Chapter 35

Ace POV

"FVCKING SHIT!" Sigaw ko sabay hampas ng bakal sa grills. 

"Tama na 'yan Brad." Awat ni Seth sa'ken saka pilit na inagaw ang bakal na pamalo. 

Eh put***na pala nila eh! Alam ba nila kung gaano kasakit ang malaman mo na hindi ka mahal ng taong mahal mo? Yung halos handa akong ibigay sa kanya ang mundo ko? Fvck!

"Sabi nga ni XKing, Love can make people weak." Sabi ni Zaine. 

"Hell with that love! Love can make me strong, can make me happy, can make me...fvck!" Sagot ko. 

Pinagbabasag ko lahat ng makita kong babasagin dito sa may lumang building na hide-out namin. 

"Fvck Brad! Bakit mo binasag ang salamin ng kotse ko?!" Sigaw ni Shawn. 

"Salamin palang 'yan. Mamaya, wawasakin ko ng buo yan." Sagot ko. Gigil na gigil ako sa galit. Gusto kong basagin lahat ng makikita ng mata ko. 

I want to kill! I want to destroy Buenavista's fvcking face!

"Put***na brad! Wag kotse ko! Mukha nalang ni Seth!" Sigaw ni Shawn. 

"Baka gusto mong makatikim ng sharingan." Sagot ni Seth. 

"Tang*nang anime powers yan! Bawasan mo nga panonood mo ng anime. Tch!" Sigaw ni Shawn saka kumuha ng tarapal. Itinakip sa kotse nyang basag basag na ang salamin.

"Brad tapon mo na yang kotse mo. Bili ka nalang ng bago. Para kang naghihirap ng lagay na 'yan." Pang-aasar ni Zaine. 

Mga gago talaga eh. Nakuha pang mag-asaran sa gitna ng pagse-semyento ko.

"FVCK!" Sigaw ko saka ibinato ang mga bote dito sa pader. 

"Brad, kotse nalang ni Kieffer ang basagin mo. Wag sa'ken. Yung kay Kieffer may sentimental value lahat. Hahaha!" Sigaw ni Zaine. 

"Narinig ko ang pangalan ko. Mga gago kayo. Basagin nyo na ang bungo ni Seth wag lang kotse ko." Sabi ni Kieffer na kararating lang kasama si XKing. 

Mga gagong 'to. Sa halip na damayan ako, puro kagaguhan pa sinasabi. Tch. Ma-brokenhearted sana kayong lahat. Tingnan lang natin magagawa nila, baka sunugin pa nila buong building na'to sa sobrang galit. 

"Problema?" Tanong ni XKing. 

"Fvcking love. Ace is fvcking in love." Sagot ni Shawn na tiningnan ko ng masama. 

"Tch." Tanging reaksyon lamang ni XKing saka umupo lamang. 

Back to my problem. I hate to admit that Janna have no feelings for me. Masakit pala. Parang gusto kong burahin sa mundo ang Buenavista na ‘yun para ako nalang ang mahalin ni Janna. Para mabaling nalang sa’ken ang pagmamahal niya. Pero alam kong magiging unfair ako. Kelangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Janna sa patas na paraan. 

Dahil ang tunay na lalaki, lumalaban sa patas na paraan at hindi sa paraan na pandaraya.

--

Janna POV

Kinakabahan ako. Alam kong any minute ay tatawagan ni Ace ang parents ko para ipaalam ang totoong kalagayan ko, a wala akong amnesia, na nagpapanggap lang ako. At kapag nalaman ‘yun ng parents ko, babalakin na naman nila ang engagement party, o baka nga ‘yung kasal na mismo agad. Ganoon sila ka-rush hour sa wedding. Tipong para silang may hinahabol. College student palang ako pero gusto na nila akong matali. What a great parents I have.

"Janna.."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Si Raven. I'm sure nag-aalala 'yan sa'ken. Nabanggit ko na kasi sa kanya na alam na ni Ace ang tungkol sa pagpapanggap ko. 

"Raven.."

"Are you okay?" Tanong niya. 

Umiling ako. "Honestly, hindi. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Anytime siguradong tatawag na sina Papa."

"Think positive. Kung malaman man na nila, sabihin na nating magagalit sila, pero sa huli, kapag naman naipaliwanag mo sa kanila ang dahilan, maiintindihan naman nila yon."

"Paano ka nakasigurong maiintindihan nila ako Raven? Simpleng pag-intindi nga lang na ayoko pang makasal, hindi nila kayang intindihin, ito pang ginawa kong kasinungalingan?"

Tinapik niya ako sa balikat saka tumabi sa'ken dito sa couch. "Everything happens for a reason." Aniya. 

"Yun na nga eh! Gasgas na nga ang linyang 'yan. Oo naman, everything happens for a reason. Like what I've done. I did that for a reason. A valid reason that I am sure, they coudnt understand."

"Janna. Alam kong mahirap. Pero ito ang mundo natin. Mayaman tayo, oo. Ang pamilya natin, halos kayamanan ang iniingatan that's why nauso ang arranged marriage na 'yan. For more wealth, more power.."

"Yun na nga eh! Nakakainis lang! Mas gugustuhin ko pang maging mahirap. At least may karapatan akong mamili ng taong pakakasalan ko. Kesa mayaman ka nga pero wala kang kakayahang sumaya. Dahil kokontrolin nila ang buhay mo. Robot ang tingin nila sa'ten Raven. Kelan ba nila pinaramdam na anak nila tayo? Yung magdi-dinner ng sabay sabay habang nagku-kwentuhan ng mga nangyari ng ganitong araw. Tawanan, biruan..tipikal na pamilya. Hindi ko man lang naranasan 'yun, at alam kong imposibleng maranasan ko pa 'yun." Naiiyak na naman ako. 

