Chapter 23 ♥ Beta Gang

Adrian POV

Kanina pa'ko palakad-lakad dito sa loob ng hospital room kung saan nakahiga si Shaina. Ba't ba siya nahimatay? Tch. 

Ang totoo nyan, nababadtrip ako sa inaakto niya lalo na dahil sa paghalik nya saken kanina. 

"A-Adrian.."

Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. Gising na pala sya. 

"How are you?"

"M-Medyo masakit lang ang ulo..asan ako?"

"Hospital. Nahimatay ka kanina." Sagot ko. 

She looks pale. Wala pang result yung pagchecheck-up ng doctor kaya hindi ko alam kung napano sya o anong sakit nya. 

"Ugh."

Nilapitan ko siya ng tangkain nyang bumangon. "Dahan-dahan.."

"Thanks." Nakangiting sabi nya. "A-Adrian, pwede mo na akong ihatid sa condo ko."

Ano pa nga bang gagawin ko? Tch. Kung hindi ko lang siya childhood friend, baka hindi ko na sya pansinin pagkatapos ng ginawa nya kanina -- yung pag-amin niyang mahal nya ako at paghalik niya saken. 

Ayokong umasa sya. Ayokong pagbigyan sya sa gusto niya. Dahil may iba akong mahal. 

--

Janna POV

Tumatawag si Adrian kanina pero hindi ko talaga alam kung sasagutin ko o hindi. Pakiramdam ko kase, once na sagutin ko yung phone call niya, nagtataksil na ako sa fiance ko. 

Nakokonsensya na nga ako dahil nagagawa ko pa ring makipagkita kay Adrian kahit may fiance na ako. 

Hindi mawala-wala sa isip ko yung confession na ginawa ni Ace last night. Yung kiss..

>,<

Nahihiya ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun. Ano ba yan! Bakit ang lakas ng epekto saken ng halik nya?

Krrinnngg..

Si Adrian na naman siguro ang tumatawag. Gusto ko siyang iwasan, yun ang sabi ko kay Ace pero hindi pa ako gano'n kasigurado kung magagawa ko yun lalo na at sa iisang university kami nag-aaral. Magkasama rin kami sa room at worse, nagkakatabi pa kami. 

Ace calling..

Si Ace pala. Waaa! Bakit..

Dug, dug..

Dug, dug..

Naaalala ko yung kiss. "Hello?"

[Janna where are you?]

"H-Ha, ah, sa mansyon. Why?" OMG. Bakit ba ako nauutal? Aish! 

[I'll pick you up. Let's have lunch together. In ten minutes, I'll be there. Bye.]

"Tek--"

Ay. Binabaan ako. Lunch daw kame? Shemay ayan na naman. Kinakabahan ako na ewan. Ten minutes lang, nandito na siya.

O___O

Kelangan ko pang maghanda!

--

Ace POV

Tang*na, ang sakit ng kamao ko. Kagagaling ko lang sa underground battle. Gago talaga yung kurakot gang. Madadaya lumaban. 

Hanep pa naman ang pag-bwelo ko ng pagsuntok sa gagong leader nila tapos may bakal sa dibdib na parang shield. Langya talaga. 

Namamaga tuloy. Tch. Sa galit ni XKing, iniuntog nya ang ulo sa pader eh ng ilang beses eh. Kaya kahit papaano, na-iganti ako. 

Papunta ako kina Janna para sunduin sya. Niyaya ko siyang mag-lunch. Gusto kong ipakita ang efforts ko sa kaniya. Gangster man ako sa inyong paningin, nai-inlove din. 

Krrrinnng..

Sino namang gago ang tumatawag? Tch. Ayoko pa naman ng iniistorbo ako lalo na kapag ganitong may date ako. 

Seth calling..

Tch. Ano naman kayang problema? "Oh, brad?" Sagot ko nang pindutin ko ang answer button. 

[Brad! Kelangan ko ng tulong mo.]

Tang*na. May nakaaway yata si Seth. "Anong problema?"

