32: So-Called Mistress
"Nakuha mo na ang sagot mo, di ba? Bakit di ka pa umaalis?"
Sinusundan lang ni Laby ng tingin si Max na iniimis ang lahat ng duguang kalat sa paanan ng kama at inilalagay sa maliit na trashbin sa kanto ng pintuan.
Hindi sumagot si Max, patuloy lang ito sa ginagawa.
Nakailang ikot na ng mata si Laby dahil napakatigas talaga ng ulo nito. Anumang oras, baka may dumating na sa apartment niya para kausapin siya tungkol sa dahilan kaya siya may tama ng bala sa balikat.
"Alam mo, dapat binabantayan mo ang mga kapatid mo ngayon sa bahay n'yo. You're supposed to do that, right?"
Dumiretso sa lababo si Max at naghugas ng kamay. Kumuha siya ng paper towel na nasa loob ng cabinet at nagpatuyo. Nang matapos ay binalikan na ulit niya si Laby at naupo sa upuang iniwan sa harapan nito.
"You should leave me alone today," paalala ni Laby sa kanya. "You know the feeling of being monitored and it's annoying as fuck."
"Isipin mo na lang na gumaganti ako sa pag-stalk mo sa buong pamilya ko," mapanghamong sinabi ni Max at nagkrus na naman ng mga braso. "If you're annoyed, then I'm doing a great job."
"I'm not stalking your family, excuse me," sagot agad ni Laby. "It wasn't like I was aggravating each one of you."
"Tinawagan ka ba ni Papa kagabi?" diretsong tanong ni Max dahil iyon ang gagawin sana ng papa niya nang makita niya.
"Wala ako rito kagabi para sumagot ng tawag. Bakit? Tungkol na naman ba sa nangyari sa mama mo?"
"Probably, yes."
"He didn't call again. Baka nasagot na ang itatanong niya. May tanong ka pa?"
"Alam ba ni Papa na mamamatay si Arjo kapag ginamot si Mama?"
Napangising bigla si Laby at napailing. Para bang nakakatawa ang tanong na iyon ni Max. "Hindi pabor ang papa mo rito kahit na nagkasundo na kami. Sinabi ko lang sa kanya na kailangan ang dugo ni Arjo. Hindi niya alam ang buong proseso. Hindi ko rin alam kung sinabi ba ni Armida sa kanya, pero mukhang hindi."
Sinukat ni Max ng tingin si Laby at nagtataka sa sinabi nito. "You're not saying everything to my father. You created my siblings and you're lying to my parents by omission."
"Overacting si Josef. Passive din," katwiran agad ni Laby. "Palagi niyang pipiliin si Armida kahit na ang ibig sabihin n'on, kailangan niyang pumatay. And Arjo is not an exemption. Mag-aaway lang sila kapag nalaman niya."
Napailing na lang gawa ng pagkadismaya si Max. Ibang uri din ng halimaw ang nasa harapan niya ngayon. Gumawa ito ng tao para patayin. At hindi lang iyon, papatay ito ng tao para mabuhay naman ang iba. At pinag-uusapan nila iyon na parang walang halaga ang buhay ng kapatid niya.
"Paano mo 'to natatago kay Papa kahit na lagi kayong magkasama?" nanghuhusgang tanong ni Max.
Napakamot ng sentido si Laby dahil nandoon na naman ang lalaki sa pagpipilit nitong kabit siya ni Josef.
"Alam mo, magkasama lang kami ni Josef dahil sa trabaho. At magkaugaling-magkaugali kayo. Kahit isang hilera pa ng nakahubad na babae ang iharap mo sa kanya, mananatili ang loyalty niya sa mama mo. Aside sa hindi siya madaling i-seduce, masyadong mataas ang standard niya para maabot ko. And besides, takot lang niyang mambabae."
"And what about you? I'm sure you enjoyed my father's company."
"I'm your father's walking Siri. Mas trusted pa niya ang salita ko kaysa internet. And that's bothering most of the time," iritang sagot ni Laby sabay ismid nang maisip niya iyon. "He's gonna call in the middle of the night just to ask if your mother is allowed to do this or that. He would ask if gaano katagal pang mabubuhay ang mama mo kung di pa siya nasasalinan ng dugo. He always ask about your mother's welfare na parang sa 'kin nakasalalay kung mabubuhay pa ba si Armida nang matagal o hindi. I told you, limitado lang ang alam niya at wala siyang ibang matatanong kundi ako lang."
Saglit na nagtagal ang titig nila sa isa't isa, inaalam ni Max kung nagsasabi ba ng totoo si Laby o nangangatwiran lang.
Hindi nagtagal, naibaba ni Max ang tingin nang maisip ang sinabi ng babae. Kung ito nga lang naman ang nakakaalam ng proseso kung paano gagamutin ang mama niya, malamang na gagawin din niya ang ginagawa ng papa niya, gumaling lang ang mama niya. Kung alam lang niyang ito lang ang may alam sa tamang proseso, baka siya pa ang tumawag nang tumawag dito para mangulit.
Kahit paano, naintindihan na niya ang katotohanang iyon.
"Si Zone? Kung buhay naman na si Arjo, bakit dumating pa si Zone?" Ibinalik niya ang tingin kay Laby na mukhang nagulat sa tanong niya. "Matagal na nawala si Mama that time nang dumating sa amin si Zone. I'm sure, hindi rin naman ginusto nina mama na magkaroon pa ng isang anak after me."
