Chapter 01: Ice cream and beer
TCWDM: Use #SecretlyWP for tweets. :3
***
"Itigil mo ang kotse," malamig na sabi ko kay Jorem.
"Ha? Why?" tanong niyang nakahawak sa manibela.
"Stop it," mas madiin na sabi ko. "Bababa ako."
Pinatay niya ang makina ng kotse ilang metro bago ang entrance sa underground parking ng isang motel. Humawak siya sa kamay ko pagkatapos.
"Diane... ayaw mo ba?"
Napabuntonghininga ako. It always comes down to this. Nagsasawa na 'ko.
I looked him in the eye. "Let's break up."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hey. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo."
Totoo siguro ang sinasabi niya. Hindi niya 'ko pipiliting pumasok sa isang motel ngayon. Pero kung nagawa niyang mag-drive ngayon at mag-assume na papayag na lang ako basta sa gusto niyang mangyari, pwede niyang gawin uli. Worst case scenario, when I'm drunk or vulnerable. Pwedeng hindi niya 'ko pilitin ngayon, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi niya susubukan. I don't want him trying to get me into bed.
"Let's just break up," sabi ko sa kanya. "It's easier."
Kunot ang noo niya. Matiim ang pagkakalapat ng mga labi. Gumagalaw ang mata niya para basahin ako. Pero sigurado akong wala siyang maiintindihan sa'kin. Men can't read women they're not committed to. I, on the other hand, learned to read expressions and tensions for answers than asking actual questions. Words lie. Expressions do not. Tensions do not. Lalo na ang actions.
"Come on. Three months pa lang tayo," sabi ko. "You'll get over me soon enough."
He finally had the tongue to answer me. "That's not the point. Itatapon mo lang 'yung tatlong buwan?"
That's actually my whole point. Ano ang pagkakaiba ng tatlong buwan na papunta lang sa walang tanungang pagdadala sa'kin sa motel, sa apat o lima o higit pang buwan ng parehong attempt?
"Why? Are we sharing something special here?" malamig na tanong ko sa kanya. "Hindi ba para sa araw na 'to 'yung tatlong buwan na inaksaya mo sa'kin?"
Anger glinted in his eyes. Matigas na ang panga niya. Dominante ang mga anggulo ng mukha sa tensyon.
"Don't tell me you have feelings for me when it's clear that you don't," sabi ko. "We've had our fun. I don't want what you want."
"Bakit? Ano pa bang ipinagmamalaki mo? Ibinigay mo nga ang sarili mo kay Sherwin at Benj. Mas matagal ang investment ko sa'yo. Bakit sa'kin hindi pwede?"
Naunang lumipad ang palad ko sa pisngi niya bago ako makapag-attempt mag-isip. Matunog ang sampal sa loob ng kotse. Masakit sa kamay.
Napabaling ang mukha ko sa nang tumampal din ang palad niya sa pisngi ko. The slap stung and burnt. Namanhid ang pisngi ko.
But I was still composed.
Pagbalik ng mata ko sa kanya, may panic sa mukha niya. His eyes were wide. His mouth almost opened. There's already a wall between us. Gusto niya 'kong hawakan pero hindi niya magagawa.
"I guess we've broken-up now," sabi ko sa kanya at binuksan ang pinto sa tagiliran ko.
Bumaba ako. Siguradong hahabol pa siya. At namamanhid pa rin ang pisngi ko.
"Diane, I'm sorry—"
"Yanyan?"
Malaki ang matang napabaling ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. I was called by my pet name and that means trouble. Nagtagpo ang mata namin ni—
"Jesuah..." halos bulong ko. Tumikhim ako. "J-jepoy."
"Ano 'yang..."
Tinakpan ko ng kamay ko ang pisngi ko bago ako bumaling kay Jorem. "Go."
"But I don't want to br—"
"Go!" sigaw ko sa kanya. This idiot didn't know what's coming for him. Kapag naintindihan ni Jepoy kung ano ang nangyayari, siguradong—
Sumalpok si Jorem sa kotse niya nang tamaan ng kamao ni Jepoy. He cursed. Gaganti dapat siya pero nasuntok uli. I stared wide-eyed while they fought like dogs on a cage. Matangkad si Jorem pero mas matangkad si Jepoy. Mabilis, pero mautak si Jepoy. Pagsalpok uli ni Jorem sa kotse niya, binuksan niya ang pinto, pumasok, at pinaharurot iyon.
