15: Psychology

Isa sa hindi gusto ni Arjo sa college ay yung kailangan pa nilang magpalipat-lipat ang room kada subject. Hindi gaya sa high school na isang room lang buong araw. Sa third floor ang klase nila sa calculus, at gusto sana niyang sabihin na ayos na ang bintana ng room 403 sa fourth floor na binasag ng kuya niya ay hindi na niya tinangka. Hinayaan na lang niyang makita nito na ayos na ang bintana.

Ang kaso, matapos siya nitong kaladkarin at pagsabihan na ito na ang mag-tu-tutor sa kanya, bigla itong pinatawag ng director ng HMU bago magsimula ang klase. Kaya ayun, nauna na siya sa room.

Kanina pa dapat nagsimula ang klase nila pero late pati ang prof nilang si Mr. Xerces.

Nilingon niya ang likuran. Wala yung mga baliw niyang kaklase na kumidnap sa kanya kahapon. Buti naman. Nilingon niya ang upuan ng kuya niya. Wala pa rin ito.

Hindi niya alam kung ano ang uunahing isipin. Nahihiwagaan na nga siya sa papa niya nitong umaga lang dahil sa pabango nito, ngayon, pati kuya niya ay dadagdag pa sa iisipin niya.

Napahinto ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakaitim na vest, na may patch ng HMU, white long-sleeved shirt na uniform din nila na hindi nakabutones ang dalawang upper button, naka-black pants, black leather shoes, at may dalang black satchel.

Sinundan siya ng tingin ng lahat.

Nilakad niya ang aisle at pansin ang katahimikan. Tiningnan niya ang relo, naiinis talaga siya kapag late siyang dumarating sa room. Ayaw pa naman niyang nakakaagaw ng atensiyon. Kung hindi lang kasi kailangan kausapin ang director tungkol sa pagiging anak niya ng may-ari ng HMU, baka maaga pa siya sa maaga.

Umupo na siya sa upuan niya sa likuran. At pansin niya ang mga kaklase niyang gulat na nakatingin sa kanya.

Hayun na nga ba ang sinasabi niya, kaya ayaw niyang nag-aayos. Kung hindi lang kailangan sa meeting niya ang neat and clean na ayos, hindi niya iyon gagawin.

"Oh my gosh . . ."

"Don't tell me, siya yung—"

"No way . . ."

"Seriously?"

"Siya ba?"

Halo-halo na ang naririnig niyang bulungan ng mga babae. Kinuha na lang niya ang sketchpad at bagong technical pen na pina-engrave pa rin ang pangalan niya in gold all capital font at saka tinakpan ang noo para ilayo ang tingin doon sa mga nagbubulungan.

"Uy, bro, ikaw ba yung talagang nakaupo diyan?" tanong sa kanya ng lalaking nakaupo sa harapan niya.

Walang siyang sinagot.

"Ay, oo nga pala. Hindi ka nagsasalita." Natawa ito nang mahina at ipinatong ang baba sa braso na nakapatong sa sandalan ng upuan. "Ayos a, ang layo ng itsura mo ngayon. Bakit? Nagpapasikat ka kay Malavega?"

Tumaas sandali ang kilay niya dahil sa narinig.

Napaisip siya. Kanino raw siya nagpapasikat?

"'Lam mo, bro, may pagka-amasona yung popormahan mo, good luck sa 'yo," sabi nito sabay balik sa maayos na pagkakaupo nang pumasok na ang prof nila sa room.

Napataas ng kilay si Mr. Xerces nang makita si Max sa inuupuan niya.

"Why are you absent last time, Mr. Zach?" bungad agad na tanong ni Mr. Xerces.

Lahat tuloy napalingon kay Max na poker-faced lang na nakatingin kay Mr. Xerces.

Walang umaasang sasagot ito. Hindi naman kasi ito nagsasalita. Pero . . .

