Chapter 31 ♥ Disappointed
Janna POV
Naging normal na ang paghinga ko nang lumabas si Adrian. Shit lang naman kasi. Hindi ko in-expect na bigla siyang pupunta dito.
Kabadong-kabado ako. Wala naman sa plano ang pag-iyak ko eh. Kusa nalang akong naiyak dahil nang makita ko siya, nang marinig ko ang boses niya, naalala ko yung rejection na natanggap ko mula sa kanya.
"Janna.."
Si Raven pumasok na dito sa loob. Hindi ko talaga alam kung paano ako mag-a-act sa harap ni Adrian sa susunod. Dahil sabi nga niya, babalik siya.
"Are you okay?" Tanong niya.
Actually hindi? Pagkatapos kong makita ang dahilan ng pagsakit ng puso ko? Hindi ko na alam kung paano siya haharapin. Galit ako sa kanya..
"Y-Yeah." Yun lang nasabi ko. Ayokong i-share ang sakit na nararamdaman ko sa iba.
"Anong ginawa ng gagong 'yun sayo?" Galit na tanong ni Ace. Halata namang mainit ang dugo niya kay Adrian.
Umiling nalang ako. "N-Nothing.."
"Pero umiyak ka daw."
"Siguro dahil 'di ko siya matandaan. Wala siyang ginawa." Wala siyang ginawa. Nagawa, meron. Magkaiba yun. Past at present.
"I want to rest." Sabi ko. Ayaw kong usisain nila ako sa mtga bagay-bagay lalo na kung tungkol kay Adrian.
"Ace, let's go outside. Gusto ng magpahinga ni Janna." Sabi ni Raven.
Tumango naman si Ace. Buti naman. Gusto ko kasing mapag-isa. Naudlot kasi ang mas matindi kong pag-iyak pa dahil sa pagpapakita ni Adrian.
"Janna, babalik ako mamaya. Magpahinga ka na." Paalam ni Ace saka ako hinalikan sa noo.
He's sweet, yes. But like what I've said, there's no romatic feelings.
Ngumiti ako ng pilit. Lumabas din si Raven kasama ni Ace. And here, I was left alone.
T_T
Nagsisimula na namang tumulo ang luha ko. Kasi eh..si Adrian..
Paano ko pa siya haharapin? Sa susunod na magkita kami, anong sasabihin ko? Makakaya ko ba talagang panindigan ang pagkukunwaring may amnesia ako?
But in the first place, hindi naman si Adrian ang main reason kung bakit ako nagpapanggap na may amnesia. At yun ay para mapigilan ang balak ng parents ko na agad-agad ay maipakasal ako kay Ace.
Siguro bonus nalang na naging shield ko ang fake amnesia kapag kaharap ko si Adrian. Makakapag-pretend ako na wala akong alam about him.
I secretly loving him for a long time and now na parang nakahita ako ng pag-asa, masyado na akong nag-assume. Yan tuloy, naka-recieved ako ng rejection.
Krrrinng..
May tumatawag sa landline. Wala na yata ang phone eh. Baka nasira nung na-aksidente ako. Di pa naman ako nakakalabas para makabili ng bago. Bukas siguro.
"Hello?" Sagot ko.
"Janna."
O____O
Kilalang kilala ko ang boses niya. Kahit nga tunog ng paghinga niya sa telepono, kilala ko.
"W-who's this." Kunwari'y hindi ko kilala.
"Adrian. Wag mo akong bababaan. I just want to apologize kasi napaiyak kita kanina. I'm sorry. Can we meet tomorrow?"
Saan naman siya nakakuha ng guts na tanungin ako kung pwede ako bukas? Psh. "No." Matipid kong sagot.
"Pero Janna.."
"I need to hang-up. I want to rest.." Pagsisinungaling ko na naman.
"Janna.."
"And one more thing, I don't talk to stranger."
Saka ko ibinaba ang telepono. Sorry adrian, hindi ko gustong maging rude pero, sinaktan mo'ko eh.
Nahiga nalang ako. Ang sakit sa ulo ang mag-isip. Kainis!
--
Adrian POV
Nararamdaman ba niyang stranger lang ako sa kanya? Bakit ba siya nagkaroon ng amnesia?! Hindi ko matanggap eh. Dahil kahit may amnesia siya, parang ilag siya sa'ken, may galit gano'n.
