CHAPTER 19
A S H Y
"Good morning, Ms," bati ni Gwen pagkapasok ko sa Shop. Ngumiti ako sa kaniya at tumuloy na rin patungong opisina. Pasimple naman siyang sumunod sa akin.
"Ang tagal mong nawala," sabi pa niya pagkabukas ko ng pinto. Pumasok ako at ganoon din siya.
"Araw lang ako nawala," tugon ko at isinara ang pinto.
"So, how's everything here?" Umiling siya ng kaunti. Umupo naman ako at muling bumaling sa kaniya.
"What do you mean by that?"
"Nag-resign na si Sylvia," giit niya.
"Nag-resign?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. "Kailan lang? At paano nangyari?"
She pulled a chair at umupo sa harap ng mesa.
"Ang sabi niya, hindi na raw siya masaya rito sa trabaho niya."
"Hindi masaya." May kung anong sumagi sa isip ko na hindi ko man lang maintindihan.
"Kailan lang siya umalis?"
"The next day pagkatapos mong mag-file ng leave."
"May iniwan ba siyang Resignation Letter?" mabilis kong tanong. At talaga namang ito ang bumungad sa akin pagkabalik.
"Wala."
Sumandal ako sa aking kinauupuan, and trying to think what exactly happened. Hindi ko lubos maisip kung may sayad ba iyong staff ko, o baka naman kasi ako ang may mali. Natawa ako na tila ba nagtatanong din.
"Sa'yo ba siya nagpaalam?"
"Hindi," tugon niya. "Hindi rin sya nagpaalam ni isa sa amin. May nakapagsabi lang sa akin tungkol sa kaniya."
"Ibang klase. Umalis siya ng hindi nagpapaalam. What an attitude?"
"Ms, may gusto ulit akong itanong sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Sigurado ka bang hindi mo talaga siya kilala?"
"Gwen, gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo." She took a deep breath at tumango. I even make a short nod.
"Kasi ang totoo," she paused, "dapat kilala mo siya."
"You sounded weird, Gwen."
"Tingin ko rin," she began to smile. "Pero ang weird n'yo rin kasi. Pareho kayong weird, Ms. Ash."
"You're playing a soft crap of joke, Gwen. Aren't you?"
She closes her attention on me, at sigurado akong totoo siya sa kaniyang mga sinasabi.
"She's a gamer, Ms. Ash. And you should know what I mean," she began to stand. "I'm not your stalker, but I knew what University the both of you came from. English University."
Mainit na enerhiya ang sumanib sa akin pagkarinig ko sa pangalang E.U. At para bang may gustong humila sa akin pabalik sa kung saan ako nagmula.
***
Palihim na nakipagkita si Tyra sa dating nobyo ng kaibigan. She wore different style of clothing just to looked better in hiding her identity.
Palingon-lingon ito at pasimpleng pumasok sa isang itim na kotse. Nasa loob nito si Rain na siya namang naghihintay sa kaniya.
"Hey," umupo siya saka sumenyas sa kaniya na agad ng umalis. At habang tumatakbo ang sasakyan, hindi mapalagay si Tyra sa mga nangyayari sa pagitan ng kaibigan at ni Rain.
"Matagal din kayong nag-stay doon," panimula ng binata. "And how's your trip?"
"Yeah," she swiftly answered. "We arrived safely naman, at alam mo yun. Kakaiba ang mga tao sa London. Pero mas kakaiba ang mga tao rito."
"Saan mo gutong pumunta?" tanong niya at saka bumaling sa kaniya.
"Sa lugar na hindi pamilyar," she simply said, smiling on him.
They went somewhere- sa isang tahimik na lugar at malayo sa modernisasyon. The Light house.
"Hindi nga talaga pamilyar," she teasingly said at agad na bumaba. Sumunod din naman si Rain sa kaniya.
"Maganda ba?" tanong niya sa palakad-lakad na si Tiara. Dinama nito ang ganda ng tanawin, maging ang malamig na simoy ng hangin.
"Sobrang ganda," sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lamang sa kaniya ang binata.
The lady stopped, getting her phone and took a selfie. Nakatingin lang sa kaniya ang binata. Sandali pa ay lumakad ito at tinungo ang itaas ng Parola at binigyan ng tanaw ang malawak na paligid.
"Gusto mo ba ang lugar na ito?" tanong niya pagkalapit dito.
"Mahal ko ang lugar na ito," sagot nito. "Sobra kong mahal."
"At malamang dinala mo na rin siya rito."
He simply smiled, at bakas sa mukha nito ang isang malalim na kilig.
"Ang lugar na ito ang saksi kung gaano ko siya kamahal," sabi niya. "Ngunit ito rin ang naging kanlungan ko sa matinding kasawian sa buhay."
"Gaano mo ba siya kamahal, Rain?"
"Higit pa sa buhay ko," malungkot niyang tugon.