Matunog ang mura ni Jepoy sa papalayong kotse. Mahaba ang mura. Malinaw. Marami. Napapatingin ang karamihan pa na dumaraan sa kalye.
"Hey, stop it!" sita ko at hinatak siya sa braso. There must be his car somewhere.
Nakita ko ang kotse isang kanto ang layo mula sa motel. Do'n ko siya hinatak.
"Open the door," sabi ko na iniiiwas ang mata kong katagpuin ng kanya.
Kinuha niya sa bulsa niya ang susi ng kotse niya at pinindot. Inunahan ko siya sa pagbubukas ng pinto sa passenger's seat. Kusa rin akong pumasok.
Pag-upo niya sa driver's seat, walang nagsasalita sa amin.
Awkward ang silence kapag alam mong palasalita ang isang tao. Jepoy's not the guy with the 'quiet and mysterious' aura. Siya 'yung lalaking mapang-asar, nakakainis, at feeling close. Kuya siya ng childhood bestfriend ko na si Ishayana. Bestfriend din ni Kuya Ivan. Mas matanda siya ng apat na taon sa'kin. Kasalukuyan ay Engineer na. We lived in the same compound years before; spent a good amount of time growing up together before our family moved to our permanent house. He calls me...
"Sungit, anong nangyari sa'yo?" tanong niya sa'kin.
Hindi ako bumaling sa kanya dahil natatakot akong tumingin siya sa'kin. No'ng bata pa kami, sinabi niya sa'kin na nababasa niya ang iniisip ko sa mga mata ko. Napaniwala niya 'ko dati. At parang hindi nakontra ng paglago ng common sense ko ang paniniwalang 'yun.
"I don't want to talk about it," sabi ko.
Pumalatak siya. "Wow. English."
I hissed. Tell me again why I went inside his car voluntarily?
Rush hour na mayamaya, Yan. You need a ride, kumbinse ko sa sarili ko.
Akala ko, mang-aasar pa siya pero binuhay niya ang makina at pinaandar ang kotse.
***
"Lagay mo sa pisngi mo."
Napatingin ako sa iniaabot na popsicle ni Jepoy. Maayos ang seal niyon.
"I wasn't punched," sabi ko sa kanya. "Baka ikaw ang may kailangan."
Umayos siya ng upo sa driver's seat. Ibinalik niya ang popsicle sa hawak niyang plastic bag at kumuha ng canned beer. "Ito na lang kung ayaw mo no'ng isa."
Tinanggap ko ang beer.
Nakahinto ang kotse sa parking ng isang gas station. Ayoko pa kasing umuwi. Not with my cheek burning. Inaasahan kong may pasa ako mayamaya o kinabukasan. Bumili naman siya ng kung anu-ano sa katapat na convenience store.
Pagbukas ko ng beer, kasabay niyang binuksan ang latang hawak niya. Nauna siyang sumimsim doon.
"Iinom ka? Magda-drive ka," paalala ko.
"Hindi naman ako maglalasing."
"Kahit na," sabi ko. "Ayokong madisgrasya sa kalye."
" 'Pag nalasing ako, ipapasundo kita kay Hakob," sagot niya. Ibinaba niya ang upuan niya. Nag-concentrate sa pag-inom.
Uminom ako sa lata ng beer ko. It's cold and bitter.
Madilim sa loob ng kotse. The clock in the dashboard says it's 7:36 in the evening. Nasa bahay na siguro si Mi, kapatid ko. Si Kuya Ivan naman, baka nasa talyer pa rin kasama si Papa. Si Mama, magsasara na ng tindahan. Nag-text ako sa kanilang lahat na male-late ng uwi dahil may date ako. I thought, I was going to watch a great movie today. Breakup day pala uli.
Naputol ang iniisip ko nang dumikit sa pisngi ko ang malamig na bagay. Panyo ni Jepoy 'yun. Naaamoy ko ang pabango niya. Nakabalot yata sa panyo ang popsicle.
