33: The Usual Morning
Sa bahay ng mga Malavega . . .
Napatalon agad si Melon sa may hagdan nang makitang susugod na ang isa sa mga lalaking nakaitim kina Lei. Inabot agad ang mukha nito ng suntok niya kaya bumagsak agad ito at dumausdos sa sahig. Binato na rin niya ng display na picture ang isa nitong kasama na natamaan niya sa mukha.
"Mel!" tawag ni Lei na kino-cover si Arjo.
"Ano bang nangyayari dito?!" nagtatakang tanong ni Arjo habang palipat-lipat ng tingin kay Melon at doon sa natitirang lalaking nakaitim
"Itago mo na siya!" utos ni Melon sabay turo ng ulo roon sa itaas. Tumango naman si Lei at hinatak si Arjo papunta sa hagdan.
"Sino ba yung mga 'yon?!" tanong ni Arjo habang hindi nilalayo ang tingin doon sa mga lalaking nakaitim.
"'Wag ka na lang magtanong! Tara na!" Itinulak ni Lei si Arjo papunta sa taas.
Kinuha ng isang lalaking nakaitim ang dalawang kunai at ibinato kay Melon. Iniwasan ni Melon ang isa at sinangga ang isa gamit ng display na figurine.
Kinuha ng isa pang lalaking nakaitim ang dala nitong baril at kinasa na. Napaatras tuloy si Melon dahil doon. Pero pinigilan ng lalaking naghagis ng kunai ang kasama niyang may hawak na baril. Umiling ito para sabihing huwag.
Pinakiramdaman sila ni Melon. Hindi puwedeng gumamit ng baril, may laban siya kahit paano.
Kinuha niya sa bulsa ang baong brass knuckles at sinuot. May laban siya sa mano-mano.
Sumugod na siya at binira sa mukha ang isa sa mga nakaitim. Nabasag ang suot nitong maskara at nakita ang parte ng mukha nitong duguan na. Sinipa si Melon sa sikmura ng isa pa kaya napaatras siya nang tatlong hakbang. Napahawak tuloy siya sa tiyan dahil sa sakit.
Nagtabi ang dalawang lalaki at pumuwesto para sabay na sugurin siya. Inilabas ng isa ang dalawa pang kunai, ang isa naman ay maliit na katana. Umayos naman ng tayo si Melon at pumorma na rin para sumugod. Itinaas niya ang dalawang kamao at tiningnan nang masama ang dalawa niyang kalaban.
"Aaargh!"
Magsusuguran na sana sila nang biglang may malalakas na putok ng baril ang narinig sa labas.
Bang! Bang! Bang!
May malakas ding sigaw mula sa labas at biglang tumahimik.
Pare-pareho tuloy silang natigilan.
Sandali silang nagtitigan doon. Tinatantya ang mga pangyayari.
Napalunok na lang si Melon.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Armida na may dala-dalang tatlong long envelope at binabasa ang address doon.
Huminto pa ito at tiningnan sila.
Humigpit ang pagkakahawak sa mga armas ng dalawang lalaking nakaitim.
"Ang lawak sa kalsada, bakit dito n'yo pa napiling magpatayan?" tanong pa niya sa mga nag-aaway sa loob ng bahay nila. Nagtuloy-tuloy siya ng lakad papasok sa loob na animo'y walang nangyayaring kaguluhan. Sinundan lang siya ng tingin ng dalawang nakaitim at ni Melon.
Si Josef naman, nagtuloy na lang din papasok sa loob na parang wala lang.
"Ayokong maglinis ng kalat," sabi ni Josef doon sa mga nag-aaway sa loob ng bahay nila. Magulo kasi sa sala nila at halatang nagkaroon ng komosyon.
"Aarrgghh!" Nagtuloy na lang sa pagsugod ang dalawang lalaking nakaitim na ang puntirya ay si Josef na.
"Watch out!" sigaw ni Melon.
Isang tinatamad na tingin lang ang makikita sa mukha ni Josef nang damputin ang vase sa mahabang mesang dinadaanan niya saka hinampas iyon sa mukha ng may hawak na katana. Halos mabasag na ang mukha ng lalaki dahil sa ginawa niya kaya bumagsak agad ito.
Si Armida naman, inunahan na ang babato ng kunai at mabilis na ibinato ang isang envelope na hawak niya para patamaan sa leeg ng kalaban. Bumaon ang buong envelope sa leeg ng lalaking nakaitim at agad na bumagsak.
"Josef, i-check mo nga si Zone sa taas. Baka gising na," utos pa ni Armida at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig.
