ONE
"Nandito ako sa campus, Papunta ako ng library. May problema ba?" Tanong ko ng biglang tumawag sakin si Thea.
Naglalakad ako ngayon papuntang library dahil yun ang huli naming napagusapan pag katapos ng nangyari kahapon. Ang pangyayari na ni isasa amin ay hindi alam na manyayari iyon sa kalagitnaan ng sitwasyon at problemang tumatakbo samin ngayon.
"Pwede ba tayong magusap, Alliyah" pagmamakaawa ni Thea sa kanilang linya.
"Tungkol saan ba iyon, Thea?"
"M-may gusto kasi akong sabihin, e." nauutal na sagot ni Thea sakin.
"Okey then, puntahan mo ko dito. Maliwanag ba?" utos ko sa kanya at hindi na inintay ang susnid nyang sasabihin mula sa kabilang linya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng library at nakita si Ryle na nakatayo sa tabi ng pintuan kaya kaagad ko syang pinuntahan.
Nasaan si Cedric?"
"Medyo mahuhuli daw sya, e. Madaming inaasikaso." sagot nya sakin at pinagbukasan naman ako ng pinto.
Pumasok kami sa library at si Ryle ang nauna sakin kaya sinundan ko sya. Since sya naman ang nakaisip na dito ang sunod naming ruta ay hinayaan ko na lang ang sarili kong sundan sya.
Ilang segundo ay nasa harapan namin ang mga kahon.
"Anong taon na ngayon?"
"2056" i simply answer him at inayos nya ang salamin nya.
"Kung 2056 na ngayon at 18 years na ang nakalipas it means-"
"2038 nangyari ang lahat at iyon ang kailangan nating mahanap dyan."
Isang boses ang narinig ko mula sa likod namin at linggon namin iyon dalawa ni Ryle. Nakita naming nakapamulsa si Cedric habang nasa likod naman nya si Thea na itsurang naiinis. Linipat ko naman ang paningin ko kay Ryle at para bang gulat na gulat hhabang nakatingin sa dalawa. What's going on?
"Y-yeah, yeah. Your right. I was supposed to say that kaso andito ka na pala at naring ang conclusion ko." sabi ni Ryle habang nakatitig parin kay Thea.
Kaagad ko syang inapakan para maalis ang tingin nya kay Thea at agad nya naman akong liningon sa gulat at sakit.
"A-aray- sabi ko nga." Ryle pouted at me for no reasons.
Agad namang bumalik sa katinuan si Ryle at nagfocus sa paghahanap ng dapat daw hanapin. Isang minuto ang lumipas ay may kinuha si Ryle mula shelf. Isang kahon na may nakalagay na mga numero sa harap. Ang mga numerong '2038.
"Iyan na siguro 'yon." sambit ni Cedricat binuksan ang kahon na naglalaman pala ng mga lumang dyaryo.
Hinayaan ko muna silang dalawa at linapitan ko si Thea para tanungin kung ano ba ang dapat nyang sasabihin sa akin.
"Thea, ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko kay Thea at bigla namang nagpakawa ito ng isang malalim na hininga.
"No! I will tell you unless wala ang dalawang mokong na yan!" naiirita ng sagot sakin ni Thea. Aba'y marunong na pala to sumigaw amp!
"Magkakakilala kayo?"
"Yes!/No!" sabay na sambit ni Thea at Cedric sa tanong ko.
"Actually, dito syang nagaral last year." singit ni Ryle na dahilan para tumingin sa kanya si Cedric habang suot suot ang nakakatakot nyang tingin kay Ryle.
"Anyway, ito na nga yung hinahanap natin"
Tinignan ko ang laman ng kahon. Puno ito ng mga lumang dyaryo at medyo nangangamoy na din ito dahil sa tagal nitong nakaimbak sa kahon.
Ikinalat ni Ryle sa lamesa ang mga dtmyari at nagsimula kaming magkanap ng mga dyaryong makakatulog samin. In short, dyaryong related sa mga nangyari noon sa Orphange.
Hinalungkat ko ng hinalungkat ang mga dyaryo hanggang sa may nakaagay pansin sakin. Ang isang dyaryong nakalagay ang litrato ng itsura ng Orphange sa unang pahina nito. Agad ko itong kinuha at binasa.
"Sunod sunod ang mga namatay sa isang Orphanage at hindi pa natutukoy ang dahilan nito." basa ko sa nakalagay sa dyaryo na kinuha ko.
