29: Check-up

Paubos na yung chapters dito, wala pa ako sa kalahati ng revision (-__-)

Anyway, ia-appreciate natin yung original portrayer ni Mr. Xerces since 2014 hahaha

----


Ilang minuto lang ang inabot ng biyahe nina Josef at nasa clinic na sila ni Rayson. Sinalubong lang sila ng assistant nito at pansamantalang pinaupo sa waiting area. May pasyente pa raw kasi ito at kailangang hintayin muna.

"Sigurado ka bang gusto mong kumausap ng doktor?" usisa ni Josef kay Jin na diretsong-diretso ang upo habang nakalapat ang mga palad sa may hita.

"Gusto mo pa bang makita ang asawa mo?" malamig na tanong ni Jin habang nakatingin lang sa harapan.

Napahugot ng hininga si Josef. Ang tagal na niyang hindi nakita si Jin. Sintagal na rin gaya ng kay Jocas. Pero habang nakatingin siya rito, hindi talaga niya makita ang asawa niya. Mukha kasi itong multo. Malapit pa ang ugali nina Jocas at Armida, o kahit yata si Erah. Pero kapag si Jin, pakiramdam niya, para siyang may kasamang masamang elementong hindi dapat nabubuhay sa lupa.

Ilang saglit pa, nakarinig na sila ng nag-uusap. Lumabas sa isang pintong kabubukas pa lang si Rayson at isang matandang babae kasama ang isang lalaking umaalalay rito.

"Thank you, Doc Ray," pasalamat ng lalaki. "Babalik na lang kami next month for folow-up."

"Sure thing, Mr. Cueva." Ngumiti lang si Rayson habang sinusundan ng tingin ang mga kliyente niyang papalabas ng clinic. Ilang sandali pa ay napatingin na siya sa direksiyon ng mag-asawa. "O, Josef." Nalipat ang tingin niya sa katabi nito. Tinitigan pa niya nang maigi kung tama ba ng nakikita niya.

Ang haba ng bestida nitong itim na lacy ang bandang kuwelyo hanggang manggas. Nakasuot ito ng puting slip-ons. Hindi ito naka-makeup, nakalugay lang din ang mahabang buhok. Nakatingin lang ito nang diretso sa harapan na parang may nakikita itong hindi nila nakikita.

"Jin?" pagtawag niya dahil nagtataka siya rito.

Doon lang siya nito dahan-dahang nilingon. Saglit na nanlaki ang mga mata niya dahil kung tingnan siya nito, parang kaluluwa niya ang tinitingnan nito hindi ang pisikal na siya.

"Ikaw ba ang doktor?" ani Jin at tumayo na nang matuwid. Nanatili ang magkapatong niyang mga kamay sa bandang hita.

"Yes," sagot na lang ni Rayson at inilipat ang tingin kay Josef na tumayo na rin.

"She needs a doctor," sabi na lang ni Josef na sapilitan pa.

Ilang segundo ring tinitigan ni Rayson si Jin. Inaalam kung kailangan ba talaga nito ng doktor.

"Psychiatrist ka, di ba?" diretsong tanong ni Jin. "Kailangan niyang lumabas."

"Lu . . . mabas?" takang tanong ni Rayson habang nakataas ang kilay.

"I guess, she's talking about a . . . therapy?" di siguradong sinabi ni Josef.

"But this is not—"

"Doc Ray, nandito ang representative ng hospital, kailangan mo raw i-follow up yung damage kagabi sa OR," abiso ng assistant niya na nasa may pintuan.

Nalipat agad ang tingin niya kina Josef. "Okay, that's important." Tumipid ang ngiti niya saka tumango. "Ganito na lang, nasa hospital ngayon ang kaibigan kong psychiatrist. Papupuntahin ko na lang dito para i-assist kayo. Mas matutulungan niya kayo sa therapy kung kailangan nga ni . . ." Tiningnan niya si Jin na tumatagos talaga sa kaluluwa niya ang tingin nito. "I don't know what's happening but I know hindi ka si Erajin." Ibinalik niya ang tingin kay Josef. "Pakihintay na lang siya sa loob ng office ko."