[Kailangan kong mahanap ang mga dragon balls egg. Ikaw lang ang ma---]

"Tang*na mo gago!"

*toot toot*

Naka-drugs yata si Seth. Akala ko na kung ano. Akala ko pa nga maka-cancel ang lunch date namin ni Janna dahil nakakutob ako na may nakaaway syang ibang gang. Tapos..

=___=

Tang*nang dragon balls egg yan! Sino bang nagpauso nyan?!

Krrrinnngg..

Seth Ocampo, I will kill you. 

"Gag--"

[Brad. Underground battle mamayang alas sais. Bumalik ka agad sa hide-out bago mag alas kwatro. Kakailanganin natin ng secret weapon. Makakalaban natin ang Beta Gang.]

Fvck. Ilang taon na nang huli naming nakalaban ang Beta Gang -- binubuo ng mga member na magagaling sa karate at mga technique na nagagawa lang sa mabilisang pagkilos. Kaya talagang kailangan naming maghanda ng secret weapon. Kung anuman yun, secret na yun. XBang lang ang may alam non. 

"Copy." Sagot ko saka pinutol na ang tawag. 

Tch. Balak ko pa sanang yayain si Janna mag-mall pagkatapos mag-lunch. Di pala pwede. Lunch lang talaga kami. 

Napailing nalang ako at itinutok na ang isip sa pagmamaneho. 

--

Janna POV

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Ace. 

Narito kami sa isang sikat na Japanese restaurant. Sinundo nya ako kanina sa mansyon. 

"Ikaw na ang bahala. Kahit ano. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Sagot ko. 

"Okay."

Sinenyasan nya ang waiter saka sinabi ang mga orders. Then tumingin na siya saken. Magkaharap kami dito sa table. 

"How's your day?" Tanong nya habang nakangiti. 

"It's fine. Bored." Sagot ko. Ganito talaga kapag walang pasok, nakakatamad lalo na kung nasa mansyon ako na halos wala akong kausap o ka-bonding. 

"Hm. After this lunch, ihahatid na din kita sa mansyon nyo. Gusto sana kitang yayain pa sa mall kaso may underground battle kami mamaya."

Underground battle? Parang nakakakabang pakinggan. "A-Ah, Ace hindi ka ba natatakot na maging gangster? I mean, baka kasi masaktan ka o mapano."

"No. Noong una, oo. Pero nang tumagal, wala na yung takot sa dibdib ko. Sa XBang, hindi na nag-e-exist ang salitang 'takot' dahil nabubuhay kaming nakikipag-away, basag-ulo, hindi sumusunod sa batas, binabalewala ang mga pulis o kung sino pang poncio pilato."

Grabe din pala maging gangster. "Pwede naman kayong maging gangster lang pero bakit kailangang hindi nyo sundin ang batas. O matakot man sa pulis." 

Nakaka-curious lang kase. Kung away ang gusto nila, edi makipag-away sila pero mali pa rin na hindi sumunod sa batas. 

"If you obey all the rules, you miss all the fun." He answered. 

Nakakapag-enjoy naman ako na sumusunod sa rules pero hindi ko maitatangging may point sya. Bakit ba ako nakikipagdebate sa kanya tungkol sa pag-ga-gangster nya?

"I see.." Sagot ko nalang. 

"Janna.."

Tumingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot pero yung mga mata ko, parang nagtatanong na, 'bakit?'

"Posible bang mahalin mo rin ako?"

O___O

Parang ang awkward ng tanong nya. "Ace.."

Ano bang dapat kong isagot sa kanya? Ayoko talagang makasakit. Ayoko. Hindi ko naman kase alam. Di ko pa alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. 

"I love you. I already loving you Janna."

O____O

He confessed! What should I say? 

Natahimik ako. Awkward lang na tumingin ako sa kanya. Hindi ako maka-react, hindi ko alam kung paano dapat. 

"I'm not afraid to tell you that I love you. I'm afraid to hear that you don't love me back because I know that's what will happen."

Speechless.

*

A/N : Ace o Adrian? Why? Hashtag #SLYAceAdrian 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: