34: The Real Ones
Nasa biyahe pa lang si Max pauwi nang bigla siyang tawagan ng mama niya. Hindi pa man siya nakakalapit sa village nila nang tumawag si Armida sa kanya.
"Maximilian," bungad na bungad nito.
"Ma?" taka niyang sagot dahil ang istrikto ng boses nito. "Ma, I heard gunshots earlier."
"Gunshots? Where are you? Your father said you're in a meeting."
"Ha? I mean—" Bigla niyang naalala ang palusot niya. Hindi rin niya puwedeng masabi na nasa apartment siya ni Laby. Mas lalo siyang gigisahin ng mama niya kapag nalaman nito kung nasaan siya. "I heard it from afar," mabilis niyang katwiran.
"How far was that, Soldier?"
"Ah—" Napailing na lang siya dahil mukhang co-corner-in siya ng ina. "Ma, are you okay?" pagbabago niya ng usapan. "You're acting weird last night."
"I'm fine. We went to your Uncle Rayson."
"You sure? I'm going home."
"Huwag ka munang umuwi," mabilis na sagot nito.
"Why? Is there something wrong?" Binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at saglit na inihinto sa gilid ng kalsada.
"Just stay somewhere safe, a café or whatever. Mamaya ka na umuwi."
"But, Ma!"
"Walang tao sa bahay. We'll go somewhere else din."
"Then I'm coming with you."
"Maximilian Joseph Zach, listen to me. 'Wag ka munang uuwi sa bahay hangga't hindi ko sinasabi . . . Armida, Zone's asking if you two are going to Tommy Land's."
Napabuntonghininga na lang si Max nang marinig ang boses ng papa niya. Hindi niya alam kung mag-aalala ba o ano dahil mukha namang normal sa kabilang linya.
"Tell Zone, we're going to Tommy Land's. Ayaw kang makita ng anak mo, baka umiyak lang 'yon doon kapag sumama ka. Si Arjo, isama mo na lang sa grocery. Hello, Max," pagbalik ni Armida sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot. Mukhang wala ngang nangyaring masama sa pamilya niya.
"Maximilian—"
"Okay, Ma, I'll go to Coffee Beans. Call me once you got home. Take care of yourself."
"Do I have a choice? I'll see you later, Soldier."
///
Alas-dos na ng hapon. Hindi man tumatawag ang mama niya, nagpapadala naman ito ng group message kasama silang buong pamilya para malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila.
Hindi mahilig gumawa ng group chat ang kahit sino sa kanila sa bahay pero bigla-bigla na lang sila nagkaroon ng group thread sa araw na iyon. Pakiramdam niya, may mali talagang nangyayari.
Ang naroon lang sa group na iyon ay si Armida, si Josef, at siya. Ang nakalagay pang nickname ng mama niya ay 99; ang papa niya, RJ; at siya, Soldier. At lahat ng iyon, mama niya ang gumawa. Mas lalo tuloy siyang nawirduhan.
Nagtatanong si Josef tungkol kina Armida sa amusement park. Nagse-send lang ang mama niya ng pictures. Mukha namang enjoy na enjoy si Zone sa pamamasyal.
Si Josef naman, nagse-send ng picture nila ni Arjo habang nasa grocery. Si Arjo naman ang may hawak sa phone niya kaya puro selfie nito at pino-photobomb lang ni Josef ang karamihan.
At dahil kinukulit siya ng mama niya na mag-send ng update, ang tanging pinadadala lang niya ay kung nakakailang espresso at frappe na siya magmula nang maupo siya sa puwesto niya sa kapehan. Nasa harapan niya ang laptop para ipakita na nagtatrabaho siya kahit na hindi naman iyon ang original niyang plano. Para lang masabi niya na wala siyang ginagawang kalokohan.
99
Josef, any update?
RJ
She called again.
Biglang napahinto si Max nang makakita ng kakaibang message sa thread nila. She. Doon pa lang, una nang sumagi sa isip niya si Miss Etherin.
RJ
Ang ganda raw ng skincare routine mo dati *smiles*
99
The smileys are placed beside the text bar, Mr. Zach. How uncultured. Do you know how to use your goddamn phone's keyboard setting?
Kumunot ang noo ni Max dahil sa usapan ng mga magulang niya. Hindi niya nakukuha.
RJ
I don't do smileys, madame.
Arjo's asking about the visitors.
Napa-type agad si Max nang mabasa iyon.
Soldier
What visitor? I told her not to let someone enter the house!
99
We're talking about Arjo, son of a Zach. Kailan ka pinakinggan ng kapatid mo?
"Ugh! Ang bobo talaga," inis na nabanggit ni Max nang mabasa iyon.
RJ
Armida, tell your student to level up his game. I'm disappointed. Pamangkin ko pa naman.
99
Pamangkin mo pala, bakit ako pa uutusan mo? May alila ka, son of a Malavega?
