MIRROR

"O, musta ka na dyan, nak? May problema ba? Ba't ka napatawag?"

"Okey lng ma. Nangangamusta lng po." Sagot ko sa mga madaming tanong ni Mama na halata sa mga bawat salita nya na nagaalala at namimiss mya na ako.

Pero ayaw ko lng mapasobra dahil baka hindi na nila maisip ang mga sarili nila. Ayoko pa nmn na mawala kaagad si Mama. Maramimg sigundo at minuto ang lumipas na naguusap at nagkwekwentuhan lng kami ni mama. Actually, on or off phone ganito kami palagi. Parang sya ang kaklase ko at walang awat na nakikipagkwentuhan kahit na pagalitan ng teacher wala paring tigil, walang awat.

"Sige ma, pasok na po ako." Pagpapaalam ko habang nagmamadaling kuhanin ang bag ko pagkatapos ay isinakbit ba ang bag sa likod at paderetso sa pintuan.

"O sige baka malate ka pa. Magingat ka ha? Tumawag ka lng pag may problema."

"Yes Ma." Sagot ko na may kasamang ngiti sa labi.

Hinawakan ko ang doorknob at ipinihit ito para mabuksan ang pinto. Agad na sumalubong sakin ang hagdan na nagpapaalal nang nangyari kahapon na gsto kong makalimutan. Himsi ko talaga alam kung pinahiya lng ba tlaga ako ng instincts ko o tlaga may nakita talaga ako na kung anong lamang lupang elemento. Hayst.

"Good morning" Isang boses lalaking bati ang naging dahilan para lumingon ako at alamin kung saan nagmula ito.

Nginitian ko ito bilang walang humpay na kabayaran sa pagtulong nya samin ni kuya kahapon sa mga kahon na may laman ng gamit ko. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang nakarating ako sa terminal ng sasakyan kong jeep patungong eskwelahan.

"Bayad po!" Sigaw ko para maalam nang driver ng jeep na may magbabayad na pasahero.

Inabot ko ito sa taong nasa tabi ng pasahero at nakapagtatakang ang mga mata nya ay lubog na at patay na. Puro dilim ang nakikita ko sa mga butas ng kanyang mga mata, sa madaling salita ay isang patay na ang kaharap ko. Nakakapagtakang parang nahila ang aking mata para titigan ang mga labi nyang nangingitim at biglang ngumiti ng masama at sa ilangsegundo ay tumawa ito. Pinikit ko ang mga mata ko para subukan kung bigla akong mawala sa isang munting panaginip na ito para maalam kung totoo ba tong nakikita ko.

"Miss? Ok ka lng?" Binuksan ko ang aking mga mata at naging normal ang lahat.

Inikot ko ang aking mga mata sa kanya at hindi na tulad ng nasaksihan ko kanina na may nangingitim na mga labi at walng mata. Biglang nahagilap ko ang kanyang I.D na nakasakbit sa kanyang leeg. Pareho kami ng eskwelahan na pinagaaralan.

"Miss? Okay ka lng ba?" Tanong nya uli.  Tumango na lang ako na may kasamang ngiting pilit. Ano na bang nangyayari sakin?

Ilang minuto ang nakalipas mula sa pangyayari kanina. Andito na ako ngayon sa loob ng campus at hanggang ngayon ay nangungulit parin itong lalaking nakasabay ko kanina sa jeep. Nakapag-tatakang hindi ito napapagod kakasunod sakin. Ano ba ang pakay nya?

*****

ILANG ORAS ang nakalipas at puro discussion lang ang nagyayari. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin ngayong alam kong babalik muli ang buhay ko tulad ng dati. Na puro kaguluhan ang nangyayari. Sa sobrang bored ko ay kumuha ako ng papel at lapis. Gumuhit na lang ako nang kung g ano ano para mawala ang mga problema ko.

Pero Arggh naiinis ako! Ano ba nag pakay nung naggugulo sakin! Nagkaganito na ako dati pero ni hindi ko man lang naunawaan kung ano ang dahilan nag nagugulo sakin! Sa dami daming tao na nandito sa mundo bakit ako pa? Bakit ako pa?

