Kabanata 1
Lahat ng inyong mababasa sa istoryang ito ay galing sa malikot kong isip.
Ang lugar, bagay, hayop, pangalan, at senaryo ay kathang isip lamang kung may katulad ang mababasa niyo ay hindi ko yon kinopya.
All Rights Reserved 2016
Written by: derpyeoda
Kabanata 1
Ang magkapapatid na Dela Cruz ay abala sa pag aayos ng kanilang gamit magkakaroon sila ng swimming kasama ang kanilang mga kaibigan.
"Tangina! Ang babagal niyo naman." Sabi ni Nikko matthew. Si nikko matthew ang pangalawa sa kanilang mag kakapatid palamura ito.
"Hoy! Mag hintay ka! Ganyan talaga kapag guwapo matagal kumilos." Pasigaw na sabi ni Nikko Jade. Si nikko jade ay isang taong masiyahin na parang walang problema, pangatlo naman siya sa magkakapatid.
"Mga gago kayo! Ako lang ang gwapo dito. Bilisan niyo na dyan hinihintay na nila tayo!" Singit na sabi ni Nikko Ash. Si nikko ash ang panganay sa magkakapatid, masiyahin ito, gago pero mapagmahal na kapatid.
"Ang iingay nyo! Tss" galing ang boses na 'yon sa babaeng nakaupo sa hagdan at naka-kunot noo.
"Bunso'y!" Sabi ni matthew.
"Tch! Bilisan niyo na mga hyungs." Sagot ni Nikka Daletthew. Si nikka daletthew ang bunso sa mag kakapatid lagi itong naka-poker face pero sweet ito sa mga kuya niya.
***
Nasa byahe na ang magkakapatid ng mapansin ni Jade na parang may mali sa dinadaanan nila.
"Matthew, mali yata tong dinadaanan natin." Kunot noong sabi ni jade.
"Tama to eto yung sinabi nila sakin." Nagkibit balikat na lamang si jade. Silang dalawa lang ang gising dahil natutulog si ash at daletthew.
"Puta!" Sigaw na sabi ni matthew.
"Bakit?" Kunot noong tanong ni jade habang nagtetext.
"Kanina pa tayo pa ikot ikot!" Nagulat sila dahil biglang nagsalita si Nikka.
"Kanina ka pa gising?" Tanong ni Matthew.
"Di naman ako tulog."
"Naliligaw ba tayo?" Tanong ni ash na kagigising lang.
"Hindi ko alam, tama naman dinaanan ko eh." Sgot ni matthew.
"Mag gagabi na pala, tawagan niyo sila." Sabi ni ash.
"Useless, walang signal dito kanina pa." Singit ni nikka.
"Tangina! Na saan na ba kasi tayo?" Tanong ni jade.
"Ituloy niyo lang pag drive," sabi ni nikka at tsaka pumikit.
Walang nagawa ang mga kuya niya kundi ang sumunod dahil no choice din sila.
Habang nag d-drive si matthew may nakita siyang babae na naka-short shorts at balingkinitan ang katawan, napatitig siya dito, kinuha niya ang kanyang selepono at kinuhaan ito ng litrato pagkatapos ay nag pokus na ito sa pag d-drive.
"Ayan na yata may mga ilaw na." Sabi ni ash.
"Kanina pa tayo pa ikot ikot nandyan lang pala?" Tanong ni jade.
"Baka hindi lang napansin ni matt, huwag kayo masyado mag isip." Sagot ni ash.
"Nagtext si mirko kanina pa daw tayo hinihintay!" Sabi ni nikka.
Hindi kumibo ang mga kuya nito dahil lahat sila may iniisip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top