35: The Lunatics

Alas-dose ng tanghali, kinailangang dalhin ang mga batang Malavega sa labas dahil lilinisin ng mga Guardian ang bahay nila. Ang akala pa nina Arjo, may surprise sa kanila ang mga magulang dahil piniringan pa sila pagbabasa second floor, huwag lang nilang makita ang mga bangkay sa sala.

Nasa garahe na sila nang alisin ang piring ni Arjo. Si Zone, simpleng takip lang ng palad sa mata ang ginawa ni Armida.

"I'll call Max, baka biglang umuwi. Alam mo naman 'yon," mahinang sinabi ni Armida kay Josef habang nakatayo sila sa labas ng isang pulang sedan na nakaparada sa parking lot ng bahay.

Kukunin sana nito ang phone sa bulsa nang maalalang hindi pa pala siya nakakabihis. Napasimangot tuloy siya bigla.

"Bakit naman ganitong damit ang gustong suutin ni Jin?" reklamo niya sa lace ng suot na long sleeves. "Para akong ginagapangan ng higad sa braso." Isinilid niya ang hintuturo sa isang butas ng hem ng dulo ng kaliwang manggas at buong puwersa iyong pinunit pababa hanggang sa mahiwalay iyon sa mismong damit. Ganoon din ang ginawa niya sa kanan.

Pinilipit na lang niya ang pinunit na tela at ipinantali sa buhok na nakalugay. "Pahiram nga ng phone," utos niya kay Josef na mabilis naman nitong ibinigay habang nakatingin sa paligid.

"Pa, saan tayo pupunta?" tanong ni Arjo kay Josef. Nakasilip lang siya sa bintana ng back seat ng kotse para tingnan ang mga magulang niya. Pabigla-bigla kasi ang mga ito ng lakad samantalang kagagaling lang sa doktor ng mama niya.

"I'm gonna buy you something special," ani Josef na may matamis na ngiti para ipakita sa anak na walang nangyayaring masama sa mga sandaling iyon.

"Waaaah! Totoo, Pa?" masayang tanong ni Arjo. Tumango lang si Josef kaya mas lalo siyang na-excite. Kilala naman niya ang Papa niya at galante ito mamili kaysa sa mama niya.

"Maximilian," pagtawag ni Armida sa kabilang linya.

Pinagmasdan pa niya ang paligid. May dalawang katawan ng lalaking nakaitim ang nasa tapat ng bahay nina Melon.

"Gunshots?" tanong niya kay Max. "Where are you? Your father said you're in a meeting."

"Mama!" panay naman ang katok ni Zone sa nakasarang bintana. Kinukuha ang kamay niya. Sinenyasan ni Armida si Josef na asikasuhin muna ang bunso nila.

"How far was that, Soldier?" tanong niya sa panganay.

"I hate you, Josef!" singhal ni Zone mula sa loob ng kotse.

"I'm fine. We went to your Uncle Rayson," sagot ni Armida habang sinesenyasan si Zone na tumahimik muna. Tinutok pa niya ang hintuturo sa bibig.

"Huwag ka munang umuwi."

Lumayo siya nang kaunti sa kotse para hindi sila marinig ni Max. Naghahampasan na naman ang mag-ama sa loob ng kotse.

"Just stay somewhere safe, a café or whatever. Mamaya ka na umuwi."

"But, Ma!"

"Walang tao sa bahay. We'll go somewhere else din."

"Then I'm coming with you."

"Maximilian Joseph Zach, listen to me. 'Wag ka munang uuwi sa bahay hangga't hindi ko sinasabi . . ."

Lumabas ng kotse si Josef at tinanaw siya mula sa kabilang pinto. "Armida, Zone's asking if you two are going to Tommy Land's."

"Tell Zone, we're going to Tommy Land's. Ayaw kang makita ng anak mo, baka umiyak lang 'yon doon kapag sumama ka. Si Arjo, isama mo na lang sa grocery. Hello, Max," pagbalik ni Armida.

"Papa, isasama mo 'ko sa mall?" masayang tanong ni Arjo.

"Yes, young lady," nakangiting sagot ni Josef.

"Maximilian—"

"Okay, Ma, I'll go to Coffee Bean's. Call me once you got home. Take care of yourself."

