37: Shades of Gray

Binabasa ko pa lang yung mga comment sa old version, sumasakit na ulo ko hahaha

Hindi pa ako makapag-post ng update kay Mr. Jacobs dahil dito sa book 7. Kailangan ko ng connection tho meron naman na talagang update doon matagal na hahaha Ano lang, binabawasan ko lang ang ire-revise ko roon ^__^

Anyway, this chapter is dedicated to Nhylehj @noonamoko

Dito ko na lang siya i-mention hahaha. Nagpapa-dedicate kasi siya so push tayo sa dedication


----



Naging tahimik ang biyahe nila. Sinisilip-silip ni Armida si Arjo sa backseat na namumutla. Kandong-kandong niya si Zone dahil halos sakupin na ng bear sa likod ang upuan.

Hindi na lang din nagsalita si Josef. Irereserba niya ang lahat ng tanong kapag hindi na sila naririnig ng mga anak.

Naging matagal ang labinlimang minutong biyahe. Pagdating nila sa tapat ng bahay, maging ang kalsada, malinis na rin. Tahimik din sa paligid. Kapag ganoon, mas lalo silang nagdududa.

Walang salitang bumaba si Armida karga-karga si Zone na napagod na lang kapapasyal sa amusement park.

Sumunod si Arjo na tahimik lang din yakap-yakap ang bagong biling bear niya na mukhang hindi nagustuhan ng mama niya kahit hindi ito magsalita.

Si Josef, kinuha na lang ang grocery. Napansin niyang naiwan sa backseat ang flowers na binili niya para kay Armida kaya inuna muna niyang ipasok ang mga pinamili saka iyon babalikan.

Doon na lang siya dumaan sa back door na mas malapit sa kusina para mailagay agad sa island counter ang mga grocery. Tinanaw niya ang sala at napansing walang tao roon. Mukhang umakyat na ang asawa niya sa second floor, malamang para dalhin si Zone sa kuwarto nito. Binalikan na rin niya ang bulaklak sa kotse para ipasok. Hindi lang niya alam kung tatanggapin pa ba ng asawa niya iyon.

Bago siya pumasok sa bahay, pinagmasdan muna niya ang paligid. Kakaiba talaga ang katahimikan.

Pagbalik niya sa kusina, naabutan niyang pababa ng hagdan si Armida at nililibot ng tingin ang sala nilang bagong ayos lang. Kulay gold and cream na ang mga kurtina. Kulay gold, white, and cream din ang mga furniture. Parang may vibes na ang sala nila ng isang kuwarto sa Citadel.

Ilang saglit pa, nagtagpo na ang tingin nila ni Armida. Tiningnan siya nito na parang dismayado ito sa kanya habang nakahalukipkip.

"Inubos na naman ng anak mo ang pera mo?" tanong ni Armida at naglakad na papalapit sa kanya. "Nagpabili kahapon kay Max ng dress, ngayon bear naman sa 'yo."

"Kahit isang factory pa ng stuff toy ang ibili ko sa kanya, wala pa ring bawas 'yon sa pera ko." Iniabot ni Josef ang bouquet of flowers sa asawa niya. "Gusto mo ng bulaklak?" nakangiti niyang tanong kay Armida.

Pasimple namang ngumiti si Armida at kukunin sana ang inaabot ni Josef kaso . . .

"Bilhin mo, three thousand. 2,500 na lang para sa 'yo. Mahal naman kita e," hirit agad ni Josef.

Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Armida at naningkit agad ang mga mata. "Nakakapandilim ka ng paningin, Ricardo Exequiel."

"Hahaha! Here," natatawang sinabi ni Josef at inabot na ang bulaklak sa asawa niya. "I remember the first time I gave you a flower. You smiled sweetly the whole time."

"Tss," galit na hinalbot ni Armida ang bulaklak sa asawa niyang tinotopak na naman. "Oo, yung may lupa pa. I can't believe Richard Zach gave me a flower with roots attached to it."

"Mahal 'yon, excuse me." Nginitian lang ni Josef ang asawa niyang nainis na naman niya. "Anyway, what's with your son's message?"

Napahinto sa pag-amoy ng bulaklak si Armida at napatingin sa asawa.

"You said nakakausap mo ang mga alter mo."

"Yes, I talked to them inside my mind," paliwanag niya. "Ang sabi lang nila, babalik sila."

"And they're back as your alter. Witnessed that. Pero may alam ka ba sa sinasabi ni Max?"

Nagbuntonghininga lang si Armida at inilapag sa dining table ang bulaklak na bigay ni Josef. Halatang nahihirapan siyang magpaliwanag base sa ekspresiyon ng mukha niya.

"So you knew?" dismayadong tanong ni Josef.

"You won't understand what's inside my mind," sabi na lang ni Armida. "I knew? Somehow yes. Kasi sinabi nilang babalik sila."

"So they're real?"

Umiling agad si Armida at nagkibit-balikat. "They're disposed. Ano bang alam ko, ni hindi ko nga malaman ang kaibahan sa totoo at hindi?"

"Ma?"

Magkasabay pa ang mag-asawa sa pagtingin sa direksiyon ng pintuan sa sala.

"Ma!" aligagang pagtawag ni Max at mabilis na nilapitan ang mama niya na nasa kusina kausap ang papa niya. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya nang sapuhin ang mukha ni Armida para hanapin ang kahit anong mali roon. "Ma, are you okay?"

"What the hell, Maximilian!" singhal agad ni Armida at siya naman ang sumapo sa mukha ng anak niya. "Nakipag-away ka na naman?!"