"Kailangan mo 'yan. Ang pula ng pisngi mo kanina. Bakat pa 'yung kamay ng gago," sabi niyang hindi nakatingin sa'kin.
Kinuha ko sa kamay niya ang popsicle at inilapat nang mabuti sa pisngi ko.
"Whatever."
The silence lingered between us, bago siya magsalita sa mababang boses. "Siguruhin mong break na kayo no'n. Baka madurog buto no'n sa'min ni Ivan."
Lumunok ako. Napakagat sa labi ko. Madilim halos sa kotse at hindi naman siya nakatingin sa'kin, pero tumagos 'yung sinabi niya. Hindi ako nasaktan sa sampal kanina... pero ngayon, parang nasasaktan na 'ko. Hindi ako naiiyak kanina, pero ngayon, naluluha na 'ko.
"Oo. Break na," mababa ang boses na sabi ko.
"Buti naman."
Ibinaba ko rin ang upuan ko at tumitig sa bubong ng kotse niya.
"Masakit?" tanong niya, dinig ko ang paglagok ng beer.
"Natural. Ang bigat ng kamay niya, eh."
" 'Yung break-up. Halata naman na masakit 'yung sampal. Bakat kamay no'ng gago."
Uminom ako ng beer. Ano'ng sasabihin ko?
"Speechless ka?" untag niya.
"Nag-iisip ako. Nagmamadali ka ba?"
"Nagmamabagal ka ba?"
I hissed. Mahina siyang tumawa.
"Hindi yata," sagot ko.
"Totoo?"
The truth was that I wasn't feeling anything noteworthy about the break up. Kaya bumaling na lang ako sa kanya. "Bakit ang tsismoso mo? Interesado ka talagang malaman?"
"Bakit ang sungit mo? Ayaw mo bang sagutin?" tanong niyang bumaling na rin sa'kin. Ginaya niya ang simangot ko nang ilang segundo bago ngumiti. "Ano ba kasing ginagawa mo ro'n? Hindi ka dapat nagpapadala ro'n kung ayaw mong maging kriminal si Ivan."
" 'Wag kang madaldal kay Kuya," banta ko. Matalim ang mata sa kanya.
"Ano munang ginagawa mo ro'n, sungit? Maggo-group study kayo? Huminto kayo sa entrance para hintayin 'yung group members n'yo?"
Gusto ko na siyang sampalin pero ang kaswal niyang magtanong. Tapos, mahaba 'yung sagot sa tanong niya at tinatamad akong magsalita.
" 'Wag mo nang usisain 'yun. Tapos naman na," sagot ko.
"End of statement agad. Ang daming beer, ayaw magkwento."
"Shut up."
Uminom ako ng beer at nag-iwas ng mata sa kanya. Dama kong nakatingin siya sa'kin. Naghihintay. Pero mahirap i-explain ang sagot sa itinatanong niya. Kailangan kong magsimula sa unang taon ng college life ko para mabigyan ko ng hustisya 'yung senaryo. Nakakapagod.
Natahimik kami. Dama kong natutunaw 'yung popsicle sa panyo. Unti-unti.
Alas-otso na. Pagpatak ng 8:30, dinner na sa bahay. Sana pala, umuwi na lang ako nang maaga.
"Bababa ako. May ipapabili ka?" untag uli ni Jepoy sa'kin.
Umiling ako. "Wala. Take your time."
Wala na siyang ibang sinabi. Bumaba na lang. Naiwan ako sa dilim ng kotse, sa sagot sa tanong niya.
Pa'no ako napunta sa harap ng motel? It's because I don't fit in.
Ang layo ng sagot pero 'yun ang tamang sagot. Masaya ang high school life ko. I graduated with honors. I was part of the theater club. Kaklase ko si Mi na mas bata sa'kin ng isang taon at si Iya. The three of us were inseparable.
But after graduation, our courses separated us. Si Iya, lumipad papunta sa New York para doon mag-aral ng Fine Arts. In-sponsor-an siya ni Auntie Shenna, kapatid ni Tito Louie na Papa niya. Doon nakatira si Auntie Shenna sa New York. Kinabukasan lang pagkatapos ng mismong graduation day, umalis na siya.