"Do I have a choice? I'll see you later, Soldier." Pinatay na niya ang tawag. "Josef, may back up phone ka?"

Tumango lang si Josef at itinuro ang loob ng sasakyan. "Saan daw si Max?"

"Coffee Beans." Sumakay na agad siya sa kotse kaya dumiretso agad si Josef sa driver's seat. "This is surprising. Here in Vale, huh."

"Guess he's pushing the limits," sagot ni Josef at kinuha sa compartment ng dashboard ang isang android phone para iabot sa asawa. "I-sync mo na lang sa email mo."

"I'll ask Ivan to check up on this later. Ihatid mo na lang kami ni Zone sa Tommy Land's."

Ang alam nilang mag-asawa, Grei Vale na ang pinakaligtas na lugar para sa kanila. Teritoryo na iyon ni RYJO—ni Armida Zordick, ni Erajin Hill-Miller. Pero pati sa sariling bahay nila, napasok pa rin sila.

"Are you sure you can go alone with Dae Hyun?" tanong ni Josef dahil labas ng Vale ang amusement park at higit pitong kilometro ang layo sa village nila.

"I'll keep you updated today. Mahihirapan silang i-monitor tayo kapag nasa hiwalay na lugar tayong dalawa."

Biglang tumunog ang phone ni Josef na nasa phone rack sa dashboard. Lumabas doon ang isang Slack channel kung saan gamit niya ang account ni Josef. "I'm gonna send an invitation for Max."

Nagpadala siya ng email sa anak. At dahil kabisado niya ang account ng buong pamilya, siya na rin ang nagbukas ng account nito sa incognito tab at tinanggap ang invitation. Ilang saglit pa, added na ito sa channel na ginawa niya. Siya pa ang nag-set ng nickname nila.

99

@Soldier Do you copy?

Biglang tumunog ang phone ni Josef at lumabas sa notification ang message niya.

Soldier

What the fuck, Ma! Did you just hack my account?! This is my business channel!

99

Watch your language, kiddo. @Soldier where you at?

Soldier

Ma, this is an invasion of privacy! I invoke my rights to keep my accounts in private!

99

Kid, you came out of my privacy. What more I could invade?

And don't invoke anything. Overacting ka na.

"Hahaha!" Nagulat sila sa sasakyan nang biglang tumawa si Josef habang nagmamaneho. "Humor us, milady."

Soldier

Ma, I can't believe this.

99

Nasa Coffee Beans ka na?

Soldier

I'm parking.

99

Hi, Parking.

Soldier

Ma, what the hell!

Still not feeling well?

Pa, okay na ba si Mama?

Masama pa ba pakiramdam niyan?

I'll call Uncle Ray, itatanong ko kung bakit ka nagkakaganyan, Ma.

99

Overacting kang bata ka. Anak ka nga ng ama mo.

And you're using your phone while driving?

Daredevil ka, kid?

Soldier

I'm using voice command.

99

We're going to Tommy Land's

Soldier

I know. Heard you over the phone. And Pa's going to grocery with Arjo.

99

Good.

Soldier

What's with this chat, anyway?



"Tommy!" malakas na tili ni Zone nang makita ang entrance ng amusement park.

Inihinto saglit ni Josef sa harapan ng entrance ang sasakyan.

"Armida, update every time," paalala ni Josef sa asawa at kumuha na siya ng pera na nakatago sa compartment ng kotse. Iniabot niya iyon sa asawa at ipinaabot niya ang backpack ni Zone para doon ilagay ang budget nila.

"Ikaw rin," sagot ni Armida at hinalikan na sa pisngi si Josef. "Guard the kid."

"I will." Lumabas na si Armida ng sasakyan at kinuha si Zone sa back seat. "Hello, Pumpkin! We're gonna go Tommy!"

"Yeeeey!"

Mabilis namang lumipat si Arjo sa passenger seat at tinanaw pa ang mama niya at bunso nilang papasok sa amusement park. "Pa, ayos na ba si Mama?" usisa niya sa ama.

"She's fine. Let's hope." Nag-U-turn na siya sa pinakamalapit na U-turn slot at tinahak na ang daan papunta sa pinakamalapit na mall doon.