"Ma . . . I didn't—" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang tampalin ni Armida ang noo niya.

"Bakit ba habang tumatagal, lalong tumitigas ang ulo mo? Sino'ng bumugbog sa 'yo?"

Tinitigan lang ni Max ang mama niya. Alam na niyang ina niya na iyon. Nagbuntonghininga lang siya at niyakap ito nang may lungkot sa mga mata.

"Ma, please take a rest," mahinahong utos ni Max. "You're not feeling well."

Lumayo naman nang bahagya si Armida sa anak at kunot-noong tiningnan ang mukha ni Max sa malapitan. "Tinatanong ko kung sino ang bumugbog sa 'yo."

"Ma naman . . ." nagtitimping tugon ni Max at nagbuntonghininga na lang. "Does it matter?"

"Of course it does! Hindi kita pinag-training nang matagal na panahon para lang basagin ng kung sino 'yang mukha mo!"

"Ma, we had a fight yesterday," pagsuko ni Max. "And if I had a chance, I won't let someone do this to my face, you know that. You did this to me."

Napalunok na lang si Armida habang nakatingin sa seryosong mga mata ng anak. Walang kahit anong paninisi roon. Hindi rin galit sa kanya si Max. Kapag nakikita niya ang mata nito, parang tinutunaw lahat ng iyon ang galit at inis niya.

May gusto sana siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano ba sisimulan ang salita. Napahugot tuloy siya ng malalim na hininga at napatango na lang. "I did that." Tumango na naman siya na parang pinaniniwala ang sarili na siya nga ang gumawa niyon kahit hindi niya alam ang tungkol doon.

"Ma, I'm not blaming you," malungkot na sinabi ni Max para pakunswelo sa ina. "Gusto ko lang na gumaling ka."

"Max . . ." Binalewala lang ni Armida ang sinabi ng anak at hinawakan na nang maingat ang mukha nitong may mga pasa. Hindi naman iyon nangingitim, mukhang naagapan agad. Pero pansin talaga ang pamumula. Walang malalang sugat o hiwa pero kitang-kita pa rin ang pasa sa dulo ng labi at kanang pisngi nito. "I'm sorry, son."

"Ma, hahanapan ka namin ng gamot, hmm? Pagagalingin ka namin," sabi ni Max para pakalmahin na ang inang nakokonsensya sa kasalanang hindi nito natatandaan.

"Max, ano'ng tungkol sa chat mo kanina?" paningit ni Josef sa kanilang mag-ina. "You said you met Erah and Jin?"

Sinulyapan ni Max ang papa niya na mukhang seryoso sa tanong nito. "Yes, Pa. Sabi nila, kilala ka raw nila. The weird one called me 'Anak ni Milady,' and I guess, they really knew you. Ikaw lang naman ang tumatawag kay Mama na milady aside sa mga Guardian."

Nagkapalitan agad ng tingin ang mag-asawa.

"Anong itsura nila, Max?" seryoso nang tanong ni Armida at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ng anak.

"The Erah lady . . . parang matanda lang nang ilang taon sa 'kin. 25? 27? Blonde, blue-eyed. Chic. Around my height. She's tall with or without heels." Napatingin siya kay Armida sa sumunod na sinabi. "And the Jin one?" Tiningnan niya ang ayos ni Armida na nakaitim na dress pa rin pero wala nang manggas. "Someone like this pero mas malapit sa ugali ni Mama kaninang umaga. Para siyang multo, cold, creepy kahit magkamukha lang sila ni Erah. I guess they're sisters. And Jin said mag-iingat ako."

Tiningnan ni Max ang reaksiyon ng mga magulang. Napatakip ng bibig si Josef na parang may malalim na iniisip, si Armida naman, naniningkit ang mga mata na parang sinusukat pa ang narinig sa anak.

"Kilala mo nga, Pa?" tanong ni Max.

Nagtaas ng kaliwang hintuturo si Josef habang nakatingin pa rin sa ibaba na animo'y nandoon ang sagot sa tanong ni Max. "I . . . barely knew them," sagot na lang niya sa anak. "Mas kilala sila ng mama mo."

Tinapik lang ni Armida ang balikat ng anak. "Umakyat ka muna sa kuwarto mo, Max. Mag-uusap lang kami ng Papa mo."

"You know it's too obvious that there really is something wrong now, right?" tanong pa ni Max sa mga magulang.

"Yes, there is," mabilis na sagot ni Armida. "Don't meddle with this issue, son. Mind your own business for now."

"Is it worse? Di ko ba sila dapat kinausap?" usisa ni Max dahil ang seryoso na ng mga magulang niya. "I want to know my limit."

"Actually, it's not," palusot ni Armida. "Erah and Jin were—are—my childhood friends. I thought they're already dead. Nagulat lang kami ng papa mo." Tinapik na naman niya ang braso ng anak at itinuro ng ulo ang hagdan. "Hayaan mo muna kaming mag-usap ng papa mo. Binilhan kasi niya ng teddy bear ang kapatid mo, wala naman 'yon sa usapan."

"Sure?" pamimilit pa ni Max.

"Go see for yourself. Baka kahit yung kama mo, kunin din ni Arjo." Tumalikod na si Armida para sabihing tapos na ang usapan nila ng anak.

Alanganin naman ang tingin ni Max sa papa niyang balisa pa rin at parang may iniisip pa maliban sa katwiran ng mama niya tungkol sa teddy bear.

Aminado na ang mama niya namay mali, pero mukhang wala siyang malalaman sa mga magulang. Mukhang kailanganniyang usisain si Arjo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top