ORPHANAGE

PASADO ALA-SAIS na ng hapon. Tuloy parin ang plano ko na pumunta sa lumang Orphanage kung saan nagsimula ang lahat ng nakaraan ko. Aaminin kong hindi talaga ako okey ngayon pero mas pinili ko paring ituloy ang lahat.

Sinakbit ko na ang maliit kong nag sa likod at naglakad papunta sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito ng may sumalubong sa mga mata.

"Ayah, pwede ba nating pagusapan ang nangyari?"

"Please! Leave me alone."

Nag derederetso ako sa paglalakad at binalewala lang ang presensya nya sa harapan ko kanina.

"No! I won't leave you! Please talk to me!"

Nagdirediretso lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga sinasabi nya. Well, im just taking some little revenge kung paano nya ako binalewala at saktan ang damdamin ko ng ganun.

"Hey! Am talking to you! You're annoying me!"

Hindi ko pari pinansin ang mga sinabi nya. Wala naman akong pakielam kung naiinis sya. Sino nga ba sya? Ni hindi naman kami magkaibigan diba?

"Hey! Hey! Where are you going?"

Lumingon ako sa kanya at initipan. Hindi talaga makuntento tong animal na to! Kainis!

"It's none of your business. Just leave me alone!" i said.

Nagsimula na ulit akong maglalakad at ilang hakbang na lang ay mararating ko na ang hagdan para makababa. Bigla akong nakarinig ng yabag ng sapatos na para bang tumatakbo ang may ari nito papunta sakin.

Hinawakan ni Cedric ang balikat ko at pinilit na iharap ang katawan ko sa kanya syaka inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"I said i don't leave you. Do you understand? Or gusto mong itagalog ko pa."

Magkalapit na ang mukha naming dalawa at naririnig ko rin ang bawat hinga nya.

"S-sabi ko nga..." i pouted.

Ngumiti sya at tyaka nagsimulang maglakad habang ako naiiwan pa sa likod nya. Sino ba kasi ang mapapaisip na lang sa ginawa nyang yon? E, halos di na nga ako makagalaw sa sobrang lapit ng mukha nha sakin. Diba?

Bumaba na kami sa apartment na tinutuluyan ko at isinakay ako ni Cedric sa kotse 'nya daw'. Ewan ko ba. Nung pagkikita nakasabay ko sya sa jeep diba? Tas may kotse nmn pala sya? Weird.

"So, bakit ka nga pala umarteng parang girlfriend kita kanina?" tanong nya.

"H-huh?"

"Di mo ba ko-"

"Narinig kita! Okey?" attitude mo siz. Kalma self....

"So bakit nga?"

"Hindi ko alam."

"Are you interested at me?"

"No! I'm not interested at you. Ano namang bagay ang kainte-interesado?"

"Well, i don't know. Pero ikaw mismo ang makakaalam pag naging interesado ka na sakin." he smirk. Weird.

"Cheee. Ang O A mo! Lumiko ka madadaanan na natin yung Orphanage!" asik ko.

Liniko nya ang kotse. Ilang segundo lang ay nasa gilid ko na ang harapan ng Orphanage na kitang kita sa binta ko.

Since, luma na ang Orphange na ito. Nakakatakot tignan lalo na ngayong pababa na ang araw.

"Nakakatakot naman..." sabi nya.

E, animal pala talaga to, e. Takot daw tas sumama-sama pa? Pakihuli na nga po tong animal na to! Nalo-lost world ata, e.

"Takot ka pala, e."

"Oo, Takot ako- Tatakot ako sa multo pero mas takot ako pag nawala ka sa buhay ko."

Ano daw?!

"Chee! Tara na. Naghihintay yung Orphanage, O?!"

Ngumiti sya sa harapan ko bago nya sinimulan ang paglalakad habang ako nmn ay naiwan sa likod nya habang pasimpleng ngumingiti.

Confirm na po! Nahawa na po ako sa kabaliwan ni Cedric! Haha.