Hindi alam ni Josef kung sino ba talaga ang pakay ni King sa bahay nila. Hinahanap kasi nito ang bioweapon. At ang alam nito, anak nito ang bioweapon na matagal na nitong gustong makuha. Iyon nga lang, alam din ng lahat na anak ng Zach ang bioweapon na alam nila.

Iniisip niyang sinadya ni Labyrinth na hindi sabihin kay King ang totoo. Dahil siya mismo ang nagtago sa bioweapon na hinahanap nito.

Isang kilometro lang ang layo ng mall sa amusement park, tinitingnan ni Josef kung may nakasunod sa kanila, pero wala siyang napapansin. Pakiramdam niya, si Zone talaga ang habol ng mga pumunta sa bahay nila. Pero hindi rin niya puwedeng pabayaan si Arjo.

"Pa, nagugutom na 'ko," reklamo ni Arjo habang pinalolobo ang pisngi.

"Kakain tayo, siyempre," pagngiti ni Josef. "Tara, hanap tayo ng resto."

Sinubukan niyang kausapin si Xerez para bantayan ang asawa niya. Ang alam niya, malapit lang sa area ang mga Guardian niya. Ang sabi ni Lei, nasa labas lang daw ng village. Ito lang ang nasa loob ng Vale para mag-aral at mag-training.

Alam niyang hindi Guardians ang sumugod sa bahay nila, malamang na personal na tauhan iyon ng pamilya ng mga Havenstein.

Nagsabi naman na ito na babawiin nito ang anak nito, lalo na noong napasok sa usapan ang bioweapon. At doon, nakasisiguro siyang hindi iyon anak ni Armida, hindi Zach, o kahit Wolfe man gaya ni Arjo. Habang tumatagal, gusto na niyang ipaliwanag ni Labyrinth sa kanya ang lahat dahil nalilito na siya sa mga pinaggagagawa nito para lang makabuo ng regenerator ng asawa niya.

"Papa! Dito, dito!" Tuwang-tuwa si Arjo nang tangayin ang papa niya sa isang fast food restaurant at pumila na agad siya kahit na hindi pa naririnig ang panig ng ama.

"Hmm . . . you want chicken?" tanong pa ni Josef habang akbay-akbay ang anak at tinitingnan ang menu sa itaas ng counter.

"Pa, gusto ko ng spaghetti saka chicken nuggets saka mushroom soup saka sundae!" pag-iisa-isa ni Arjo.

"Okay, spaghetti, nuggets, mushroom soup, and sundae," pag-uulit ni Josef hanggang sa sila na ang o-order. Iniabot niya ang phone kay Arjo at inutusan niya itong kumuha ng pictures nila at i-send sa channel na ginawa ni Armida.

RJ

Mama, kakain kami ni Papa ng lunch!

RJ Sent photo.

"Go get us a table, young lady," utos ni Josef sa anak at mabilis na naghanap si Arjo ng mesa para sa kanila. Eksaktong katatapos lang i-bus out ng mesa sa tabi ng glass wall sa may pinto. Two-seater, sakto sa kanila ng papa niya. Naupo siya agad doon at nag-selfie na naman.

Soldier

Jo, don't flood the thread with your face. It's annoying. Ang pangit mo.

RJ

Boo. I hate you, Kuya. #Basher

99

Max, you sure you're in Coffee Beans? I don't want you racing yourself to death again.

Soldier

Ma, I'm not racing!

99

Boo. You're supposed to race by now.

Soldier

What the hell, Ma! You just said you don't want me to race!

99

Ha-ha, akala ko pa naman, daredevil ka. Weak.

Where are you? Send me a proof.

Soldier

Soldier sent a photo.

I'm at the cafe. I don't get why we have this conversation at all.

Ma, exhaustively explain the reason why.

99

I'm already exhausted thinking why. Don't bother, Soldier.



"At bakit malapad ang ngiti ng anak ko?" usisa ni Josef dala-dala ang lunch nila ni Arjo.

"Si Kuya kasi, parang tanga," sabi ni Arjo at inilapag ang phone ng papa niya sa gilid ng mesa. Ang lapad ng ngisi niya habang pinagsisilbihan siya ng papa niya. Ito kasi ang naglalapag ng mga order niya sa mesa.

"Anyway, ikaw ang nagpapasok kina Lei sa bahay?" usisa ni Josef.

