Chapter 12 ♥ WHAT?
Janna POV
"JANNA!"
"JANNA!"
Sigaw nina Adrian at Jerome ang huli kong narinig bago ako tuluyang mahulog sa hagdan. Napapikit nalang ako habang hinihintay na lumapat ang likod ko sa semento.
Pero napamulat ako nang maramdaman ko ang brasong sumali sa'kin. Huh?
Pagtingin ko..
O______O
"SINONG TUMULAK SAYO!?"
Kpayn. Si Raven na umuusok na ang ilong sa galit. "W-Wala.."
"Anong wala!?" Singhal ni Raven saka umakyat kami sa tuktok ng hagdan kung saan ako galing. Yung mukha nina Adrian at Jerome, nanlalalaki ang mata nang makita si Raven. "Dalawa kayo pero hinayaan nyong mahulog si Janna!? Paano kung hindi ko sya nasalo? The fvck!" Sigaw ni Raven saka ako ibinaba.
Badtrip yata ang kapatid ko. "Raven.." Hinihila-hila ko pa sya sa manggas ng tshirt nya.
"Hindi ba kayo sasagot!? Sino ang may kagagawan non!?" Sigaw pa din ni Raven. Yung dalawa hindi pa din makapagsalita.
Ako natameme din. Palabiro yang si Raven pero pag naman nagseryoso, nakakatakot.
"Walang may kasalanan." Lakas-loob na sagot ni Adrian.
"WALA!?"
Napapakislot ako tuwing sisigaw si Raven. "Wala talagang may kasalanan. It was my fault.." Singit ko.
"Hindi ikaw ang kausap ko Janna." Sabi ni Raven saka tumingin ulit sa dalawa. "Wag na wag kong makikitang lumalapit kayo kay Janna ha? Pag nakita ko pa kayo, malalagot kayo sa'kin." Banta ni Raven sa dalawa.
"Teka nga, sino ka ba para umasta ng ganyan?"
O_____O
Paktay. Di pa nga pala sya kilala ni Jerome. "A-Ah, eh.." Nautal ako bigla.
"SINO AKO!?" Nanlaki ang mata ni raven. "Tatay ni Janna."
=_____=
"ANO!?" Sigaw ni Jerome.
"Tang*na! Sa gwapo at bata kong 'to, tatay? Naniwala ka naman? Common sense mo nasaan? Kapatid ako ni Janna! Kaya wag na wag na kayong lalapit pa sa kanya. Isa ka pa Buenavista."
"T-Teka brad--"
"Tara na Janna." Hinila ni Raven yung kamay ko. Nakatalikod na kami nang sumigaw si Adrian.
"I love you Janna!"
O____O
>.<
"Manahimik ka Buenavista! Lakas ng loob mong isigaw yan porke tayo tayo lang ang tao dito. Dun ka sumigaw sa maraming tao!" Sigaw ni Raven.
=_=
Napatingin tuloy ako sa paligid. Kami nga lang ang tao. Magsasalita pa sana ako nang hilahin na naman ako ni Raven hanggang sa makarating kami dito sa garden.
"What was that Janna? Sino yung isang lalaking mukhang sisiw?"
=_=
"Sinong mukhang sisiw?" Tanong ko. Baliw talaga 'tong si Raven.
"Yung kasama ni Buenavista."
=_____=
So mukhang sisiw pala si Jerome? Nemen! "Raven naman! Hindi siya mukhang sisiw. Member yun ng tigers."
"Manliligaw mo din?" Tanong nya.
Teka? Manliligaw ko ba si Jerome? Hindi naman ah. "No. He's my friend."
"Pero aminin mo nga sa'kin Janna. Bakit muntik ka ng mahulog sa hagdan? What happen? Tinulak ka ba ni Buenavista?"
=_=
Makapagbintang naman si Raven. "No. It was all my fault." I sighed. "Kinilig kase ako kaya nawala ako sa concentration."
"What the fvck! Kinilig ka!?"
=_=
"Oo." Matipid kong sagot.
"Sobra ka namang kiligin. Talagang mahuhulog ka pa sa hagdan. Langya! Bakit ka naman kinilig?"
Eeee! Sasabihin ko ba? "Si Adrian kase.."
"Ano?"
"Sabi niya mahal nya ak--"
"WTH! Mahal, mahal! Naniwala ka naman? Ikaw Janna sinabihan ka lang na mahal, kilig ka agad. Malay mo kung hindi naman sincere."
"Raven naman. He's sincere." Sabi ko. Kita ko naman sa mga mata ni Adrian na sincere sya sa sinabi nya.
"Tch. Tama na nga yan. Nga pala, uuwi daw si Papa ngayon. Umuwi daw tayo ng maaga. May mahalagang sasabihin si Papa sa'tin."
"Ano naman kaya yun?"
"I don't have any idea. Mas mabuti pa, umuwi na tayo." Yaya ni Raven saka tumayo na.
Tumayo na din ako. "Let's go."
-
Nandito ako sa kwarto ko. Sabi ni Raven mag-ayos daw ako kase may dinner daw kami mamaya. May bisita daw kasi si Papa kaya ayun.
Sinuot ko ang dark blue mini dress ko. Simpleng inilugay ko ang buhok ko. Nilagyan ko lang ng clip. Then I wear my dark blue heels. Perfect!
"I'm ready." I said to myself while facing the human size mirror.
*tok tok*
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok ro'n. Lumapit ako saka pinagbuksan yung kumakatok.
"Miss Janna nand'yan napo ang Papa niyo. Bumaba na daw po kayo sa dining area." Sabi ng katulong.
"Okay. Bababa na din ako." Sagot ko.
Dug, dug..
Dug, dug..
O_O
Bakit ako biglang kinabahan? Magdi-dinner lang naman kami nina Papa sa baba? Aish.
Pinasadahan ko ng huling sulyap ang sarili ko bago lumabas ng kwarto ko. Nakasabay ko pa si Raven pababa ng hagdan.
"You look beautiful tonight." Puri nya sa'kin.
"Th--"
"Just kidding."
=___=
"Argh! Kahit kelan ka talaga Raven!" Sigaw ko ng bilisan niya ang pagbaba sa hagdan. Baliw talaga yang kapatid ko.
Nang makalapit ako dito sa dining area, humalik ako sa pisngi ni Papa. "Hi 'Pa." Bati ko.
"Iha. Maupo kana." Sabi nya. Si Raven nakaupo na. Asan pala yung bisita namin? Wala pa?
"May darating tayong bisita. Malapit na raw sila." Sabi ni Papa.
Tumango lang ako.
"Oh, andito na pala sila." Napatayo si Papa kaya napatingin ako sa direksiyon kung saan sya nakatingin.
O_O
Bisita sila ni Papa? Paano? Bakit..
"Anak, Janna. Meet your soon to be husband."
O______O
WHAT!?
**
A/N: Sinetch itey? Use hashtag #SLY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top