Si Josef na ang nagpauna sa loob ng opisina ni Rayson sa clinic.

Pansin niyang hindi mausisa sa paligid si Jin. Pagkakita nito sa upuan sa harap ng office table nito, naupo na agad ito roon.

"Are you sure about this?" tanong pa ni Josef na nanatiling nakatayo sa harapan ng asawa. "How come na hindi siya makalabas sa sarili niyang katawan?"

"Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya. May isang daan sa loob ng isipan namin kaya kami nakakalabas. At iyon ang kailangang buksan para makabalik siya."

"Hindi mo ba kayang gawin 'yon?"

"Kung kaya ko, hindi mo na sana ako nakakausap ngayon."

Gusto sanang mainsulto ni Josef dahil napakasarkastiko ng sagot na iyon, pero base sa pagkakasabi ni Jin, sa sobrang lamig ng tinig nito, parang mas iniintindi pa niya ang kawalan ng emosyon kaysa sa mensahe ng sinabi nito.

Napaisang iling na lang si Josef at nag-isip ng iba pang itatanong. "Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nag-breakfast."

"Ayokong kumain."

"Nauuhaw?"

"Hindi rin."

"Hindi ka ba nilalamig dito?" Napasulyap si Josef sa air-con na nasa sulok ng opisina. Dama niyang malakas ang buga ng lamig niyon, kahit na balot ng tela si Jin, alam niyang hindi iyon ganoon kakapal.

"Kailan ka pa naging maingay?"

Akma sanang may itatanong pa si Josef pero hindi na naituloy dahil sarkastiko na talaga ang salita ni Jin sa kanya habang tumatagal.

Napahimas na lang siya ng noo at naupo sa kaharap na upuan nito. "Jin, look." Naglahad siya ng isang palad at ipinatong ang kanang siko sa mesang katabi. "I'm worried about my wife, okay?"

"Hindi pa siya mamamatay para alalahanin mo."

Napapikit-pikit na lang si Josef habang nakatingin kay Jin. Hindi niya alam kung makikipagsagutan pa ba rito dahil kahit ang pinag-uusapan nila ay ito rin mismo, pakiramdam talaga niya hindi iyon ang asawa niya at ibang tao.

"Good morning, sino ang pasyente?"

Magkasabay pa silang napatingin sa direksiyon ng pinto at sinundan ng tingin ang pumasok. Isang dalawampu't pitong tanong gulang na lalaking nakasuot ng itim na long-sleeved shirt na nakatupi ang manggas at naka-tuck in sa isang denim jeans. Napaayos ito ng salamin sa mata para malaman kung tama ba siya ng nakikita.

"Mr. and Mrs. Zach?"

Napatayo si Josef at naituro ang doktor. "Di ba, ikaw yung professor ng mga anak ko? What's your name again?"

Saglit na napatungo ang doktor bago sumagot. "Aldrin Xerces, Mr. Zach." Nag-alok ito ng palad para makipagkamay.

"Mr. Xerces, I see," ani Josef at nakipagkamay na rin.

"What is the problem here, Mr. Zach?" Inialok ulit nito ang upuan kay Josef at umupo na rin siya sa office chair na puwesto dapat ni Rayson.

"My wife is . . ." Tinikom ni Josef ang bibig at sinulyapan si Jin na nakatingin lang sa doktor.

Nakatingin lang si Mr. Xerces kay Jin na nakatitig lang din sa kanya. Hindi niya naiwasang kumunot nang bahagya ang noo dahil ang lalim nitong tumingin, parang nanunuot hanggang sa kaluluwa. Sa pagkakaalam niya, hindi iyon ang natatandaan niyang maingay na babaeng dinuro-duro siya nitong nakaraang Sabado lang.

"Ano pong problema, Mrs. Zach?" ilang na tanong ni Mr. Xerces.

"Palalabasin mo ang tinatawag mong Mrs. Zach," utos nito.

Napaangat ng mukha si Mr. Xerces at tinatantiya ng tingin ang babae sa harapan. Hindi niya kasi nakuha ang sinasabi nito.

"May personality disorder ang may-ari ng katawang 'to. At hindi ako ang Mrs. Zach na tinutukoy mo. Ako si Jin."

Tumango naman si Mr. Xerces na parang naiintindihan niya ang sinasabi ni Jin. Naghanap agad siya ng masusulatan at nakita ang isang note para sa reseta na naroon sa mesa.

"May personality disorder at ikaw si Jin," pag-uulit ni Mr. Xerces sa sinabi ni Jin habang sinusulat ang ilang detalye sa note. "Matagal na ba 'to? Kailan 'to nagsimula?"

"Kailangan ko ng legal na reseta para sa neuroleptics," diretsong utos ni Jin.

"Hey! I thought you're going for a therapy?" gulat na tanong ni Josef.

"Mrs. Zach, listen," mahinahong pigil ni Mr. Xerces. "Hindi ako puwedeng magbigay ng reseta nang hindi ko alam kung bakit ninyo kailangan ng gamot. Personality disorders are considered untreatable at antidepressant lang ang puwede kong ibigay. Hindi kayo gagaling sa isang gamutan lang at nandito lang ako for check-up."

"Hindi ko kailangang gumaling. Nandito ako para ilabas mo ang tinatawag mong Mrs. Zach."

Tumikom lalo ang bibig ni Mr. Xerces at inilipat ang tingin kay Josef na napapahimas na lang ng noo. Mukhang pati ito, hindi rin alam ang gagawin.

"Okay, Mrs. Za—"

"Jin," putol nito sa kanya. "Tawagin mo 'kong Jin."

"Okay . . . Jin." Tumango-tango pa si Mr. Xerces. "Hindi basta-basta ang treatment sa personality disorder. Nagbigay ng physical evaluation ninyo si Rayson before I went here. Now, I just want to know your history na wala sa record. We need to complete the history para malaman ko kung psychotherapy ba talaga ang kailangan ninyo o medication."

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jin na parang sinusukat pa ang doktor sa sinasabi nito.

"Gusto mo ng history?" may mababang tinig na tanong ni Jin. "May bukas na daan ang isipan ng katawang nakikita mo ngayon. Kapag lumabas kami sa katawan, nakukulong siya sa loob ng isipan niya kasama ng iba pa."

"One second, Mrs. . . . Jin. You're saying marami kayo. Sa loob," panapos ni Mr. Xerces sa sinasabi at hindi pa sigurado sa isusulat sa papel.

"Yes. Apat kaming konektado sa katawang 'to."

"So it's not really personality disorder. It's dissociation of those identities. At hindi ikaw si Mrs. Zach."

"Exactly."

"Okay," tumango naman si Mr. Xerces at isinulat ang ilang detalyeng nalaman. "May history ng abuse or trauma?"

"One moment," pagpigil ni Josef. "Is this necessary?"

"Yes, Mr. Zach. Maraming klase ng gamot, kailangan kong malaman kung ano ang irereseta ko sa asawa n'yo," sagot ni Mr. Xerces na patuloy lang sa pagsusulat. Ibinalik niya ang tingin kay Jin nang matapos.

"May trauma no'ng bata ako," tipid na sagot ng babae.

"Domestic violence?"

"We fight."

Tumango naman si Mr. Xerces. "Okay, family issues?"

"Lahat ng laman ng katawang 'to, pumapatay mula pa no'ng pagkabata."

Akmang may isusulat si Mr. Xerces pero natigilan at tiningnan si Jin kung tama ba ang sinabi nito. "Pumapatay mula pagkabata," anang doktor pero walang bakas ng pagtataka sa tinig. Mas umaangat ang paninigurado para isulat nito. "At nagkaroon ka ng trauma roon."