"Gaano mo ba kakilala si Ashleigh?"
"Kilalang-kilala ko siya, Tiara." Bumaling siya sa kaniya. "Alam ko ang buo niyang pagkatao."
Yumuko ng kaunti si Tyra. Ramdam niya ang isang Pag-Ibig na kaya pa na maibalik. Alam niyang malabo na pero may tiwala siyang kaya itong buuin ulit. Dahil makapangyarihan ang Pag-Ibig at walang imposible rito.
"Naiintindihan kita, Rain," tumango siya at umangat ng tingin sa kaniya.
Muling ngumiti ang binata, "Adams is so lucky to have you, Tiara."
"And she's even more lucky to have a man like you."
"Ikaw lang din ang nagsasabi niyan," sagot niya at ibinalik ang tingin sa paligid. Nakaramdam ng konsensya si Tiara habang nakatuon sa binata. May kung anong pumipigil sa kaniyang magsalita.
"Mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?"
"Hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. At habangbuhay ko siyang mamahalin."
"Paano kung hindi na siya bumalik sa'yo?"
"May tendency, Tiara. There will be a chance na hindi na siya babalik sa akin."
"What do you mean?"
"Nasa ibang lalaki na siya ngayon. At ang masakit, kay Gage Khan pa."
"R-Rain." Hindi makapaniwala si Tyra sa sinabi ni Rain. Batid niyang wala itong alam at malalaman.
"Yes, Tiara," sabi niya at humarap sa kaniya. "At alam kong si Gage ang dahilan niya kaya siya nakipaghiwalay sa akin. At may malalim pa siyang dahilan bukod doon."
"Paano nga kung meron?"
"Then I will stop."
"Titigil ka na ba sa pagmamahal mo?"
"Kung kinakailangan." Tyra saw Rain's weak eyes. Nababalutan ito ng magkahalong emosyon.
"Kaya mo pa bang lumaban?"
"Gusto ko ng sumuko." Umiling si Tyra at mabilis na tumutol.
"No . . . Hindi mo kailangang sumuko. This is just a game of life. And Rain, naniniwala ako sa Forever. At sana ganoon ka rin."
Hindi sumagot ang binata sa kaniyang tugon. Bagkus, muli itong ngumiti- isang ngiti na may munting pag-asa.
**
A S H Y
I was stepping on when I pressed the bell. At hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Si Adams ang bumungad sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba o hindi na.
"Hi, Adams." I'm a lil bit shy on him. Serious-minded kasi ang tulad niya kaya ako naiilang.
"Hey, Maddy." Atleast cool siyang sumagot sa akin. Not bad.
"Pwede ko bang makausap si Tiara?"
"She's on the Bookstore, may binili. Come in." He opened the door wide at pumasok din naman ako. At hindi kagaya sa Folklore City, hindi masyadong malaki ang bahay na tinitirahan nila. Truly, Adams loved my soul sister. Hindi mahalaga ang mansion sa kanila. Dahil para sa kanila, tahanan nila ang isa't-isa.
"What do you want to drink, Maddy?"
"Water." He goes on the kitchen and went back with a glass of water by his hand at ibinigay iyon sa akin. Umupo siya pagkatanggap ko rito.
"Kumusta ka na, Maddy?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
Tumango ako, "I'm fine. Thank you for asking."
"Kumusta na kayo ni Rain?"
"Naghiwalay na kami," I said, lowering my head. "Ako ang nakipaghiwalay sa kaniya."
"I need to clarify something," he answered.
"Sure."
"Matagal na ba kayo ni Gage?"
"Matagal na."
"Magagalit ka ba sa akin kung kakausapin kita regarding on some privacy?"
"Hindi naman," tugon ko at umangat ng tingin sa kaniya. "Mas prefer ko kung ito ang pag-uusapan natin."
"Since you're my wife's best friend," he stated. "I looked on you as my sister. And I'm worry about you."
My feelings began to swept away.
"Alam mong nasa tamang tao ka na," he humbly said. "Ngunit, mas pinili mo pa rin iyong hindi ka sigurado."
I remained my focus on him. "Dahil gusto ko."
"Kailan mo ba balak na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak ninyo?"
I smugged a little, "Kapag tapos na kami ni Gage."
He began to slouch at mariing tumingin sa akin. "Tell me Maddy, sino ka ba talaga?"
Para akong nawala sandali. At ganunpaman, nanatili akong kalmado.
"Iniisip mo ba na ibang tao ako?"
Umiling siya, "Hindi. Ngunit, nasisiguro kong meron kang itinatago."
"At nasisiguro kong gusto n'yo rin malaman ang tungkol sa bagay na iyon," sabi ko at tumayo na rin.
"Adams, salamat sa pag-aalala n'yo sa akin. Ngunit ang problema ko ay akin lamang. At ako lamang ang tanging makakasolba no'n. Have a nice day." Tinalikuran ko siya at tahimik na umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top