Kahit ilang beses kong iniisip na, oo nga napaka-swerte ko kasi mayaman ako kasi 'yun ang laging iniisip at sinasabi ng iba. Pero ang hindi alam ng iba, sa sarili naming isip, napaka-malas namin na naging mayaman pa kami. 

"Little princess. Don't worry, okay? Panindigan mo na 'yung nasimulan mo. Tama ng ako nalang, buhay ko nalang ang i-kontrol nila. Wag ka na." 

Napaka-swerte ko sa kapatid ko. Hindi siya katulad nina Mama at Papa. He cares for me. He cares for my feelings. 

Minsan tuloy napapaisip ako, sina Mama at Papa ba? Paano ba sila naging mag-asawa? Nagmamahalan ba sila? Or arranged marriage lang din kaya hindi nila naiintindihan ang side ko? Hindi ba talaga nila alam kung gaano kasarap sa pakiramdam iyong mapapakasalan mo yung lalaking mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. That's the best feeling. Pero anong ginagawa nila? Dinaig pa nila ang kontrabida sa isag teleserye. Parang bawat desisyon na gagawin nila sa buhay ko, sinasabi nilang..'Wala kang karapatang maging masaya!'

Shit lang kase. Naging mabuti naman ako. Tapos eto pa? Eto pa igaganti nila? E'di sana naging masama nalang ako, diba? Sana hindi ako naging mabuting anak, baka sakaling nabago ang kapalaran ko. 

"Thank you Raven. Don't worry, kahit pa anong gawin nila Mama at Papa, hindi nila ako mapapasunod sa gusto nila. Buong buhay ko sinunod ko sila, oras na para suwayin ko naman sila. Para sa kasiyahan ko."

"Tama 'yan, Janna. Kung saan ka masaya, suportanta ka!" Nakangiting sabi ni Raven. Naka-mustra pa siya ng 'fighting' gesture. 

Napangiti tuloy ako kahit may mga luhang tumutulo sa mata ko. 

Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako magpapadala sa kanila? Ngayon pa ba ako magpapaka-robot sa kanila? Ngayong mas naging malalim ang dahilan ng pagtanggi ko sa gusto nilang arrange marriage. 

Adrian loves me. Napatunayan na niya 'yun. And according to him, gagawa rin siya ng paraan para sa'ming dalawa. Masaya ako, masaya ako na andito siya ngayon sa'ken. 

Problema ko nalang talaga ang parents ko pati si Ace..

-

Adrian POV

"Dad. Do everything you can. Ngayon lang ako hihiling sa inyo kaya sana mapagbigyan niyo ako. I love her. And I want her to be my forever girl." 

Tahimik lang na nakinig sa'ken si Papa. In-open-up ko sa kanya ang about sa proposal. Gusto kong kausapin niya ang mga Ruiz. Para sa arranged marriage. Nakapag-investigate na ako at mas malaki at mayaman ang kompanya namin kumpara sa Ace Xander Jung na 'yun kaya siguro naman ay malaki ang tiyansa na magawan namin ng paraan para i-cancel nila ang proposal nila sa Jung Corporation. 

"You really loved that girl. Aren't you?"

"Hindi ba obvious 'Pa? Ayokong makasal siya sa iba. Ayokong mapunta siya sa iba. Gusto ko siyang sumaya. At alam kong sasaya lang siya sa'ken."

"You're all grown up son. Hindi ko in-expect na gagawin mo ang ganitong bagay. Fighting for the girl you love. Like what I did to your Mom when we are teens."

Napangiti ako. Pasalamat ko nalang na close ako sa pamilya ko. Palibhasa, only child ako. At ang mga magulang ko, dumaan din sila sa ganoong set-up. Arranged marriage pero na-inlove naman sila sa isa't isa. Parang yung kaibigan kong si Lance na ngayo'y mahal na mahal na ang fiance niyang si Yumiko--na naka-arranged marriage lang. 

Sa case naman nila Papa, na-arranged sila pero na-cancel dahil na-bankrupt na pala ang kompanya ng pamilya ni Mama. Pero pinaglaban ni Papa ang pagmamahal niya kay Mama. Binili niya ang kompanya nina Mama saka niya tinulungang maka-ahon. Hanga ako kay Papa. Gusto kong maging katulad niya. Yung ipaglalaban ang babaeng mahal niya. 

"What's the girl's name again?" Tanong ni Papa. 

Gumuhit agad sa isip ko ang imahe ni Janna. She's my girl. She's mine. And I love her. 

"Janna Ruiz. The girl who captured my heart, my soul, m--"

"Enough son. Nagiging korni ka na."

=_=

One thing I like about my Dad is, he has sense of humor. 

"'Pa, kayo ang aasahan ko."

"I will do everything I can, son."

"Thanks 'Pa. I owe you. Thanks for listening." Sabi ko. 

"Well, it's my duty as your father. To make you happy, to make yo--"

"Tama na 'Pa. Nagiging korni ka na din."

Ganito kami kapag nagsasabihan na kami ng sweet things sa isa't isa. 

Natawa nalang kami pareho. May tiwala ako kay Papa. May tiwala din ako sa fate and destiny. Alam kong ako ay para kay Janna, at si Janna ay para sa'ken. Kaya anuman ang mangyayari, babagsak kami sa isa't isa. 

*

A/N : Boompeyns. Lol. Hashtag #SLY35

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: