Chapter 36
Janna POV
I need to do this. Kaya ko 'to. Walang mangyayari kung wala akong gagawin.
Huminga ako ng malalim. Hininhintay ko si Ace dito sa coffee shop. Tinawagan ko siya. Inaya ko siyang makipag-usap sa'ken. Good thing, hindi siya tumanggi.
Napatingin ako sa pinto nung bumakas iyon. Si Ace na..
Paano ba ako magsisimula? Paano ko sasabihin sa kanya na i-give-up na'ko? Magiging selfish ba ako? Magiging masama ba ako kung gagawin ko 'yon?
"Hey." Bati nya sa'ken saka ako hinalikan sa pisngi bago naupo sa upuan sa tapat ko. "You missed me?"
Asus. "A-Ace."
"May idea na ako kung bakit gusto mong makipagkita sa'ken. So, I think this is not the right place to talk about it. Let's go somewhere."
He looked serious. Mukha ngang alam na niya ang dahilan ko. Sabagay, ito ang unang pagkakataon na tumawag ako sa kanya para makipagkita lang.
"Saan?" Tanong ko.
"Malalaman mo din mamaya. Basta, sumama ka lang sa'ken."
He's safe. I know. Kahit gangster siya, alam kong mabuti siya. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa'ken 'di ba? Saka may point naman siya, hindi ito ang tamang lugar sa pag-uusap. We need privacy.
"O-Okay."
"Let's go." Nauna siyang tumayo bago ako tumayo.
Sumunod ako sa kanya palabas ng coffee shop. Dala ko ang kotse ko pero iiwan ko nalang. Itatawag ko nalang sa mansyon para ipakuha. Lahat naman ng sasakyan may duplicate key na hawak ng driver namin.
Sumakay na ako sa kotse ni Ace. He's still serious hanggang parehong kaming makasakay dito sa loob ng kotse.
"Janna.."
Tumingin ako kay Ace. Hinihintay ang sasabihin niya.
"I love you."
Ano ba yan. Wag naman siyang maging ganito. Ire-reject ko na siya eh. Sasabihan ko na siyang tigilan na ako, na wala ng pag-asa pa sa pagitan namin dahil may mahal akong iba.
Wala akong maisagot. Naiintindihan naman niya yata kaya pinaandar na niya ang kotse. Saan kaya kami pupunta? Ang tahimik. Di ko din naman kasi alam kung anong sasabihin ko kay Ace. Ang hirap eh.
Sumandal nalang ako saka nag-isip ng malalim. Hanggang sa makaramdam ako ng pagka-antok. Geez. Makatulog kaya muna? Inaantok ako. Mukhang malayo ang pupuntahan namin ni Ace. Ayos lang naman sa'ken basta ibabalik niya ako ng safe sa mansyon namin. I trust him. Di niya ako gagawan ng kalokohan.
--
"Janna.."
Naalimpungatan ako sa mahinang pagtapik sa'ken ni Ace. Nakatulog nga pala ako. Asan pala ako?
Napatingin ako sa paligid. Nasa loob pa ako ng kotse. Pero 'yung labas, di ako pamilyar. Parang wala kami sa city. May mga puno..basta iba ang ambiance.
"Where are we?" Tanong ko.
"Quezon Province."
O___O
"What? Ba't nandito tayo? Akala ko, around manila lang tayo? Bakit mo ako dinala dito? Ano ba Ace?"
"Please do be hysterical, Janna. I won't harm you. Mas mabuting mag-usap tayo ng masinsinan dito. Okay? May rest house ako dito. Mga katulong lang ang nandon so don't worry. You're safe with me."
Huminga ako ng malalim. So mahaba din pala ang itinulog ko kanina habang nasa byahe kami? Psh. Walang alam si Raven na umalis ako ng mansyon. Baka hanapin ako non.
"Let's go. Baba na tayo." Yaya ni Ace.
Wala naman akong choice. Nandito na kami eh. Bumaba na ako ng kotse kasabay ng pagbaba ni Ace then pumasok kami sa veranda ng...
