingnan ang nasa harapan niya. "Mr. Professor, libre lang ba ang serbisyo mo para hindi mag-provide ng professional fee at receipt?"
"Mr. Xerces will do, Mrs. Zach," may tipid na sagot ni Mr. Xerces. "Actually, gusto kong personal na ibigay ang professional fee ko kaya nilapitan na kita ngayon."
Tumango naman agad si Armida at nagkrus ng mga braso. "Okay, do you accept cards?"
"Well . . ." Napaurong sa mesa si Mr. Xerces at ipinatong doon ang magkasalikop na mga kamay. "Honestly, I was shocked when you cut your hand and it heals that . . ." Alanganin siyang tumango para kilos na ang dumugtong sa gusto niyang sabihin.
"Oh. Nasorpresa ka ba?" kaswal na sagot ni Armida na parang hindi kagulat-gulat ang sinabi ng doktor sa kanya.
Nagbuka ng bibig si Mr. Xerces at akmang may sasabihin pero walang salitang naibigkas. Napabuga na lang siya ng hininga at matiim na nagsara ng bibig habang nakatitig sa mesa.
"Mas maganda kung nag-print ka na lang ng resibo para hindi ka natatahimik," biro ni Armida at sinilip sa likuran ni Mr. Xerces ang room ng anak niya.
"Mrs. Zach, hindi ko sakop ang physical cases, but I know how complex that field is. May I suggest na magpatingin—"
"Mr. Xerces," putol ni Armida at ibinalik ang tingin sa doktor, "I know that as well, more than I should. Kung ano man ang nalaman at nakita mo, kung iniisip mong inborn 'yon, then it's a no."
Hindi agad nakaimik ang doktor. Tinitigan lang ang mga mata ni Armida. Kakaibang-kakaiba sa tingin ng babaeng nasa clinic ni Rayson noong Sabado. Mas may buhay at nanghahamon. Kung tingnan siya nito, nababasa niya ang pagiging kaswal nito sa kausap. Hindi man malinaw ang mensahe ng tingin pero alam niyang hindi tumatagos sa kaluluwa.
"Puwede kang magpa-consult sa doctors," sabi na lang ng doktor.
Natawang bigla si Armida na may halong pagkainsulto pa. Tumango-tango pa siya na parang malaking joke ang sinabi ni Mr. Xerces.
"Is there anything funny, Mrs. Zach?" asiwang tanong ng doktor.
"Yung pinagmamalaki mong doktor," sagot ni Armida at sumeryoso na, "sila ang gumawa nito sa 'kin. At wala akong utang na paliwanag sa 'yo maliban sa professional fee at bayad sa gamot na binigay mo."
"Are you taking any medicine? Teas? Anti-aging cream?" pagpipilit ni Mr. Xerces sa usapan. "Ang nakalagay sa medical history mo na provided ni Rayson, 46 ka na. But you don't look beyond 30s."
"Uhm, is that a compliment?" nangingiting tanong ni Armida.
"That's a fact. Everyone can attest to that, Mrs. Zach."
Nagusot lang ang dulo ng labi ni Armida at napatango. Mukhang seryoso kausap ang doktor. Hindi rin palabiro.
"Curious ka sa tine-take kong medicine, Mr. Xerces?" mapanghamon niyang tanong sa kausap. "Mukhang malapit naman kayo ni Rayson. Baka lang nabanggit niya sa 'yong madalas naming pag-awayan ang tungkol sa pag-iwas ko sa gamot."
"Ayokong manghusga, Mrs. Zach, pero kung totoo ngang pumapatay ka ng tao gaya ng sinabi mo—"
"'Wag mo na lang akong bigyan ng dahilan para idagdag ka sa mga taong ibinaon ko sa lupa."
Natahimik si Mr. Xerces. Tinitigan lang ang mga seryosong tingin ni Armida. Kahit anong titig niya rito, wala siyang ibang nakikita kundi kompiyansa at pagiging kalmado. Hindi nakakatakot sa pandinig ang salita nito kahit na maaaring totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya.