"Kung madami ang namatay sa lugar na iyon, imposible kayang may koneksyon yun sa mga litrato na kinuha natin sa Orphanage?" tanong ni Cedric.
"You mean those black ink?" tanong din ni Ryle.
Ewan ko na talaga kung anong masasabi ko sa dalawang ito. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ng tanong na iyon. Mukang pagpinagsama ang dalawang ito ay parang Albert Einstein version 2.0 dahil sa mga utak nila. Hayst.
"Then are you saying na those black ink are curse?" singit ni Thea.
"Anong curse-curse? Nagsimula lang sa multo naging mala black fantasy na?" asik ko.
"Were just giving our thoughts okey?" naaupo na kang ako sa tabi at nagmukmok. I pouted and searching some ideas in my mind.
"Don't act too cute, I'm falling" napalingon at napakunot noo ako sa sinabi ko Cedric. Like duh~ ni di man lang nahiya na kasama at nanood saming dalawa si Ryle at Thea. My ghads.
"So? Then wag kang tumingin sakin. Wala naman aking sinabing tingin ka diba?"
I rolled my eyes at him. Well, ngayon nya na siguro malalaman na may toxic side ako. Nakuha ko lang naman yun kay Thea.
'...And also i don't care if your falling at me wala naman akong balak na saluhin ka, e."
I saw Cedric and Ryle smirk at me. Magulo ang damdamin ko. Kung noon ay parang kinikilig kuno ako sa sinasabi nya, ngayon ay hindi. Ewan ko ba! Bad vibes.
Nanahimik kaming apat sa loob ng library habang kaharap ang kahon na kanina ay binibigyan namin ng katanungan at sagot.
Kung sakaling mang totoo iyong nabasa ko dyaro, Sino kaya ang pumatay sa kanila? At pano nagkaroon ng konekta ang kasing iyon sa litrato? Hayst. Ang gulo.
"Kung...kung bumalik kaya tayo kay manong?"
"Yung manong na nanakot satin nung nasa Orphanage? What for?" tanong ni Cedric. Actually hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko na bumalik doon.
"Para...para makasigurado?" di sugaradong sagot ko.
"Okey then lets go!" aya ni Cedric.
"Wait, paano naman ako?" napahinto ako sa sinabi ni Thea. Oo nga pala. Wala syang alam sa mga pinaggagagawa namin pati na rin sa bagyark sa Orphanage.
"Edi sumaman ka na rin samin." aya ko.
"H-ha? A-ano...k-kasi..." hinila ko sya at inakbayan. Alam ko hindi dapat pa sya makasama dito pero wala akong choice. Ayoko naman na maiwan sya dito at walang alam sa mga nangyayari.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang Orphanage. Nagtaka kami dahil puro mga police mobile ang sumalubong sa amin.
"Anong meron?" tanong ni Thea sa likod ng bumaba kami ng sasakyan.
Pumunta kami kung nasaan ang mga pulis at tumambad sa amin ang isang lalaking nakabigti sa isang puno— ang lalaking iyon ay ang matandang nakilala namin sa lugar na ito.
"Anong nangyari dito?" tanong ni Cedric sa pulis ba nakakatitig sa bangkay ng matanda.
"May nagtext sa isang kasamahan namin na may nangyari dito kaya kaagad kaming sumugod at ito ang tumambad sa amin. Isang kalunis lunis na matandang nakabigti." rinig kong kwento ng pulis.
"Alam nyo ba kung sino ang nag text sa inyo?" tanong muli ni Cedric.
"Hindi. Hindi pa namin alam. Mas maganda sigurong umalis na kayo." umiling si Cedruc at tingnan ang bangkay ng matanda na nakabigti sa puno.
"Last question. Anong result ng investigation nyo?"
"Ang sabi nila ay suicide ang pangyayari."
"Suicide? Pakisabi nga sa imbistigador nyo paano nya masasabing suicide ang pangyayari kung may mga pasa ito sa katawan?"
Tinignan ko ang bangkay ng matanda at nakamulat pa ang mga mata nito. Kitang kita din ang mga pasa nya sa katawan na nagmimistulang ube na ang kulay nito. Nakakapagtaka lang dahil iba ang lumabas sa resulta nila. Hindi ba kila napansin iyon?
"BAKIT KA NANDITO?" isang lalaki ang nakita ko at malalim ang tingin kay Cedric. Sino naman kaya sya?
------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top