3: Zone
Isang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang lumipat ang mga Malavega sa Grei Vale. Doon kasi sila nakatira sa kabilang siyudad, sa isang townhouse na malapit sa dating school nina Arjo. Sa kasamaang palad, may nangyaring hindi inaasahan kaya napilitan silang tumira sa village na pagmamay-ari ni Erajin Hill-Miller.
Nasa biyahe ang mag-asawa kasama si Zone. Si Josef ang nagda-drive, nasa passenger seat naman si Armida kandong-kandong ang bunso nilang panay ang laro sa PSP nito.
“Hindi muna ako papasok,” sabi ni Josef na tutok sa kalsada. “Sasama ako sa school. Mamaya, awayin mo na naman yung teacher e.”
“E paanong hindi ko aawayin—”
“E paanong hindi mo aawayin, mahilig ka talagang mang-away,” putol ni Josef sa asawa niya.
“Uhm!” Biglang binato ni Armida ang asawa niya ng face towel na nasa dashboard.
“Bakit na naman?!” reklamo ni Josef at inalis ang sumabit na towel sa kanang braso. “I’m just saying na puwede mo namang kausapin nang maayos.”
“Hoy, Ricardo Exequiel, makinig ka,” mariing utos ni Armida. “Yung teacher, puwedeng sabihing ipapatawag ang parents. And for whatever reason, hindi na ’yon dapat i-disclose. Bakit pa kailangang sabihin sa bata yung tungkol sa acceleration program, aber?”
“Kaya nga dalhin na lang natin kay Laby!”
“Uhm!” Si Zone naman ang nagbato sa kanya ngayon ng maliit na penguin stuff toy nitong nakaipit sa kili-kili kanina pa. “Don’t shout at my Mama, Josef!”
Huminto ang sasakyan nang mag-red ang stoplight.
“See that!” reklamo ni Josef sa anak niya. “He’s shouting at me, he’s throwing things at me, and he’s calling me Josef!” Umirap siya sabay iling.
“E di sabihin mo na lang na dadalhin natin siya kay Laby, not because he needs intensive monitoring, but because you don’t want the kid around.”
“I hate you, Josef,” kaswal na sabi ni Zone na nakatutok sa PSP niya.
“I. Don’t. Care. Uhmmmm!” Kinurot niya ang pisngi ng bata at pinanggigilan iyon. “Little monster!”
“Mamaaaaa!” tili ni Zone. “Inaaway ako ni Joseeeeef!”
“Uhm!” Isang hampas sa braso ang ibinigay ni Armida sa asawa niya para tantanan nito ang bata. “Ikaw, habang tumatagal, lalo kang nagiging abnormal.”
Natawa na lang si Josef at napaisang iling. Pagliko nila sa isang crossing, tinumbok nila ang dulo ng daan kung nasaan ang school ni Zone.
“Zone, tigilan mo muna ’yan,” utos ni Armida sabay halbot ng hawak nitong PSP sa anak. “Malapit na tayo sa school.”
“Mama!” Pinilit nitong abutin ang PSP, kaso hindi nito naabot dahil hinagis agad ni Armida ang laruan sa backseat. “I’m playing!”
“No, you’re not.” Dinuro ni Armida ang mukha ni Zone para pagalitan. “Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa Croatia.”
Sumimangot agad si Zone at isinubsob ang ulo sa dashboard ng sinasakyan nilang pulang sedan. Ginawa na naman niya ang hand dance itsy-bitsy spider niya sa itaas ng ulo.
“Dae Hyun!” Inilayo agad ni Josef ang anak niya sa dashboard ng kotse dahil malamang na mamaya, iuuntog-untog na niyon ang ulo roon. “Will you stop doing that?”
Ayaw paawat ni Zone at isinubsob na lang ang mukha sa bintana ng kotse at doon ginawa ang hand dance niya.
“That kid is lunatic,” bulong ni Josef sa asawa.
“He’s your son,” paalala ni Armida sa kanya na may matalim nang tingin. “And it’s your fault.”
Sandaling nakipagtitigan si Josef kay Armida. Napabuntonghininga na lang siya dahil sa sinabi nito. Pinaandar na niya ang kotse para tumuloy sa school ng anak.
Wala siyang magagawa. Hindi naman kasi normal na bata si Zone.
“Kung ayaw mo talagang ibalik siya kay Laby, i-transfer na lang natin sa HMU,” suggestion ni Josef. “At least doon, namo-monitor siya.”
Sandali siyang tiningnan ni Armida, at saka inilipat ang tingin kay Zone na ayaw tumigil sa hand dance nito.