"I gave my excuse letter to Mr. Kevin Mark last Saturday and they signed it. It's their job to tell you—and the other professor—that I was working abroad because I stated it on the said note . . ." poker-faced niyang sinabi sabay ". . . sir."

Lahat sila napanganga. Kahit si Arjo.

Ang haba ng sinabi niya. At hindi nila inaasahan iyon. Wala ngang umaasang magsasalita siya.

Napatikhim na lang si Mr. Xerces at saka binuklat ang librong dala.

Ibinalik na lang ni Max ang atensiyon sa ginagawa habang yung mga kaklase niya, nakatingin sa kanya na parang ngayon lang nakakita ng tao.

Sa totoo lang, wala talagang balak mag-participate ni Max sa kahit anong subject nila. Nandoon lang naman siya sa HMU para bantayan ang kapatid niya. Pero mukhang pag-iinitan siya ni Mr. Xerces dahil sa nangyari sa bintana na halos isang linggo na nga ang nakalilipas.

"Mr. Zach, since we already know you can participate with us, give us some methods for improving the child's memory," panghahamon ni Mr. Xerces.

Napahinto tuloy sa pagdo-drawing si Max at humugot muna ng hininga para pakalmahin ang sarili bago ituon ang tingin sa prof niyang balak pa yata siyang ipahiya sa buong klase—na naman.

"I hope you can share something with us," nakangiti pang sinabi ni Mr. Xerces kahit na parang nagiging sarcastic na ito sa pandinig ni Max.

"Focus your attention. Utilize mnemonic devices. Pay attention to details or difficult information. Get some sleep." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik na siya sa pagdo-drawing.

"Then who dominated the field in human development during 1900s?" dagdag na tanong ni Mr. Xerces sa kanya na hindi na niya inabala pang pagtuunan ng tingin.

"Jean Piaget, Lev Vygotsky, and John Bowlby," sagot ni Max na patuloy pa rin sa pagdo-drawing.

"Can you cite any references about child psychology or related to human development?"

"Try to read 1882, William Thierry Preyer's Die Seele des Kindes: Beobachtungen uber die geistige entwicklung des menschen in den ersten lebensjahren."

"Wala pa tayo sa lesson na 'yan, Mr. Zach," paalala ni Mr. Xerces.

"Then tell your students to study in advance and don't ask me to cite any references because I can cite a whole library for you . . ." Saka siya nag-angat ng mukha para hamunin ang prof nila dahil talagang pinag-iinitan siya nito. ". . . sir."

Samantala, hindi alam ni Arjo kung paano itatago ang pagkamangha sa kuya niya. Kung puwede lang niyang isigaw sa buong klase na kuya niya ang kasagutan ng prof nila, malamang na kanina pa siya nagsisisigaw roon. Halos mag-init ang pisngi niya habang pinipigil ang sariling kiligin dahil ang talino talaga ng kuya niya. At kayang-kaya nitong ipahiya si Mr. Xerces sa sarili nitong klase.

Iniisip nga niya na kahit pagtabihin sila ng kuya niya, walang mag-aakalang magkapatid sila. Habang nakalingon siya rito, nasa utak niya na baka ampon ito ng magulang niya dahil hindi rin sila magkamukha. Pero imposible dahil para itong may pinaghalong mukha ng papa at mama niya. At ang amo ng mukha nito ngayon kahit ang sungit nito. Di gaya noong nakaraang limang taon na mukha itong member ng Slipknot kung makapag-makeup nang sobrang kapal. Pero hindi rin naman niya masabing siya ang ampon sa kanila kahit pa di sila magkamukha, dahil gaya ng sabi ng kuya niya dati: Masyadong matalino sina Mama para mag-ampon ng bobong katulad mo. Kung di ka lang nila anak, baka tinapon ka na nila sa basurahan.

Noong naisip niya iyon, napangiwi siya at napairap. Matalino nga at guwapo ang kuya niya, pero napakasama ng ugali at napakaantipatiko. Ang tabil pa ng dila at ang galing mang-insulto.