" Miss? Miss Sanford?! What wrong?" Nagising ako sa katotohanan.

Nakita kong puro magugulong guhit na ang nasa papel ko at naputol ko na ang lapis na hawak hawak ko habang nakatayo ako sa gitna ng klase at binagbubulungan ng mga iba kong kaklase.

"Punta lang po ako sa rest room"

"Ano na ba tlga?! Naiinis na ko! Palagi na lang akong ginugulo sa maling oras! Nakakainis na. " Sambit ko sa sarili ko dala ng inis. Pumunta ako sa pinka malayo at tagong restroom para magisip isip ng mabuti.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Pinanood ko ang mukha ko sa salamin–pinagmasdan. Napagtanto ko na wala namang mali sakin. Maayos at malinaw na naman ang mga mata ko maayos naman ang mukha ko pero bakit ako nagkakaganito?

Binuksan ko ang gripo at nagbasa ng kamay at ipinhid ko sa aking mukha. Ngunit habang naghihilamos ako ay nakarating ako ng kakaibang tunog.

"Pst.." May tao ba sa labas? Dahil ang pagkakaalam ko ay walang taong nakasunod sakin ko o kasunod kong pumunta dito.

Lumabas ako para tiganan yon pero wala namang tao. Pumasok uli ako at  nakarinig ako ng daloy bg tubig. Nagtaka naman ako dahil bago ako lumabas ay nakasarado naman ang gripo. Lumapit ako sa sink at hindi pala tubig ang umaagos kundi papupulang dugo. Sinubukan kong isara ang gripo kasama ang nanginginig kong kamay. Huminga ako ng malalim at umaaktong paalis na sa lugar na ito nang biglang napansin kong may babae sa likod ko na nakikita ko sa salamin. Nakatalikod ito pero nakakatakod ang dating nya pag dinignan. Para pang lumulubog na ang mata ko nang tignan ang bagay na iyon. Lumingon ako pero wala nmn akong nakita. Lumingon muli ako para harapin ang salamin nang may bumulaga sakin.

Isang mukha ng isang babae. Nangingitim ang kanyang mga mata at unti unti ring nagdidilim ang kanyang mukha. Para bang puno ng galit ang pinapakita nya. Natakot ako kaya tumakbo ako palabas kasama ang mga sigaw ko sa sobrang takot kaya nabungo ako sa isang tao pero binalewala ko na iyon at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Miss, Sandali lang!" Napatigil ako sa pagtakbo.

Lumigon ako para bigyan kong pansin ang pagtawag nya sakin. Sya ung nakasabay ko kanina. Isang lalaki na may maamong mukha. Masasabi ko siguro kung nagkataon ay isa sya sa mga  heartrob o crush ng campus dito.

"Kanina pag kasi kita napapansin na may kakaiba sayo. Okay ka lang ba?" Buti pag itong taong to.

Nagaalala sakin at hindi ako huhusgahan ng sobra.  Siguro mabait nmn sya at mapagkakatiwalaan. Pwede nya siguro ako tulungan sa sitwasyon ko ngayon–sa kabaliwan na nagyayari sakin.

"Masasabi kong ok lang naman ako pero sa totoo lang hindi ko alam. Mahirap ipaliwanag" paliwanag ko.

kahit nmn sino pag may nangyaring hindio inaasahan hindi mo tlaga maipaliwanag kung ano ba ang talgang nararamdaman mo sa oras na yon. Hindi matutukoy kung nagulat ka ba o natakot o gusto mong umiyak at simugaw pero hindi mo magawa.

"Baka makatulong ako para maipaliwanag mo yan, Cedric nga pala. Cedric Morris at your service."

Sabay salute nya sakin na nakakuha atensyon sakin para ngumiti ako. Sa ngayon siguro meron nang makakaintindi sa nagyayari sakin. Sana matapos na ito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top