Chapter 12: I wish the stars will all fall down (part 2)

***

Pagdating namin sa bahay, saktong nando'n si Jepoy. Magkausap sila ni Kuya sa bakuran nang mapalingon sa sasakyan namin.

Pagbaba namin, ngumiti siya kahit hindi abot sa mata niya. Nakasimangot naman ako.

"Sakto dating n'yo. Nakahain na sa loob. Ite-text ka na sana eh," sabi ni Kuya. Tumango lang siya kay King.

"Ito na 'yung ice cream." Iniabot ko kay Kuya 'yung plastic ng ice cream na bitbit ko. Nakay Jepoy ang mata ko.

"Pa'no, brader," sabi ni Jepoy na kay Kuya lang nakatingin. "Nasa'n na 'yung parts para makauwi na 'ko."

"Nasa likod-bahay. Kunin mo na lang. Gutom na 'ko."

Nagtapikan lang silang dalawa tapos pumunta si Jepoy sa likod-bahay. Nagyaya naman si Kuya na pumasok kami sa loob.

We went inside the house and casually sat at the table. Nagtatanong sina Mama at Mi tungkol sa pelikulang pinanood namin pero nahihirapan akong sumagot. Distracted ako na nasa likod lang ng bahay si Jepoy. Baka hindi na naman kami magkakitaan kapag hindi ko pa siya kinausap ngayon. Isa pa, nagpupuyos pa rin ako dahil sa ex niya.

Mabuti nang tumayo ako ngayon habang hindi pa 'ko naglalagay ng pagkain sa plato ko at nagsisimula pa lang silang sumubo.

Binulungan ko si King. "Mag-e-excuse muna ako, ha? Dito ka na lang. Kain ka lang."

"Why?" he asked in a low voice.

Ngumiti lang ako. Tumingin ako kina Mama. Nag-excuse. "May gagawin lang po ako sandali."

Alam kong kung wala si King, pipigil sila dahil bawal sa bahay ang biglang umaalis sa gitna ng pagkain.

"Mabilis lang po ako," sabi ko pa, mahigpit na hawak ang cellphone ko. Kinindatan ko si Mi para magdaldal at mawala ang atensyon sa'kin. Bago ako makalabas ng kumedor, narinig ko na siyang nagkukuwento tungkol sa isang video project nila.

Sa backdoor ako dumaan at sinigurong naka-lock ang pinto. Sakto lang ang liwanag doon para kumilala ng mukha. Inabutan ko si Jepoy na nakatalikod sa gawi ko at may kausap sa cellphone niya.

"Ano? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," sabi niya. "Dahan-dahan lang. Sinong magsusumbong? Sinong nakakita sa'yo?"

Kumunot agad ang noo ko. Sinong kausap niya? Bakit parang si Denise agad? Inuunahan pa 'ko ng babae niya?

"Bakit ako maniniwala? That's nonsense, Denise."

Si Denise nga. Na naman. Pa rin. Palagi. I was so freaking tired of the girl, for god's sake!

Nanginiginig ako sa galit at panggigigil. He shouldn't talk to her. Mabibilog na naman ang ulo niya. Kaysa mabilog ang ulo niya, mabilis akong nakalapit at hinablot ang cellphone na hawak niya.

"Diane?" tawag niya sa pangalan ko nang pumihit sa'kin.

Nasa screen ng cellphone niya ang atensyon ko. Naka-display roon ang pangalan ni Denise.

Fck. Si Denise nga talaga.

Kaysa tapakan ang cellphone niya at sirain, ako na ang nag-cancel ng call. Matalas ang mata ko nang tumingin kay Jesuah.

"What do you think you're doing?" madiing tanong ko sa kanya.

"What?" parang nalilitong tanong niya.

Pumindot ako sa cellphone ko at binuksan ang gallery ko na may mga pictures ni Denise. Inihagis ko sa kanya ang gadget. Muntik niya pang hindi masalo. Nang i-check na niya ang cellphone, nangunot lang ang noo niya.

"Nakita ko siya kanina sa mall. May kasama na naman siyang iba," panimula ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa dami ng gusto kong sabihin. Gusto kong sumigaw at magwala sa harap niya. Gusto ko na rin siyang sampalin. Pero dahil hindi ko magawa, nanginginig ako.

"Okay."

I couldn't believe my ears. "Okay? Okay lang? Okay ka lang?"

Nagbuga siya ng hangin. "I know about it."

"What the fck is wrong with you? You know about it? So, okay lang? Okay lang na ganyan? Kung kani-kanino ka ipinagpapalit? Kung sinu-sino ang kasama niya at ipinapakilala niyang boyfriend niya? Magka-pride ka naman!"