Natapos ang psychology class nila na hindi na pinag-initan ni Mr. Xerces si Max. Maliban sa mapapahiya lang ito, baka lalo lang magkagulo sa loob ng room.

Ngayon, hinihintay na lang ni Max na maglabasan ang mga classmate niya para makauwi na siya at maturuan ang kapatid niyang sobrang genius—sobrang genius sa pag-iwas sa math.

"Hi, Max . . ."

Napatingin siya sa kanang gilid nang may biglang lumapit sa kanyang isang babaeng classmate niya. Wala siyang ibang nakikita rito kundi makeup nitong makapal at matambok na dibdib na malamang ay pang-akit nito sa kahit sinong lalaking classmate nila. Pansin na pansin dahil napaka-fit ng uniform nito samantalang maluluwang naman ang sa iba.

Umirap lang siya at nagkrus ng braso habang nagbalik ng tingin sa harapan.

Yung kapatid niya, hindi pa kasi tapos pakopyahin ng notes ang katabi nito. Aktibo naman si Arjo sa psychology at sa ibang subject. Sa math lang talaga ito may problema. Kahit paano, nagpapasalamat siya roon dahil isang subject lang ang ikaiinit ng ulo niya.

"Uhm, I'm Li—"

"Liberty Natividad," pagtutuloy ni Max sa pagpapakilala sana ng babaeng hindi pa rin umaalis sa gilid niya.

"Aahh—!" Pinigilan nito ang pagtili sabay tingin sa gilid para sabihin sa mga kabarkada na 'Ako na! Kilala ako! Uhm!' habang tinuturo ang sarili. Ibinalik niya ang tingin kay Max. "Wow, kilala mo pala ako. Didn't expect that."

Napairap na naman si Max. Paanong hindi nito makikilala samantalang ito ang girlfriend ng kaklase nilang nambu-bully sa kanya at pinag-iinitan lagi ang sketchpad niya.

"Uhm, may gagawin ka ba mamaya?" nahihiya nitong tanong.

"Marami." Tumayo na si Max at inayos ang gamit niya nang makitang nakuha na ni Arjo ang pinahiram nitong notebook.

"M-Marami??" nagtatakang tanong ni Liberty habang sinusundan siya ng tingin.

"Don't talk to me, ayoko sa 'yo," mahinahong sinabi ni Max sabay alis doon.

Natawa naman nang mahina ang barkada ni Liberty na pinanonood sila.

"Shut up!" bulyaw ni Liberty sa kanila.

Lalakad sana si Max para puntahan ang kapatid kaso biglang hinaltak ni Liberty ang kanang braso niya.

"Hey! You can't just tell me that! Hindi mo ba 'ko kilala?!" inis na sinabi ni Liberty kay Max dahil sobra siyang nainsulto sa sinabi nito.

Tiningnan naman nang masama ni Max ang kamay ni Liberty na nasa braso niya. Marahan niya itong tinanggal at tiningnan nang diretso ang dalaga.

"You can't say that I do not know you. I already said your name. Goldfish ka ba para hindi mo matandaan ang kasasabi ko lang?"

Natulala naman si Liberty, kahit ang mga kabarkada niya. Hindi siya sigurado kung dapat ba siyang magalit o dapat ba siyang kiligin dahil ang haba ng sinabi ni Max sa kanya kahit nakaka-offend.

"I-I-I'm rich!" sabi ni Liberty, baka sakaling magkainteres sa kanya si Max.

"So?" sagot na lang ni Max at naglakad na sa aisle.

"I'm pretty! And—I'm single!" sigaw ni Liberty at nagtaas pa ng mukha.

Wala nang isinagot sa kanya si Max na lalong nagpaawang ng bibig niya.

Pinanood lang nila si Max na lumapit kay Arjo na kausap ngayon si Lei.