Si Mi naman, Broadcasting ang naging course sa ibang University. Matagal na naming alam ni Iya na gusto niyang mag-artista pero hindi namin alam na seryoso siya. Nag-apply siya sa University kung nasaan ako pero napunta sa waiting list.
Ako, napunta sa Business Management. Gusto kong nag-o-organize ng events at ito ang pinakamalapit sa gusto ko. Matutulungan ko rin sina Mama at Papa sa pag-aasikaso ng legal things sa talyer namin.
No'ng nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo, akala ko, okay lang. Naisip ko, kailangan din naman naming makita ang mundo nang hindi kami magkakasama. We should grow on our own; learn things; create relationships. Ang optimistic ko. Mas inalala ko si Mi dahil kahit no'ng high school, nabu-bully siya dahil lang chubby siya. She's a cute chubby but skinny girls think otherwise. 'Yun pala, ako ang magkakaproblema.
I thought, I was okay; that I would and could easily adapt. Pinroblema ko pa kung pa'no kapag nakakita ako ng bagong set ng kaibigan at pagselosan nina Mi at Iya. Mali pala ako.
I don't fit in. I tried, but it didn't work. I can't make small talks to other girls. Kung kami nina Iya at Mi, kayang pag-usapan ang flavor ng ice cream to Antarctica's snow to penguins to Korean bingsu to Korean drama to hot oppas... sa bagong environment, hindi ako maka-relate. They like ice cream, too. Gusto rin nila ang penguins at K-drama. But I was offbeat. Hindi ako natatawa sa pinagtatawanan nila. Hindi ako interesado sa interes nila. Lalong hindi ako interesadong marinig ang buhay nila.
Gano'n din sila sa'kin. They were a little interested in me until they decided that I was a bore. I was too serious for small talk. I was too disengaged for gossips. I was... insert almost-the-same-as-bore adjective.
Wala akong naging malapit na kaibigan ng first year college. Grupo-grupo ang mga babae but I don't belong to any group. Pagdating ng second year, gano'n pa rin. So, I started dating.
It's easy to date because boys like a pretty face and a mature body. Walang uniform sa university pero kahit nakakamiseta ako, litaw ang hubog ng dibdib ko. Maputi ako. I was top of the class. At mukha akong nangangailangan ng company dahil wala nga akong kaibigan. Bago mag-end ang second year college, napalitan ang reputasyon ko mula sa pagiging bore sa pagiging easy.
It only took one wrong picture to ruin my image. Gabi no'n. I was too drunk with my boyfriend. We drove around. I took a picture with him, all smiles, with his arms around me. At na-capture ang motel sa likuran namin.
The boyfriend wanted to take me inside the motel that night, but I refused. Nag-break kami ng gabing 'yun dahil pinipilit niya 'ko. Kinabukasan, pinagkakaguluhan na sa klase ang picture namin. People assumed I gave myself to him and he dumped me. He didn't bother correcting them. I tried to explain and they tried to look like they believed. And I thought, they did. Pero nang mag-break kami ng ikalawa kong boyfriend, sinampal lang ako ng katotohanan na walang naniwala sa paliwanag ko noon.
Simple lang ang rason ng break-up: The second boyfriend wanted to take me to a motel, too. Kasi, nagawa na rin daw ng una kong boyfriend.
When I broke up with the second one, another round of rumor surfaced. Mula no'n, ako na 'yung 'mukhang seryoso pero nasa loob ang kulo' na babae. The 'pervy girl who likes to pretend to be smart'. The 'mukhang matino pero malandi talaga'. Even professors tried hitting on me. Muntik na 'kong umiwas magsuot ng mga damit na magpapakita kahit ng balikat ko lang dahil laging may interpretation na naghahanap ako ng something.
Now, I'm in third year and I was tired of all of it. Wala na 'kong pakialam sa iniisip, pinag-uusapan, o opinyon nila. I don't matter to them unless it's malicious gossips. They shouldn't matter, too.
But judgment still hurts from time to time. Kahit sabihin kong wala akong pakialam.
Nakapikit na 'ko nang bumukas uli ang pinto ng kotse at pumasok si Jepoy.
"Tulog?"
Umiling ako. I just finished a can of beer. Pa'no akong makakatulog sa gano'n lang?
"Here."
Napilitan akong magmulat para tingnan kung anuman ang iniaabot niya. Ice cream pala.