Umiling si Laby at nagbuntonghininga. Napatanaw siya sa bintana at inisip kung paano ba sisimulan ang paliwanag doon.
"Zone is a failed experiment," panimula ni Laby habang nakatingin sa maaliwalas na langit sa labas. "Nalaman ng Citadel na pinahinto ni Armida ang pagsasalin ng dugo sa kanya after she learned the process na uubusin pala ang dugo ni Arjo para ilipat sa kanya." Ibinaba niya ang tingin at pinagmasdan ang palad. "I tried to create another vessel para sa dugong kailangan ng mama mo."
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya at napatingin na naman sa may bintana.
Nagpatuloy si Laby. "Wala na 'kong healthy host para maging surrogate mother that time. Pinigilan ng Citadel ang experiments ko para humanap ng permanent cure sa mama mo. Your mother's body is in the verge of perishing. I had no other choice but to be the host."
Halos mapangiwi si Max sa kuwento ni Laby. Dahil lang wala nang magiging surrogate mother para sa eksperimento nito, nagprisinta na ito para doon?
"Why are you doing this? Why are you doing all this for my mother?" asiwang tanong ni Max dahil hindi talaga siya makapaniwala sa lahat ng ginawa ni Laby.
"Your mother is a walking relic. And you'll never understand the people behind this projects. Gusto ni Josef na mabuhay ang mama mo. Gusto kong pag-aralan ang nangyari sa mama mo. We need to meet halfway."
"Pero pinaglalaruan mo ang buhay ng tao! Arjo and Zone are made not born! How can you talk like you just created them out of mud? Diyos ka ba?"
Umiling na lang din si Laby at dahan-dahang sumandal sa headboard ng kama para alalayan ang balikat. Tumitig na lang siya sa kisame na parang doon makikita ang mga salitang gusto niyang sabihin.
"Masyadong komplikado ang buhay ng mga magulang mo. Kung kami lang ang masusunod, matagal na sana silang patay." Sinulyapan niya si Max na halatang naiinis na sa kanya. "Once in a Zach and Zordick's life, the scariest men lived on Earth fear a Malavega. And it's a challenge to your parents to keep everything in secrets. As long as your siblings are using that name, they'll remain untouchable."
Natigil ang usapan nila nang biglang tumunog ang telepono sa nightstand na pinagigitnaan ng kama at upuan kung nasaan si Max.
Hinintay lang ni Laby na voicemail ang rumehistro bago malaman kung sino ba ang tumatawag. Ilang saglit pa, may nagsalita na
"Hey, Catherine, this is Josef."
Nagsalubong agad ang tingin nila ni Max dahil sa tumawag.
"Where the hell have you been? Kagabi pa kita tinatawagan, di ka sumasagot. Gusto mo pa bang bigyan kita ng subpoena?"
"Tss! Guardian mo ba 'ko?" inis na sinabi ni Laby sa telepono.
Napataas lang ng kilay si Max dahil tumawag nga talaga ang papa niya kay Laby. Mabilis lang namang umirap ang babae dahil sa reaksiyon niya.
"Anyway, nag-take ng gamot si Armida. Risperidone ang pangalan. The doctor said pampakalma raw 'to. Si Jin ang nag-request ng gamot para palabasin ang asawa ko. Is this okay? Wala bang side effects ang gamot? And once you received this, call me ASAP. Nakausap ko si Jocas kagabi, and I didn't like what she said. Alam daw niya kung ano yung gamot na tinutukoy mo na binibigay ni Crimson sa kanya dati."
Nanlaki agad ang mata ni Laby at mabilis na umalis sa pagkakasandal pero biglang natigilan.
"Agh—!"
Mabilis na dumulog si Max para alalayan siya sa pag-upo. "Tsk!" Nakasimangot lang siya nang tingnan si Laby.
Ang inaasahan ni Max, magiging malambing ang tono ng papa niya dahil iyon ang tumimo sa isipan niya sa matagal na panahon. Pero base sa narinig niya sa tawag, sa tono pa lang ng pananalita ng ama, para lang itong nag-uutos sa sekretarya nito. At hindi lang iyon, ginagawa pang doktor si Laby kung magtanong. Noon lang niya ito narinig manermon sa ibang tao maliban sa kanilang dalawa ni Arjo. Palagi kasi itong kalmado at mapagkumbaba.
"Pakisabi nga sa papa mo, naiinis ako sa kanya," iritang sinabi ni Laby at tinapik na ang kamay niya. Pinindot nito ang last caller ID at tinawagan. "Pwede ka nang umuwi."
"No," pamimilit ni Max.
"Maximilian Joseph Zach, umuwi ka na," mariin niyang utos.
Wala pang dalawang ring, may sumagot na. "Hey, Josef—"
"Bang! Bang! Bang! Josef—!"
Biglang namatay ang tawag at nagkatinginan na naman sina Laby at Max na parehong nagulat sa narinig.
"Shit." Mabilis na tumakbo patungong pintuan si Max para umalis.
Putok iyon ng baril at tili iyon ni Armida. At kailangan na niyang umuwi para malaman kung ano na ang nangyayari sa kabila ng tawag na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top