Si Melon naman, natulala sa nangyari. Palipat-lipat ang tingin niya sa mag-asawa na wala man lang karea-reaksiyon sa ginawa.
Napalunok na lang siya dahil ang kaninang kalaban niya ay mga wala nang buhay ngayon. Ni hindi man lang pinagpawisan ang mag-asawa sa ginawa.
Hindi maalis ang tingin niya sa lalaking tinamaan ng puting envelope sa lalamunan. Hindi siya makapaniwalang bumaon iyon sa katawan ng kalaban niya.
"That's freaking vile," mahinang sinabi ni Melon naiiling na lang. Paglingon niya kay Armida, umiinom lang ito ng tubig.
Ibinalik niya ang tingin sa dalawang katawan sa sahig. Nakita niya ang isang pamilyar na crest. Mukhang kilala na niya kung sino ang nagpadala sa dalawang taong iyon.
"Kung ako sa 'yo, simulan mo nang palabasin ang mga Guardian mo," sabi ni Armida habang naglalakad palapit kay Melon. "Pinapasok ka ba o sapilitan kang pumasok?"
"Kilala ako ni Arjo," seryosong sagot ni Melon habang sinusundan ng tingin si Armida na inuusisa ang mga napatay.
"Pakipalitan na rin ang furnitures, gusto ko yung bagay sa interior," dagdag ni Armida habang tumatango. "Hindi talaga matahimik si King."
Napapikit si Melon at napabuntonghininga na lang. Iniisip niyang ang mahalaga, hindi nagalit ang mag-asawa sa pagsira sa sala nila.
Kinuha na niya ang phone at tinawagan agad ang number ng Guardian Decurion niya.
"House fixing again. Dito sa location ng Fuhrer," bored na sinabi ni Melon at saka niya binaba ang tawag.
Tiningnan niya ang isang pinatamaan ng envelope sa leeg. Pinigilan lang ng carpet ang pagkalat ng dugo nito sa sahig. "Tsk tsk tsk," napailing na lang si Melon. Alam naman niya ang kakayahan ni Armida Zordick bilang dating assassin, pero hindi ganoon kalupit. Akala niya noon, sabi-sabi lang at exaggeration na kaya nitong pumatay gamit ang kahit anong mahawakan. Mukhang napatunayan na niyang higit pa roon ang kaya nitong gawin.
"You're one of a hell's masterpiece," papuri niya rito pagtayo nito nang diretso.
"People regret that fact after knowing me," sagot na lang ni Armida at umakyat na rin sa second floor.
Samantala . . .
Nasa kuwarto ni Max sina Arjo at Lei.
"Teka, bakit nandito tayo?" tanong ni Arjo.
"Basta, dito lang tayo. Safe dito," sabi ni Lei habang paulit-ulit na sinisilip ang suot niyang relo para tingnan ang oras.
"No . . . I mean, may room din ako! Bakit kailangang dito pa sa kuwarto ni—" Nanlaki ang mga mata nang maalalang hindi pala alam ni Lei na kuya niya si Max.
Hinawakan niya agad ang braso ni Lei para palabasin sila roon. "Lei, I think, we need to go out!" nag-aalala niyang sinabi.
"Hindi puwede, Arjo! Delikado sa labas!" sabi agad ni Lei.
"A-alam ko . . . P-pero kasi—Lipat na lang tayo ng kuwarto, sige na!" pagpipilit niya.
"Hindi. Mas safe tayo rito," pamimilit ni Lei.
"Mas safe sa room ko!"
Umiling naman si Lei para sabihing hindi "Dito, mas safe na safe dito."
"Pero—"
Napahinto silang dalawa nang biglang bumukas ang pinto. Sabay pa sila sa paglingon doon
"Pa!" gulat na nasabi ni Arjo nang makita ang papa niya.
Lumapit agad sa kanya si Josef at tiningnan ang buong katawan niya. "Okay ka lang?" Hinawakan niya ang braso ni Arjo para tingnan kung may sugat. "Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?"
Nakatingin lang si Arjo sa mukha ng papa niyang nag-aalala. Hinawi pa nito ang buhok niya at inalam kung natakot ba siya o ano.
"Pa, okay lang ako . . ." Napatingin naman ni Arjo sa direksiyon ng pintuan at nakita ang mama niyang nakatingin lang sa kanya pero walang sinasabi.
Umiling lang ito na parang dismayado sa kanya.
Gusto niya tuloy magtanong kung bakit parang hindi naman worried sa kanya ang mama niya.
Nang makitang okay naman si Arjo, nalipat ni Josef ang tingin kay Lei na nakatulala sa kanya.
"Kaibigan ka ba ni Arjo?" mahinahong tanong ni Josef kay Lei.
