Kabanata 10

Gulat na gulat si mirko dahil hindi man lang bumaon ang bala kay nikka, hindi ito makapaniwala sa mga nalaman at nangyayari.

"Oh? Itikom mo bibig mo mirko papasukan na ng langaw." Maangas na sabi ni matthew.

"Pa-aano?" Tanong ni mirko.

Lumapit si matthew dito at binugahan ito ng usok sa mukha.

"Hindi namin kayo kinaibigan para lang sa wala." Sagot ni matthew.

"Hindi kami nakipag-plastikan sainyo para sa wala." Dugtong ni jade.

"At hindi kami sumama dito sa pesteng outing na to para lang sa wala." Dugtong pa ni jade.

"Lahat ng ito planado na miko." Sabi ni nikka.

"Bak-it?" Umiiyak at hirap na sabi ni mirko.

"Hindi niyo man lang ba kami tinuring na kaibigan?" Dagdag nito.

"Hindi" walang alinlangan na sagot ng mag kakapatid.

"Ba-kit?" Tanong muli ni mirko.

Tumingin sa labas si nikka at nakitang umuulan.

"Pinag-eksperimentuhan kami ng mga magulang niyo at pinalabas na patay na kami." Sabi ni nikka. Walang emosyon ang mukha nito.

Kumunot ang noo ni mirko.

"Hindi 'yon alam ng mga magulang namin dahil pinalabas ng mga magulang niyo sa magulang namin na patay na kami." Dugtong ni matthew.

"Pinalabas nila na namatay kami sa isang aksidente at may pinakita silang bangkay." Dugtong ni jade.

"Napaniwala nila ang magulang namin sa putanginang kasinungalingan na 'yon." Inis na sabi ni ash.

"Hindi kinaya ng magulang namin ang sobrang kalungkutan kaya nag pa kamatay sila." Sabi ulit ni matthew.

"Pagkatapos kinuha ng mga magulang niyo ang kayamanan namin." Dugtong ni ash.

"Hindi totoo yan!" Sigaw ni mirko.

"Wala kayong alam, maniwala ka man o hindi wala kaming pakialam." Bulyaw ni jade.

"No" sabi ni mirko.

"Yes, mirko. Wala kayong alam." Sabi ni nikka.

"Pinag-eksperimentuhan kami, ginamit, binaboy at ginawang sunod-sunuran." Dagdag ni nikka.

"Pinaglaruan, kung ano ano ang ginawa sa katawan namin kaya naging ganito kami." Dagdag ni ash.

"Hindi kami tatablan ng kahit anong patalim o nakakamatay dyan, dahil ginawa kami para mabuhay ng pang-habambuhay." Dugtong ni matthew.

"Kaya pintay namin sila para maramdaman ng mga magulang niyo kung gaano kasakit ang mawalan, magdusa at maging impyerno ang buhay." Sabi ni jade.

"Hanggang sa sila na rin mismo ang pumatay sa sarili nila." Inis na sabi ni nikka.

Natulala lang si mirko sa mga narinig at nalaman niya.

Itinutok ng mag kakapatid ang baril kay mirko at kinalabit ito.

***

Vote and comment.
Enjoy and thank you for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top