Rest house ba talaga niya 'to? Mukhang mansyon kasi. Ang laki pa.
"Hindi mo ipapasok ang kotse mo?"
"Siya na ang magpapasok." Tinuro niya yung lalaking nasa guard house. At may guard talaga? Secured na secured. Dito ba kaya siya nags-stay?
Pagpasok namin sa loob, okay. Maka-mansyon talaga. Sinalubong kami ng isang may-edad na babae.
"Iho.."
"Manang, fiance ko po. Si Janna."
"Hello po." Bati ko kay Manang.
"Nakapaghanda po kayo ng hapunan?" Tanong ni Ace. Mukha talaga siyang mabait. Parang hindi gangster.
"Oo iho. Tara na sa kusina. Kumain na kayo. Ihahanda ko na ang hapunan sa dining area." Paalam ni manang saka umalis na sa harap namin ni Ace.
Medyo madilim na pala sa labas. Ilang oras kaya kami bumyahe papunta dito? Tatawagan ko nalang mamaya si Raven na kasama ko si Ace. Baka kasi mag-alala yun.
"Let's go?"
"Ah, Ace. Uuwi din tayo mamaya 'di ba?" Tanong ko. Ayoko namang mag-overnight dito kung sakali.
Tumango siya. Pero may something sa expression ng mukha niya. "Yeah. Uuwi tayo mamaya pagkatapos nating mag-usap. Kahit naman gabi na tayo umuwi, ayos lang. May dala naman tayong sasakyan. Ihahatid kita sa mansyon nyo." Malumanay na sabi niya.
Buti naman. Ayoko talaga sa idea na baka dito magpalipas ng gabi. Basta ayoko lang. Nagiging paranoid na yata ako.
"Let's go to kitchen? Gutom ka na ba?"
"Hindi pa naman masyado." Sagot ko pero sumunod na ako kay Ace papuntang kusina. Bitbit ko pa ang pouch ko laman ang wallet at cellphone ko.
Pagdating namin dito sa dining area, ang daming nakahandang pagkain sa mesa. Ano 'to? May party? Fiesta? Kami lang ni Ace ang kakain diba?
"Ah, Ace bakit ang daming pagkain?" Tanong ko. Curious lang. Baka may iba pang kakain?
"Ayaw mo ba? Hindi ko pa kasi alam kung anong favorite food mo kaya nagpahanda ako ng marami. Para may choices ka."
The...what? Ibig sabihin para saken lang lahat 'to? Di nga?
"Let's eat. Kain kalang ng kain. Pinahanda ko lahat 'to para sa'yo." Sabi ni Ace.
Magkatabi kaming naupo dito sa dining table. Grabe, anong kakainin ko? Sa dami ng choices, di ko alam ang pipiliin. May lechon pa nga.
Sige, goodluck sa tiyan ko. Siguradong mabubusog ako nito.
--
Nandito kami sa kwarto ni Ace. Wala namang malisya. May couch naman dito kung saan ako nakaupo. Gusto daw nya ng privacy eh.
"Anong gusto mong pag-usapan." Panimula ni Ace.
May mga pag-uusapan kami pero parang napuno ng pagkain ang utak ko. Dami ko kasing nakain kanina. Grabe. Ang sarap pa naman ng mga pagkain.
"About us. Ace, wag mo sanang mamasamain pero.."
"Pero?"
Paano ko ba sisimulan. Mami-mis-interpret kaya niya? Maiintindihan naman nya siguro diba?
"Ace, pwede bang umatras ka na sa arranged marriage?" Nanginginig na ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Ace.
"What? The fvck. You must be kidding Janna. You don't do that to me."
Eto na ang kinakatakot ko. Si Ace, he looked mad. "Ace.."
"Hindi. Hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo, Janna. I love you and I want to spend my life with you."
He really loves me pero hindi ko naman kayang tugunan yun. May ibang laman ang puso ko. Matagal na.
