19: Gamble
Alas-nuwebe pasado . . .
Nasa kuwarto ang mag-asawa kasama si Zone.
Si Armida, nakaupo sa upuan kaharap ng salamin sa dresser habang nagpapatuyo ng buhok. Si Josef, nasa kama, naka-indian seat habang nilalabanan ng titigan ang anak niyang maliit na nakaluhod sa harapan niya.
"You're ugly," pang-asar ni Zone sa ama.
"Okay lang, love naman ako ni Mama," pang-asar niya sa bata. "Pikit na, little monster. Para manalo na si Josef Malavega."
Kumunot naman ang noo ni Zone sa sinabi niya. Hinawakan na nito ang mga mata niya para imulat pa nang todo.
Nagkapustahan kasi ang mag-ama, laro sa titigan ang game at ang unang pipikit ang siyang talo. At ang talo, hindi matutulog kasama ni Armida.
"Close your eyes, Josef!" inis na utos ni Zone.
Nakangiti lang ni Josef habang nakatingin nang diretso sa mata ng anak.
"Mama, ayaw mag-blink ni Josef!" reklamo ni Zone habang pilit na minumulat ang dalawang mata gamit ang mga daliri.
"Josef, blink na raw," nakangiting utos ni Armida habang nagsusuklay at tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Ayoko nga, para matalo ko na si Zone, bwa-ha-ha-ha!" sabi ni Josef sabay tawa nang nakakatakot.
"Mama, I hate Josef! He's not closing his eyes!" reklamo ni Zone na paiyak na.
"Yes, pumpkin, hate natin 'yang bad guy na 'yan. Josef, pikit na kasi," natatawang utos ni Armida sa asawa.
"Lagi kaya akong talo sa 'yo," nakangising sabi ni Josef kay Zone. "Ngayon magiging winner si Josef Malavega hahaha!"
"MAMAAAA!" Nabitiwan na ni Zone ang mata niya at napapikit na. "Mama, I don't want to sleep outside!" Tumakbo agad siya papunta kay Armida at saka isinubsob ang mukha sa dibdib ng mama niya.
"Siyempre, hindi magsi-sleep si Zone outside . . ." Kinandong niya si Zone at hinawakan ang magkabilang pisngi nitong matambok at lalo pang namula dahil sa takot. ". . . kasi love siya ni Mama . . . Mmmm!" At pinanggigilan ni Armida ang pisngi ng bata. "Ang cute-cute-cute talaga ni Zone!"
Nilingon naman ng bata si Josef at saka siya dumila para sabihing talo pa rin ito sa kanya.
"Tss." Napa-eyeroll na lang si Josef dahil talagang spoiled si Zone kay Armida.
"Oo nga pala, Josef, yung tungkol doon sa sinasabi kanina ni Arjo, sigurado kang ayos na 'yon?"
"Oo. Ako na ang umayos n'on kaya wala nang problema." Tumayo na siya at binuhat si Zone mula kay Armida. "Aarrrrr, itatapon na kita sa malayo!"
"Mamaaaa!" takot na sigaw ni Zone.
"Josef! Baka umiyak 'yan mamaya!" inis na sinabi ni Armida sabay hampas ng suklay sa tagiliran ng asawa.
"Hahahaha! Aaarrr! I'm gonna throw you away, little monster!" Natatawa na lang siya at hinagis-hagis sa ere na parang manika si Zone.
"Mama! Mama!" panay naman ang tili ni Zone dahil tino-torture siya ng tatay niya.
"Isa, Josef!"
"Hahaha! Yes, madame . . ." Inihagis niya sa kama si Zone na animo'y magaang stuff toy lang.
"Ikaw, Josef, hindi ko talaga alam kung dapat na ba kitang ipahuli sa pulis e," inis na sinabi ni Armida. Tumayo na siya at hinampas ng towel sa likod ang asawa niya.
"Masyado ka naman." Hinatak niya ang towel kay Armida at hinagis sa mukha ni Zone. Hinatak niya ang parte ng suot na cotton robe ng asawa at saka niya ito iniharap sa kanya.
"O? Problema mo?" masungit na tanong ni Armida habang nakatingin sa mukha ng asawa niyang nakangiti.
"Wala . . ." at saka niya hinalikan si Armida.
POK!
