Chapter 13

Kathryn's POV

Nandito na ako ngayon sa school kasama ang barkada..

"Kathreng, sama ka?" tanong sa akin ni Kiray na ngayon ay nakaabay kay Ej.

"Saan punta niyo?" tanong ko.

"Canteen, gutom na kasi kami, tsaka wala pa kami nakapag breakfast." explain ni Ej.

"Hindi na ako sasama. kayo na lang." sabi ko at ngumiti sa kanila. Sino bang hindi mabubusog lalo na kung kasabay mong kumain ang isang Daniel John!

Nagpaalam na sila sa akin. Maaga pa kasi eh, mga 6:40 am pa. Napansin ko nga na hindi nila kasama si Quen eh. Late as ever!!

"K-Kath?" tanong nung babae. Sorry, di ko po nakikita, nakatalikod ako sa kanya eh.. Humarap ako sa kanya at nakita ko si...

.

.

.

.

.

.

Liza, na umiiyak?!

"Liza, ano nangyari sa iyo?!" nag aalala kong tanong sa kanya.

"S-si Quen K-kasi..." Ano ba ginawa ni Quen sa kanya! Kaya naman pala hindi siya kasama ng barkada..

___________________

Liza's POV

Hindi ko nakita si Angela kaya pumunta ako sa classroom para ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko, pero nakita ko si Kathryn.. Kaya sa kanya ko kuwinento ang mga nangyari..

*Flashback*

Nandito na ako sa hallway ng school ng makita ko si Enrique na aakyat na sana papuntang 2nd floor.

"Enrique!" sigaw ko at dahilan para lumingon siya sa akin.. At ngumiti, OMG! Nakakatunaw talaga titig niya.

"Any problem?" tanong niya. Lumapit muna ako sa kanya para makausap siya ng maayos.. Sasabihin ko na, it's now or never.

"Ma-may s-sasabihin sana a-ako eh." Anu ba iyan! Nauutal ako!! -.-

"Ano iyun?" tanong niya

"Ummm...... Ummm.... Ummmmm..."

"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako." 'Sabihin mo na kasi Liza!!!' Bagal mo kahit kelan..

"I LIKE YOU!!!!" Ooppss.. Napasobra ata ang sigaw ko.. Tumingin siya sa akin at nagsmirk..

"Nagpapatawa ka right??" Grabe naman.. Sa tingin niya ba magjojoke ako ng ganito kung hindi totoo.. -.-

"H-hindi." sabi ko at yumuko. Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko.

"Sorry...... I like someone, but it's not you." sabi niya. Yinakap niya ako saglit at humiwalay na siya sa yakap ko.. Nakita niya ang barkada niya kaya sinabi niya na aalis na siya...

I was left there. I started to cry, kahit na pinipigilan ko ang mga luha ko na lumabas, di kaya eh..

Kung alam niya lang na sa lahat ng lalaki na humahabol sa akin, siya pa.. Siya pa na ako ang mismong nag hahabol.. Swerte niya nga eh.. Hindi niya ba alam na inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para lang masabi ko sa kanya, tapos para sa kanya, wala lang..

*End of Flashback*

__________________

Kathryn's POV

Nakakaawa naman si Liza. Di ko nga alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya na advice eh.. Hinahagod ko na lang ang likod niya.

"K-kath, kung pwede.. Hu-huwag mo muna sa-sabihin sa iba.. Pati rin k-kay A-angela." sabi niya.

"Huwag ka mag-alala, di ko ito sasabihin sa iba." sabi ko sakanya at ngumiti..

Maya maya ang nagdatingan na ang barkada kasama si Enrique.

"Umm, Kath alis na ako." at bumalik na si Liza sa upuan niya. Alam ko naman na iniiwasan niya si Enrique eh.

At ngayon.. si Quen, nakangiti sa akin.. Wow ha! Parang wala man lang nangyari sa kanila ni Liza kanina. Kapeks ng mukha!!

Dumating na teacher namin, kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming upuan.

"Good morning class!!" bati ni mama(ni DJ) sa amin.

"Good morning Mrs. Aquino!" bati namin.

"Okay, please seat down.. So our lesson for today is all about blah blah blah blah blah blah blah blah...." Nag discuss lang siya hanggang sa mag time na.

___________________

*Lunch Time*

Nandito na kami ngayon sa canteen, kumakain.. Nang biglang, dumating asawa ko. Chos!! Feel eh!

"Hi guys!" bati niya sa amin.

"Oh, Dj napadpad ka? Anyare?" tanong ni Diego.

"Pwede sumabay sa inyo?"tanong niya sa amin.

"Bawal." bulong ni Quen, pero rinig na rinig ko, natural katabi ko iyung tao.

"Pwede naman, hali." sabi ni Julia.

Umupo na siya sa harap namin ni Enrique. Sus, gusto lang ako makatabi nito eh! Ako na, ako na ang assumera!

"Bakit ka nga pala sumabay sa amin?" tanong ni Ej.

"Wala lang." tipid niyang sagot at ngumiti sa kanila.

"Nakuwento sa amin ni Diego na maganda daw bahay mo. Pwede bumisita minsan?" tanong ni Kiray.

