CHAPTER 17

Pinuntahan ko sya sa mismong address na ibinigay sa akin. Luckily, hindi naman ako nahirapang makita sya agad.



"I'm here." Lumingon sya saka tumayo nang makita ako. Lumapit ako sa kanya.



"Inabala ba kita?" tanong nya.



"Hindi naman." Umupo sya, gano'n din ako.



"I'm sorry for that."
Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya.



"I need to tell you something." Nakita ko sa kanya ang labis na pag-aalala.



"About Caitlyn?" tanong ko.



"About S.G."
Biglang nanghina ang loob ko. At kasabay nito ang mabilis na pagpintig ng puso ko.



"What about them?"



"Dito ko balak mag-propose kay Caitlyn after graduation. Pero ang balak kong 'yon ay napalitan ng panghihinayang."
Dumako ang tingin ko sa paligid. Tanaw ko ang magandang view. I saw happy smiles and thoughts. I feel the awesome and coldness of thin air. I heard the voices of humming birds. All is well. All is good at the Garden of Paradise.



"Nagsisisi naman ako sa ginawa ko. At hanggang ngayon, nagdurusa pa rin ako." Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya. He sighed.



"Ano ba ang kinalaman ng S.G kay Cait?"



"She was got pregnant by Sky."
Looking down, gusto kong magulat sa sinabi nya pero ayoko rin namang mag-isip ng masama tungkol sa kanila.



"Pero bago ang lahat," he said, facing me. "Rain La Costa killed your parents. At alam 'yun ng buong S.G." I had a feeling na para bang gusto kong mainis, gusto kong magalit, magmura, at manakit. Pero pa'no nga ba?



"Lastly, si Sky ang taong matagal mo ng hinihintay. At alam ni Rain ang tungkol dito."


This couldn't be!



"No, Frank." Ibinalik ko 'yong tingin ko sa kanya. Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Dumb!



"Alam kong may iniwan sa 'yong sulat si Cait. Nabasa mo na ang unang sulat mula sa kanya. At ang pangalawa ay hindi pa. Alam ko rin na dala mo 'yon ngayon," sabi nya habang nakatingin sa bag ko.



"Alam ko rin kung ano ang nilalaman nang sulat mo para sa Campus Paper. Alam ko rin ang schedule nang meeting mo with Mr. Suarez which was P.I ni Missy. Alam ko rin ang panliligaw na ginawa ni Rain sa iyo. Ang sa Parola. Ang lahat-lahat."



"S-stop t-this, Frank. Please, stop." My tears dripped out and it makes me stand.



"That second letter of her, nasisiguro kong tama ang lahat na aking sinabi sa'yo."



"Sinasabi mo lang ito dahil sa matinding hidwaan meron kayo ng S.G, hindi ba?"



"You deserve to know the truth, Ash."



"Enough is enough."



"It will set you free. Ayaw mo bang lumaya mula sa kasinungalingan?"

What should I do now? I'm hopeless.



"Sinubukan ko maging matatag para sa ating samahan pero talagang sira na ito. At sa paglipas ng panahon, everything changed," he paused, waiting me to gave an answer.



"Ikaw at ako na lang ang natira ngayon mula sa limang tayo noon, Ash. Gusto ko na ring sumuko. Pero hindi ko alam kung bakit ganito na lang katindi ang self-pity ko para sa'yo."



"Don't say that, Frank."



"Sa kabila ng lahat, may taong kagaya mo. Handang makinig at umunawa sa isang tulad ko." Nilingon ko sya. Tanging sya lamang ang aking nakikita.



"I don't want you to make a revenge. I don't want you to kill. I don't want you to become a terrorist like us."



Gusto kong magsalita pero tila may pumipigil. Hindi ko alam kung saan nga ba ako nagkamali, nagkulang, o humigit. Sa mga narinig ko mula sa kanya, sobra akong nasaktan. Pero kailangan ko rin pigilan ang emosyon na meron ako.



"Tama lang ang pwede at dapat mong gawin, Ash. Sundin mo ang lahat na sinabi ko sa'yo. Para 'to sa kapakanan mo, at sa'yo bilang tao."