"I want to help you, Mrs. Zach," iyon na lang ang sinabi ng doktor.
Napangiti naman si Armida dahil sa sinabi ng lalaki. "I own three hospital and have friends with different professionals from different fields of expertise. My father did all his research to keep me sane for the past twenty years. Naging careless lang si Rayson kaya nangyari ang nangyari no'ng Sabado. Kung kailangan ko man ng tulong, malamang na hindi ikaw ang kailangan ko."
"Mama!"
Napahilig sa kaliwa si Armida at lalong lumapad ang ngiti niya nang kawayan ang bunsong anak na tumatakbo papalapit sa kanya.
"Mama, look, I have so many stars!" proud na sinabi ni Zone habang pinakikita ang braso niyang maraming tatak ng stars.
"Good job, pumpkin!" matikas na sinabi ni Armida na parang batang sundalo ang kausap at binuhat ang anak niya saka kinandong.
"Mama, who is he?" tanong ni Zone nang matingnan si Mr. Xerces na nakatingin sa kanya.
"Zone, he's Mr. Doctor. Say hi to Mr. Doctor," utos ni Armida at kinuha ang tumutunog na phone sa shoulder bag na katabi.
"Hi, Mr. Doctor," masayang bati ni Zone nang kumaway kay Mr. Xerces. "I'm Zone."
"Hello, Zone, it's nice to meet you," magalang ngunit seryosong pagbati ni Mr. Xerces.
"What kind of doctor are you, Mr. Doctor?" usisa ni Zone.
Tumipid ang ngiti ni Mr. Xerces sa bata. "I'm a psychiatrist, Zone." Sinulyapan niya si Armida na nakatutok sa phone nito at mukhang may binabasa roon habang abala siya sa pagkausap sa anak nito.
"I want to be a psychiatrist, Mr. Doctor!" magiliw na sinabi ni Zone habang binubukas-sara ang magkabilang kamay.
Ngumiti lang si Mr. Xerces sa sinabi ni Zone. Natutuwa siya dahil bata pa lang, mukhang may pangarap na. Hindi nga lang niya alam kung alam ba nito ang sinasabi nito.
"I want to cure behavioral disorders and mental sickness!"
Biglang nawala ang ngiti ni Mr. Xerces sa sumunod na dinagdag ni Zone. Napalipat ang tingin niya kay Armida na kasasauli lang ng phone sa bag nito. Ni hindi man lang ito nagulat sa isinagot sa kanya ng anak nito.
"Zone, what do you want eat?" tanong ni Armida at tumayo na habang karga ang anak.
"Mama, I want ice cream!"
"We'll eat lunch first, pumpkin. Later na ang ice cream, okay?"
"Okay, Mama," pagtango naman ni Zone.
Doon lang ibinaling ni Armida ang tingin kay Mr. Xerces. "This is my last request to you, Mr. Xerces. If you don't give the receipt of my expenses, hindi na kita babayaran personally. Ipadadagdag ko na lang sa payslip mo sa HMU ang lahat ng kailangan kong bayaran sa 'yo."
"Okay," pagsuko na ng doktor at tumango na lang. "This my card, in case magbago ang isip mo, Mrs. Zach," sabi ni Mr. Xerces at kinuha agad sa bulsa ng trousers niya ang wallet para dumukot doon ng calling card.
Diretso lang ang tingin ni Armida nang abutin ang card na ibinibigay ni Mr. Xerces sa kanya. Tumayo na rin ang doktor sa upuan nito at nag-ayos ng butones ng suit.
"I'm hoping alam mo kung anong ginagawa mo, Mr. Xerces," babala na agad ni Armida. "You're talking to a tamed devil. So don't try to deal with me."
***
Samantala . . .
"Leanna!"
"Mel!"