“Zone, gusto mong lumipat ng school?” tanong ni Armida sa anak.
“You hate me,” nagtatampong sabi nito.
“Zone,” malambing na tawag ni Armida, “hindi ka hate ni Mama . . .”
“You hate me so bad.”
Napaikot ng mata si Josef dahil ang napakaarte ng anak niya, kalalaking bata.
Iniharap na lang ni Armida si Zone sa kanya para makita siya nito.
“Kapag hindi mo ’ko sinagot, magagalit ako sa ’yo,” seryoso nang sinabi ni Armida at may halo nang pagbabanta.
Nag-pout na lang si Zone habang nakayuko. “I want to transfer.”
Tiningnan naman ni Armida si Josef. Ngumiti lang ang lalaki na parang may napanalunang laro.
“Let’s agree with that.”
****
Sa isang simpleng preparatory school lang pumapasok si Zone. Sinlaki nga lang ng ground floor ng bahay nila ang school nito na may populasyon ng labinlimang batang nasa edad tatlo hanggang anim ang nag-aaral.
Nakaupo si Zone sa tabi ni Armida habang nag-p-PSP. Kaharap naman ni Armida ang asawa sa katapat na upuan. Kinakausap ng mag-asawa ang adviser ng section ni Zone sa teacher’s table nito.
“Mrs. Malavega, siguro po mas maganda kung i-a-accelerate n’yo na si Dae Hyun. Sayang naman po ang opportunity,” napakahinahong sinabi ni Ma’am Diane, ang guro ng anak nilang ilang taon lang ang tanda kay Max. “May mga pumupunta na rito para mag-alok ng scholarship for him. Baka gusto n’yong i-consider.”
Nagkatinginan naman ang mag-asawa.
“Uhm, Ma’am Diane . . .” Tiningnan sandali ni Josef si Armida. Tumango ito para sabihing alam na niya ang susunod na sasabihin. “. . . Ang totoo, naisip naming ilipat na ng school si Dae Hyun. Lumipat kasi kami ng bahay at napakalayo nitong school sa bago naming tinitirhan. And about sa program—” Tiningnan niya ulit ang asawa.
“Since we are planning to transfer Dae Hyun, baka doon na lang namin i-consider sa bago niyang school ang program,” sabi ni Armida.
“Oh, I see . . .” Napatango na lang ang adviser sa sinabi nilang mag-asawa.
Nawala bigla ang atensiyon ni Zone sa nilalaro at nilingon-lingon ang paligid. Binitiwan niya ang PSP at biglang sumali roon sa mga kaklase niyang nagtatakbuhan at naglalaro.
Pinanood naman ni Armida ang anak niyang masayang nakikipaglaro sa mga kaklase niya. Napangiti na lang siya dahil nagagawa nito ang mga bagay na hindi niya nagawa noon.
Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niyang i-accelerate si Zone. Gusto niyang maranasan nito ang makipaglaro sa ibang bata, ang makihalubilo nang walang inaalalang problema, ang maging normal. Mga bagay na alam niyang hindi magagawa ni Zone kung papayag siya sa kahit anong program na inaalok nila.
“Sige po, we will call you for the papers . . .”
“Aaaah!” Nagtatatakbong lumapit si Zone kay Armida at niyakap siya nito para taguan ang mga kalarong hinahabol siya.
Kiniliti naman si Zone ng mga kaklase niyang nakikipaglaro sa kanya.
“Hahahaha!” Pinipilit naman ni Zone na magtago sa yakap ni Armida kahit na nakikita naman siya ng mga kalaro.
“Dave! Michelle! Jillian! May kausap ako! Tigilan n’yo muna si Dae Hyun!” sigaw ni Ma’am Diane sa mga bata.
Tumigil naman ang mga ito at lumayo na lang para ipagpapatuloy ang paglalaro.
“Sige po, Mr. Malavega.” Tumayo na si Ma’am Diane at si Josef. Tumayo na rin si Armida habang buhat ang anak niyang nililingon ang mga kalaro habang masaya at nakangiti.
“Josef, kunin mo yung PSP saka gamit ni Dae Hyun,” utos ni Armida sa asawa. Kinuha naman ni Josef ang inutos doon sa inupuan ni Zone.
“Maybe next week ma-process na yung papers,” sabi ni Ma’am Diane. “We’ll keep in touch with you for the update.”
Tumango naman si Josef at nagpasalamat. “Thank you so much, ma’am.”
“You’re welcome, Mr. Malavega, Mrs. Malavega” sagot naman ni Ma’am Diane.
“Okay na,” bulong ni Josef sa asawa. Tumango naman si Armida.