Hindi naman makapaniwala si Liberty na ini-snob lang siya ni Max samantalang isa siya sa pinakamaganda sa BA department at sa course nilang Finance.

"Wait . . . Are you gay?" masungit at walang kaabog-abog niyang tanong kay Max habang nakapamaywang pa.

"Whoah . . ."

Rinig ang mga gulat na reaksiyon at ilang hagikhikan sa kuwartong iyon. Kahit si Arjo ay napatingin sa kuya niyang may kasagutan pala sa likuran, hindi niya napansin kakakausap kay Lei.

Napahinto tuloy si Max at napabuntonghininga na lang dahil sa tanong ni Liberty.

Nilingon niya ang babae at wala pa ring reaksiyon na tiningnan ito nang diretso sa mga mata.

"Saang parte ng 'Ayoko sa 'yo' ang hindi kayang i-digest ng tuyong utak mo, hmm?" mapang-insulto niyang tanong rito.

"Wha—Excuse me?!" di-makapaniwalang tugon ni Liberty na halos mapaawang na lang ang bibig at hindi na makahanap ng sasabihin dahil talagang nanunuot sa buto ang insulto sa kanya ni Max.

Hindi na sumagot si Max at tinalikuran na lang ang babae. Huminto siya sa gilid ng upuan ni Arjo na katabi si Lei.

"Tara na," utos ni Max kay Arjo sa mas mahinahong tinig.

Natulala naman sina Lei at Arjo sa kanya.

"M-Max . . ." utal na tawag ni Lei. Naramdaman niyang sinisipa na ni Arjo ang paa niya para patuloy lang na magsalita. Lalo pa, nagkasundo sila na ipakikilala ni Arjo si Lei sa kuya niya.

"Magkakilala kayo ni Arjo?" tanong ni Max kay Lei.

"Ha? A-A-Ano . . ." Hindi naman alam ni Lei ang isasagot kasi talagang bumagsak ang panga niya kay Max. Kanina, mabilis na ang heartbeat niya kahit malayo pa lang ang lalaki, ngayon parang triple na ang bilis niyon.

"Oo! Magkakilala kami!" putol ni Arjo at saka na niya sinuot ang backpack. "Uhm, Lei, gusto mong sumama sa 'min?" Hinatak niya agad ang pulso ni Lei saka niya ito sinenyasang tumango para sabihing umoo.

"Wait!" At nandyan na naman si Liberty para makisingit sa usapan. "Don't tell me, seryoso ka sa amasonang 'to kaya tinatanggihan mo 'ko?" mataray niyang tanong habang tinuturo si Arjo.

"WHAT?!" Hindi naman makapaniwala si Arjo sa tinawag ni Liberty sa kanya. "A-ako? Amasona?! Hoy!"

"Bakit? Hindi ba?" masungit na sinabi ni Liberty sabay taas ng kilay at krus ng mga braso.

"Aba!" Nagpamaywang pa si Arjo at hinihipan ang ilang hibla ng buhok niya sa noo. "Ang kapal ng mukha mo, gurl!"

"Uhm!" Inawat na agad ni Max ang kapatid niyang alam niyang aariba na naman ang pagkamaldita. H-in-ook niya ng braso ang leeg nito at saka inilayo roon kay Liberty. "Subukan mo lang na gumawa ng eksena rito."

"Bakit?! Siya naman ang nag-umpisa a!" galit na sigaw ni Arjo habang dinuduro si Liberty.

"Wala akong pakialam kung sino ang nag-umpisa."

"Hoy, babaeng pulboron, di pa tayo tapos!" pagbabanta pa rin ni Arjo kay Liberty.

"Isa, Jo, tumigil ka na nga!" Hinawakan na lang ni Max ang kamay ni Arjo at saka hinatak palabas ng room.

"Lei!" Sinenyasan ni Arjosi Lei na sumunod sa kanila kaso hindi na lang ito nag-react at pinanood nalang siya nito na ni Max.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top