"Hindi ka kumakain ng cookies and cream?" untag niya nang 'di ko agad abutin ang naka-wrap na cone.
"May iba pa bang flavor?" tanong ko.
"Wala."
Sumimangot ako at tinanggap ang iniaabot niya. Tinanggal ko sa wrap ang ice cream at kumagat. It's cold and sweet. It's familiar.
Sobrang adik namin sa ice cream nina Iya at Mi no'ng high school. Eating one brings back memories.
Binuksan din ni Jepoy ang kanya. Ang laki ng ngiti niya nang mapatingin ako. Rocky road ang hawak niya.
"Sinungaling," sabi ko at umirap. "Sabi mo, walang ibang flavor."
"Wala naman talaga. Para sa'kin 'to eh. Walang ibang flavor para sa'yo."
Kumain na lang ako. Nakakaasar talaga ang lalaking 'to. Bakit ko uli siya naging crush dati?
"Mas gusto mo ba 'tong rocky road?" tanong niya.
"Ibibigay mo ba 'yan sa'kin kung mas gusto ko 'yan?" balik-tanong ko.
"Ibibigay mo ba sa'kin 'yang cookies and cream kahit kinakain mo na?"
Nailing ako sa tanungan namin at iniabot sa kanya ang cookies and cream na hawak ko. "If you want."
Kumagat siya sa ice cream ko at iniabot sa'kin ang hawak niya. "Trade."
Napalunok ako. "Seryoso ka ba?"
"Bakit? Nagjo-joke ka ba kanina? Kasi, wala namang punchline. Kunin mo na."
Nagtitigan kami saglit bago nagpalit ng ice cream.
"Bakit ka nga nando'n kanina?" tanong niya uli.
"Tsismoso ka, 'no?" sabi ko. Pinanood ko siyang kainin ang ice cream ko. He didn't look troubled by it.
"Curious. Do'n kita nakita eh. Ikaw? Bakit ka tumititig sa tsismoso? Gusto mong bawiin 'yung ice cream mo?"
Umirap ako. "Ano ring ginagawa mo ro'n sa motel? Wala ka namang kasama," tanong ko. "Sige nga. Ikaw ang magkwento."
"May sinusundan ako. Do'n nagpunta," sagot niya.
"Stalker ka? Engineer ka dapat, ah."
"Ang alam ko, ako 'yung boyfriend."
Natahimik ako. Si Denise siguro ang tinutukoy na naman nitong kolokoy na 'to.
"Isu-surprise date ko sana 'yung alam kong girlfriend ko. Pagdating ko sa opisina nila, maaga raw nag-out. Na-trace ko kung saan nanood ng movie. Sinundan ko hanggang motel. Akala ko, may meeting lang do'n, eh," sabi niya. Kaswal. Parang nagkukuwento ng experience ng ibang tao. Parang walang pride na dapat nasasaktan. No'ng nagkatinginan kami, halos walang mabasa sa mukha niya.
"Tapos?"
" 'Yun. May private meeting sila no'ng... 'di ko pa alam pangalan."
Pumatak sa soft pants ko ang natunaw na ice cream. I licked the melted parts off the cone.
"Pumasok ka sa loob?" tanong ko.
"Hindi na. Wala akong pambayad," sabi niya.
Sumimangot ako. "Nagjo-joke ka ba?"
"Natawa ka ba? Parang hindi naman. Gusto mo ba ng joke?"
"Utang na loob." I rolled my eyes again. "Brokenhearted ka ba talaga?"
Umiling siya. "Lampas na 'ko ro'n. Kaya nga hindi ako malalasing." Inubos niya ang kinakain niyang ice cream at inilagay sa plastic ang sirang wrapper. "Sa relasyon, mabo-broken ka lang kapag may pinanghahawakan ka pa. Tingnan mo ikaw, hindi ka brokenhearted."
Nagkatinginan kami.
"Why date her, then? Ang tagal n'yo nang on and off. Hindi ka pa sawa?" tanong ko. Silang dalawa kasi ni Denise, ancient story na sa compound na tinitirhan namin dati at sa inuman sessions nila nina Kuya Ivan at Jacob. Sawa na kaming sumubaybay. Gusto na naming matapos. Kaso, si Jepoy...
