1: The Family

"Arjo, mag-usap nga kayo ng Papa mo."

"Bakit? Ano'ng problema?"

Umagang-umaga, pakiramdam ko, sira na ang araw ko. Wala namang bago sa umaga, sa totoo lang. Nasa harap ako ng mesa, kinakain ang walang kamatayang french toast ni Mama na nilulunod niya sa gatas habang hinihintay ang iba pang miyembro ng pamilya kong hindi pa rin lumalabas ng mga lungga nila.

Oo nga pala, may pasok ako ngayon kaya ang aga kong nagising. As if namang may choice ako para ma-late.

"Kuya mo, nasaan?" dagdag na tanong ni Papa na nag-aayos ng cuffs ng white long-sleeve button-up shirt niya. Feeling ko nga, isang buong closet ni Papa, puro formal suit. Sobrang bihira ko siyang makitang naka-T-shirt and shorts. Laging casual at formal.

Ang guwapo nga ni Papa, lagi siyang inaabangan ng mga neighbor namin kahit sa dating bahay. Minsan, magdadala ng pagkain sa bahay para lang makita siya. Kaya nga iniisip ko, baka kaya siya nagustuhan ni Mama kasi good looking siya. Hindi naman kasi siya mayaman.

"Baka nagme-makeup pa," sarcastic kong sagot.

Umupo na si Papa sa puwesto niya sa dulo ng mesa. May trabaho siya ngayon kaya isa ring maagang nagising. HR manager siya and I don't know why hindi pa siya napo-promote kahit na dedicated siya sa trabaho niya. Mas mataas pa nga ang position ni Uncle Riggs kaysa sa kanya and that's unfair! Ni hindi nga nag-co-complain si Mama kahit kapag nag-aaway sila. Nagrereklamo lang ang mama ko kapag gumagastos si Papa sa 'kin. Doon lang yata sila nag-aaway dahil sa pera. Feeling ko nga, ako lang ang magastos sa bahay e student pa lang naman ako.

"O." Inilapag ni Mama ang tinimpla niyang kape sa harap ni Papa. "Wala nang laman ang ref, kailan mo balak mag-grocery?"

Psh. Wala na yatang ibang ginawa si Mama sa bahay kundi mag-utos nang mag-utos kay Papa ng kung ano-ano na dapat ay siya ang gumagawa. Lagi siyang "Josef, do this. Josef, do that. Josef, Josef . . ." Lahat na lang. I don't like her, but I don't hate her either. Napakahirap kasi niyang basahin. Minsan, hindi ko alam kung masaya ba siya, o galit, o naiinis. Minsan naka-smile siya, but soon after that, may lumilipad nang bagay sa bahay. And until now, I'm still wondering why my father loves her. A lot.

Though, maganda naman si Mama. Actually, sabi nga ng mga classmate ko, mukha lang daw kaming magkapatid kahit hindi kami magkamukha. She really looked so young for her age. And for that matter, wala pa siyang beauty regimen. Sabi lang niya, umiinom lang siya ng maraming tubig. I don't know, baka water sa fountain of youth ang iniinom niya.

"Bukas na, tutal weekend naman. Wala akong trabaho," sagot ni Papa.

Bakit kasi ayaw nilang kumuha ng maid? Yung mga friend ko nga sa dating school, lahat sila may maid, e may pambayad naman kami para sa katulong. Napamanahan naman daw si Mama ng family niyang mayaman kaya bakit hindi nila gamitin? Duh.

"Oy, Max! Mag-almusal ka muna!" sigaw ni Mama.

Hindi malaki ang bahay namin. Enough lang para sa aming pamilya. May second floor, tanaw sa dining area ang sala at ang pinto. At sinasamantala talaga nila ang laki ng bahay para mag-away.

Napatingin ako sa pinto ng sala na ilang lakaran lang sa puwesto namin. Si Kuya, palabas na ng bahay habang dala ang pinakamamahal niyang skateboard. Parang skateboard na niya 'yan since I went back here, can't remember.

Sandali siyang napahinto habang hindi pa tuluyang napipihit ang doorknob. But knowing Kuya, for sure, iinitin pa niya ang ulo ni Mama bago sumunod.