"A-a-a-ano po . . ." nautal na si Lei habang nakatitig kay Josef. Masyado siyang na-overwhelm. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang pangalawang Fuhrer sa history ng Citadel. Napalunok na lang siya dahil sa sobrang amazement. Kahit heartbeat niya, sobrang bilis na sa sobrang saya at excite. Ang sabi pa naman sa Citadel, di-hamak na mas mabait ito kaysa sa pinalitan nitong Fuhrer. Mukha naman itong mabait, at mas guwapo sa malapitan.
"Young lady, are you alright?" tanong ni Josef nang makitang nakanganga sa kanya ang dalaga.
"Lei, uy." Siniko na ni Arjo ang kaibigan niyang natulala sa papa niya.
Nang mahimasmasan ay agad na tumayo nang diretso si Lei at nagbigay-galang kay Josef. "Lei, milord. It's an honor to see you in person!" masaya niyang pagbati pagkatapos ay tumayo na siya nang diretso at nginitian ng matamis si Josef.
"Milord?" tanong ni Arjo sabay isip kung saan napulot ni Lei ang milord na sinabi nito.
Si Josef naman, napansin ang kuwintas ni Lei na lumabas pagkatapos nitong yumuko para magbigay-galang. Napatango na lang siya dahil mukhang alam na niya kung anong klaseng tao si Lei.
"Devero?" tanong ni Josef.
"Yes, milord," sagot ni Lei.
"Arjo, si Zone?" paningit na tanong ni Armida.
"Nasa kuwarto niya yata," hindi pa siguradong sagot ni Arjo.
"Yata?" inis na tanong ni Armida. "Di ba dapat inaalagaan mo ang kapatid mo?"
"Nasa kuwarto niya 'yon! Hindi naman 'yon lumabas kanina simula no'ng sinungitan mo e!" inis na sagot ni Arjo sa mama niya.
"Sinungitan ko?" tanong ni Armida kay Josef.
"It's Jin," sagot ni Josef.
"Shit," mahinang mura ni Armida at agad na pinuntahan ang kuwarto ni Zone. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bukas ang kuwarto. Napasugod tuloy siya roon nang wala sa oras. "Zone! Zone!" Nilibot niya agad ng tingin ang buong kuwarto para hanapin ang anak niya. "Dae Hyun! Nasaan ka na?"
Tiningnan niya ang banyo, wala.
Tiningnan niya ang kama at hinagis ang mga laruan doon. Walang Zone na nagpakita.
Binuksat niya ang closet. Wala pa rin ang anak niya.
"Josef!" Napalabas agad siya nang hindi makita ang anak sa kuwarto nito. "Josef! Si Zone wala sa—"
Napahinto na lang si Armida nang makitang buhat ni Josef ang bunso niyang anak.
"Mama!"
"Zone!" Dali-dali siyang lumapit kay Josef at kinuha ang anak. "Pumpkin, are you alright?" alalang tanong ni Armida sa bata habang hinahawi ang noo nitong napawisan.
"Mama, Kuya's bed goes like this . . ." Itinaas nito ang kamay tapos pinakita kay Armida kung paano bumaba ang kama ni Max sa sahig. "Like whoosshh . . . and the floor covered me." Tumango siya tapos niyakap niya si Armida.
"Oh . . . Zone, are you hurt?" mahinahong tanong ni Armida habang hinahagod ang likod ng bata.
"No, Mama. Kuya Melon hid me . . ."
Inilipat ni Armida ang tingin kay Josef.
"Yung estudyante mo, mukhang may kalokohan na namang pinaplano," sabi ni Josef sa asawa.
Inilipat ni Armida ang tingin kay Arjo na ang sama ng tingin sa kanya. Sunod kay Lei na nakatingin din sa kanya. Napabuntonghininga na lang siya at saka inilipat ang tingin kay Josef.
"Hayaan na lang muna natin sa ngayon. Mamaya, madamay pa yung mga bata," sabi ni Armida at saka niya ipinasok si Zone sa kuwarto nito.
"Arjo, doon ka muna sa kuwarto mo. 'Wag ka munang lumabas hangga't hindi ko sinasabi," utos ni Josef.
"Pero, Pa—"
"Room. Now," maotoridad na utos ni Josef.
Sandaling nakipagsukatan ng tingin si Arjo sa papa niya, ang kaso wala na ring nangyari. Masyadong seryoso ang tatay niya para kalabanin ngayon sa usapan.
"And you, young lady," sabi ni Josef kay Lei. "Follow me."
Yumuko na lang si Lei. "Yes,milord."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top