LIGHTS OFF
"Class dismissed"
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko habang ako naman etong tinatamad na tumayo. Inayos ko ang gamit ko at sinakbit na ang bag ko.
Aktong palakad na ko sa pintuan ng may nakita akong lalaking kumakaway sa akin- si Cedric.
Agad akong naganahan na maglakad papunta sa kanya. Ewan ko ba. Sya na ata ang lakas at kahinaan ko sa sitwasyon kong ito. At ang mas malala pa, hindi komaitindihan tong nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya. Para bang may mga lumilipad na paro paro sa tyan ko na ewan. Hayst.
"Sino ba kasi hinihinta-"
Napatigil sa pag sasalita ang isa sa dalawa nyang kasama. Sila din yung kasama nya nung binaliwala nya ko. Damn! I hate that moment!
"Sya! Sya ang hinihintay natin!"
Ngumti sakin si Cedric na para bang proud ba proud sya na ipakilala ako sa mga kaibigan nya.
"Are you insane, dre?"
Tumingin sakin ang isa sa kasamahan nya na para bang nandidiri sakin. Nahh, i know that act. Sanay na ako sa ganyang tao- na palagi na lang akong pinandidirihan.
"I'm Alliyah. But Cedric called me Ayah"
I chukled na para bang masaya lang ako pero ang totoo ay hindi. Wala namang may alam kung papayag sila na makasalamuha ako diba?
"Yeah? I'm Ryle Matthews"
He smiles at me pairing with his deep dimple in his left cheek while his black hair is dancing with the wind. And his black square glasses in his face reflecting in the sunlight.
"What about him?"
"Nahh, don't mind him. May topak yan, e. Napahiya kasi kanina. "
Tumago-tango na lang ako sa kanilang dalawa at ibinaling ko naman ang tingin ko sa isa nilang kasama na may topak daw.
Well, may itsura naman sya katulad ni Cedric at ni Ryle pero mukhang ang isang 'to ay masungit at mahirap pakisamahan. Nako!
Tumungin sya sa akin at para bang pinagmamasdan ako. Medyo masama ang tingin nya sa akin pero ayos lang kaysa umangal pa ko. May topak nga daw, e.
Bigla na ko na lang nakita si Ryle na bumubulong kay Cedric habang nakatingin sakin. And just so obvious, tungkol sa akin ang binubulong nya.
"It's that the problem? Then i'll prove that he's not crazy"
*****
"Here is your order, Ma'am." sabi ko sa isang babae at ibinigay ang inorder nyang pagkain.
Andito ako ngayon sa food chain na pinag pa-part time job ko. Ilang oras pa ang aantayin ko bago matapos ang shift ko pero ayos lang naman dahil may kapalit din naman lahat ng pagod ko.
Naglakad ako pabalik sa counter para i-serve ang mga inorder ng mga costumers namin dito nang may nakaagaw ng atensyon ko.
Dalawang lalaki na sabay naglalakad papunta sa pwesto ko. Kahit alam ko naman na hindi ako ang pakay nilang dalawa pero iba parin ang pakiramdam pag nakikita ko sya na papalapit sakin. Para bang bumabagal ang pag ikot ng mundo pag nakikita ko sya. Ewan ko ba!? May gusto na ata ako sa lalaking ito.
Agad akong pumunta kay Thea at sinabi na sya muna ang pumalit sa akin. Pabalik na sana ulit ako sa pwesto ko kung saan ko sila nahagilap ng mga mata ko ng nakita ko sila sa counter at umoorder ng pagkain.
Di ko sila pinansin at naglakad lang ng deretso. Sana pala nag focus na lang ako sa trabaho kaysa sa kanya na akala kong papansinin ako. E, wala nga syang alam hindi ba? Isa akong impleyado sa ngayon at sila ang costumers ko.
"A-ayah!" rinig ko mula sa likuran ko. Liningon ko ito at ngumiti sa kanya.
"A-anong ginagawa nyo dito ni Ryle?"
"Magkakape lang sana kami."
Ngumiti sya sakin at bilyon bilyong paruparo nanaman ang nagising mula sa tyan ko. Hay nako, Alliyah!
"Libre ko na" sabi ko sa kanilang dalawa.
Ilang minuto ang lumipas. Pinagmasdan ko lang silang dalawa na uminom ng kape habang ako naman kung saan saan lang naman nakatingin, pero minsan kay Cedric din ako nakatingin. Hahahaha.
"So, nasabi mo na ba sa nanay mo?"
"H-hindi pa. Wala pa akong balak na sabihin ang nalalaman ko. Ayoko ko muna silang maistorbo."