Nakangusong tumango si Arjo. "Pa, classmate namin ni Kuya si Lei sa ibang subject. Si Melon, pinapalayas ko nga sa bahay, ayaw namang lumayas e."

"Kaibigan mo sila, I see."

"Si Lei lang, Pa! Naiinis ako kay Melon, papansin 'yon e."

Nagusot lang ang dulo ng labi ni Josef at tumango-tango. Mukhang nahirapan si Melon kunin ang loob ni Arjo. "And what about Lei? Is she that friendly?"

May subo-subo na si Arjo nang tumango para sabihing oo. "Crush n'on si Kuya," buyo nito.

"Oh, uhm-hmm," napangiti na lang din si Josef sa sinabi ng anak. Mukhang normal lang ang pakikitungo ni Lei sa mga anak niya. Sabi naman nito, Neophyte Guardian lang ito ng Fuhrer na inatasang bantayan si Max. Ayon na rin sa utos ni Cas. Bago lang sa serbisyo, nasa training pa. Tingin niya, namali ng intindi si Arjo sa kilos nito.

"Papa, yung kama ni Kuya, bakit lumulubog?" tanong ni Arjo habang panay ang subo ng tanghalian niya.

"Your brother made that," sabi na lang ni Josef.

"Gusto ko rin ng gano'n!" naiinggit na sinabi ni Arjo.

"Pagawa ka sa kanya."

"Masungit si Kuya e! Di niya ako gagawan ng gano'n!"

"Alam mo pala, 'wag mo nang ipilit, anak."

"Hmmp!" Napanguso na lang si Arjo kasi malamang na hindi talaga siya gagawan ng ganoong kama gaya ng sa kuya niya kahit na magtampo pa siya sa papa niya.

"Ito, just take a photo, tell them we're eating," utos na lang ni Josef at iniabot na naman ang phone niya kay Arjo.

Nag-selfie na naman ang mag-ama at s-in-end sa channel na gawa ni Armida.

99

Max, still in the cafe?

Soldier

Still here, Ma.

Soldier sent a photo.

I want to go home.

RJ

Kuya, gusto ko ng kama mo!!!!

Soldier

What?

RJ

Mama, gusto ko ng gaya sa kama ni Kuya!

99

Arjo, may kama ka na, di ba?

RJ

Pero di naman yun lumulubog eh!!!!

Soldier

Quit with your excessive use of (!!!)

Sakit sa mata, Jo.

RJ

Susumbong kita kay Papa, inaaway mo 'ko.

"Papa, inaaway ako ni Kuya!" sumbong nga ni Arjo kay Josef t inabot agad nito ang phone sa ama.

Tiningnan naman ni Josef ang convo sa channel at binasa ang recent replies.

RJ

Max, pati ba naman kapatid mo, pinapatulan mo?

Soldier

Pa, I did no wrong. And what's with this convo? Di ko talaga nakukuha. Wala bang sasagot sa 'kin? I'm gonna leave this channel.

99

Josef, bakit ba napaka-bossy ng anak mo? Kanino nagmana 'yan?

RJ

I have a hunch.

The name's starting with A and ending with RMIDA.

*laughs*

99

Humanda ka sa 'kin pag-uwi.

RJ

*laughs*


Ibinalik niya kay Arjo ang phone at nagpatuloy siya sa pagkain.

Send lang nang send si Armida ng picture nila ni Zone. Karamihan doon, basta nakikita ang orasan sa amusement park, o kahit ang relo niya. Minsan, kinukunan nito ang paligid.

Sinisilip paminsan-minsan ni Josef ang channel, inaalam kung may pamilyar bang tao sa bawat shots ng asawa niya. Alam niyang automatic na rumerehistro sa CCS ang mga kuha nila. Hindi man iyon naka-priority sa for monitoring ng Citadel Control System, alam naman nilang naka-log na iyon for future investigation.

Nang matapos kumain, dumiretso na sa grocery ang mag-ama. At dahil nagmamadali sila, hindi na nakagawa pa ng listahan ng bibilhin si Josef. Mabuti na lang at siya ang nagluto nitong umaga lang kaya alam niya ang laman ng ref nila.

"Pa, bakit ikaw ang naggo-grocery? Di ba dapat si Mama?" tanong ni Arjo habang tinitingnan ang content ng carton ng gatas na hawak.

