11: Project ARJO

17 years ago . . .


"I'm here to tell you na may naka-ready nang living regenerator para sa asawa mo. If you want to see the kid, you better see it yourself."

"Kid? What do you mean by kid?"

Tumayo na siya sa office table at sinundan si Laby palabas.

"Hindi ko talaga na-trace kung ano yung chemical na iniinom ni RYJO before. Wala rin kaming record kasi si Crimson ang nagbibigay sa kanya n'on."

Tinahak nila ang daan pa-elevator at sumakay roon pababa sa lobby.

"Okay, I don't want you to get shocked or something," warning na agad ni Laby habang nagmumuwestra pa ng kamay.

Napahalukipkip si Josef at pinagmasdan si Laby nang maigi. "Every time na nagsasabi ka nang ganyan, may ginagawa ka talagang hindi ko gusto."

"Uhm . . ." Napatingin sa itaas si Laby at nagdadalawang-isip kung oo ba o hindi ang isasagot doon.

"Tell me you didn't kill someone para lang sa asawa ko."

"Aaaaactually . . ."

"You did?" gulat na tanong ni Josef.

"I didn't!" kontra agad ni Laby. "Okay, ganito. Listen to me first."

Ting!

Lumabas na ang dalawa pagbukas na pagbukas ng elevator. Nauna nang tunguhin ni Laby ang daan habang nakasunod sa kanya si Josef paliko sa kanang direksiyon mula sa pinanggalingan.

"Nanganak na ang asawa mo. Hindi ako nakapag-provide agad ng regenerator niya within her pregnancy," paliwanag ni Laby.

"Okay? But she's still alive, right?"

"Yes, pero dumadalas na ang fatigue niya. Gaya ng nangyari after n'yong manggaling sa teritoryo ni Crimson."

"And that's . . . dangerous?"

Nakaabot ang dalawa sa division ng main lobby ng kastilyo sa annex building sa east wing ng Citadel. Pumasok ang dalawa sa isang sliding glass door at tumawid sa isang maikling tunnel patungo sa entrance ng medical facility ni Labyrinth.

"Sort of, yeah. Pero wala siyang ideya. Walang ideya sa labas. Ang alam lang nila, mahihimatay siya dahil sa pagod or anemia."

Pagbukas na pagbukas pa lang ng glass door, halos bugahan ng matinding lamig ang mukha ni Josef dahil para siyang pinapasok sa isang napakalaking freezer. Napahimas tuloy siya ng braso dahil hindi naman makapal ang suot niyang long-sleeved shirt.

"Milord, pakisuot po nito," pambungad agad sa kanya ng isang babaeng nakasuot ng protective equipment, may kasama pa itong dalawa pa sa likuran. Isang full body protective clothing, surgical gloves, head cover, at face mask ang kailangan niyang isuot.

Sa sobrang bilis ng pagsuot sa kanya niyon ng mga tauhan ni Laby ay hindi na niya alam kung saan pa ba titingin dahil habang may nagsusuot sa kanya ng coverall, may dalawa pang nagsusuot sa kanya ng gloves sa magkabilang kamay.

Nakita na lang niya ang sariling nakatingin kay Laby na katatapos lang din suotan ng protective equipment.

"Come on," aya sa kanya ni Laby kahit na hindi pa siya nakaka-recover sa kung ano na ba ang nangyayari.

Wala naman na siyang magagawa kundi ang sumunod.

Panay ang libot ng tingin ni Josef sa loob ng medical facility. Sa tagal niyang nasa Citadel, noon lang niya napasok ang lugar ni Laby. At talagang nalulula siya dahil umabot ng third floor ang lugar, at kada floor, may ginagawa.

Para siyang nasa loob ng malaking laboratory. Naka-face mask na siya pero napatakip pa rin siya ng ilong gamit ang kamay dahil may naaamoy siyang matapang na kemikal na talagang nanunuot sa ilong. Parang hinihiwa ang loob ng ilong niya sa sobrang tapang ng amoy. Kaamoy ng sa alkohol at sa formalin.

"Nakakatagal ka sa ganito?" tanong pa niya kay Laby na hindi naman nito sinagot.

Huminto si Laby sa harapan ng isang hilera ng mga chamber na sinlaki lang ng dalawang pinagpatong na pitsel ang kada cylindrical glass. Lima iyong magkakatabi pero tatlo lang ang may laman.

Napahinto rin si Josef nang makita ang laman ng mga iyon.

Kulay asul ang liquid na nasa loob. Parang tubig sa pool. At sa loob niyon ay may isang fully-developed baby na natutulog. Sa kabila naman ay mga fetus pa lang.

"Catherine, what's this?" tanong ni Josef na nagsisimula nang kabahan sa nakikita.

Itinuro ni Laby ang chamber na may lamang baby. "Hindi na kakayanin ng gamot ang case ni Armida."

"And . . . ?" nag-aalala niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin niya sa baby at kay Laby.

"I'm trying to create an artifical regenerator."

"But . . ." Naituro ni Josef ang baby. "This is artificial?"

"Actually, it's a yes and a no. It's a living regenerator. The whole project evolves in making a perfect artifical regenerator from joined oocytes."

Napataas ng kilay si Josef para magtanong kung ano ang sinasabi ni Laby.

"Oocyte is a premature egg cell. Ito yung cell na kinuha ko sa asawa mo three months after she gave birth to your son. Then I took another mature egg cell from a healthy woman for fertilization. Kinain ng premature egg cell ng asawa mo ang mature egg cell ng ibang babae. And I removed its nucleus."

"But did you kill—"

"The egg cells were donated. I didn't kill anybody. I injected it to a surrogate mother na healthy naman. Gusto mong kausapin ngayon?"

"And who's the father?" takang tanong ni Josef.

"I need the same genetic structure ng sa asawa mo kaya kumuha ako ng kaunting tissue sa binti ni Crimson."

Napapamaywang agad si Josef at kitang-kita sa mukha niya na may ginawa nga si Laby na hindi niya ikatutuwa.

"So, si Crimson ang tatay ng batang 'yan," may inis sa tinig niya nang sabihin iyon.

"Nooot . . . really. Yes and no."

"Ugh," napahawak tuloy sa noo si Josef at napailing. "Paanong yes and no? That's a baby!"

"Actually . . . kaya yes na artificial siya kasi clone lang siya ng asawa mo. So . . . hindi siya normal na tao, genetically speaking."

"But that's unethical!" singhal agad ni Josef habang nakalahad pa ang mga palad. "That's forbidden!"

"Gusto mo bang mabuhay ang asawa mo o hindi?" panakot ni Laby.

"Pero kasi—" Akma pang may sasabihin si Josef pero hindi talaga niya alam kung paano sasabihin ang hindi niya masabi-sabi.

"I'll release ARJO soon after she survives the first year. For sure, after matapos ng agreement ng Citadel at ni Armida, makakakuha na 'ko ng dugo sa bata."

"Catherine, nakakatulog ka pa ba nang maayos sa ginagawa mo?" dismayadong tanong ni Josef. "Ilang beses kang nag-conduct ng experiment?"

"398."

"And you dispose that 398 fetus for this?"

"At least, mabubuhay naman ang asawa mo, di ba?" nakangisi nitong sagot. "And besides, nasa Citadel naman tayo. Funded ang lahat ng experiments ko. Three years ko na kaya 'tong ginagawa!"

"You're a psychopath." Napatingin naman siya sa iba pang chamber. "What about the other . . . experiments?"

"Well . . ."





***





Wednesday, katatapos lang ng suspension ni Max pero hindi pa rin siya pumapasok.

Pok!

"Aish . . ." Inis na nilingon ni Arjo ang likuran. Nakita niya roon ang grupo ng mga lalaking kaklase niya na wagas makahagikhik.

"Epal . . ." Nakabusangot ang mukha niya nang ibalik ang tingin kay Mr. Xerces na kasalukuyang nagtuturo.

Pok!

"Tsk!" nilingon na naman niya ang grupo sa likod. Nagtatawanan na naman doon nang mahina.

"Gusto n'yo na namang ma-suspend!" sigaw ni Mr. .Xerces

Lahat tuloy ay napatingin sa likod. Pati na yung mga mokong na sinasabihan, lumingon din sa likuran kahit wala naman na silang lilingunin.

Napuno tuloy ng mahinang tawanan ang buong klase dahil sa kalokohan nila.

"Mga baliw . . ." bulong ni Arjo sabay lipat ng tingin sa harapan.

Tatlong araw ding na-suspend ang grupong iyon maliban sa kuya niya. Ayaw rin naman niyang makita ang kapatid niya dahil inis na inis siya rito.

Natapos na ang klase niya sa wakas. At ang puwesto ni Arjo ay napuno ng mga binilog na papel kababato ng mga lalaking pinagtitripan siya.

Papalabas na siya ng room nang bigla siyang unahan ng nasabing grupo.

"Humanda ka sa 'min, Malavega," banta ng pinaka-leader ng mga iyon sabay ngisi. Natawa na parang baliw ang apat pa nitong tropa.

"Mga siraulo!" sigaw ni Arjo sa kanila.

Isa iyon sa dahil kung bakit ayaw niya talaga sa HMU. Masaya na siya sa dating school kasama ang mga kabarkada niya, pero dahil lang sa kung anong dahilan, lumipat sila ng bahay.

Ngayon, kailangan niyan tiisin ang pambu-bully na ginagawa sa kanya ng mga kaklase niya.

Dumiretso siya sa mess hall. Ayaw niyang umuwi muna dahil malamang na pag-uwi niya, nandoon ang Mama niya na sesermunan na naman siya dahil nga sa note na nakita nito patungkol sa kanya. Sinasabi nitong umamin na siya kung sino ang mga gumawa ng note, pero ayaw niyang umamin.

Naalala niya yung ginawa ng Mama niya noon sa nam-bully sa kanya noon sa basic school. Nagulat na lang sila, may pa-prayer na ang school tungkol sa namatay na pamilya ng nam-bully sa kanya.

