SIMULA


SIMULA

Matamlay, malungkot at madilim na kapaligiran ang bumungad sa akin. Ang paglipat sa bayang ito ay parang kakaiba, walang masyadong tao ang naglalabasan, walang mga batang naghahabulan na tulad ng aking kinagisnan.

"Dito ho ba talaga ang tinutukoy niyo, manong?" tanong ko sa sinakyan kong traysikel driver. Nakakapagtaka lamang na ang tahimik sa lugar na ito.

"Oo, ineng," pagsagot nito.

Hindi na ako nagtanong pa. Tinulungan na ako nitong ibaba ang dalawang maletang dala. Parehong malaki kaya't mahihirapan pa akong ibaba. Sapat na ito para a isang buong taon ko, bibili na lang ako ng damit kung sakaling kulang pa.

Nanindig ang balahibo ko dahil sa naramdamang mabilis na hangin ang dumaan ang harap ko. Nagtataka akong inilibot ang lugar pero walang bakas ng malakas na hangin o kaya naman tao.

Ipinagsawang bahala ko na lang iyon at umakyat na sa rinentahang bahay. Doon lamang nanlambot ang mga tuhod ko. Nakakangilabot, ayan ang masasabi ko sa lugar na ito. Ang mga titig na iyon ramdam na ramdam ko.

Dali-dali akong pumasok sa bahay at isinaradong mabuti ang pinto. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Maling desisyon yata ang maagang paglipat ko rito.

Inabala ko na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-ayos ng mga gamit. Ang buong silid ay malinis at maaliwalas kaya hindi ko na kailangan pang maglinis kundi ikumpuni at ayusin na lang ang mga damit.

"Hmm," ungol ko. Kinapa ko ang kumot dahil sa lamig na nararamdaman pero hindi ko iyon makapa.

Nakaramdam ulit ako ng malakas na ihip ng hangin sa pagkakahiga. Pikit mata kong iminulat ang mga mata, sigurado akong sinarado kong mabuti ang bintana. Nakapagtatakang madali lang iyon nabuksan kahit sa mahinang tangay ng hangin.

Tumayo na ako sa pagkakahiga para isara ang mga bintana ngunit bago ko pa iyon magawa ay natulos ako sa kinatatayuan. Naramdaman ako ng malamig na bagay ang dumikit sa aking likuran, mainit na hininga at maalab na mga titig. Ilang segundo kong nahugot ang hininga dahil sa nangyari.

"Cleofa Elisse Salvador..." sabi nito sa malamig na tinig. Ang tulog kong diwa ay bigla na lang nagising, walang-wala na ang antok na nararamdaman.

"...My queen" pagtuloy nito. Napariin ang paghawak ko sa bakal ng bintana. Panaginip lang ito Cleofa! Huwag kang maniwala! Sinubukan kong kurutin ang kamay pero nakaramdam ako ng hapdi

This is real, everything is real! Sigaw ng utak ko.

Nanginginig ako humarap sa taong nasa likod ko. Unti-unti kong inangat ang tingin ay parang nawalan ako ng hininga, hindi ko makita ang buong mukha nito dahil sa madilim na paligid ngunit ramdam na ramdam ko ang mariing titig nito.

Nanginig ang labi ko ng maramdaman ang paglapit ng mukha nito sa akin. Ito na ba ang katapusan ko? Papatayin niya ba ako? Natulos parin ako sa kinatatayuan at hindi alam ang nararamdaman, parehong nagtatalo ang isip at utak ko. Mayroong pananabik at takot sa sistema ko, may mali.

Naramdaman ko ang malambot na bagay ang dumampi sa gilid ng aking labi. Mga ilang segundo iyon nagtagal bago humiwalay.

Hinalikan niya ako...

"Ich liebe dich" Huling tinig na narinig ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Hindi lang ito panaginip, dahil parang totoo ang nangyari. Isa bang maling desisyon ang paglipat ko rito?

O isang swerte?

Every chapters has 600 or 2k words. Matagal mag-update kasi busy sa acads.

This is a work of fiction.Names, characters, business,places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work from or exploit.

The story contains typo graphical error, wrong spelling/ grammatical errors. If it's not your cup of tea, leave it. 

©️ Aceloquence, 2021
All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top