Chapter 3
Kathryn's POV
Ilang araw na ang dumaan, masaya naman. Kaso, wala pa talaga kami nagkausap ni DJ. Ni one word, saklap noh!
"Huy! Kath, ba't lutang ka diyan?" sabi ni Kiray. Sarap sabihin na: iniisip si DJ. Ba't ba? hahahaha! Pero hindi ko sinabi.
"Huh? wa-wala. hehehe!" at bumalik na ako sa ginagawa ko. Nandito kasi kami sa classroom, uwian ba kasi, gumagawa ng report para bukas. Kagrupo ko sina Diego, Julia, Kiray,EJ, Enrique, Angela at Liza. Ewan ko nga dun sa teacher namin, ang rami rami sa isang grupo, eh apat lang ipapareport! -_- !
Nandito na naman sya! Si DJ. Napansin ko na parang tumingin sya sa akin at ngumiti, tapos umiwas agad nang tingin.. Imagination ko lang ba iyun o totoo?
"Uy, DJ!" sigaw ni Diego Lumapit siya kay DJ at nag bro fist sila.
"Hi Daniel!" sabi ni Julia.
"Hi John!" sabi naman ni Kiray.
"Hi Daniel John!" sigaw ni EJ.
"Kath, gawin mo nga iyung pinag gagawa sa'yo!" pasigaw na sabi ni Quen. O.A. naman netoh! At least ako, may ginagawa, eh sya, naka upo lang.
tch!
"Gwapo ni DJ noh?" Nagulat ako! si Angela lang naman pala..
"Ah eh o-oo. ba't mo naman natanong?" baka naman sabihin niya mamaya crush na niya si DJ. Huwag naman!
"Since you're trusted..." Lumapit sya sa akin at bumulong.
"Crush ko sya." Nabingi ako dun ah. Tama nga! Crush ni Angela si Dj.
Gusto kong maiyak sa sinabi niya, nasasaktan ako, malay mo may gusto rin pala sa kanya si Dj kaya pumunta siya dito. Maganda naman siya at mestiza.....WAIT! Crush lang naman Kath diba? Hindi LOVE? Ewan!
Nandoon lang si DJ, kausap ang mama niya, maya maya ay may kinuha sya na shirt. Wait! shirt para sa volleyball iyan ha! Volleyball player ba sya?
"Umm, Kiray, volleyball player ba sya?"
"Sino tinutukoy mo?" Tinuturo ko na nga si DJ eh! Alangan naman si Quen -_-!
"Ahh, si DJ? Oo, sa katunayan nga, captain ball sya eh." Napa-'ahhh' na lang ako at bumalik na sa ginagawa ko.
Maya maya ay tinawag ako ni Mrs. Aquino.
"Ms. Fuentes, can you come here?" Tumayo ako at pumunta sa adviser namin.
"Yes ma'am?"
"Umm, may susundo ba sa iyo ngayon?" Bakit naman kaya?
"Umm, wala po."
"Can you tell your parents to come here tomorrow?"
"Yes po." Bumalik na ako sa ginagawa ko. Bakit nya naman pinapatawag sina mommy?
______________
Nandito na ako sa bahay, bilis noh! Hinahanap ko si mommy at daddy, para sabihin iyung pinapasabi ng teacher ko.
"Ate KC!"
"Andrea, saan sina mommy?"
"Nasa garden sina mommy. Sabi ni mommy pag dumating ka na, punta ka sa garden doon daw tayo
mag dinner."
"Sige, magbibihis muna ako" Tumango lang si Andrea at pumunta sa garden. Ako naman, umakyat na sa itaas at nagbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako at pumunta sa garden.
"Hi Mom! Hi dad!" bati ko sa kanila pagkaupo ko.
"Hi KC/ Hi princess!" sabay na sabi nina mommy at daddy.
Kumain na kami, habang kumakain kami sinabi ko na kay mommy at daddy ang pinasabi sa akin ni teacher.
"Ma, pa, sinabi ng adviser ko na pumunta po raw kayo sa school bukas."
"Bakit naman daw?" tanong ni daddy.
"Hindi ko po alam eh." sabay kibit balikat
"Sino ba iyang adviser mo?" tanong ni mommy.
"Si Mrs. Karla Aquino po." at nabulunan si mommy. inabutan ko sya ng tubig.
"Sige, sige, pupunta kami bukas." nagpatuloy kami sa pagkain.
Pagkatapos kumain, nauna na ako umakyat sa kanila. Nagtataka ako at nalilito. Bakit pinatawag sina mama? at bakit nabilaukan si mama nung sinabi ko ang pangalan ng teacher ko?
_______________
Bakit kaya pinatawag mama at papa ni Kathryn???
Nagseselos ba si Quen??
ABANGAN!!!
Please VOTE and COMMENT!!
-cubillyah_prinsesa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top