She loves me. Hindi ba niya yun nararamdaman? Ang pagkakaalam ko kasi sa amnesia, isip ang nakakalimot at hindi ang puso. Damn it!
Krrrrinnng..
Tumutunog ang phone ko. It's Shaina. What the hell does she want? Di ba niya alam na kasalanan ko kung bakit naaksidente si Janna? Siya, siya ang main reason dahil tinanggihan ko si Janna para sa kanya.
Ngayon, hindi matahimik ang konsensya ko.
"Hello?"
[A-adrian..]
O__O
"Why? Anong nangyari?"
[Ang sama sama ng pakiramdam ko. Feeling ko mamamatay na-ko..]
Fvck! "Okay. Pupunta ako dyan wait for me."
Pinatay ko na ang tawag. Si Shaina, mahalaga siya sa'ken bilang kaibigan ko at kababata. I'm helping her dahil wala ang pamilya niya dito sa Pilipinas. At nang dahil sa pagtulong ko sa kanya, nagawa kong tanggihan ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.
Bumaba na ako ng parking at sumakay sa kotse ko. Pumunta ako sa condo ni Shaina. Sasamahan ko na naman siyang matulog sa condo niya. Hangga't maaari ayoko namang mapahamak siya. Ako lang ang inaasahan niya sa ngayon.
Nakaakyat agad ako dito sa floor ng unit ni Shaina. Pipindutin ko na sana ang door buzzer nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. I saw Shaina's back.
Nakatayo siya at nakatalikod dito sa pwesto ko. May kausap siya sa phone. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa'ken na tumigil muna at makinig ng palihim.
"Yes doc. This is the last time na hihiling akong magsinungaling ka. Malaki ang utang na loob mo sa pamilya ko, right? The help me."
Narinig kong sabi niya. What the hell is she talking about? Patuloy lang akong nakinig.
"Pupunta si Adrian dito, mag-a-act ako like a dying lade. And there papadala ako dyan sa hospital mo. Kapag nagcheck-up ka, tell him na malala na ang sakit ko at kelangan ng mas matinding pag-aalaga. Para no choice na si Adrian kundi mag-stay muna sa condo ko para samahan ako. Then there, doon na ako gagawa ng way para akitin siya, papabuntis ako sa kanya. Ganun kadali. Gusto ko lang naman siyang makuha kaya nagpe-pretend akong may sakit. Hindi ako papayag na mapunta siya sa bitch na Janna na yon."
Natigilan ako. Umakyat ang dugo ko hanggang tuktok. Nakaramdam ako ng matinding galit. All this time, nagkukunwari lang siya? Gusto nya akong agawin? Damn it! Bakit niya nagawa 'to? Bakit..
Tangna! Bago ma-aksidente si Janna, she asked me na sumama ako sa abroad sa kanya para makalayo muna dahil ayaw niyang makasal sa gagong Ace na 'yun but I rejected her dahil sa kanya. Dahil sa kanya na akala ko, may sakit na malala.
Tapos malalaman kong nag-a-acting lang siya?? Gusto kong...FVCK! Gusto kong iuntog ang sarili ko ng ilang beses.
"A-adrian..kanina ka pa?"
Tumango ako. Alam na alam kong madilim pa rin ang awra ko. I'm mad at her. "Yeah, and narinig ko lahat ng sinabi mo sa kausap mo sa phone." Matigas na sabi ko.
Nang dahil sa kanya..
Fvck! Niloko ako ng sarili kong kaibigan? Para lang maagaw ako kay Janna? Hell! Nababaliw na ba siya?
"Adrian.." She's starting to cry.
Sorry pero wala ng effect saken. Wala na akong awang nararamdaman--pulos galit.
"Don't touch me." Sabi ko. Napaatras ako ng kaunti.
"Pero A-adrian.."
"Hindi ko akalaing makakagawa ka ng ganyang kasinungalingan. I'm so disappointed Shaina." Tangna! Kung hindi lang siya babae baka kanina ko pa siya nasapak.
"Please Adrian..listen to me.."
Napahagulhol siya ng iyak. Pero wala eh, tangna talaga! "Ayoko munang makita ka."
"No, Adrian! No..please.."
Napailing nalang ako saka tumalikod na. Wala na akong pakialam pa kung humagulhol siya. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. Fvck! Hindi talaga ako makapaniwala.
*
A/N : Hashtag #SLYDisappointed
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top