Tumayo na rin sya. Ang totoo, nasanay akong makita syang maangas sa lahat ng pagkakataon. Iba sya sa inaasahan ko mula sa kanya. Seeing him as a powerless man, he's trying to change. Turning into a better man.



"May hangganan din pala ang lahat. Ang tapang na meron ako, nauubos din pala."
Getting closer to him, I gave him a gentle hug. Tumulo ulit ang mga luha ko. Gusto kong magalit sa kanya at sa mga sinabi nya sa akin, pero hindi ko man lang ito magawa.




"Don't make me cry, Ash," sabi nya habang nakayakap sa akin. "Ayoko ng malungkot na scenario."



"You fulfilled the last promise of Home fires, Frank." Hinawakan nya ang aking magkabilang balikat.



"Do what I say and know what to do."



"Thank you." Tiningnan ko sya. He wiped my tears away. Giving me his sweet smile, alam kong hindi 'yon ang tunay nyang ngiti. His smile hid a million of tears and sadness in life.










----
R A I N



Nakatayo ako sa terrace at mag-isa. I don't need fresh air. Indeed, breathing space is what I wanted most. Smoke and beers are part of my living. I have these f*cking sh*ts all the time. Kasama ko man sila o hindi, I used to do it.



"Hindi ka pa ba babalik sa University?"



"Nariyan ka pala?"



"Kararating ko lang." Lumapit s'ya sa akin.



"Do you want some?" Showing a glass of beer, he refused it.



"Next time," tugon nya.



"Nasa'n sila?"


"Nauna ng umalis ang kambal."


"How about Jack?"


"Niligpit 'yong mga binasag mo."


"I'm lil bit bored. Ayokong makita nya akong ganito ang ayos."



"You looked good all the time. And for sure, she likes you all the way."



"I trusted you a lot." Nakatingin lang sya sa akin with a look na 'parang wala lang.'



"What's on your mind?" tanong nya.



"Ikaw ba ang tinutukoy ni Franko?"
He said nothing.



"Ikaw lang naman ang pumupunta sa bahay ni Cait, right? Napakaimposible rin naman kung magkaka-interest si Lex, Jack and Ford sa kanya, maliban na lang sa'yo. Tama ba?"



"Yes, Rain. I admit it."


Hindi ako nagkamali sa iniisip ko. Sabi ko na nga ba at aamin din sya.



"How's that? Akala ko ba walang nangyari?"



"We made it, Rain. As hard as ice, as sweet as of honey. Gano'n kami nag-enjoy pareho."



"At binigyan mo pa s'ya talaga ng bakas?"



"She's dead. It means that, there's no any chance for us. Never at all."



"Bakit, wala na bang halaga sa'yo si Madisson?"
Turning his eyes on me, alam kong nagtataka sya sa tanong ko. Marami akong alam. So, don't dare me.



"I saw a picture of her in your room. Sya pala ang babaeng pinakamamahal mo?" Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.



"Matagal na 'yon. It happened fifteen years ago."



"What about now?"



"Hindi na kami nagkita ulit. Even communications, we don't even have."



"Wala ka bang balak na hanapin sya?" Gusto kong malaman kung gusto nya pa ba syang hanapin.



"Wala na. At kung meron man, wala akong sasabihin sa kanya."



"Hindi mo na ba sya mahal ngayon kagaya nang pagmamahal mo sa kanya noon?"



"It was before."



"Pa'no naman kung mahal ka pa rin nya hanggang ngayon?"



"That's too impossible."



"There's a possibility."



"That'll never be happen."



"There's a chance." Inayos ko ang aking suot habang nakatingin sa kanya.



"Kilala ko ang babaeng iniingatan mo sa loob ng mahabang panahon. Matagal ko na syang kilala, at matagal ko na ring alam ang tungkol sa past life ninyo. Gano'n kita kakilala, Sky."


He looked into his wristwatch, at dahan-dahan syang lumapit sa akin.



"Ayokong malaman nya ang tungkol dito. Just burry everything, Rain." Tiningnan nya ako sandali saka sya nagsimulang maglakad.



"Babalik na ako ng University. Sumunod ka."
Umalis sya habang naiwan naman akong nakatayo. Looking down, he drove his car and slowly goes away.



