Chapter 30 ♥ Leave

Janna POV

"Mali pa rin 'yan Janna." 

Ilang beses ng sinabi yan ni Raven mula nang sabihin ko sa kanyang wala naman talaga akong amnesia. Kami lang ang nandito sa kwarto. 

Kagabi, si Ace ang sumama saken dito sa ospital. Makakalabas na ako ngayon at uuwi na sa mansyon. 

"Trust me Raven. I have to do this. Ayoko munang kontrolin nila ang buhay ko. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal."

Sino ba namang babae ang gugustuhing makasal sa lalaking hindi naman nila mahal, 'di ba? 

"Fine. I will try to understand you pero soon, kailangan mo ring aminin sa kanila. Maliwanag ba?"

Tumango ako. He pat my head. "Nag-alala ako ng sobra. Buti nalang talaga hindi totoo.."

Yumakap ako kay Raven para mas makaramdam siya ng relief. 

"Janna, Raven.."

Andyan na si Ace. Uuwi na kami sa mansyon. Fractures lang naman ang natamo ko. Si Papa at Mama uuwi daw ngayong gabi. See? Kung hindi pa ako na-ospital hindi uuwi si Mama. Puro business nalang kasi ang nasa isip nya, para syang walang anak dito na naghahanap ng kalinga nya. 

Parang milyong milyong yaman ang mawawala samen kapag umuwi sya dito sa Pilipinas para dalawin kami kahit isa o dalawang araw lang. Masyado syang dedicated sa company namin. Si Papa kahit papaano umuuwi. Pero sa ngayon, di ko talaga gusto yung pag-kontrol nila sa buhay ko. 

"Let's go?" Hindi ko namalayang katabi ko na si Ace. Inalalayan nya ako. 

Lumabas na kami ng ospital ay sumakay sa kotse ni Ace. Si Raven may sariling kotse. 

"How are you, Janna?"

"I'm fine." Sagot ko. I still need to act like I don't really know him. 

"Nagpaalam na ako sa Papa mo, I told him that I'll be in charge na mag-alaga sa'yo. Lagi akong pupunta sa mansyon nyo to check you. Kung kailangang araw-araw, gagawin ko para mas mapabilis ang pagbalik ng ala-ala mo." Sabi ni Ace na hindi inaalis ang tingin sa daan. 

Mabait naman talaga si Ace. And I can see it on his eyes that he really love me. Pero ayoko syang saktan. Ayokong maging unfair sa kanya. Hindi ko siya mahal, and that's the fact. 

--

Nandito na kami sa mansyon. Hinatid ako ni Ace dito sa kwarto ko. Inalalayan pa nya akong makaupo sa kama ko. Nakasandal lang ako sa headboard. Habang siya, nagbabalat ng ponkan for me. 

"May masakit ba sayo? Just tell me kung meron." Anito. 

Bukod sa mabait, maalaga at maalalahanin pa siya. Napaka-swerte ko na nga kung siya ang mapapangasawa ko pero hindi siya ang para sa'ken eh. Hindi ako ang para sa kanya. We're not meant for each other. 

Umiling ako. "Wala.."

"Kapag may gusto ka, sabihin mo lang. I'll stay here with you."

Ang sweet pa nya. Hay, Ace. Kung natuturuan lang ang pusong magmahal, baka pinakasalan na kita. Pero hindi eh, ibang lalaki ang laman ng puso ko. At siya ang gusto kong makasama habang buhay. 

"Anak, Janna!"

They are here. Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa non ang Mama at Papa ko. 

Syempre, I need to act pa rin as if I can't remember them. 

"I'm your Mom. Do you remember?"

Payak akong ngumiti saka umiling. Niyakap niya ako. "God, my baby girl." Sabi niya. 

Ang sarap lang sa pakiramdam na mayakap ko ulit si Mama. Gusto ko palagi siyang nandito pero asa naman ako.

"I'm your Dad, iha." Pakilala naman ni Papa sa sarili nya saken. 

I know that already. But I'm still feeling bad dahil sa pag-manipulate nila sa buhay ko. 

"How's your feeling, anak?" Tanong ni Mama. 

"I'm fine po." Sagot ko. 

"Ace, iho. Salamat sa pagbabantay sa anak namin." Sabi ni Papa. 

"It's my responsibility to took care of my fiance." Sagot ni Ace. 

"Napaka-swerte ng anak natin dito kay Ace." Komento ni Mama. 

Oo nga, swerte naman talaga. Pero hindi siya ang mahal ko eh. 

"May mga pasalubong ako sa'yo anak. I'm sure magugustuhan mo. New bags, new shoes and new clothes." Nakangiting sabi ni Mama. 

Ganyan sya. Once na umuwi siya, paaambunan nya talaga ako ng mga materyal na bagay. Tinatanggap ko, oo. Pero hindi ako nasisiyahan. Hindi ko naman kasi kelangan ang mga yon. Mas kailangan ko sila--parents ko. 

Ngumiti nalang ako. Well, yan na sila eh. Then fine. 

--

Adrian POV

Fvck! I want to know if Janna is fine. Damn that Ace! Tangna niya. Masyado syang ma-papel. 