Napaatras tuloy si Armida at napalayo kay Josef. Napapikit naman nang mariin dahil sa pagkapikon ang lalaki dahil doon sa tumama sa ulo nito.
"O? Buo pa ulo mo?" nangingiting tanong ni Armida.
"Puwede . . . Kung puwede lang ha . . ." Itinuro niya si Zone na tumatawa nang mahina sa likuran. ". . . patulugin mo na 'yang batang 'yan, baka ikulong ko pa 'yan sa drawer 'pag ako nainis."
Lalo lang natawa si Armida dahil sa reaction ni Josef. Pinulot na lang niya ang picture frame sa sahig na tumama sa ulo nito.
"O, alam mo na . . . Labas," nakangising utos ni Armida kay Josef.
***
Isa na namang gabi ng pagkatalo kay Josef dahil pinalayas siya sa sarili niyang kuwarto. Tumambay na lang siya sa terrace sa second floor at naupo sa couch doon habang naghihintay na makatulog ang bunso nila. Maganda ang langit kahit hindi buo ang buwan. Kitang-kita ang mga bituin dahil maninipis lang ang ulap at hindi pa marami. Lumalamig na rin ang hangin habang lumalapit ang Kapaskuhan.
Sa katunayan, wala namang bago roon. Ganoon naman ang daily routine nilang mag-asawa kapag gising pa ang anak niya.
"Hey."
Napalingon sa kaliwa niya si Josef at sinundan lang ng tingin ang asawa niya nang umupo ito sa kaliwang tabi niya.
"Ano'ng oras na?" tanong niya rito.
"Ten," simpleng sagot nito. "Tingin nga ng ulo mo." Marahan nitong hinawakan ang likod ng ulo niya. "'Wag ka kasing paparaan 'pag nakatingin ang anak mo."
Napangiwi siya nang bahagya nang kumirot ang maliit na bukol niya sa likod ng ulo.
"Ang kulit naman kasi ng batang 'yon. Di ko alam kung saan nagmana ng sama ng ugali," reklamo niya sabay tingin kay Armida na parang ito pa ang pinagbibintangan niya kung bakit masyadong mapanakit si Zone.
"O? Ano 'yang tingin na 'yan?" singhal din ng asawa niya habang dinuduro siya.
Natawa tuloy siya nang mahina at umayos ng upo. Inakbayan niya ito at ipinatong niya ang ulo nito sa balikat niya.
"Nawala pala kanina sa HMU si Zone," kuwento ni Armida.
"You know this is not the first time na nawala siya sa school. We already anticipate that beforehand."
"Pero nakuha kasi siya ni Laby. I'm sure, you didn't anticipate that one."
Naramdaman ni Armida ang malalim na paghugot ng hininga niya.
"I already asked you about that, di ba?" seryoso niyang sagot. "Kung kukunin niya si Zone, then she's free to take him back."
"Gusto ko rin naman na siyang ibalik kay Laby, but I'm sure, she can't handle the kid," ani Armida at umalis na sa pagkakasandal sa balikat ni Josef. "She's not able to protect herself, kinakabahan ako kapag ibinalik natin sa kanya si Zone. The kid is a failure, and I know, that's one of the reason kung bakit gusto mo siyang ibalik kay Laby. Hindi dugo ng batang 'yon ang magagamit ko compare kay Arjo."
Isa na namang buntonghininga mula kay Josef. "That's not what I meant," kontra agad niya sa sinabi ni Armida. "He's Laby's son, okay? Ayokong ipagdamot 'yon. And besides, wala sa 'ting kayang sumabay sa brain capacity ni Zone kundi si Laby lang, whether he's a genetic failure or what. That kid is a kid."
"But he's your son as well. You should know what's better for everyone. You and Laby chose this."
Napahimas bigla ng noo si Josef habang iniiwas na ang sarili sa ganoong usapan.
"I just want you to live, okay?" pagsuko na lang ni Josef. "We want you to live."
"You know she's just doing it for her own contentment, not for my sake. And someday, they'll take the kids away from us, because we both know, pag-aari sila ng Citadel hindi nating dalawa. They funded her research, and who knows, sooner or later, babawiin na sila ng gumawa sa kanila."
Puno na ng pagsisisi ang tingin ni Josef nang salubungin ang tingin ng asawa niya.
"Josef, you better take your stand here. Malapit na ang Annual Elimination. At lahat ng anak natin, naitaya ko na."
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top