Pumasok na kami sa gate at sumalubong samin ang mga nakatenggang hardin. Wala na itong mga tanim at makukulay na bulaklak. Napapaligiran na lang ito ng mga ligaw na halaman.

Ilang segundo lang ay nasa harapan na namin ang Orphanage. Si Cedric ang nauna sakin. Bago nya binuksan ito ay huminga sya ng malalim at tumingin sakin.

Pinihit ni Cedric ang pintuan at sumalubong sa amin ang maalikabok na sala. Buksan ko ang flash light ko at sumunod sya sa ginawa ko at mas lalo ka naming nakita ang mga bagay na nasa loob.

Puro mga nakakalat na mga papel sa sahig at may ilan ilang mga upuan na luma na. Kinuha ko ang isang folder na nakalagay sa maliit na lamesa at tinignan ito.

Nakalagay rito ang mga profile ng mga batang pinaampon. Binuklat ko ng binuklat ito at nakita ko ang mga pangalan at itsura ng mga pinaampon dito.

"Cedric! Tignan mo to!" tawag ko kay Cedric ng may napansin akong kakaiba sa mga profile mga pinaampon dito sa Orphanage.

"Bakit natatakpan ng sulat yung mga mukha ng iba?"

"Yun nga din yung napansin ko, e."

May mga ilang nakikita mo pa ang mukha nila sa unahan pero pagkatapos ng ilang pahina, lahat ng mga kasunod na profile ay natatakpan ng tinta ang mukha nila.

"Masama na ang kutob ko dito. Hindi kaya may dahilan yan?" tanong nya.

Pareho din kami ng iniisip. Dahil wala namang gagawa ng kalokohan na ganyan. Hindi ba? Dahil sa pagkakaalam ko strikto ang mga Sisters dito na nagaalaga sa mga pinapaampon dito.

"Tignan mo ito."

Pinakita sakin ni Cedric ang mga larawan ng mga Sisters na nagaalaga dito noon ngunit natatakpan din ng tinta ang mga mukha nila maliban sa isang madre. Ano bang nangyari dito noon?

Pinakita din nya sakin ang isang larawan ng mga pinaampon dito. Natatakpan din ang mga mukha nila ngunit maliban sa dalawa. Ang isa ay nakangiti habang ang isa naman ay nakakatakot ang mukha. Hindi ko na malala kung nakausap ko din ba sya dati dahil nga walong taon na ang nakalipas at malabo ko ng maalala ang mga iyon.

"Kung umuwi na lang kaya tayo?"

"Hindi! Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nalulutas yang problema mo. Diba sabi ko sayo gagawa ako ng paraan para malik yang buhay mo sa normal?"

"Pero paano pang hindi natin kinaya? Paano pag buhay pala nati ang nakataya? Paano pag nawala ka- n-nawala ka sakin?"

"No! It wouldn't happen. Stop thingking nonsense! Mas lalo mo lang mapapalala ang sitwasyon, Ayah."

Nag-nood na lang ako sa kanya aktong naiintindihan ko ang mga sinasabi nya. Hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko sa kanya pero ang sinsabi ng piso ko ay ayokong mapahamak sya dahil sakin. Ayokong mawala sya sa tabi ko dahil ano mang oras na wala sya ay parang hindi ko na kakayaning mabuhay pa.

"Wait? Are you inlove at me if what?"

Sh*t! Ayan na nga Alliyah! Hay nako.

"A-ano k-kasi-"

Nauutal kong sagot ng biglang nakarinig kami ng tunog mula sa labas. Nagsimula na akong natakot.

"Cedric!"

Natataranta kong tawag sa kanya. Agad naman nya akong liningon at hinawakan ang kamay kong nanlalamig sa takot.

Natatakot ako ngayon pero ng biglang hawakan ni Cedric ang kamay ko para bang nawala ang takot ko at nagising ang mga paruparo sa tyan ko. Kinikilig ata ako.

"Shhhh.... Halika. Magtatago tayo."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top