“Zone, magba-bye ka na sa mga kalaro mo,” utos ni Armida sa anak.
“Ba-bye, Dave! Ba-bye, Michelle! Ba-bye, Jillian!” Kumaway pa si Zone para magpaalam habang papalabas na sila ng room.
“Ba-bye, Dae Hyun!” Nagpaalam naman ang mga kalaro niya.
Nagtuloy-tuloy ang mag-asawa sa kotse nilang nakaparada sa labas ng school. Mukhang kailangan nilang pumunta sa HMU para i-enroll ang anak.
Itinakip ni Zone ang mga kamay sa tainga ni Armida para bumulong. “Mama, I want ice cream.” Inilipat niya ang tingin sa Mama niya para malaman ang sagot nito.
“You want ice cream, pumpkin?” Ngumiti naman si Armida at hinalikan sa pisngi ang anak niya. “Sige, kakain tayo ng ice cream.” Tiningnan niya ang asawa para sabihing alam na nito kung saan sila susunod na pupunta.
“Tss.” Biglang irap ni Josef at nandilat pa sa hangin.
Sa ice cream parlor . . .
Tuwang-tuwa si Zone habang kinakain ang kanyang ice cream. Katabi niya ang Mama niya sa malambot na couch habang katapat nila sa upuan ang Papa niya. Ayaw na ayaw niyang pagtabihin ang mag-asawa kaya ganoon lagi ang setup nila.
Iyon ang pinakamalapit na ice cream house bago pumasok sa Grei Vale. Kulay purple and yellow ang theme ng loob at puro fluffy and neon and mga display.
Pinanonood lang ni Josef ang anak niyang napakainosente kung titingnan.
“Naayos na ba yung problema doon sa bahay?” tanong ni Josef sa asawa.
Sinulyapan siya ni Armida sabay lipat ng tingin doon sa anak niyang parang walang kaproble-problema sa mundo
“Sinubukan nilang i-trace yung IP address. Mukhang binago nga ni Zone pati ’yon,” sagot ni Armida habang nakikikain din ng ice cream sa anak.
“Mama, it’s delicious,” nakangiting sinabi ni Zone.
“Yes, it is, pumpkin,” malambing na sinabi ni Armida at pinunasan ang noo ng anak niyang bahagyang namamasa dahil sa pawis kahit malamig naman doon. “Nasa state of national emergency ngayon Croatia. They’re blaming the Chinese Intel Agency.”
“Did you tell this to Laby?” asiwang tanong ni Josef.
“Josef, Laby will know things on her own,” seryosong sagot ni Armida at sumulyap na naman kay Josef. “You can’t hide things from the Brain.”
“But Zone just sent a missile to Croatia and bomb one of its region,” mahina nang sinabi ni Josef. “And we’re not hearing anything until now.” Lumapit pa siya sa mesa para lalong hinaan ang boses na sila lang ng asawa niya ang makakarinig. “We both know, kapag nalaman ’to ni Cas, hindi matatahimik ang telephone natin sa bahay.”
Nagtaas ng tingin si Armida sabay ngisi. “Josef, are you underestimating your son? Kabahan ka kapag na-trace tayo kahit ng CCS. Kaya nga natin pinasunog yung dating bahay, di ba? Para wala na talagang ebidensiya.”
“Ugh God.” Napahimas tuloy ng noo si Josef at akmang may sasabihin pero hindi matuloy-tuloy. Hindi niya kasi alam kung matutuwa ba sa sinabi ng asawa niya o kakabahan pang lalo.
Alam niyang masyadong magaling ang bunso nila. Pero ni sa hinagap bilang parte ng association at ng guild, hindi pa siya nakakita ng agent na nagpasabog ng isang rehiyon dahil lang napabayaan itong maglaro. At wala rin namang matinong agent ang maglalaro gamit ang missile na kayang bumura ng lugar sa mapa.
“Mama!” Umiling naman si Zone para sabihing ayaw na niya ng kinakaing Double Dutch. Tiningnan niya si Armida at itinuro ang bibig.
“Aw, are you full, pumpkin?” Ngumiti naman si Armida at pinunasan ang bibig ni Zone na puno ng chocolate sa palibot. Hinalikan niya sa labi ang anak at saka nilukot ang tissue na ipinampunas.
Tiningnan naman ni Zone si Josef na nakataas ang kilay sa kanya. “Bleh!” pang-asar niya kay Josef habang nagme-make face.
“Tss,” napa-eyeroll na lang si Josef dahil inaaway na naman siya ng anak niya.