Ang sabi naman nila, car accident iyon kaya hindi nila masisisi ang kahit sino kundi ang pamilya rin mismo. Pero narinig niya sa usapan ng mga magulang na Mama niya ang may gawa niyon. Kaya talagang ayaw na niyang magsumbong kung ganoon lang din naman ang mangyayari.

Nakakatatlong apple pie na siya at umay na umay na sa kinakain. Dalawang linggo na pero wala pa rin siyang friend. Friendly naman siya, kaso hindi niya talaga bet ang mga classmate niya sa HMU.

"Hi, puwedeng makiupo?"

Bored na tumango si Arjo habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa pie.

"Pansin ko, kanina ka pa nandito."

Tumango na naman si Arjo.

"Ako nga pala si Lei. Classmate mo 'ko sa tatlong subject . . ."

Tumango na naman si Arjo.

"Uhm . . ." Napatingin sa ibang direksyon si Lei kasi parang wala sa mood kausap si Arjo. "Uhm, bakit kaya hindi pumasok ngayon si Zach? Tapos na yung suspension niya, di ba?"

"Nasa Maresa pa 'yon kaya wala rito . . ." wala sa sariling sinabi ni Arjo.

"Maresa? Talaga?" di-makapaniwalang tanong ni Lei. "Sana nagpaalam siya."

Nagulat na lang din bigla si Arjo at nalipat ang tingin sa kausap. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang matamis na ngiti nito. Para pang kumikinang ang mga matang kulay brown na medyo green sa bandang gitna. Nakapusod ang buhok nitong brunette at ang kinis ng mukha. Nagagandahan siya rito kaya nagtataka siya kung bakit nito hinahanap ang kuya niyang mukhang taong grasa?

"Bakit mo hinahanap si Max?" tanong niya kay Lei dahil talagang na-curious siya sa pang-uusisa nito.

"Wala lang, na-curious lang ako," masayang sagot ni Lei. Ang ganda talaga ng ngiti nito kahit na medyo pasungki na ang magkabilang pangil.

"Close ba kayo?" usisa niya rito.

"Ha? Uhm!" Mabilis itong umiling. "Hindi ko lang talaga siya nakita ngayon. By the way, you're Armida Josephine, right?"

"Arjo na lang para hindi mahaba."

"Ah, okay. Arjo, alam mo kung kailan siya babalik? Si Zach, I mean."

Napahinto naman si Arjo sa tanong na iyon. Biglang bago ng facial reaction niya at napalitan ng "uhm-I-smell-something-fishy."

Napapatanong siya kung bakit bigla-bigla siyang i-interview-hin ng Lei na ito tungkol sa kuya niya.

"Uy! 'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, ha . . ." biglang namula si Lei at napaipit ng buhok sa likod ng tainga.

Napangiti si Arjo pero tinakpan niya agad ang labi sabay compose uli sa sarili para ibalik ang serious-mode.

Hindi naman niya alam na kahit mukha nang basurero ang kuya niya ay nakakahatak pa rin pala iyon ng mga babae.

"Bakit gusto mong malaman?" curious na tanong ni Arjo habang nakangisi.

"Ha? Uh . . ." Napakagat na lang ng labi si Lei at nahihiyang yumuko. "Wala lang . . . gusto ko lang talagang malaman."

"Ang pangit kaya niya!" natatawa pang sinabi ni Arjo. "Saka ang yabang kaya n'on!"

"Uy, parang hindi naman! Baka nami-misinterpret mo lang," pagtatanggol ni Lei.

"Psh! May gusto ko ba sa ku—I mean, doon kay Max?" nangingiting tanong ni Arjo.

"Ha? Uy, hindi . . ." Ipinatong ni Lei ang magkabilang braso sa mesa sabay pout. ". . . ano lang. Ang cool lang kasi niya. Saka marunong siyang mag-sign language. Gentleman din naman siya kahit ganoon yung itsura niya. Tapos . . . nakita ko yung ginagawa niya sa sketchpad niya, ang galing niyang mag-drawing, ang ganda pa ng sulat niya—" Napahinto siya ng makita ang mukha ni Arjo na halos mapunit na ang pisngi sa sobrang ngiti. "WHY?" Na-conscious na tuloy si Lei dahil kay Arjo.

"Wala! Wala hehe." Umiling agad si Arjo at saka nagtakip ng bibig. "Sige, tuloy mo kuwento mo."

"Ayoko na nga . . ." Nagtakip na lang ng pisngi si Lei. "Pinagtatawanan mo lang ako."

"Gusto mong ipakilala kita sa kanya?" nakangising tanong ni Arjo kay Lei.

"A-ako?" tanong pa ni Lei habang tinuturo ang sarili niya.

"Hindi. Yung pie, malamang ikaw, di ba? Eto naman!" sarcastic na sinabi ni Arjo. Sumandal siya sa inuupuan at kinuha ang orange juice niya sabay inom.

"Baka hindi niya 'ko pansinin."

"Tss, papansinin ka n'on!Ako bahala sa 'yo!" full of confidence na sinabi ni Arjo kay Lei. "Pagbalikn'on, hanapin mo 'ko, papakilala kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top