Malayo pa lang, nagsisigawan na sina Lei at Melon habang kumakaway. Nakaupo kasi malapit sa counter si Melon. Pangalawang mesa lang sa gitna katapat ng bilihan ng pagkain.
Hindi talaga alam ni Arjo kung paano napunta sa loob ng kama ni Max si Zone noong Sabado kaya gusto niyang malaman kung paano iyon nangyayari. Kaya nga pag-upong pag-upo niya sa mahabang upuang kaharap ni Melon, binungaran na agad niya ito ng tanong.
"Oy, Melon, ikaw siguro talaga yung naglagay kay Zone sa kama, 'no?" pangangastigo ni Arjo sa binata.
Biglang subo ni Melon ng nachos na isa sa nakalatag sa mesa bilang pagkain nila. "Babes, wala akong alam sa sinasabi mo. Nilapag ko lang yung kapatid mo sa kung saan."
Napalitan ng nagdududang tingin si Arjo at pinaningkitan ng mata si Melon sabay halukipkip. "Anong nangyari do'n sa mga lalaking nakaitim na pumunta sa bahay?"
Nagkibit-balikat si Melon. "Pinaalis ng Mama saka Papa mo, obvious ba?"
"Sigurado ka?" nanghuhusgang tanong ni Arjo sabay taas pa ng kaliwang kilay.
"Nakita mo pa ba ulit pagbaba mo?"
Napairap naman agad si Arjo. Hindi niya nakita. Piniringan siya ng papa niya at sinabing may sorpresa raw ito sa kanila ni Zone. Siya naman si uto-uto, naniwala naman. Pero binilhan naman siya ng bear ni Josef kaya ayos lang.
"Di ka ba pinagalitan ni Papa?" tanong ni Arjo.
Napangising bigla si Melon. "Yiiee. Bakit, concern ka?"
"Hindi, inaalam ko kung oo. Magpapa-party ako agad," sarcastic na sinabi ni Arjo at nakidampot na rin ng pagkain na nasa mesa. May nachos, carbonara, may shawarma rin tapos tatlong large drink.
"Kumusta ka pala? Ayos lang sa inyo last weekend?" usisa ni Lei sa kalwia niya na nagsisimula na ring kainin ang napiling shawarma.
"Oo naman. Bakit?"
"Uhm . . ." Nagkapalitan ng tingin sina Lei at Melon. "Curious lang. Pinauwi kasi agad kami ng papa mo."
"Ay!" sigaw agad ni Arjo na halos gulatin si Lei at mabitiwan ang kinakain na shawarma. "Bakit mo pala tinawag na milord si Papa?"
"Ha?" takang tugon agad ni Lei at kinakabahang tiningnan si Melon. "Ah . . . ano . . . kasi . . ."
"Mukha kayang mayaman yung papa mo," paningit agad ni Melon sabay higop ng inumin niya. "Laking tao pa."
"E di naman mayaman si Papa e," kontra agad ni Arjo.
Napahinto tuloy sa pagkagat ng shawarma si Lei at tiningnan si Arjo nang maigi para malaman kung tama ba ang sinasabi nito.
"Hindi mayaman yung papa mo?" gulat pang tanong ni Melon.
Umiling naman si Arjo para sabihing hindi. "Si Mama yung mayaman."
"Talaga?" duda pa ni Melon sabay subo ng nachos. Nagtataka siya kung bakit hindi alam ni Arjo na di-hamak na mas mayaman si Richard Zach kahit pa pagsama-samahin ang net worth ng dalawang Zordick na nabubuhay at limang Superior.
"Sigurado kang di mayaman si papa mo?" tanong pa ni Lei habang ngumunguya.
Tumango naman si Arjo para sabihing sigurado siya. "Maliit lang sahod siya. Lahat ng gastos sa bahay, si Mama palagi ang nagbabayad."