And as expected, nagtuloy pa rin sa binabalak at binuksan na ang pinto.

"Max!" Isang sandok ang ibinato ni Mama para patamaan si Kuya sa pinto.

"Armida!" sigaw ni Papa. "Oh God. It's too early."

Kung stressed na si Papa early in the morning, what more pa ako?

Nasalo ni Kuya ang handle ng sandok at ibinato iyon pabalik kay Mama.

"Umupo ka rito . . ." Sinalo lang din nang walang kahirap-hirap ni Mama ang sandok na binato ni Kuya pabalik. ". . . at kumain ka."

Tiningnan nang masama ni Kuya si Mama. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang ninanamnam ang pagkain ko.

Somehow, it shows na hindi talaga boring tumira sa bahay. Aside from occasional shouts and flying knives or anything, normal naman.

"Kakain ka o kakaladkarin kita para pumunta rito."

Sa bahay, ang alam ko, si Papa ang boss. But apparently, most of the time si Mama ang laging nasusunod. Pero sabi naman niya, si Papa ang boss. I don't know. It doesn't make sense to me.

Nakipagsukatan pa ng titig si Kuya pero sumuko rin siya dahil hindi niya kaya si Mama. At napakaraming beses ko nang napatunayan iyon. My mother is a witch. We mess with her, we deal with the worst.

Isinandal niya sa tabi ng pinto ang skateboard niya at pumunta na sa puwesto namin habang nakakunot ang noo. Padabog siyang umupo sa upuang katapat ko habang masama ang tingin sa mga pagkain.

"Max, umayos ka," warning ni Papa.

Wala yatang narinig si Kuya, sa halip ay inis niyang kinuha ang isang loaf bread at ham na nakahain sa mesa.

"O? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" maangas niyang tanong sa 'kin.

Umirap ako. "Ikaw ba'ng tinitingnan ko? 'Wag ka ngang feeling," sarcastic kong sinabi sa kanya.

Iyan si Kuya Max. Tatlong taon ang tanda niya sa 'kin. Siya yung typical emo-goth-punk-kampon-ni-Satanas-cold-all-black-long-haired-peirced guy na mas makapal pang mag-eyeliner at mag-foundation kaysa sa 'kin. Nag-start siyang maging ganyan when I was twelve. And that was half a decade ago. Mukha siyang basurerong adik at hinahayaan lang 'yon nina Mama. Hindi naman daw kasi panghabambuhay ang ayos niya. Kaya nga kapag lumalabas ako ng bahay, tinatanggi ko siya bilang kuya ko. He's a total freak and I hate him for being that kind of guy. Nakakainis din ang ugali niya, mas ma-attitude pa sa 'kin. Tapos ang lakas pang magsuot ngayon ng black sweater at baggy pants. So yuck. As if namang napakalamig sa labas.

"Ma, you have to go to school today," entrada agad ni Zone pagbaba niya mula sa second floor.

Lahat kami, napasunod ng tingin sa kanya. Nakabihis na rin siya ng school uniform niyang white blouse na pinatungan ng blue vest, at navy blue shorts.

"Why?" tanong ni Mama na naglalapag na ng huli niyang nilutong bacon sa mesa.

"My teacher wants to talk to you. She said maybe you'll consider my acceleration program because—"

"Zone, tatapusin mo ang basic school bago ka tumuntong ng high school," putol ni Mama sa kanya. "Wala akong pakialam kung mas matalino ka pa sa principal n'yo. Basta tapusin mo ang dapat mong tapusin."

Napahinto sa pagkain si Papa habang tinitingnan si Mama na paupo sa kabilang dulo ng mesa.

"Bakit mo pa kasi pinag-aaral?" tanong ni Papa.

"He needs to study, Josef. Hayaan mo siya," sermon din ni Mama sa papa ko.

"Then let Laby handle him."

"Busy si Laby. It's a no."

Psh, nandyan na naman sila sa problema na 'yan kay Zone. Ang weird nila because every time na papasok sa usapan ang issue ng katalinuhan ni Zone, mabi-bring up ng name ng Laby na 'yon na until now, wala akong idea kung sino bang talaga.