Kasalanan ko 'to. Tch. She needs me pero hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya. 

Tumayo ako. Pupunta ako kina Janna. I want to see her. I want to talk with her. 

Ipinarada ko ang kotse ko sa gilid ng daan nang makarating ako sa mansyon nina Janna.

Nag-aalangan pa ang guard na papasukin ako. Mabuti na lamang at lumabas si Raven. 

"I need to talk to Janna."

"Wag muna Adrian." Sabi ni Raven. "Hindi mo magugustuhan ang lagay niya ngayon."

Kinabahan ako bigla. Anong kalagayan? Bakit hindi ko magugustuhan? "Anong nangyari sa kanya? I want to see her. Please, let me."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "I really need to talk to her." Sagot ko. 

Mukha namang pumayag na si Raven dahil tinanguan na nya ako. 

Sumunod ako sa kanya papasok sa mansyon. Tumaas kami saka tumigil sa pink ng pinto. Kwarto ni Janna. 

"What the fvck are you doing here?" Sigaw agad ni Ace saken pagpasok ko dito sa kwarto ni Janna. 

Nakaupo sya sa one-seater na nasa tabi ng kama ni Janna. Si Janna, nakasandal lang sa headboard ng kama nya. Tulalang nakatingin saken. 

"Easy. Ako ang nagpapasok sa kanya. Let them talk. Lumabas muna tayo." Singit ni Raven. Buti nalang mabait 'tong si Raven. 

Pasalamat ang Ace na yan, nakakapagtimpi ako sa kanya. Kung maka-asta akala mo, asawa na niya si Janna. Damn it. 

"Pero Raven.."

"Let them."

Lumabas na sina Ace at Raven. Napatingin ulit ako kay Janna na nakatingin lang sa akin. 

Lumapit ako hanggang dito sa mismong tabi ng kama niya. "Janna.."

"S-sino ka?"

O_O

Sino ako? "Janna.."

"Sino ka.."

Shit. Ano bang nangyayari kay Janna? "Si Adrian 'to, Janna."

"S-sorry hindi kita kilala. M-may temporary amnesia kasi ako.." Nauutal na sabi nya. 

Amnesia? Fvck! Kaya hindi niya ako kilala?  Hinawakan ko ang kamau nya pero agad niya ring hinila. "Janna.."

"L-leave me alone."

Natatakot ba siya saken? "Janna, we're.." Ano bang sasabihin ko? Fvck. Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko kung bakit siya na-aksidente. 

"Please leace me alone.." May luha ng tumutulo mula sa mga mata nya. 

"Janna, we're in good terms. Please listen to me." Nasasaktan akong makita sya sa ganitong kalagayan. Hindi ko alam kung ano bang dapat kung sabihin, kung anong meron sameng dalawa. 

"Leave.." 

"Pero.."

"I said leave!"

Napalayo ako ng bahagya. Pakiramdam ko galit na galit siya saken. Malamang, ako ang may kasalanan eh. Ramdam ba nya yun kahit di nya ako naaalala?

Damn it! Para akong sasabog. Tangna!

"Janna babalik ako. Babalik ako.."

Hindi na siya sumagot. Sa halip inilipat niya ang tingin niya sa may bintana sa gilid. Tumutulo pa rin ang luha niya. I want to wipe her tears. I want to comfort her but how can I do it kung ayaw niya akong makausap. Ayaw din nyang hawakan ko siya. 

I heaved a sigh. Palalamigin ko muna siya. Pero hindi ako titigil hangga't di ko siya nakakausap. 

"Janna aalis muna ako." Paalam ko. 

Hindi pa rin sya tumugon o tumingin man lang. Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto. 

"What happen?" Salubong ni Raven. Si Ace masama pa rin ang tingin saken. 

"Ayaw nya akong kausapin. May amnesia pala siya, di niya ako matandaan."

"Yes. She's suffering from temporary amnesia. Kahit sino, kahit kami hindi niya kilala. Nagpakilala lang kami sa kanya." Paliwanang ni Raven. 

I sighed. "But..parang masama ang loob nya saken. Ayaw niya akong kausapin at bigla nalang siyang umiyak." Sabi ko. 

"Fvck you!" Hinigit ni Ace ang collar ko. "Sino ka para paiyakin si Janna?!"

"Tigilan mo ako Ace. Hindi kita papatulan dahil ganon ang kalagayan ni Janna. Kung gusto mo sa labas tayo. Wag dito."

Pumagitna samen si Raven. "Tumigil na kayong dalawa. Tingin nyo makakatulong kayo kay Janna kung a-akto kayong ganyan? Tch." Sabi nya saka pumasok sa kwarto ni Janna. 

"Magtutuuos pa rin tayo Buenavista." 

Pumasok na rin si Ace sa loob. Damn it. Nanghihina ako. Hindi dahil sa kalagayan mismo ni Janna kundi dahil kahit may amnesia siya, may galit pa rin syang nararamdaman saken kahit hindi nya ako makilala. Fvck.

-

A/N : Hashtag #SLYLeave

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: