SFFY 9

Dear Diary,

Isa akong dakilang martyr. Kung mayroong "Best Martyr of Love" awardee. Ako na ang siguradong panalo.

Wala pa ring nagbabago sa friendship namin ni Karl. Nag-iba lang ngayon ang priorities niya. I used to be his priority. Now, I am now in second place.

Niyayaya nila ako sa mga lakad nila. Para na ring naging Barkada kaming tatlo. Third wheel ako sa lahat ng lakad nila. Maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pinapakita ko talaga na hindi ako apektado na kahit sa loob-loob ko, gusto na sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Dun ako magaling eh. Hiding my emotions.

I can see that they love each other and happiness in their eyes.

Naawa nga ako sa sarili ko. Parang akong nanlilimos ng pagmamahal at atensyon. Imbes na lumayo ako, pilit pinagsisisikan ang sarili ko sa kanila. Na kahit sa ganon paraan man lang ay makasama ko si Karl. Kahit saglit lang. Kahit kathang isip lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top