"Oh, talaga?" di-makapaniwalang tanong ni Melon. Mukhang nililihim talaga nila kay Arjo ang totoo. Mukhang si Max lang ang nakakaalam ng tungkol sa buong pamilya nila. Masyado namang bata si Zone para magkaroon ng pakialam sa mga nangyayari. "Si Max pala, nasaan?" pagbabago ng usapan ni Melon.
"Hmmp," napasimangot agad si Arjo nang maalala ang kuya niya. "May trabaho 'yon ngayon."
Lalong lumapit sa mesa si Melon at pinagmasdang maigi si Arjo. "Zach siya, di ba?"
"Sabi niya," sagot ni Arjo habang pinapapak ang nachos sa mesa.
"Magkaano-ano kayo?"
Napahinto sa pagsubo si Arjo at natengga sa tapat ng bibig niya ang isusubo na sanang pagkain. Puno ng gulat ang mga mata niya nang salubungin ang tingin ni Melon sa kanya.
"Nakatira siya sa inyo, di ba? Zach siya tapos Malavega ka," pagpapatuloy ni Melon.
Dahan-dahang isinubo ni Arjo ang nachos at dahan-dahan din iyong nginuya. Bigla niyang naalalang hindi nga pala nila alam na magkapatid sila ni Max. Baka magtanong din sina Melon tungkol sa pamilya niya.
"Mel," pagtawag ni Lei at umiling para sabihing huwag nang pilitin si Arjo na magsalita.
Natawa nang mahina si Melon at maangas na sumandal sa upuan. "Arjo, gusto kong maging honest sa 'yo," sabi ng binata at halata nang seryoso na siyang kausap. "Kilala ko ang parents mo."
Napapikit-pikit pa si Arjo kay Melon. Hindi niya alam kung kakabahan o magtataka.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit Zach si Max?"
"Siya naman kasi yung may gusto n'on," sagot agad ni Arjo.
"Anong pangalan ng papa mo?"
"Josef Malavega," sagot agad ni Arjo.
"Yung mama mo?"
"Armida Hwong. Teka nga," putol agad ng dalaga, "akala ko ba kilala mo ang parents ko?"
"Melon," pagtawag ni Lei at mabilis na umiling habang nakakunot ang noo.
"Lei, we're running out of time."
"Uy, teka nga! Teka nga! Anong meron?" Nagsisimula nang magtaka ni Arjo sa nagiging takbo ng usapan nila.
"Hindi, Jo, wala 'yon, promise! Nag-jo-joke lang 'yan si Melon," palusot ni Lei.
"Leanna," pag-awat ni Melon.
Lalong nagtaka si Arjo kasi seryoso nga ang lalaki. Kaiba sa normal na Melon na madalas mangulit sa kanya.
"Alam mo yung mansyon sa burol?" pagpapatuloy ng lalaki.
"Mel," pagtawag ni Lei.
Tumango lang si Arjo at naging seryoso na rin. "Bakit?"
"Gusto mong malaman kung bakit Zach si Max? Pumunta ka sa mansyon. Doon mo malalaman ang sagot."
"Ha?" Lalong nagtaka si Arjo. "Bakit sa mansyon? Anong kinalaman ni—ni Kuya r'on?"
"Kung gusto mong malaman ang sagot, pumunta ka na lang."
Binalot ng kaba si Arjo dahil talagang seryoso nga si Melon. Gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya, pero nagdadalawang-isip siya kung pinagtitripan lang ba siya nito o hindi.
"Jo, 'wag ka na lang pumunta," mahinang babala ni Lei sa kanya.
"Alam mo ba yung sinasabi ni Melon?" naghihinalang tanong ni Arjo sa katabi. Napayuko lang si Lei at hindi na umimik. Napatango na lang siya. Mukhang alam nga nito ang sinasabi ni Melon. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Kuya?"
Natatawang napailing si Melon. "Itanong mo muna sa magulang mo kung kuya mo ba siyang talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top