"Hindi marunong mamili ang Mama mo," sabi ni Josef habang patuloy lang sa pagdampot ng mga mabibili niya. "basta nakita ng mata niya, dadamputin lang, ilalagay sa cart."

Napatango naman si Arjo at nag-selfie na naman kasama ang box ng carton sa tabi ng pisngi. Nahagip pa ng camera si Josef na namimili ng gulay.

"Pa, mayaman ba si Mama?" tanong ni Arjo nang magpatuloy sila sa paglakad.

"Mayaman?" Sandaling napahinto si Josef sa pagsasalita at inisip kung mayaman ba ang asawa niya. "May sarili siyang pera. Mayaman naman ang pamilya niya. So, somehow yes."

"Somehow yes? Bakit ang kuripot niya?"

"Hindi 'yon kuripot. Galante pa 'yon," sabi ni Josef at lumiko sila sa kaliwa sa may fish section.

"Nge! Anong galante d'on e ten thousand lang yung allowance ko a week! Saka isa lang phone ko! Tapos ayaw pa niyang ipagamit!" inis na reklamo ni Arjo sa papa niya.

Natawa nang mahina si Josef at t-in-ap ang ulo ng anak niya. "Ayaw lang niyang masanay kayo na nalulunod sa pera."

"Psh, e di kuripot nga! Si Kuya, mayaman naman a!"

Lalo lang natawa si Josef kay Arjo. "Problema mo ba ang allowance mo?"

Kumuha na lang si Arjo ng isang chocolate drink sa kabilang stall at agad iyong binuksan. "Tinitipid kasi ako ni Mama e. Siya pa naman yung huma-handle ng pera," reklamo niya sabay inom.

Napailing na lang si Josef sa reklamo ng anak. Puno nga ang closet ng anak niya ng kung ano-anong gamit na kung tutuusin, iilan lang doon ang ginagamit. Halos lahat ng iyon, si Armida ang bumili. Hindi niya makita kung saan galing ang tinitipid daw ito.

"Hindi ka tinitipid ng Mama mo. Imagination mo lang yung tinitipid ka niya," iyon na lang ang nasabi ni Josef.

"Hindi kaya 'yon gano'n! Binilhan nga lang ako ni Kuya ng damit, nagalit na siya."

"Kailan ka binilhan ng kuya mo ng damit?"

"Kahapon."

"Simula no'ng last Saturday, ilang damit ang binili sa 'yo ng Mama mo?"

"Uhm," sandaling nag-isip si Arjo kung ilan nga ba. "Uhmm . . ." bilang-bilang. "Mga . . ." isip pa uli. "Anim?"

"Anim . . ." Sandali silang huminto sa may mga prutas. "Magkano 'yon bawat isa?" tanong niya habang kumukuha ng mansanas.

"Uhmm . . ." isip pa uli. "12 . . . to . . . 18k?"

"Okay, sabihin na nating 15 thousand ang average price ng bawat isa, times six, magkano 'yon?"

"Uhm," itinaas ni Arjo ang magkabilang kamay para magbilang.

Natawa tuloy si Josef dahil ang hina sa arithmetic ng anak niya samantalang dapat isang snap lang ng daliri, nasagot na agad iyon dahil simpleng 90 thousand lang ang sagot.

"70?" sagot ni Arjo.

Tiningnan ni Josef ang anak niya kung saan nito nakuha ang 70.

"Where the hell did you get that answer, young lady?" natatawang tanong ni Josef.

"Eh?" Nagbilang pa uli si Arjo kung ano ang tamang sagot.

"Hahahaha! Ibang klase kang bata ka. Kaya nagagalit sa 'yo kuya mo e." Lalo lang natawa si Josef dahil namroblema na si Arjo kung ano ba talaga ang sagot. Ginulo na lang niya ang buhok nito at inakbayan habang patuloy sila sa paglibot sa bilihan.

"Sige, bilang pa," natatawa niyang sinabi habang tinitingnan si Arjo na bilangin sa daliri nito ang sagot.

"Uh, 90?" Tiningnan niya ang papa niya para malaman kung tama ba ang sagot niya.

