26: Clandestine

Pakihanda na po ng utak hahaha


......

"Actually, I tried to analyze the whole situation back then," ani Josef habang nakaupo sa isang ladderback chair sa harapan ni Jocas na naka-indian seat sa kama. Pilit niyang ipinaliliwanag dito kung saan ba galing ang dalawa pa niyang anak.

"Hindi kasi puwedeng magkaanak si Armida. And it was too late for me to know that kasi buntis na siya no'ng nalaman ko."

"Uhm-hmm," tumango naman si Jocas habang pinaglalaruan ang hibla sa dulo ng unan kung saan nakapatong ang mga braso niya.

"Nag-develop si Labyrinth ng regenerator for RYJO. Hindi niya kasi alam yung gamot na iniinom ni Armida before. Si Crimson lang daw ang nagpo-provide n'on sa kanya."

"Uhm!" Nagtaas bigla ng kamay si Jocas na parang estudyanteng sumasagot sa tanong ng guro. "I know! I know!"

Biglang kunot ng noo ni Josef. "You know?"

"Inorganic stem cell population 'yon. Artifical lang siya, ginagamit namin 'yon for faster tendon regenerative potential para maiwasan ang fibrosis. 'Yon ang dahilan kaya hindi ako nagpepeklat kahit anong damage ang matanggap ng katawan ko. Kaso delikado 'yon kasi nakakababa ng mortality rate compare sa natural bone marrow component."

Ang akala ni Josef, si Jocas ang mapapanganga sa ikukuwento niya. Hindi naman niya alam na siya pala ang mapapanganga sa sasabihin nito.

"Wow," iyon na lang ang nasabi ni Josef.

"Pero ano'ng kinalaman n'on kina Arjo at Zone?" pagbabalik ng topic ni Jocas.

"Uh," napatikhim tuloy si Josef at inisip ang isusunod niyang paliwanag, "ano, gumawa si Laby ng artificial regenerator. Yung dugo ng bata ang ipapalit sa dugo ni Armida. Ang paliwanag niya, nagiging lason na ang dugo ni RYJO. Kailangang palitan 'yon ng natural na dugo na kapareho ng genetic formation na meron siya dati. Kaya umaasa kami sa blood transfusion galing kay Arjo. Parang blood donation."

"Uhm!" Mabilis na umiling si Jocas para sabihing hindi siya naniniwala sa sinabi ni Josef. "Hindi makakatulong 'yon! Dapat dialysis procedure ang gawin. Pero kailangan, continuous ang proseso. Ide-drain mo dapat ang dugo ng producer. Siguro naman, alam dapat 'yon ni Labyrinth."

Lalong kumunot ni Josef dahil sa paliwanag ni Jocas.

Ang alam niya, siya dapat ang nag-e-explain at ito ang nalilito. Pero bakit parang baligtad ang nangyayari?

"Matagal na sigurong di ginagawa ni Milady ang proseso. Kasi buhay pa yung bata e. Kailangang ubusin ang dugo niya kahit mga limang litro lang ang maipalit. Ilalagay 'yon sa machine tapos ihahalo sa gamot, ibabalik sa katawan, ipapalit sa dugo. Gano'n!"

Doon na napasandal si Josef sa upuan niya at saka humalukipkip. Hindi niya iyon alam.

"How did you know about that?" nagdududa niyang tanong kay Jocas.

"Because that's how the Project RYJO was made!" proud na sinabi ni Jocas. "Uulitin lang naman niya ang process e."

Biglang angat ng mukha ni Josef. Ang alam niya, inulit lang ni Laby ang proseso ng Project RYJO sa paggawa kina Arjo. Kung totoo man iyon, ibig sabihin, alam ni Laby na kailangang ubusin ang dugo ni Arjo hanggang mamatay ito para lang ipalit sa dugo ni Armida.

Bigla niya tuloy naisip na kaya siguro pinagpipilitan ni Armida na huwag ipaalam at ituloy ang pagpapagamot dahil alam nito ang gagawin kay Arjo.

"Si Zone pala, reserba lang ba?"

"Ha?" Napatingin siya sa kanang gilid at naisip ang bunso nilang anak. "Actually, failed experiment si Zone. Pero naka-tag siya as bioweapon. We're certain about how it works aside kay Laby. Kami lang ang nag-aalaga sa mga bata."

"Aaah," napatango na lang si Jocas sa paliwanag sa kanya ni Josef. "Kaya siguro kami nakalabas, kasi sa ginawa n'yong mali. Sinalinan n'yo siya ng dugo instead of replacing the blood itself. Nawala yung gamot para i-keep kami sa katawan niya."

Wala namang nasabi si Josef, sa halip ay tinitigan na lang niya si Jocas.

Marami pala itong alam kaysa inaasahan niya. Pero imposible naman na sa tagal na panahong hindi ito nagpakita, mas marami pa itong alam kaysa sa asawa niya.

O baka naman alam talaga ng asawa niya ang nangyayari at hindi lang ito nagsasalita.

Nagpagpag lang siya ng hita at tumayo na. "Wala naman akong pasok bukas sa trabaho. Maaasikaso ko kayo rito."

Tumango na lang si Jocas bilang sagot.

"Sige na, matulog ka na. Pagod ang katawan mo," sabi ni Josef.

"Hindi mo 'ko tatabihan?" nakangusong tanong nito at pinalobo pa ang pisngi. Puno ng pagtatampo ang mga mata niya at parang nagmamakaawa kay Josef na tabihan siya nito.

Napabuntonghininga na naman si Josef at napaisip kung tatabihan ba ito sa pagtulog.

Kung kailan naman wala si Zone na kaagaw niya rito saka naman wala ang asawa niyang si Armida.

"Tatabihan kita mamaya, kakausapin ko lang si Max," palusot na lang niya rito.

"Okay!" Masaya naman itong tumango. "Josef, kiss mo 'ko!" anito na nakanguso pa at nakapikit habang nag-aabang ng halik.

Tinitigan naman siya ni Josef. Hindi niya alam kung paano ba iyon ipaliliwanag, pero kahit pa asawa niya ito, parang asiwa siyang gawin ang gusto nito ngayon. Yumuko na lang siya at hinalikan ito sa noo. "Take a rest. I'll come back, okay?"

"Ay," dismayadong sinabi ni Jocas dahil hindi siya hinalikan ni Josef sa labi.

Matagal na panahon na rin. Dalawang dekada noong huli niyang nakita si Jocas. Hindi niya alam kung matutuwa siya o madidismaya. Pero sa mga oras na iyon, alam niyang kung may gusto siyang makita at makausap, si Armida na iyon—ang asawa niya.

Lumabas muna siya ng kuwarto para tunguhin sana ang telepono sa sala—tatawagan sana si Laby para malaman ang tungkol sa mga sinabi ni Jocas sa kanya—nang makita niya si Max na mag-isa sa dining area at nakatulala sa iniinom nitong tubig.

"Max," pagtawag niya rito. Mukhang balisa nga ito dahil nagulat pa ito pagkakita sa kanya sa ibaba ng hagdang. "Bakit gising ka pa?"

Hindi muna inuna ni Josef ang pagtawag, sa halip ay tumungo siya sa dining table at umupo sa kabisera ng mesa.

"Nagsabi si Ray na dinala mo raw sa clinic kanina si Arjo para mag-donate ng dugo," panimula ni Josef.

Napatungo na lang si Max dahil guilty ito sa sinabi niya.

"Alam kong nag-aalala ka lang sa mama mo. Naiintindihan ko 'yon," mahinahon niyang sinabi sa anak.

"Hindi naman nagtaka si Arjo kung para saan," katwiran ni Max. "Gusto ko lang tulungan si Mama. I thought everything will be fine as long as Arjo doesn't know anything about their case."

Tumango na lang si Josef sa sinagot ni Max. Kahit siya, iyon din ang iniisip.

Pero dahil nga sa nalaman niya kay Jocas, hindi na niya alam kung anong tulong pa ba ang kaya nilang ibigay ngayon kay Armida at kay Arjo.

Sandali silang natahimik.

