16: 6th Floor

I dedicate this to MysticYeoja.

_______________



Isa ang sixth floor sa floor na may magagandang amenities sa HMU. Nandoon ang Hill-Miller bar na mga bartending student ang nag-o-operate. Katabi niyon ang Hill-Miller mock hotel na may apat na kuwarto na ino-operate ng mga hotel management and tourism student. Sa kabilang dulo naman ay ang Hill-Miller restaurant na ino-operate ng mga culinary and restaurant management student. Kitang-kita na ginastusan ang sixth floor, hindi mumurahin ang furnitures and fixtures na naroon, kahit ang mga equipment. Ultimo couch, gawa sa magandang klase ng materyal. At doon madalas ang tambayan ng mga professor ng HMU kapag gusto nilang magpahangin sa school, kaya naman iwas doon ang karamihan sa mga estudyante, maliban sa ibang malalapit talaga sa mga prof. Hindi rin naman libre doon dahil kada order ay may bayad na halos doble sa bayad ng nasa menu sa mess hall.

Sa sixth floor, may isang mahabang cream-colored couch na nakaharap sa railings. Tanaw roon ang buong block sa East Triangle ng Grei Vale na tinutumbok ang dulo ng sampung block patungo sa burol kung saan nakatirik ang mansion ni Erajin Hill-Miller.

Prenteng-prente ang pagkaka-dekuwatro roon ni Laby habang sinisimsim ang order niyang affogato. Tinatanaw niya ang mansion mula sa kinauupuan.

"Hey!"

Napasulyap si Laby sa kanang gilid nang may biglang lumukso roon mula sa likuran at naupo habang nakatingin sa kanya. Ipinatong pa nito ang kaliwang siko sa sandalan ng couch habang nakangisi sa kanya.

"Levarez, di ba dapat kasama mo si Arjo ngayon?" bored pang tanong ni Laby sabay higop sa inumin niya.

"Tatanungin sana kita tungkol diyan, pero mas na-curious ako kay Zone," ani Melon sa kanya at bahagyang nag-angat ng mukha. "Saan mo nakuha ang bata?"

"Hmm . . ." Napatanaw ulit sa mansion si Laby at naalala ang nangyari nitong umaga lang.



///



Naglalakad siya papunta sa CBA building na katabi ng secondary building, kaya natural lang na madaanan niya ang maraming high school students. Malaki ang HMU at hanggang gate 4 ang entrance at exit.

Naagaw ng atensiyon niya ang isang kulumpon ng mga estudyante na may pinagkakaguluhan sa may hagdan. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad nang biglang makarinig ng ring, hudyat na simula na ng klase ng high school.

Napahinto siya nang mawala na ang mga estudyante at ang natira na lang ay ang isang batang nakaupo sa may hagdan ng secondary building. May hawak itong paruparo na ayaw umalis sa kamay nito.

Magdidire-diretso sana siya sa paglalakad nang mapansing parang pamilyar ang bata. Nilapitan niya agad ito para makompirma kung tama nga ang hinala niya. Napaatras siya ng isang hakbang nang makilala ito.

Tiningnan pa niya ang paligid kung may nakakakita sa kanila. nang makitang wala na halos estudyante sa paligid ay kinausap na niya ito.

"Hello . . ." Tumalungko siya sa harapan nito para pantayan ito sa pagkakaupo. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Inosente naman siyang tiningnan ng bata. "Butterfly!"

Tiningnan naman niya ang dilaw na paruparo na nasa kamay nito na dahan-dahang ginagalaw ang pakpak pero hindi pa balak na lumipad. Ibinalik niya rin ang tingin sa bata.

"Why are you here?" tanong ulit niya dahil baka hindi siya naintindihan sa una niyang tanong.

Tiningnan naman ng bata ang paruparo "I followed the butterfly."

"I see." Sinilip niya ang likuran ng tainga nito at nakita ang pamilyar na marka roon. "Zone . . ."

Tama nga ang hinala niya. Nasabihan naman siya ni Josef na ie-enroll nila si Zone sa HMU, pero nagtataka siya kung bakit nasa labas ito at wala sa klase. Tiningnan niya ang uniporme nito, uniporme naman ng HMU.

"Where's your ID?" tanong niya sa bata.

"Uhm-uhm!" Mabilis itong umiling. Lumipad na ang paruparo at sabay nila iyong sinundan ng tingin ng bata.

"It's beautiful . . ." nakangiting sinabi ni Zone habang pinanonood ang paruparo na lumipad papuntang gitna ng campus.

"Are you . . . studying here?" asiwang tanong niya kay Zone at kinuha ang kamay nito.

"Mm-hmm!" Masaya namang tumango si Zone at tumayo na sa ikalawang baitang ng hagdan saka nagtatatalon sa puwesto.

"Uy! Baka malaglag ka!" Inawat niya agad ito sa pagtalon at kinarga na lang pababa sa hagdan.