"Hindi pa. Kaya nga sinasagad ko. Para magsawa na 'ko."
Inubos ko ang ice cream ko. Kinuha niya ang kalat. Napalitan ng beer ang nasa bibig namin. Panibagong lata.
"Ikaw? Bakit ka nakikipag-date sa gago?" tanong niya.
"Sabihin ko talaga sa'yo?"
"Kung gusto mo, tanong na lang namin ni Ivan do'n sa gago," sagot niya.
"Wow. Blackmail ba 'yan?"
"Future scenario 'yun, sungit."
I pressed my lips together. Hindi malayo sa katotohanan 'yung future scenario na bigla silang uminom nina Kuya tapos idaldal niya si Jorem. Nagkibit-balikat ako at sinimplehan ang kwento. "I don't like him that much. He wanted to date. Wala akong boyfriend when he asked so I dated him. Three months na kami last week. He obviously wanted one thing from me so..." I let my words hang.
"Kaya sinampal mo?"
"There are... other things pa bago 'yung sampal. Pero break na kami kaya tapos na 'yun."
"Bakit ka sinampal?"
"Kasi sinampal ko siya."
Tumango si Jepoy. "Gago nga."
"Yeah. But don't worry about it."
"Don't date scumbags."
"Stop dating that Denise."
"Titigil din ako."
"Same."
"No," diin niya. "Stop dating scumbags now. Hindi pandagdag sa human experience 'yun. Masasaktan ka lang. Sayang oras mo."
"Stop dating that girl. Hindi pandagdag sa human experience 'yan. Masasaktan ka lang. Sayang oras mo," ulit ko sa sinabi niya. I smirked at him.
"Parrot ka ba?"
"Martir ka ba?"
Ngumiti lang siya. "Galing makipagsagutan ni Sungit."
"Pinigilan ko lang 'yung joke mong muntik lumabas. Baka ma-bad trip talaga 'ko ngayong gabi, eh."
Umayos lang siya sa pagkakasandal sa upuan niya at ngumiti. "Eh 'di good job."
Sumandal din ako sa upuan ako.
"Seryoso. 'Wag kang mag-date ng scumbag. Hindi bagay sa'yo."
"Seryoso rin ako. Hindi rin bagay sa'yo si Denise."
"Oo. Tao siya sa'kin eh."
I rolled my eyes. Mahina naman siyang tumawa.
"Gano'n siguro talaga minsan 'pag mahal mo pa. Kahit obvious na hindi ka naman mahal, aasa ka pa."
I tsked. "Kaya magpapakatanga ka?"
"Oo. Muna. Hanggang maubos pag-asa mo. Para 'pag sawa ka na, kusa ka nang aayaw tapos hindi na babalik."
"Martir ka nga. Kailan pa kaya mangyayari 'yung hindi ka na babalik?"
Bumaling siya sa'kin habang halos nakahiga sa upuan niya. "Bakit? Nagmamadali ka ba, Diane?"
"Hindi, Hesuah. Pero bakit nagmamabagal ka?"
He grinned. Kumurap naman ako. Engineer na siya pero gano'n pa rin siya ngumiti. Parang sa bata.
"Inaantok ako, Yanyan."
I hissed. "Sige. Itulog mo 'yung beer para makapag-drive ka mamaya."
"Alam ba sa inyong late ka na uuwi?"
"Yep."
Tumango siya bago pumikit. "Okay."
Humalukipkip siya. Nakatingin ako.
Ilang sandali siya sa gano'ng posisyon bago niya buksan ang isang mata niya at sumilip sa'kin. "Hindi mo naman ako tititigan, 'no? Baka ikamatay ko 'yung talim ng tingin mo habang tulog ako."
Umirap ako. "Matulog ka, Hesuah. 'Wag kang mag-hallucinate."
Mahina lang uli siyang tumawa. "Sungit mo talaga. Walang kupas."
Pinanood ko siyang makatulog. Nakatitig pa rin ako kahit nang seryoso na ang mukha niya at humihinga na siya nang malalim.
Somewhere, in a part of me which doesn't care about a lot of things recently, turned soft looking at him. But I'm sure it's just because of ice cream and beer. #0439ma / 08252017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top