Ang huling sinabi sakin ng matanda sa Orphanage ay dating isang madre ang nanay ko. Pero hindi ako masyadong kumbensido sa sinabi nito dahil wala naman saaking nababanggit ang magulang ko at isa pa ayokong guluhin sila sa isang bagay na hindi naman ako sigurado.
"Mas maganda sigurong yung folder at yung picture ang pagusapan natin sa ngayon. "
Singit ni Ryle at kaagad nitong inilabas ang folder at picture ng mga madre na kinuha ni Cedric sa Orphanage.
"May kilala ba kayo sa mga ito?"
Tanong ni Ryle samin at tinuro ang laman ng folder pati ang picture ng mga madre.
"Paano namin malalaman? E, may tinta ngang nakalagay sa mga mukha nila?" asik ko.
"I know, May tintang nakalagay sa mga mukha nila dito sa larawan but i mean is this..."
Tinuro nya ang mga sulat sa ilalim ng mga larawan sa loob ng folder kung saan nakalagay ay mga dating pina-ampon sa Orphage.
Tinignan ko ang tinuturo ni Ryle at nakita ko ang mga sulat. Ang mga sulat na iyon ay ang mga impormasyon ng bawat bata pati ang mga pangalan nila.
"Wala. Wala akong maalala ni isa sa kanila. Maliban sa kanya."
Ipinakita ko ang isa sa mga walang tinta ang mukha nila sa larawan. Sya ang kaibigan ko sa Orphange noon at nagsabi na si Ayah daw ang umaaligid sa amin.
"Kaso... Wala na akong balita sa kanya." dag-dag ko tyaka tinitigan ang litrato ng kaibigan ko.
"Kung i-search kaya natin ang mga pangalan ng mga may litratong may tinta sa mukha nila?" singit ni Cedric.
Agad kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko. At sinubukang i-search ang mga pangalan ng mga dating pina-ampon sa Orphange.
"Patingin nga ng mga pangalan nila" utos ko ng may lumabas na sa ti-nype kong pangalan. Pero hindi tugma sa mga kailangan naming malaman.
"Sorry pero wala akong nakitang matinong na sagot."
"Kung subukan kaya natin sa library ng campus—"
Napatigil sa pagsasalita si Cedric ng biglang namatay lahat ng ilaw dito sa mall pati na rin itong food chain na pinagtatrabahuhan ko.
Binuksan ko kaagad ang flashlight sa cellphone para kamustahin ang mga iba pa naming costumers. Well, yung nga costumers naman namin ay ayos lang ngunit parang hindi man sila natataranta. Na para bang wala man lang nangyari.
Biglang namatay ang ilaw ng ang cellphone ko at bigla ulit itong umilaw. Nagulat ako ng wala na ang mga taong nakaupo sa mga upuan nila.
Ilang segundo ang lumipas ay muling umilaw ang flashlight sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bigla na lang namatay ang ilaw sa phone ko dahil hindi pa naman ito low battery.
Muli kong itinapat ang ilaw kung saan ang mga costumers namin kanina ngunit wala na sila ngayon sa kinauupuan nila. Na para bang nawala na lang bigla katulad ng bula.
Nataranta ako at lumabas ng food chain. Dahil nasa isang malaking mall itong pinagtatrabahuhan ko, paniguradong madaming tao sa labas ngunit nagkamali ako.
Walang katao-tao, tahimik at nakakatakot. Para bang nasa loob ka ng isang abandonadong ospital. Linibot ko sa paligid ang ilaw at may nakita akong isang mannequin na nakababa ang ulo.
Tinitigan ko ito at biglang galaw ito at umangat ang ulo hanggang sa nakita ko ang mata nya na nananaliksik sa akin. Bigla nitong ginalaw ang katawan at nag simulang humakbang ng mabilis papunta sa akin.
Agad akong napaatras ng at nabunggo sa kung ano na hindi ko alam kung ano. Humarap ako para malaman kung ano iyon ng bigla akong natalisod at napahiga. What a badluck!
Pinikit ko na lang ang mata ko at hinihiling na matapos na ang bangungut na ito.
"O! Ayan na pal—" rinig kong sabi ni Ryle at agad kong minulat ang aking mga mata.
Sumalubong sa akin ang isang paris ng mga mata sa mukha ko kaya agad akong napatayo sa gulat.
"S-s-sorry, Ayah." paumanhin ni Cedric ng napagtanto nyang nahalikan nya ako.
"No. A-ako dapat ang mag sorry sa iyo."
"Namatay lang yung ilaw may paganyan na?! Weird." asik ni Ryle.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top