He lied to her. Life really sucks! Really. Napipilitan lang naman syang magdesisyon ng hindi nag-iisip. Ayaw nya lang talagang masaktan. Kaya ang ginagawa nya, umiiwas.



"Talo ka na, Rain."
Nilingon ko ang pinagmulan nang boses. It was Jack standing behind my back.









**
Sakay sa taxi, hawak ni Ash ang sulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Suarez. Nabasa na n'ya ang simula, ang gitna, pati ang dulo. Ang lahat ay nabasa na n'ya. Alam na rin n'ya ang totoo.



Hindi na ako pwedeng magkamali," giit nya. "Hindi na."



"Kuya, sa Raees Condominium po tayo," sabi pa n'ya sa driver. She was persistent to know the truth.




Malapit na si Sky sa University when he received her call. It actually makes him change and turned his direction. Heading home, someone bumped him a text.



"She knew the truth. Sky and Rain should be aware."


The moment he read that message, he knew that even Rain received that message from Frank.


"Kung kailan okay na ang lahat, babalik ulit ang lahat sa simula," sabi n'yang may halong inis. "The Hell!"



Pagkarating n'ya sa kanyang Unit, the deep sadness rose again. He doesn't want to feel deplorable. Pero nangyayari pa rin ito sa kanya.









**
A S H Y



"Kuya, dito na lang po ako bababa." Iniabot ko na rin ang bayad sa kanya.



"Salamat po sa paghatid."

Finally, I'm here now.

Habang nakatingin ako sa building, kinakabahan ako. Pero tumuloy pa rin ako. Pagkapasok ko, agad kong tinungo ang second floor. Habang nasa loob nang elevator, hindi ko maiwasang mapatulala. Sa dinami-rami ba naman ng aking iniisip.



Pagkalabas ko, gano'n pa rin ang feeling ko. Kahit kinakabahan ay itinuloy ko pa rin. Gusto ko syang makita.



Huminto ako at tumingin sa pinto ng kanyang Unit. Hitting the doorbell, he opened the door. I saw him standing in front of me. Nalulusaw ako nang makita ang kanyang imahe.



"Would you allow me to come inside?" tanong ko sa kanya.



"Saglit ka lang ba rito?" tanong nya.



"May lalakarin ka ba ngayon?" panigurado ko.



"Come in," anyaya nya sa akin at agad din naman akong pumasok. He closed the door.



"What brings you here?"




"Dahil sa'yo." Isang malamig na boses ang lumabas mula sa aking bibig. While placing my bag on the settee, something makes me stopped and think all over again. Tiningnan ko 'yon. By doing that, nilapitan ko ang isang frame na nakasabit sa wall. Ito ang nagbigay sa akin ng matinding atensyon.



"You are already a successor now. And I'm happy for it, for you."



"Naparito ka ba para mag-drama ulit? I don't have any quality time to spend para sa ganitong conversation, Ashleigh."



"It's Madisson," puna ko sa kanya.
Kinuha ko ang isang frame. It was his picture fifteen years ago. Tiningnan ko 'yon. Absolutely, I feel down. I feel lowly. Humarap ako sa kanya.



"Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari before kasama ang batang ito." Iniharap ko sa kanya ang frame na hawak ko. It was his own picture, but that picture tells a lot of different story. At kasama ako sa naging istorya nya.



Wala s'yang imik. At habang ako'y nakatingin sa kanya, para bang wala syang nararamdaman.



"Tell me somethin', Sky."



"Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa 'yo?"



"Ang sabihin sa akin kung ga'no mo ako kamahal noon, hanggang ngayon. At narito ako para ihanda ang plano natin for future. Iyon naman talaga ang plano natin, hindi ba?" Wanting to remind him about the old promise na hanggang hindi nangayayari, pawang kasinungalingan lamang ang lahat.



He showed his sarcastic smile. Do'n pa lang, talo na ako. Nakakadismaya.



"Umaasa ka pa rin ba hanggang ngayon?"



"Dahil nalaman ko na ang lahat mula sa ibang tao." Mas nilakasan ko ang aking loob. Dahil sa ginawa nya, naiinis ako. Sobrang naiinis!



"I already told you about him. What do you want, an evidence? Tell me, Ash. And I will show you."



