Chapter 20 ♥ Heartbeat
Ace POV
"Brad, mukhang seryosong-seryoso ka talaga sa fiance mo."
Tiningnan ko ng masama si Shawn. Kakabalik ko lang dito sa bar. Hinatid ko lang si Janna. "Huwag mo akong igaya sayo, Shawn. Playboy ka. Ako, goodboy."
"Teka, teka mga brad. Kelan pa naging goodboy ang isang gangster?"
=_=
Oo nga pala. Gangster nga pala kame. Tch. "Goodboy ako pagdating kay Janna." Sabi ko.
"Whoa! Brad, pag-ibig na talaga yan." Sabi ni Zaine.
Yeah. Maybe this is my chance to prove to Janna na kahit gangster ako, kaya kong magpaka-goodboy sa kanya.
"Kumusta yung karibal mo Ace?" Tanong ni XKing.
Si Adrian Buenavista. Muntik ko na syang mapatay dahil sa pagsuntok nya saken. Hindi ba nya alam na ayaw na ayaw ko sa lahat ay magkakasugat ako sa mukha? Damn it. Nasugatan ako non sa bandang labi ko.
"Ako na ang bahala sa kanya."
"Sabihin mo lang brad kung reresbakan na natin." Sabi ni Seth.
"Kaibigan ni XSupremo si Buenavista kaya hindi kayo pwedeng makialam, XBang. Laban nila iyon ni Ace kaya hayaan nyo sila." Paalala ni XKing.
May tama sya. Isa pa, kayang-kaya ko sya. Hindi ko na kailangan ng back-up.
May naisip nga pala ako. Gusto ko sanang bigyan pa ng surprise gift si Janna kaso wala akong idea.
"Mga brad, anong magandang surprise gift para sa babae?" Tanong ko.
"Tarantula." Sagot ni XKing.
=_=
Seriously?
"Drugs." Sagot ni Seth.
=_=
"Fvck you." Mga sinasabi, hindi karapat-dapat eh.
"Bikini." Sagot ni Zaine.
=__=
"Karamihan sa mga babae, gusto nila ng flowers and chocolates. At karamihan talaga sa mga babae, mahilig sa surprise. Pero hindi mo naman kailangan gumastos ng malaki. Mas napapasaya sila sa sweet things, like pamamasyal. Mga ganon o yung tulad ng ginawa mo kanina, kinantahan mo sya. Dor sure kilig yun." Paliwanag ni Kieffer.
Nakanang! Akalain mo yun?
"Yow brad. Parang may experience ka na ah. Love expert kana! Magdiwang!" Sigaw ni Seth.
"Gago!"
Tch. Ayokong maubusan ng surprises for Janna. Gagawin ko lahat para maparamdam ko sa kanya na gusto ko talaga sya. And I won't let anyone na pumorma kay Janna -- specially, that Adrian Buenavista.
--
Janna POV
Umaga na. Papasok na naman ako. Medyo bored kase antok pa ako.
"Hey little sister, sabay na tayo sa kotse ko." Sabi ni Raven.
Umingos ako. "Ayoko nga."
"Aba, aba. Tumatanggi kana saken ngayon. Porke hinatid ka kagabi ni Ace. Tch."
"Anong connect?"
"Wala. Tch. Ge uuna na ako. Ipapaalala ko lang. Mas boto ako kay Buenavista."
=__=
Psh. Ano naman kung mas boto siya kay Adrian. Wala naman akong magagawa. Fiance ko si Ace kaya hindi ko sya pwedeng iwasan.
"Ma'am, nasa labas po si Mr. Jung."
O__O
Dug, dug..
Dug, dug..
Lakas ng kabog ng dibdib ko pag naririnig ko ang pangalan ni Ace.
"Ehem." Inayos ko yung sarili ko saka lumabas na ng mansyon.
Paglabas ko ng gate, sinalubong ako ni Ace at..
O_o
He kiss me. Natulala tuloy ako. Pero sa cheeks lang naman.
"Goodmorning, gorgeous." Bati niya saka kinuha yung bag ko.
May lahing snatcher yata 'tong si Ace.
Sumunod nalang ako sa kaniya pasakay sa kotse niya. As usual, hahatid nya ako sa SWU. Effort.
"How's your sleep?" Tanong niya habang nagda-drive.
"Okay lang." Nakangiti kong sagot.
"May gagawin ka ba mamayang gabi?"
"Hm, oo eh."
"Sige, next time nalang."
Sa totoo lang, wala naman talaga akong gagawin. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi, sobrang unfair ko na kay Adrian. Siya kase talaga ang mahal ko. Pero yung chance na binigay ko sa kanya non, nabalewala. Dahil dun sa Shaina na yun.
"We're here."
Napatingin ako kay Ace. Andito na nga kami sa SWU.
"Thanks Ace."
"No problem. Take care. I'll call you later."
Tumango ako. "Bye."
"Yeah, bye."
Bumaba na ako ng kotse niya saka diretsong pumasok sa SWU campus.
Pagdating ko sa may room,
Dug, dug..
Dug, dug..
Kumakabog din talaga ang dibdib ko 'pag nakikita ko si Adrian.
Umupo na ako. Pero kinagulat ko ng umupo sa tabi ko si Adrian.
"Musta?"
Dug, dug..
Dug, dug..
"A-Ayos lang." Alanganin akong ngumiti. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.
"May lakad ka ba mamaya?"
O_O
"Ah, wala." Okay. Unfair ba ako? Tinanggihan ko si Ace tapos si Adrian, walang kahirap-hirap na sinabi kong wala akong gagawin mamaya.
"Great. Sama ka saken. Pupunta tayo somewhere na alam kong mag-e-enjoy ka." Nakangiting sabi nya.
Yaaa! He's smiling. Ang gwapo niya talaga. "Sige."
"Janna.."
Tumingin ulit ako sa kaniya sa tabi ko.
O______O
Oh my God. Bakit..bakit magkalapit na magkalapit ang mukha namin?
Napalunok tuloy ako habang na-stuck yung sarili ko. "A-Ah..."
O_______O
"Whoah!"
"Kakakilig!"
"Perfect couple!"
He...he....kiss me in front of our classmates!?
At ngayon, magkadikit pa rin ang mga labi namin. Hindi ako makagalaw. Shemay. Bakit ganito ang pakiramdam ko.
Ang puso ko..
OH MY GOD hundred times.
Ang lakas ng heartbeat ko. Hindi ko 'to nararamdamn kay Ace. Kay Adrian lang. Maybe because he's the one I love? Dahil sa pagkakaalam ko,
Love doesn't depend on sight or sound, just HEARTBEATS..
*
A/N : Hashtag #SLY
@pinkyjhewelii on twitter
@pinkyjhewel on instagram
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top