Nangingibabaw ang maiingay na paghinga nila at tunog ng air-con sa may sala.

"Nilabanan mo ang Mama mo. Nakita mo'ng napala mo?" sarcastic niyang sinabi habang tinitingnan ang mga sugat na natamo ni Max.

Napainom tuloy uli si Max at halos nangalahati ang iniinom.

"Pa, ano'ng nangyayari kay Mama?" nagtatakang tanong ni Max habang nakatitig pa rin sa baso. "Sa ospital, sinabi niyang siya si Erah. Pagdating dito, hindi niya kami nakilala." Nag-aalala ang tingin niya nang salubungin ang tingin ni Josef. "Pa, ano'ng ibig sabihin n'on?"

Isa na namang buntonghininga kay Josef at napahimas agad siya ng batok. "Matagal na panahon na 'yon, Max. Nagkaroon ng personality disorder ang mama mo. Minsan . . . hindi siya si Armida. Minsan, siya si Erah. Minsan, siya si Jocas. Minsan, siya si Jin. Mahabang istorya, mahirap ipaliwanag. Ginamot na siya, bumalik lang ngayon."

Saglit na inisip ni Max ang tungkol sa sinabi ng papa niya. Alam niya ang ganoong kaso, napag-aralan nila sa psychology noon, nabasa niya sa ilang libro noong bata pa siya, hindi bago ang konsepto—pero bago sa buhay niya ngayon.

"Kaya ba si Uncle Rayson ang personal doctor ni Mama?" dismayadong tanong ni Max. "Pa, before maging surgeon si Uncle Ray, naging psychiatrist muna siya. I should have known that, he was forcing me to take psychology before instead of architecture. Sinasabi niya dati, mas pabor kay Mama mag-psych ako, but I didn't listen. Ito ba 'yon? Is this the reason why?"

Si Josef naman ang napatungo sa sinabi ni Max. Sinubukan niyang ilihim ang lahat sa mga anak pero mahirap itago ang mga sikretong kusang lumalabas.

"Max, your mother and I tried to keep you away from harm. Lahat ng 'to, pinili namin para sa ikabubuti mo."

"But this is all wrong, Pa!" naiinis nang sumbat ni Max. "Malaki ang problema ni Mama! She's dying because of me! And now, sasabihin mo, may sakit pa pala sa utak si Mama aside from that unknown case na kailangan si Arjo? Kailangan niyang magamot!"

"Tone down your voice, kid," mahinahon ngunit maotoridad na utos ni Josef sa anak. "We're doing our best to cure your mother. I need to call Laby to make sure—"

"Tatawagan mo yung kabit mo?"

Hindi naituloy ni Josef ang sinasabi at biglang kinunutan ng noo ang anak niya.

"Pa, hindi na 'ko bata. Alam kong anak n'yo si Zone."

"Max, it's not what you think."

"Pero alam ng buong Citadel 'yon! Imposibleng hindi 'yon alam ni Mama! Hindi ko nakitang ipinanganak niya si Zone, o nagbuntis siya kay Zone. Buhay na si Arjo bago ka pa bumalik sa 'min."

"Max, importante si Labyrinth para sa amin ng mama mo. Ilang beses ko ba dapat ipaliwanag sa 'yo 'yan?"

"Pa, I grew up with Mama alone. I've been with her longer than you. And where were you that time? Iniwan mo nga kami, di ba? Tapos sino ang kasama mo? 'Yong babaeng 'yon, di ba? So please enough with all the lies."

Napakuyom ng kamao si Josef. Parang matatalim na sibat ang mga salita ni Max na tumama sa kanya. Marahil, minsan sa buhay niya, nasabi niya iyon sa sariling amang nang-iwan din sa kanila noon ng mama niya. At minsan, sinisi rin niya si Cas na kasama nito sa mga panahong iyon. Hindi lang niya inaasahan na sa ganoong pagkakataon pa niya matatanggap ang mga salitang minsan na niyang ibinato sa ama noon.

"Pa, kung di mo kayang tulungan si Mama, ako na lang ang tutulong sa kanya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top