RJ
I don't like the tone of your words, milady. I can see your grin all the way here.
99
You mean like this
RJ
That's cheating. You're too innocent on that photo.
"Oh God," napasapo na lang ng mukha si Max dahil parang mga bata ang magulang niya. Hindi niya talaga makuha ang usapan ng mga ito.
Soldier
Ma, Pa, what's with this chat thread, by the way?
99
I just want to see my whole family.
Soldier
Aren't you gonna go home? Do you want me to pick you up, Ma?
99
Son, just stay where you are.
Soldier
I haven't eaten lunch yet. I'm still here in cafe.
99
Soldier, I said don't go home. I didn't say don't eat. Josef, yung anak mo, pagamitin mo nga ng utak.
Max, naimpluwensiyahan ka na ba ni Arjo? So disappointing. Tinatakwil na kita.
RJ
*laughs*
Soldier
Pa, that's not funny at all to laugh at. And don't reply like a prompter.
99
Ah, that's my son. So proud. The smileys are waiting, Josef. Don't be a caveman.
Soldier
Ma, I'm serious, what's with this thread. I'm confused. Really. Do you want me to fetch you in Tommy Land's? I'm worried as hell. I sense danger.
99
You're talking to the epitome of danger, Soldier. I'm good.
Soldier
I don't trust you. You're a walking mess, Ma. Real talk.
RJ
Now that's my son. *laughs*
Soldier
Please explain what's this game, Parents. I'm not getting the whole picture.
Ngunit imbis na sagutin, nag-send lang ng picture ni Zone si Armida. Photo naman ni Arjo si Josef.
Lalong walang naintindihan si Max.
"Hi!"
Napatingin agad siya sa babaeng nakatayo sa kaliwang gilid niya. Nakasuot ito ng black and blue bodycon dress. May dalang designer's bag at nakatali nang maganda ang blonde na buhok.
"May kasama ka ba? Puwedeng makiupo?"
Tiningnan ni Max ang buong coffee shop. Marami-raming tao, punuan din sa ibang table. Wala sigurong nagpaupo kaya nilapitan na siya. Nasa isang buong couch pa naman siya at siya lang ang naroon.
"Sure," sabi ni Max at nagbalik na sa laptop niya para makita ang usapan ng wirdo niyang magulang.
Soldier
We're flooded with Zone and Arjo's photo. Really, Ma? Pa?
RJ
Mama, the guy in red two stalls away. He looked nice in a suit. I want the same brand.
99
Not really a fan of hide and seek, Pa. It's your forte.
Soldier
Ma, Pa, I know there's something wrong. Please, tell me now.
"Mag-isa ka? Wala ka bang kasama?" tanong ng babaeng umupo sa harapan ni Max. Nawala tuloy siya sa focus at napatingin sa harap.
"Wala," simpleng sagot ni Max.
"May kasama pala ako, sana puwede rin siyang makiupo rito pagdating niya," itinuro niya ang buong coffee shop. "Ayaw kasing magpaupo ng iba sa table nila."
Tumango na lang si Max at bumalik sa laptop.
99
Max, buy me donuts sa Sweet Tooth. Chocolates, one dozen.
Soldier
Ma, ST's five kilometers away from here. And you don't like sweets that much.
99
Gusto ko ng donuts sa ST, and you're gonna buy me my donuts. Don't ask anything.
Soldier
Ma, if you won't answer anything, susunduin na kita diyan.
"By the way . . ."
Napahinto na naman sa pagta-type si Max nang iniabot ng babae ang kamay nito.
"I'm Erah."
Itinaas ni Max ang tingin at diretsong tiningnan ang babaeng hindi niya alam kung nakangiti ba o naka-smirk sa kanya. Napansin niyang kakaiba ang dating sa kanya ng tingin nito—maging kung paano siya tingnan ng asul na mga mata nito. Mukhang matapang at mapagmataas, at masasabi niya agad na straightforward base sa kilos at sa tingin.
"Max." At nakipag-kamay naman siya. Saglit siyang natigilan nang maalala ang sinabi ng mama niya roon sa ospital.
Erah. Sinabi ng mama niya na Erah ang pangalan nito.
"Have we met before?" tanong ni Erah habang hindi pa rin pinakakawalan ang kamay ni Max.
Tumaas lang saglit ang kilay niya dahil mukhang hihirit pa ng epic one-liner si Erah.
"Can I get my hands back?" iyon na lang ang nasabi ni Max.
Natawa nang mahina si Erah at binitiwan na ang kamay niya. "Kanina ko pa napapansin na nakasimangot ka sa laptop mo."
Poker-faced namang nakatingin si Max sa kanya. "It's better if you don't talk to me."
Tinakpan ni Erah nang kaunti ng labi nang matawa na naman nang mahina. "Let me guess," tumingin siya sa ibang direksyon para isipin ang mga dahilan, "It's either, you're already taken, you're introvert, or nature mo lang ang man-turn down ng tao," sabi niya sabay smile kay Max.