Naisip niya na kung estudyante si Zone doon, malamang na puwede niyang ipa-page sa office kung saang room ba dapat ang bata.

Hindi niya nga lang alam kung sa basic ba o sa secondary dahil ang alam lang niya ay enrolled ito roon.

Ibinaba na niya si Zone sa ground at saka siya yumuko para maka-level ang height ng bata. "Hello, I'm Laby. What's your name?" masaya niyang pagpapakilala habang inaalok ang kamay niya.

"Hwong Dae-Hyun!" masayang sinabi ni Zone at nakipag-handshake kay Laby.

"Oh." Tumango naman si Laby sa sinabi ni Zone. Hwong pala ni No. 99 ang ginagamit na surname ng bata. At Dae-Hyun ang pangalan. Iniisip niyang hindi pala ito pina-record bilang Malavega gaya ni Arjo.

"Saan ang room mo?" tanong ni Laby.

Itinuro naman ni Zone ang malayo. Hindi tuloy sigurado si Laby kung saan dahil walang building doon sa tinuturo ni Zone kundi puro puno at ang parking lot lang.

"Come on, hingi tayo ng help para makabalik ka na sa room mo," nakangiting aya ni Laby sa bata.

Naka-smile namang tumango si Zone. Kinarga na ni Laby ang bata para hindi naman ito mapagod, tutal magaan naman ito, at saka sila naglakad papasok sa loob ng secondary building para i-report na may nawawalang bata sa loob ng HMU.

"Where's your ID, Dae-Hyun?" malambing na tanong ni Laby habang tinatahak ang hallway papunta sa kabilang dulo ng building kung nasaan ang registrar office.

"I left it on my table . . ." nakangusong sagot ni Zone habang inuusisa ang nakatusok na signpen sa nakapusod na buhok ni Laby.

"Why did you left it on your table? What if you gone missing?" tanong uli ni Laby.

"Why . . . you have pen in your hair, Laby?" inosenteng tanong ni Zone at saka kinuha ang signpen sa buhok ni Laby. Nalugay tuloy ang mahaba niyang buhok dahil iyon lang ang nagsisilbing pampusod niya.

"Aaah . . . that's . . ." Hindi naman niya alam kung paano ipaliliwanag sa bata ang purpose ng signpen sa buhok niya. "I forgot place that on my hair, Zone," nakangiti niyang pagsisinungaling dito.

Wala namang isinagot si Zone at pinaikot-ikot na lang niya ang signpen sa kamay.

"Laby, this is not a pen eh," reklamo ng bata habang kunot na kunot ang noo.

"Zone, that's a pen alright?"

Lalo lang sumimangot si Zone sa sinabi ni Laby. Talagang hindi siya naniniwalang panulat iyon.

Ilang saglit pa ay huminto na sila sa dulong office na may nakalagay sa pintuan na Registrar. Pumasok sila sa loob at doon ay nagpakilala si Laby sa isang lalaking staff na nag-aayos ng papers sa unahang table.

"Good morning, I'm Milicent Etherin," pambungad ni Laby at ibinaba na siya Zone na tutok pa rin sa signpen.

"Good morning din, anong kailangan nila?" masiyang sagot ng staff.

"Professor ako ng calculus sa college department," pakilala ni Laby at ipinakita pa ang ID niya para makakuha ng authorization na maglabas ng private info. "I just want to ask if may naka-enroll ba rito sa high school na Hwong Dae-Hyun."

"Para saan ang inquiry, ma'am?" tanong pa ng lalaki at nagsimula nang mag-encode sa PC niya. "Please sit down," dagdag na alok nito sa kaharap na upuan.

"Thank you," sagot ni Laby at umupo naman sa upuang inalok habang kandong si Zone na talagang pinaglalaruan ang pen na hawak.

"Hwong Dae-Hyun, yes?" tanong pa ulit ng staff.

"Yes," pagsang-ayon ni Laby. "Umalis kasi sa klase yung bata."

"Okay, ma'am, ire-report n'yo po ba for cutting classes?"

"Actually, this kid is Hwong Dae-Hyun. Naiwan daw ng bata ang ID niya sa table niya sa room," pakilala ni Laby kay Zone kaya natigilan ang staff at napatitig sa batang kandong ni Laby.

"Uh . . . secondary?" takang tanong pa ng staff.

"Yes," pagtango ni Laby.

Hinanap naman agad ng staff sa system ng secondary school ang pangalang Hwong Dae-Hyun, kaso . . .

"Ma'am, I'm sorry, walang naka-enroll dito na Hwong Dae-Hyun or Dae Hyun Hwong," sabi ng staff.

"Oh, ganoon ba?" takang sagot ni Laby at napasilip sa mukha ni Zone na patuloy lang sa pag-usisa sa hawak.

"I'll check sa basic department, ma'am, ha." Sinubukan naman ng staff na hanapin sa buong system ng HMU ang pangalan, baka sakaling hindi sa secondary ang hinahanap, kaso . . .