“Sandali, maghuhugas muna ’ko ng kamay,” paalam ni Armida at saka siya tumayo para pumunta ng restroom.
Naiwan na ngayon ang mag-ama roon. Nagkrus ng braso si Josef habang tinatantiya ng tingin ang anak na para itong delikadong kriminal na iniwan sa harapan niya.
“She loves me more than you, Josef,” sabi ni Zone habang nakasubsob ang baba sa mesa at nagkukuyakoy.
“She loves me first, Zone,” proud na sinabi ni Josef sa anak.
At hayun na naman silang mag-ama sa inisan portion nila.
“She doesn’t love you anymore,” ganti ni Zone habang naduduling na nakatingin sa ice cream niyang hindi naubos.
Umirap na naman si Josef at nagbuntonghininga. Sumandal siya sa inuupuan at umiling. “You don’t have any proof, little monster.”
“You’re the ugly monster, Josef.” Tumango naman si Zone habang nakatitig sa malaking dessert glass. “You look horrible. And I’m cuter than you.”
Tumaas lang ang kilay ni Josef habang nakangiti nang kaunti. “You’re worst than your brother.”
“You’re worstest!”
“There’s no such thing as worstest, little monster. Worst is worst.”
Bumangon si Zone at pinukpok ang mesa. “I’m inventing it! That’s my vernacular!”
“Oh come on!” Napataas ng magkabilang kamay si Josef. “Stop inventing things, little monster! You almost invent a ticking bomb literally!”
Napalingon si Josef sa kaliwang panig niya at nakita si Armida na papalapit na sa kanila.
“Mama, si Josef!” sumbong ng anak.
“Josef, kanina ka pa, ha,” sermon ni Armida sa asawa. “Ako, naiinis na sa inyo—Ay! Ano ba!” Nagulat na lang siya nang bigla siyang hatakin ni Josef kaya napaupo siya sa kandungan nito. “Josef!” Pinalo niya ang balikat nito. “Ano bang—”
Hindi na natapos ni Armida ang sinasabi nang bigla siyang mariing hinalikan sa labi ng asawa.
Nagulat naman si Zone sa ginawa ng Papa niya. At dahil hindi iyon inaasahan ng bata, humirit agad ito ng iyak. “Mamaaaaa!”
Napalayo tuloy si Armida kay Josef sabay tulak sa noo nito. “Siraulo ka talaga!” Tumayo na agad siya at lumipat sa tabi ng anak na umiiyak pero wala namang luha.
Natawa nang mahina si Josef habang pinupunasan ang labi dahil nakadalawang puntos na siya. Isang score kay Armida, isang score sa pang-aasar kay Zone.
“Mama, inaaway ako ni Josef!” reklamo ni Zone habang tinuturo ang Papa niya. “Ang bad niya!”
Ang sama tuloy ng tingin ni Armida sa asawa. “Pati ba naman bata, pinapatulan mo?” Binuhat niya ang anak at kinandong.
“He started it,” nangingiting sinabi ni Josef at inasar pang lalo si Zone nang dumila siya rito.
“Tss.” Lalong sumama ang tingin ni Armida sa lalaki. “Ang tanda mo na para patulan ’tong anak mo, Josef! Akala ko ba, mahilig ka sa bata?”
Tinakpan naman ni Josef ang bibig gamit ang nakakuyom na kamao para itago ang ngiti.
“I hate him, Mama!” sumbong ni Zone habang humihikbi nang pagkapeke-peke. “I hate him so much!”
Hinawakan naman ni Armida ang pisngi ng anak niya at tumango-tango rin. “Oo, hate natin si Papa. Bad guy ’yan e.”
“Mama, kill him already!” utos ni Zone tapos umiyak na naman nang sobrang pilit. “He’s ugly!”
“Oo, we’ll kill Papa later. Hayaan mo ’yan, kalaban natin ’yan,” pagkampi naman ni Armida sa anak. Bigla niyang dinampot ang kalat na tissue sa mesa at ibinato kay Josef. “Sakit ka rin talaga sa ulo.”
“Hahaha! Kahit magsama pa kayo, hindi n’yo ’ko kaya,” pang-asar ni Josef at napa-iling na lang habang nakangiti. Kinuha na lang niya ang hindi naubos na ice cream ng anak at iyon ang kinain niya.
“Don’t cry, Zone. Di natin love ’yan si Josef.” Niyakap na lang siya ni Zone at isinubsob nito ang mukha sa leeg niya.
Ang sama ng tingin ni Armida sa asawa niyang nakangising aso habang inuubos ang ice cream. Dinuro pa niya si Josef.
“Humanda ka sa ’kin mamaya,” banta niya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top