Wala namang isinagot si Max, sa halip ay nagtuloy na lang sa pag-reply sa mama niya.
99
Papa, we're going home. Giuseppe's around.
RJ
Good. I'll take you home. See me in ten minutes.
"You're handsome," sabi ni Erah.
Narinig iyon ni Max pero hindi niya pinansin. Wala namang bago roon. Kahit sino yatang malakas ang loob kausapin siya, ganoon ang sinasabi.
"Pareho kayo ng lakas ng appeal ng father mo."
Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Max at tiningnan na ang mukha ng babae.
Hindi naman mukhang kaedad ng Papa niya si Erah. Mukha ngang ilang taon lang ang tanda nito sa kanya. Ayaw naman niyang isipin na ka-affair iyon ng papa niya. Kaka-move on lang niya sa ideyang kabit si Miss Etherin ni Josef, tapos biglang susulpot itong si Erah.
"Do you know my father?" takang tanong ni Max.
"Somehow, yes. Mas masungit ka nga kaysa sa kanya, actually. No offense," sabi nito sabay kindat.
Tumaas lang ang kilay ni Max kay Erah.
"Oh, Jin!" Itinaas nito ang kamay para tawagin ang kasama niya.
Nilingon ni Max ang likuran at nakita ang isang babaeng nakasuot ng black peasant dress. Mukhang mabait pero masyadong seryoso. Walang karea-reaksiyon sa mukha. Diretsong-diretso ang katawan nito. Ni hindi man lang gumalaw ang balikat. Para pang lumulutang sa hangin kapag naglalakad. Mahaba pa naman ang blonde at wavy nitong buhok. Magkamukha naman ito at ang babaeng kaharap, pero bigla niyang naalala ang mama niya nitong umaga lang. Parang ganoon kasi ang kilos nito.
Sinundan lang ni Max ng tingin ang tinawag na Jin hanggang huminto ito sa tabi niya habang nakaharap kay Erah.
"Ate, sana hindi mo 'ko iniwan doon sa table natin," sabi nito. Pansin ang lamig at kawalang-emosyon sa tono nito. Kahit si Max na katabi nito, nangilabot din.
"Oh come on, Jinrey . . . Masyado ka namang mainipin." Itinuro ni Erah ng tingin si Max kaya napatingin sa kanya si Jin.
Isang malalim na pagbuntonghininga ang nagawa ni Jin habang nakatingin ang walang emosyong mata niya kay Max. "Anak ni Milady."
Imbis na sumagot, lalo lang naningkit ang mga mata ni Max kay Jin.
Isang masamang ngisi lang ang nagawa ni Erah kay Jin. "Di ka ba magpapasalamat sa kanya, napabilis ang tracking natin kay Milady dahil sa batang 'yan."
"Umalis na tayo rito. Baka makita pa niya tayo rito kasama 'yan," ani Jin.
Biglang tumamis ang ngiti ni Erah at iwinagayway pa ang mga daliri para magpaalam. "Nice meeting you, Max. See you next time!" Kinuha na niya ang bag at nauna nang maglakad paalis.
Inilipat naman ni Max ang tingin kay Jin na nakatitig lang sa kanya. Nakakatakot talaga ito tumingin kahit malaki ang pagkakahawig nito kay Erah.
"May kailangan ka?" tanong na lang ni Max habang nakatingin sa walang emosyong mata ni Jin.
"Mag-iingat ka," sabi ni Jin at saka siya naglakad para sundan ang kapatid.
Nakakunot naman ang noo ni Max habang sinusundan si Jin na animo'y kaluluwang-ligaw sa loob ng coffee shop.
Napaisip tuloy siya kung magkapatid ba talaga ang dalawa dahil ang layo ng personalidad ng mga ito. Ang tingin n'ong Erah, matapang masyado na parang handa nang manampal ng kahit sino. Ang tingin naman n'ong Jin, tinalo pa ang balon sa sobrang lalim. Hindi matarok.
Napailing na lang siya at hindi na lang pinansin ang dalawa. Lagi naman siyang nakakakilala ng mga wirdong babae kaya ayos lang.
Ibinalik niya ang atensiyon sa laptop.
RJ
Max, umuwi ka na.
Soldier
What about Mama's donuts?
RJ
Don't buy her sweets. Ibibigay lang niya 'yan kay Zone. Go home if you don't have any business outside.
99
You both know I'm here, di ba?
RJ
Hi, Mama, I love you. *smiles*
99
Bullshit.
Soldier
Pa, I met two ladies here in cafe.
RJ
Son, what's new?
Soldier
The name's Erah and Jin. Does it ring a bell? Kilala ka raw nila.
99
Go home, Maximilian Joseph Zach. We're gonna talk.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top