I came closer to him. Nasisiguro kong sya nga talaga ang taong hinihintay kong bumalik. I held his chest. I felt something. It was a great pain from the past. Pinakiramdaman ko 'yon.



A scar. It was a scar from many years ago. At ako ang dahilan kung bakit sya nagkaroon ng gano'n. It was my fault. It makes me awe. Bitch!



"You lied to me for so long, Tyler. Tell me now, do you still love me? P-please, Just... Tell... Me," pautal-utal kong sabi. He remained silent. I removed my hand with nothingness.



"Pinaghintay mo ba ako noon para sa ganitong setting ngayon?"



"I'm sorry." Nagsimula syang maglakad ngunit agad ko s'yang napigilan at mariing humarap sa kanya.



"Sorry for what? For those fake promises of yours?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa mo?? Do you think I'm still fine??" Biglaan ang pagtaas ng aking boses dahilan para ako ay maging emosyonal.



"Hindi tayo pwede, Ashleigh."
Sinubukan kong kumalma.



"Tell me, why?"



"Sa mundong pinili ko, dito ako mas masaya."



"Insanity," natatawang sabi ko. "Kabaliwan."
Lumapit ako sa kanya.



"Sinasabi mo ba 'to sa akin ngayon dahil ba napipilitan ka lang, o ayaw mo lang talaga na makasama ako?" Hinawakan ko ang braso nya. "Tell me, dahil ba kay Caitlyn?? Dahil ba sa S.G??"




"Because of you," mabilis n'yang sagot. I shocked a little.



"I'm doing these things for you, Maddy."
Umiling ako. Ganunpaman, hindi ako makapaniwala sa kanyang tinuran.



"Hindi kita maintindihan, Tyler."



"We should accept the fact na hanggang doon lang ang kaya kong gawin para sa'yo. Ipinaglaban kita Maddy, at alam mo 'yon. Minahal kita pero may hangganan ang lahat."



"But you made a promise for us, Tyler."
Umaasa ako, SOBRA! Hindi nya alam kung ga'no ako umasa mula sa pangako nya.



"Hindi mo na ba gagawin? Nasa tamang edad na tayo ngayon." Panay lang ang pagtulo sa mga luha ko. Kung kailan nagsisimula na akong mag-look forward, ganito pa ang mangyayari. Laging may kakambal ang lahat ng bagay.



"Hindi baleng gangster ka, Sky. Alam ko namang sa S.G ka masaya," paliwanag ko. "Pero kasi... Mahal kita... I loved you, Tyler."



"Mataas ang tingin at respeto ko sa'yo," giit n'ya. "Don't make your dignity low just because of me. Don't."
Nanatili akong nakaharap sa kanya. Kulang na lang, e luluhod ako sa kanyang harapan para lang tanggapin nya ako.



Trying to catch my breath, talagang hindi ko ito matatanggap. Ginawa nyang laro ang lahat.



"Kalokohan."



"Walang magagawa ang pag-ibig, Ash. Hindi magbibigay ng saya ang pag-ibig dahil lang sa walang kwentang nakaraan," mariin n'yang sabi sa akin. "Tell me, Ash. Sasaya ba ako sa'yo ng buong-buo? Pinili ko ang buhay na 'to dahil ito ang gusto ko. Ito ang buhay ko... At dito ako masaya."



"What do you want me to do?"
Isang mahinang boses ang lumabas mula sa aking mga labi.




"Kahit ano pa ang ipapaliwanag mo, buo na Ang desisyon ko. I'm letting you go, I'm setting you free. Do what you want. It's your choice, not mine." I suddenly gave him a slap. Giving him that one, talagang galit ako sa kanya.



"That slap will remind you for everything. Hindi ka mapagkakatiwalaan. I regret for keeping that fake promises of yours. I... WILL... NOT... TRUST... YOU... AGAIN."



Getting my bag, agad akong umalis. Hindi ko sya maintindihan. I expect more but I gain less.
Sana kasi hindi na lang ako UMASA. Sana hindi ako nagPAKATANGA, at mas lalong sana hindi ako NAGTIWALA.




He broke my heart. Akala ko magiging kami na. But actually, it's my false expectation. Best lesson in life, isn't it? I learnt.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top