Genius si Zone, and sa age niyang seven years old, hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang na-recognize because of that. Maraming universities and hospitals ang kumukuha sa kanya at gustong i-improve ang kung anong meron ang utak niya pero lahat pinipigilan ni Mama. I don't know why she's afraid na mag-excel pa si Zone. Ultimo simpleng acceleration program, tinatanggihan niya, samantalang yung ibang parents nga, grab agad ng chance.

Nagtatampong umupo si Zone sa puwesto niya na katabi lang ni Kuya. Isinubsob niya ang mukha sa mesa at ginawa ang hand dance itsy-bitsy spider niya sa itaas ng ulo. Lagi niya 'yang ginagawa kapag bad trip siya. No'ng una, cute pa. Kaso sa katagalan, umaangat na parang naglalaban sila ng attitude ni Kuya Max. Ma-attitude na si Kuya tapos makikipagkompetensiya pa siya sa pataasan ng sama ng ugali.

Napabuntonghininga na lang si Mama at kinuha si Zone sa upuan nito. Iniupo niya ito sa lap niya at sinuklay ang buhok nito palikod.

"Zone, 'wag ka nang magtampo, hmm? Love ka naman ni Mama e . . ." malambing na sinabi ni Mama kay Zone habang hinahawi ang buhok nito.

Sana lahat, mahal ni Mama, di ba?

"Really?" malungkot na tanong ni Zone habang nakayuko.

"Mm-hmm." Nakangiti namang tumango si Mama.

"More than you love Josef Malavega?" pa-cute niyang tanong kay Mama habang naglulungkot-lungkutan pa rin.

Tiningnan ko agad si Papa na gulat na gulat ang reaksiyon. Ni hindi na nagawa pang isubo yung hawak na tinapay.

"Siyempre, love ka ni Mama kaysa kay Papa." Binigyan ni Mama ng pang-asar na ngiti si Papa at saka niya hinalikan sa labi si Zone. "Hayaan mo na 'yang Papa mo, hindi ko naman love 'yan."

Huh! Tuwang-tuwa na niyan si Zone. Iyan lang naman ang kaligayahan niya sa buhay. Ang sabihan ni Mama na siya lang ang mahal nito.

Binelatan niya si Papa para sabihing talo ito sa kanya dahil mas mahal siya ng mama ko.

Oo nga pala. May Oedipus Complex si Zone, at feeling niya, karibal niya si Papa kay Mama. Si Zone lang ang may kakayahang makapagpalayas kay Papa sa kuwarto nila ni Mama.

At yung pagiging magkaribal nila sa atensiyon ni Mama ay umabot na sa puntong tinalo pa nila ni Papa ang magka-edad kung magtawagan. Josef o kaya Josef Malavega ang tawag ni Zone kay Papa, and he considered himself as superior to us because of that. Freak.

Napailing na lang si Papa dahil wala pa ang oras ng pagtutunggali nila ni Zone. Tuwing gabi ang battle royale nila kaya mamayang gabi, makikita na naman namin kung paano matalo si Papa sa kanya.

"Ikaw, Arjo, nakita ko na ang grades mo last year," sabi ni Papa kaya biglang ikot ng mga mata ko. Sabi na nga ba, di nila palalampasin 'yon. "Bagsak ka na naman. Ikaw na bata ka, ayusin mo ang school mo, ha."

"Pa, walang sira ang school para ayusin ko. Kung may problema kayo, yung architect n'on ang komprontahin n'yo at hindi ako."

Tiningnan ko silang lahat, at ang mga mukha nila, akala mo naman, kasalanang mortal ang lumabas sa bibig ko. Psh.

"Arjo, ikaw, ikukulong talaga kita rito sa bahay," gatong pa ni Mama. "Sasagot-sagot ka pa."

"Eto na nga po, papasok na nga po sa school e," sabi ko agad. Tumayo na 'ko at dali-daling umalis. Alam kong magiging awkward na ang atmosphere kapag nagtagal ako roon. Baka humaba pa ang sermon sa 'kin, lalo pa 'kong di makapasok.

"Arjo, sumabay ka sa kuya mo!" sigaw pa ni Mama pero hindi ko pinansin.

Bahala sila. Ayoko nga. Yuck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top