"Jin, you don't have to tell everything," pagpigil na naman ni Josef pero hindi siya pinansin ng babae.

"Kung ganoon mo iisipin, sabihin na nating ganoon nga," kaswal na sagot ni Jin.

Tumango na naman si Mr. Xerces at nagsulat ulit. Pinilas niya ang isang note at itinuloy sa likuran ng papel ang karugtong. "Marami ba kayong pinatay?"

"Para saan ang mga tanong?" naiinis nang sinabi ni Josef dahil talagang nakakalkal na ang buhay ng asawa niya. Hindi naman niya inaasahan na aabot sila sa ganoon. Kung alam lang niya, sana nagpatawag na lang siya ng doktor galing Citadel.

"Mr. Zach, inaalam ko lang kung totoo ba ang mga sinasabi ni Jin. Dahil kung hindi siya si Mrs. Zach, malaki ang tsansang ang mga sinasabi niya ngayon ay produkto lang ng isang distorted memory o di kaya ay made-up delusions. Minsan nakukuha ito sa nakita lang ng mata pero hindi naman naranasan directly. Pero iniisip ng pasyente, siya ang nakaranas n'on."

"Then what if it's true? Ano'ng gagawin mo?" may diing tanong ni Josef.

"Bibigyan ko na siya ng gamot. Doktor ako, hindi pulis, Mr. Zach." Ibinaling ulit niya ang atensiyon kay Jin. "May history ng psychosis. May mga naririnig ka bang mga bulong o kung ano man?"

"Kinakausap ko sila," diretsong sagot ni Jin.

"Okay, kinakausap mo sila. Kilala mo ba sila?"

"Buhay kaming lahat."

"Yes, we know that."

"Hindi mo naiintindihan."

Bumuga ng malalim na hangin si Mr. Xerces at hininto ang pagsusulat. Tiningnan niya nang matiim si Jin na blangko pa rin ang mga mata at para bang nakatingin man sa kanya ay naman hindi siya nakikita.

"Naririnig mo ang mga boses sa loob ng isipan mo," anang doktor. "Kinakausap mo ang sarili mo. May history ka ng childhood trauma. Nakapatay ka noong bata ka pa. Malamang na 'yan ang dahilan kaya sinusubukan mong tumakas sa sarili mo. Nabuo si Jin para itago ang may-ari ng katawan kasi natatakot siya."

"No, that's not—" pag-awat ni Josef sa usapan. "Mr. Xerces, look. She's not in good shape. But Jin is not a made-up illusion," paliwanag niya sa doktor pero hindi man lang siya inabalang tapunan ng tingin. "When my wife spent a year sa isang isla no'ng bata pa siya. Doon niya nakilala si Jin. Jin was a real person. But she's dead."

"Okay, that's helpful, Mr. Zach," sabi ng doktor at isinulat na rin ang sinabi ni Josef. "Jin, totoo ba ang sinabi ni Mr. Zach?"

"We died."

Tumango lang ang doktor. "And what happened after you died?"

"Nabuhay kami."

Isa na namang tango at patuloy ang pagsulat. "Nabuhay kayo, at kausap kita ngayon. Malapit ba kayo ni Mrs. Zach sa isa't isa?"

"Hindi."

"Hindi. Pero nasa katawan ka niya."

"Binuksan nila ang isipan niya para makapasok kami. Hindi niya kayang kontrolin ang daan sa loob kaya kung sino ang pinakamalakas, siya ang nakakagamit ng katawan."

"May iba ka pa bang nakikita maliban sa dalawa mo pang kasama at kay Mrs. Zach?"

"Oo."

"Nakakausap mo rin ba sila?"

"Oo."

"May inuutos ba sila sa 'yo gaya ng saktan mo ang sarili mo, o sila ba ang nag-uutos sa 'yong pumatay, o may gawing masama na labag sa loob mo?"