"Ace, may iba akong mahal. Aware ka na--"
O____O
Nabasag ang vase nang ibato ni Ace yun. Shit. Natatakot naman ako.
"FVCK! Janna! Why don't you try to love me? I can give you what you want. I can do everything for you! Fvck. Yung Buenavista na yun pa rin ba? That fvcking guy?!"
Galit na galit siya. Natatakot na ako. "Ace, sana maintindihan mo. We can still be friends.."
"Fvck! Ano sa hindi ko mapagbibigyan ang hiling mo ang hindi mo maintindihan, Janna? You're mine! You belong to me. Fiance mo ako. Ikakasal tayo. Kung dapat kong madaliin, mamadaliin ko! Fvck! Saken ka."
Nanlilisik na ang mata ni Ace. Natatakot na talaga ako. Galit na galit siya. Saken or kay Adrian. Ewan ko. Para syang nasapian ng evil spirit. Parang gusto nyang manuntok. Nakakuyom yung kamay niya na parang nanggigigil.
"Ace.."
"No! Janna! Kahit anong gawin mo, di kita pagbibigyan sa hiling mo! Akin ka!"
O____O
"Ace, bitawan mo ako.."
Hinigit niya ako sa kamay. Isinandal nya ako sa likod ng pinto. "Ace.."
Anong gagawin nya? Natatakot ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Lumalabas ang pagka-gangster nya. Ayoko ng ganito sya. Pinupuno ng kaba ang dibdib ko.
"Ac--hmmmm!"
Bigla nya akong hinalikan. It was powerful. May galit ang way ng paghalik niya.
"Hmmm.." Pilit akong kumakawala sa kanya pero natatakot ako. Wala akong magawa. Masyado syang malakas. Hindi ko siya maitulak. Hindi ako makapalag.
Pakiramdam ko magdudugo ang labi ko dahil sa pwersa ng paghalik niya.
Ilang saglit pa ay tumigil din siya, sa wakas. "A-Ace.." Naiiyak na ako.
"Fvcking! Fvcking shit!" Sigaw niya. "You'll stay here. Hindi ka babalik sa Manila. Ayokong ibalik ka sa Buenavista na yun. I repeat, you belong to me Janna."
"W-what do you mean?"
"Fvck! Dito kalang! Dito kalang! Kung dapat kitang ikulong, ikukulong kita dito!"
O____O
Hindi. Hindi pwede. "No Ace. Hindi mo gagawin yun. Diba? Uuwi tayo. Please Ace.."
"NO! Magpahinga ka na."
"Ace! Ace anong ginagawa mo?"
Kinuha nya ang pouch ko at biglang lumabas ng pinto. "Ace!"
Sinara nya ang pinto. Sinubukan kong buksan pero wala. Nilock niya yata sa labas. No..this isn't happening.
"ACE! Ace.." Umiiyak na ako. Natatakot ako. Anong gagawin ko? Kinulong nya ako dito sa kwartong 'to. Ano bang nangyari sa kanya?
Napaupo ako sa sahig. Anong gagawin ko? Ang phone ko nasa pouch ko na dinala ni Ace.
Balak ba talaga nya akong ikulong dito? No..wag naman sana. Natatakot na ako kanina pa.
T___T
Ano bang sumapi kay Ace para magkaganon siya? Hindi siya ang Ace na mabait..hindi sya yun..
Anong gagawin nya sa'ken? Kailangan ko si Adrian. Paano nya malalaman na nandito ako? Tapos..nakalimutan ko pa tawagan si Raven. Sabi ko, after kumain tatawagan ko na sya na kasama ko si Ace pero nakalimutan ko naman.
Paano na ako? Ayokong maging nega pero...parang tototohanin ni Ace yung sinabi niya.
I'm doomed.
*
A/N : May boto pa ba kay Ace dito? Ilang chapters nalang tapos na'to. Wala 'tong book 2. Uunahan ko na kayo. Haha! Hashtag #SLY36
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top