"Kahit sa basic and tertiary, wala talaga siya, ma'am," sabi ng staff at saka niya tiningnan si Laby. "Sure kayo na iyon ang pangalan?"

"Uhm," nag-isip pa si Laby ng posibleng pangalan ni Zone. "Dae-Hyun Malavega. Please try that."

"Okay, ma'am, one moment."

Tinitigan ni Laby ang namumulang pisngi ng bata habang naduduling na ito sa signpen na hawak. Napapaisip siya kung ano ang pangalang ginagamit ni Zone. Sa pagkakaalam niya, dalawa lang ang ginagamit nitong pangalan. Iyon nga lang, hindi niya ito natutukan kaya hindi na siya sigurado.

"Ma'am, I'm sorry, wala rin pong result na naka-enlist."

Napabuga tuloy siya ng hininga dahil hindi niya alam kung ano ba ang pangalan ng batang kasama niya.

"Okay, ganito na lang," sinulyapan niya sandali si Zone na focus pa rin doon sa pen, "paki-report na lang sa ibang department na may nawawalang bata sa HMU."

"Okay, ma'am." Tiningnan naman ng staff si Zone. "May klase ho ba kayo? Gusto n'yong iwan muna siya rito, in case may maghanap?"

"Ah! Hindi, okay lang. Estudyante ko ang mga kapatid niya." Ibinaba na niya si Zone at tumayo na. "Ipa-page mo na lang sa lahat ng room, then if ever may maghahanap, pakipuntahan na lang ako sa room 308 sa CBA building, nandoon ako hanggang 10:30 ng umaga."

"Oh, okay, ma'am, sure." Tumango naman ang staff at tumayo na. Sinamahan na sila nito sa may pinto at ang staff na ang nagbukas niyon para sa kanila.

"Kami na, ma'am, ang bahala kapag may naghanap dito, Room 308 CBA building?" pag-uulit ng staff.

"Yes, thank you."

Naglakad na si Laby habang hawak sa kamay si Zone. Papunta na sila sa CBA building na ilang lakaran na lang mula sa secondary building.

"Laby, what is this?" tanong ni Zone habang nakatingin sa pen na kanina pa niya inuusisa.

"It's a pen," sabgot ni Laby na diretso ang tingin sa daan.

"It's not a pen," pilit ni Zone. "It's dangerous."

Napahinto tuloy si Laby at kinuha kay Zone ang hawak nitong pen galing sa buhok niya. Inusisa niya iyon dahil alam niya talaga ay iyon ang eksaktong signpen na ginagamit niya, kahit noong nasa Citadel pa siya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang maliit na pulang ilaw na nakatago sa puwitan ng pen. Binuksan niya agad iyon at nakita ang isang maliit na camera sa loob.

"Uhm . . . no, Zone. It's really a pen," katwiran niya at saka niya binali ang pen na biglang nag-spark pagkatapos ng ginawa niya. Pasimple niya itong itinapon sa kung saan at agad na nilingon-lingon ang paligid.

Mukhang may nag-eespiya sa kanya. Wala sanang kinalaman doon si Ran o hindi kaya si King. O maging ang dalawang Superior na mukhang nakahanap na ng kakampihan.

"Tara, Zone. Bilisan na natin." Kinarga na niya si Zone para madaling makaalis sa ground.



///



"Ang cute ng bata, di ba?" sabi ng lalaki at nakitanaw rin sa mansyon sa may burol.

"Bakit pala nandito ka?" pag-uulit ng tanong ni Laby. "I told you to mentor Arjo, right?"

"Ah!" Nagusot ang dulo ng labi ni Melon at prenteng ipinatong ang magkabilang braso sa couch. "Kinuha na siya ni Max." Sinulyapan niyang saglit si Laby na humigop ng inumin nito. "Di ka ba masaya na nakita mo ulit yung anak mo after five years?"

"I told you, he's not my son," kaswal na sagot ni Laby. "Anak siya ng mag-asawa."

"E kahit naman cell ng Zordick at sperm cell ni Shadow ang ginamit mo, still you're the surrogate mother. So scientifically speaking, he's yours." Lalong lumapad ang ngisi ni Melon at inasar pa si Laby. "Come on, Mommy. How's the feeling?"

Napairap agad si Laby at ibinaba sa katabing side table ang iniinom niya. "I don't need to have a feeling. Attached ang bata kay Armida."

"Hey, speaking of Armida, naririnig ko sa mga Guardian, sampung taon na pala siyang huminto sa pagsasalin ng dugo galing sa project. Akala ko, two years ago lang. Ano'ng mangyayari sa kanya? Is she gonna die?"

"Sa ngayon, humihina pa lang siya. But dying a natural death is far from possible. Unless otherwise, someone will kill her."

Nabuo ang inaudible "O" sa bibig ni Melon at dahan-dahang tumango. "Pero nakatanggap ako ng proposal sa office."

"And what does it say?" mataray na tanong ni Laby na noon lang sinulyapan si Melon.

"Something none of us willagree with."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top