"Trained kami para maging hired killer. Ang nag-uutos lang sa amin para pumatay ay mga kliyente, sana maging klaro sa 'yo 'yan."

Napahinto na naman sa pagsusulat si Mr. Xerces at doon na nakitaan ng gulat ang ekspresyon niya. "Hired killer?"

"Oh God," dismayadong bulong ni Josef at napahilamos na lang ng mukha. "Jin, we better stop this."

"No," pagpigil ni Jin kay Josef. "Sa kanya na nanggaling. Doktor siya, hindi pulis. Walang kaso sa kanya kung trabaho kong pumatay ng tao." Ibinalik niya ang tingin sa doktor. "Hindi ba?"

Mabilis na nag-iwas ng tingin ang doktor at pumilas na naman ng panibagong papel para sa resetang hinihingi ng pasyente niya. Napapalunok na lang siya at napapailing kung anong gamot ba ang tamang ibigay sa pasyente niya. "Mahirap magreseta ng neuroleptics since I'm not certain if ang ibibigay kong gamot ay for bipolar disorder, for schiphrenia, o para sa post-traumatic stress disorder. Sa ngayon . . ." Hindi na lang niya itinuloy ang sinusulat at nag-alok na lang ng ibang solusyon maliban sa reseta. "Ganito . . . Jin." Sinalubong na naman niya ang tingin nito. "Kukuha na lang ako ng gamot sa ospital ngayon. Hindi kita mabibigyan ng reseta dahil hindi ito simpleng gamot lang. Medical assistant talaga ang dapat nagbibigay nito. Mabibigyan lang kita ng two milligram ng risperidone. Gamot 'yon for schizophrenia—"

"Gawin mong 50 milligram," putol ni Jin.

"That's impossible. six milligram lang ang maximum na puwede kong ibigay sa 'yo. And six weeks na medication 'yon."

"I can't afford that six weeks. I want it now."

Napakamot bigla ng sentido si Mr. Xerces dahil hindi naiintindihan ni Jin ang sitwasyon sa pananaw niya. "Jin, hindi mapapabilis ng pag-intake ng maraming gamot ang paggaling mo. Mamamatay ka sa overdosage."

Mabilis na naghanap ng kung anong matalas na bagay si Jin. Ngunit nang walang makita, kinuha na lang niya ang isang snowglobe na display sa mesa at binasag iyon sa sahig.

"Jin, what the—!" gulat na sinabi ni Josef at sinundan ng tingin ang asawa niyang yumuko para kumuha ng bubog.

"Ikuwento mo sa 'kin kung paano mamatay sa overdosage," ani Jin at hiniwaan ang palad niya sa harapan mismo ni Mr. Xerces.

"Mrs. Zach!" pagpigil ng doktor at hinawakan na sa pulsuhan ang pasyente niya para pigilan. "Ano bang—oh Lord."

Napaawang na lang ang bibig niya nang makita ang mabilis na paghilom ng sugat sa palad ni Jin.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mag-asawa nang mabitiwan ang pulsuhan ng pasyente niya. "What are you—what's the meaning of this?"

Napataas na lang ng magkabilang kamay si Josef para sumuko. "I anticipated the therapy. Not this." Tiningnan niya ang gulat na gulat na si Mr. Xerces. "Hindi ba 'to isinama ni Rayson sa evaluation?" Tumayo na siya at nagpagpag ng damit. "Two milligram of risperidone, right? If you can't get it, I'll get it myself." Inalok na niya ang kamay sa asawa. "Tara na, Jin. Uuwi na tayo."

"No," pigil agad ni Mr.Xerces sa kanya. Tumayo na rin ito habang nakatingin kay Jin. "I'll get themedicine." Inilipat na rin niya ang tingin kay Josef. "Hintayin n'yo na langako rito." Sinulyapan pa niya si Jin at ang palad nitong ni hindi man langnatagasan ng dugo matapos ang ginawa nitong paghiwa sa sarili. "Ten minutes, I'llbe back."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top