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ni Jesuah habang nakatingin sa'kin. Ang naiintindihan ko lang, kapag sumagot siya nang pabalang, sasampalin ko talaga siya. At bumubuhos ang lahat ng emosyon ko. Hindi ko alam kung pa'no pigilin.

"She doesn't deserve you! You're too good for her! She's worst! She will hurt you! She will make you feel miserable! She might have picked you once but she would always disregard you then come back to you when it's convenient.

"Wala ka bang mata? Ayokong nasasaktan ka kaya bakit parang gustong-gusto mo? Ayokong nagmumukha kang tanga pero okay lang sa'yo! Ayokong kawawa ka! Ayokong malungkot ka! Ayokong naiiwan ka na parang hindi ka dapat mahalin nang tama dahil kalokohan 'yun!

"You deserve it all! You deserve someone who sees you as your funny, dorky, weird, adorable, miserable self! Why are you so freaking dumb?!

"Why are you such a pain?! I don't want to think about you nor worry about you anymore! But you make me! I don't even know why I'm looking at you and to whatever dumb thing it is that you do! But I keep my eyes on you just in case. I look at you just in case. I wish on stars for you just in case. I worry about you just in case! I—"

Natigilan ako nang bumangga ako sa dibdib ni Jepoy. Basa ang mukha ko sa luha. Masakit ang lalamunan ko sa emosyon. At mainit ang mga braso niyang nagkulong sa'kin.

Anong katangahan 'to? Bakit niya 'ko yakap at bakit ako umiiyak? I was angry and this was...

Nanuot sa'kin ang bilis ng tibok ng puso niya at ang tensyon sa katawan niya. Pakiramdam ko, gaya ko, hindi siya makahinga nang maayos. Gaya ko, parang nanghihina siya sa kabila ng higpit ng yakap niya. I didn't know that I was so tired. I felt like melting away in his arms.

Tumagal kami nang ilang minuto na gano'n lang. Nakakulong ako sa bisig niya. Hindi siya nagsasalita. Kusa ring tumigil ang luha ko. The embrace was getting awkward as more time ticks. Pero walang kumakalas sa'min.

Hindi ko alam ang sasabihin o iisipin ko.

"Sht. I'm sorry, I wasn't thinking straight," mahina ang boses na sabi niya. "Nayakap kita."

Napalunok ako. Papalakas kasi ang tibok ng puso niya. Gumagaya ang puso ako.

"I'm sorry. Masyado akong masaya na nahatak kita bigla."

"Hey..." pati boses ko, nanginginig din.

"I heard you, Diane. Don't shout anymore. Mamamaos ka."

Hindi paos ang problema ko, kundi kung pa'no aalis sa bisig niya o iintindihin ang mga sinasabi niya. Dahil lang naaamoy ko siya at nararamdaman sa balat ko, pumapalya ang isip ko.

"I'm sorry about Denise," patuloy niya sa malumanay na boses. "Sabi ko naman sa'yo, hindi ko siya binalikan. She can date whoever she likes. Hindi ako masasaktan."

Nakuyom ko ang tagiliran ng kamiseta niya. Anong sinasabi niya? My brain wouldn't work.

"Listen to me, Diane," patuloy niya. "I—"

"Diane?" tawag ni King.

Mabilis kong naitulak si Jepoy bago lumingon. Nakatayo si King sa tagiliran ng bahay. Nanlamig ako nang magkatinginan kami.

"Hindi ka pa ba babalik sa loob?" tanong nito.

Nilingon ko si Jepoy. Malungkot ang mga mata niya sa'kin.

"Come on. Let's eat," sabi pa ni King.

Pero magkahinang ang mata namin ni Jepoy. Pagkatapos, ngumiti siya. "You should eat dinner, Diane. Give me my phone back," aniya pa.

Hindi ako makahakbang kaya siya ang humakbang nang isa palapit at inilahad ang kamay niya. Nanginginig kong ibinalik ang cellphone niya. Nasa balat ko pa ang init ng katawan niya.

"Thank you for the heads-up about Denise. Don't worry about it, anymore," sabi ni Jepoy. "Kumain na 'ko kaya 'wag mo na 'kong yayain. May kukunin lang ako rito sa tambak ni Ivan tapos aalis na rin ako."

He sounded okay but... "O-okay."

Bago ako makalingon uli kay King, lumapit na ito sa'kin at umakbay. "Let's head back."

Sa tagiliran ng mata ko, nakita kong nakatingin si Jepoy hanggang bumalik kami sa loob ng bahay.

What the fck just happened? # 0721 u / 09302017

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top