Isang ngiti lang ang nagawa ni Josef habang nakatingin sa anak niyang hinihintay na sagutin niya kung tama ba o mali ang sinabi nito.

"Paano naging 90?" tanong ni Josef.

"Uhh . . ." Tumingin sa itaas si Arjo kung bakit nga ba naging 90. "Kasi . . . 15 tapos 15. 30 na 'yon. Tapos 15 pa uli. E di 45. Tapos 15 pa uli, e di 60. Teka ilan na 'yon?" Binilang pa uli niya kung ilang 15 na ang binanggit niya.

Napakagat na lang ng labi si Josef dahil ang hina talaga ni Arjo sa math. "Apat na, so 60. E anim yung 15," sabi ni Josef.

"O! E di 90 nga! Tama yung 90 ko!" sabi agad ni Arjo na animo'y nakikipagtalo. Kung makasigaw naman kasi, parang inaaway siya ni Josef.

"Oo nga! May sinabi ba kong mali ka?" sabi ni Josef na nakangiti.

"E sabi mo—" mangangatwiran pa sana siya kaso wala nga namang sinabi si Josef na mali siya.

"Hahaha!" Kinurot na lang ni Josef ang pisngi ni Arjo. "O sige. 90 thousand. E paano yung mga sapatos, yung bags, yung accesories . . ."

"Uhmm . . ." Nag-pout na lang si Arjo at napayuko. Hindi pa iyon kasama sa kuwentahan.

"O, see? Kaya 'wag mong sasabihang kuripot ang Mama mo," mahinahong sinabi ni Josef.

"E di ba, pera mo naman 'yon?"

"Iba ang pera ko, iba ang pera ng Mama mo. Siya lang ang humahawak pero hindi niya ginagalaw. Yung ginagastos niya sa 'yo, pera niya 'yon. Imagine, she spent hundred thousands this week just for you. E yung Mama mo nga, ni hindi maibili ang sarili niya kahit isang hairclip man lang."

"E kung may pera pala siya, bakit hindi siya bumili ng para sa sarili niya?"

"Haay," napailing na lang si Josef dahil mukhang hindi siya naiintindihan ni Arjo. "Hayaan mo na lang 'yan. Basta isipin mo na lang, hindi kuripot ang Mama mo, okay?"

Nagpatuloy na lang sila papunta ng counter. Saglit na hiniram ni Josef ang phone niya at nakita ang message ni Laby sa kabilang application.

Catherine

Can I call again?

Me

Yes, go ahead.


"Arjo, I forgot the marshmallows. Can you take two packs for me?"

"Yes, Pa!" masayang sagot ni Arjo at tumakbo agad papunta sa stall ng mga candy.

Sinamantala na niya ang mahabang pila sa counter at ang utos sa anak para makausap si Laby.

"Nagbabarilan ba diyan sa inyo kanina?" pambungad na pambungad nito.

"Sa labas ng bahay, yes. Pina-secure ko na sa mga Guardian ang area. Si King ang suspect."

"I told you, hahabulin talaga niya yung Zone prototype. Baka gusto mo nang ilabas?"

"Change topic."

"Josef, you can't hide her forever."

"Stem cell population daw ang iniinom na gamot dati ni Armida."

"You can't escape about the prototype by misdirecting the topic."

"Kasama ko si Arjo ngayon. Saka na natin pag-usapan 'yan. Jocas said it's inorganic. That's artifical, right?"

"Of course. That's so-called cure for cancer. Pampabata rin. That's toxin already. But it was succesful, so kailangan ko ng exact formula n'on. Her beauty regimen was dangerously effective."

"I'll ask her if she knew the formula. I think she's not saying anything to us."

"Probably that's dangerous kaya ayaw niyang sabihin."

"If that's dangerous, much better not to speak about it. Laby, I know how crazy you are with this kind of things. Stop acting like a god in hell. You're creating monsters."

"Kaya ba takot na takot ka kay Edreana?"

Napabuntonghininga bigla si Josef bilang sagot.

"Papa, tatlo na kinuha ko! Gusto ko ng smores!" masayang bungad ni Arjo pagbalik nito dala-dala ang tatlong pack ng marshmallow.

"Talk to you later," sabiniya kay Laby at ibinaba na ang tawag. Inurong ni Josef ang cart dahil sila naang susunod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top