Nabulunan naman ako sa sinabi ni Kiray.

"Kath, okay ka lang?" tanong ni Dj at inabutan ako ng tubig.

"Okay lang ako. Sige, pagpatuloy niyo lang pag-uusap niyo." sabi ko at ngumiti

Lang sa kanila.

"Umm, pwede naman. Basta sabihan niyo lang ako pag bibisita kayo." sabi ni Dj. Nag-usap usap pa kami ng dumating si Angela. Ba't di niya kasama si Liza?

Nakita niya siguro si Dj kaya pumunta dito. -.-

"Hi Daniel! Hi guys! Hmm, Kath pwede ka maka usap?" tanong ni Angela. FC naman netoh. Tumango na lang ako as an answer.

Sinundan ko siya hanggang sa likod ng school building.

"Kath, ano nangyayari kay Liza? Ba't parang problemado siya?" tanong niya. Kay Liza niya na lang kaya itanong toh -.-

"Tinanong mo na ba si Liza?" tanong ko.

"Ayaw niya nga ako sagutin eh." kita ko sa mukha niya na nag aalala siya. Totoo nga talaga iyung kasabihang 'true friends are always their no matter what."

"Angela, gusto ko man sabihin sa iyo, pero wala kasi ako sa lugar para sabihin sa iyo. Hayaan mo na lang na si Liza mismo mag sabi sa iyo." ngumiti lang ako sa kanya at tinap ang shoulder niya. Tumalikod na ako at nagi

simula ng maglakad, nang may sinabi siya na naguluhan ako.

"Kath, I thought you are trusted? Ano ang nangyari sa word na 'trust'?" at nauna na siyang umalis. I just stood there, nalilito. Hindi ko alam kung alam niya na ba ang tungkol sa amin ni Dj o ano.

_____________________

*Dismissal Time*

"Kath, bisita tayo sa bahay ni Dj ngayon!" sigaw ni Julia sa akin na papalapit sa akin ngayon. Sarap sabihin na: bakit ko naman bibisitahin ang sarili kong bahay?

"Hmm, bawal ate eh. Walang kasama ang kapatid ko sa bahay, kayo na lang." paalam ko sa kanila. Alam ko naman na hindi iyan matutuloy dahil sasabihan ko si Dj.

"Sayang naman Kath." sabi ni Kiray na naka sad face.

Pumunta na ako sa parking lot at nauna na pumasok sa sasakyan.

"Manong, sa labas natin isundo si Dj." sabi ko at nakita ko nga si Dj na nandoon sa labas ng school. Iyung sasakyan ko kasi ang ginamit ngayong araw. Hindi iyung sasakyan namin ni Dj.

"Hi Kathryn Ko!" huwag kang gumanyan Dj, baka mas lalo akong mafall sa iyo!!

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin sa window. Ayaw ko lang makita niya na nag bublush na ako. Maya maya ay nag vibrate ang phone niya.

"Si Diego tumatawag." sabi niya. Tumango na lang ako sa kanya, sign na sagutin niya.

Ni loudspeaker niya ang phone niya para marinig ko rin ang pag uusapan nila.

Diego: Hi Dj!

Dj: Ano kailangan mo?

Diego:Pwede bumisita sa bahay mo?

Tumingin siya sa akin.. Nag sign ako na huwag silang papuntahin.

Dj: Bawal daw.. I mean, bawal, kasi, kasi, may pupuntahan pa ako. Tama! Oo, may pupuntahan pa ako.

Diego:Ganoon ba. Sige ingat na lang.

At inend call na ni Dj.

__________________

*House*

"Oh nandito na pala kayo." bungad sa amin ni Ate Ela, pagkabukas ng pinto.

"Good afternoon po magbibihis lang po kami." sabi ko at umakyat na kami ni Dj sa itaas.

"Dj, kawawa naman si Liza." Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong ng 'bakit'?

"Kasi, nagconfess siya kay Enrique and it turn out na mau ibang gusto si Enrique." sabi ko.

"Ikaw kasi gusto nun." bulong niya, kaya hindi ko narinig.

"Ano sabi mo?" tanong ko.

"Wala." sabi niya tsaka ngumiti sa akin..

"Tsaka Dj, alam mo. Parang may alam si Angela tungkol sa atin." kuwento ko sa kanya.

Paano mo naman nasabi?" tanong niya sa akin.

"Kasi diba nga may gusto sa iyo iyung tao, malay mo stalker mo na iyun at alam na kung saan tayo nakatira." pag eexplain ko sa kanya.

"Hayaan mo siya." walang gana niyang sagot.

"Paano pag sasabihin niya sa mga tao ng school na nakatira tayo sa iisang bahay?" tanong ko.

"Ako na bahala dun.." sabi niya sa akin at yinakap ako.

Bmaba na kami at nag dinner na.

--------------------------

Guys! Alam na kaya ni Angela ang secret nina Kath at Dj?

Sino kaya ang gusto ni Enrique?

Abangan!!

TNX masyado sa lahat ng madlang people na gi-add ang story ko sa RL nila!

Please VOTE and COMMENT!!!

-cubillyah_prinsesa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top