CHAPTER 15

S K Y



I expected her to come into my house. Alam kong itatanong nya sa akin ang tungkol sa childhood friend nya, which is 'ako' naman talaga ang taong iyon.
Mas mabuti na hindi nya malalaman ang katotohanan. Think me badly. Pero ayoko syang umasa, dahil wala na rin naman syang aasahan mula sa akin.



Yes, I have a good life. I do have plenty of money because we steal, we kill, we dealt with illegal assumptions. And that's our job.



At kahit malaman pa nya ang totoo tungkol sa akin, she will regret. She will blame Rain and our comrade. Ayokong masira ang samahan namin, pero mas ayoko syang masaktan ng husto.

May nagagawa ang pagsisinungaling. Lahat kayang takpan. Lahat pwedeng itago.



Mas gugustuhin ko pa ang mapunta sya sa isang lalaking deserving para sa kanya. Kay sa mapunta sya ulit sa akin. Sa isang tulad ko.



Tama ang ginawa ko. Mali ito sa mga mata ng mga hindi nakaka-unawa. I'm doing this just for her sake. I want to set her free. I want her to be happy either.



Hindi ako ang magpapasaya sa kanya. Someone would be.



Nakaupo ako habang sapol ang aking ulo. Nakapikit ang aking mga mata.




"I'm sorry Madisson. Manhid ako. Gago. Tarantado. Hindi ka kayang ipaglaban. Mahal Kita. Gagawin ko ang lahat sumaya ka lang sa piling ni Rain. Sa piling ng taong para sa'yo."



Sana mapatawad nya ako.










**
A S H Y



My expectation was far from reality.
Wake up self! Don't let stress manage you. Look straight. Forward, not backwards.



ECSTACY BAR. One of the famous hang-outs in the city.



Hindi ako party goer, I'm not even a drunkard, nor a smoker. I'm not a bitch or whore. I just want to spend this night for myself. Ang tanga kasi! Paniwala masyado sa mga 'pangako'. Psychology nga ang kinuha kong course pero masyado naman akong weak. Wala akong lakas ng loob para labanan ang weaknesses ko. Para lang akong nag-aral para lokohin ang sarili ko at gawing katawa-tawa ang buhay ko. Dumb!



I sat down. Waiting again for nothing. Dito siguro ako magaling ngayon. Tsk!




"Miss."
I saw three men standing in front of me. Mukha silang street boys. Maybe they are anybody who wants trouble at most. They had tattoos.



"Are you alone?" tanong ng isang lalaki habang pasimpleng nakatingin sa paligid.



"Do you want to drink?" nakangiting tanong ng isa pa.



"I'm fine," sabi ko. "I don't even want someone to talk to."



Hindi sa ayoko ng kausap. Pero sa nakikita ko sa kanila, hindi sila mapagkakatiwalaan. They looked cool pero alam kong 'dirty talk' lang ang gusto nila. At iyon ang ayaw ko.


Lumapit sa akin ang isa sa kanila.



"Do you want to enjoy?" he asked, smirking. "Don't worry, we are good in bed."
Malamig ang boses nya. Masyado rin syang simple kung kumilos. Sya ang naiiba sa kanila.
Showing my death glare, wala pa rin akong tiwala sa kanila.



"Miss, hindi ito tambayan ng mga inosente. Tambayan ito ng mga wasak at sinapol ng maraming beses," sagot ng isa.


Panay lang din ang titig sa akin ng lalaki na syang unang lumapit sa akin. Staring at me, he pulled the chair saka umupo sa harap ko. Para akong nilamon ng isang inosenteng halimaw.



"Kung ayaw mong masampolan, umalis ka na rito," sabi n'ya. "Pero kung gusto mong subukan, then stay."



Looking unto them, their eyes wanted to show how nasty things go as f*cking as hell.




"She's leaving."


That voice!


I slowly turned my head. Napatayo ako nang makita sya.



"R-Rain??"



"It's you again, La Costa," nakangiting sagot ng lalaki.



"Hanggang dito ba naman, nagkakalat pa rin kayo?" Hindi kumupas ang maangas nyang mukha.



"Hindi kami natatakot sa 'yo. That'll never be happened!" gigil na sagot ng lalaki.



Hindi ko napansin ang unang nangyari since para akong nakalutang sa hangin. Pero nakita ko na lang sya habang sinusuntok ang tatlong lalaki. Lumaban sila pero hindi rin sya nagpatalo.
Hindi ko lubos maisip kung si Rain nga ba talaga ang dumating para isalba ako mula sa mga kupal.



Bigla ko na lang narinig ang 'cheer up' ng mga babae pati na rin ang sigawan ng mga lalaking gusto na rin makisali sa gulo.
Maraming nasira sa ginawa nya. But he made them down.



"The next time you disrespect my girl, I... Will... Kill... You. No matter what."
Pagkasabi nya ng gano'n, lumingon sya sa akin. Masyado lang syang kalma. It really makes him cool and even hotter. Walking back to me, naramdaman ko ang security ko mula sa kanya.
Hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay saka kami umalis, palayo sa gulo na sya mismo ang nagsimula.

Sakay sa kotse nya, pinatakbo nya ito ng mabilis.



"Rain." Nilingon ko sya.
Hindi ko alam kung galit ba sya o trip nya lang ito. Pero parang gusto nya pa yata kami mapahamak.



"Papatayin mo ba ako, Rain?? RAIN!!"
He suddenly stopped the car.



"Kailangan ba kitang patayin para lang umayos ka? Do I?" he said, angrily. "Tell me, DO I??!"


Galit nga sya.



"R-Rain."



"Do you think tama ang ginawa mo? You exposed yourself in that f*cking kinda place. Do you think, matutuwa ako? It's a piece of SH*T!"
Nabigla ako sa sinabi nya.



"I-I'm... I'm sorry." Kaba at takot ang nangibabaw sa akin. Ngunit, ayoko rin makipagtalo sa kanya.



"I'm fine Rain." He calmed down.



"Alam mo bang binastos ka nila?"
I remained silent. Sa totoo lang, hindi big deal para sa akin ang nangyaring iyon. I began to sigh and lowered my head.



"Ayoko sanang magalit sa 'yo, Ash kasi... Kasi wala akong karapatan,"he said. "Nakita kita ro'n kanina, at narinig ko ang lahat na sinabi nila sa 'yo. Anong gusto mong gawin ko? Manuod lang?? Tsk." He started the engine.



"Look, Ash." Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya.



"I'm sorry."
Ganunpaman, naiintindihan ko sya. Hindi ko rin kailangang magalit. Bagkus, kailangan kong magpasalamat because he saved me from the bad night.









**
A S H Y



It's a new beginning, new chance and new day in life. The boredom strikes and wants to hit me again. Nakakatamad ang pumasok sa klase. Kasi naman... Umaasa pa rin ako sa pagbalik nya...
I admitted it. Nararamdaman ko naman talaga that he's here lamang. Ayaw nya lang magpakita sa akin.


Tyler.


Pinilit kong pumasok kahit na ayoko pa sana. My phone rang. Huminto ako at sinagot ko iyon.



"Okay, I will go there." I started to walk when someone held my forearm.
Turning my body, I saw his cool and handsome face.



"She's dead." Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa aking braso.



"Extend my condolence to your friend," dugtong nya. Gusto kong magsalita, but my tongue doesn't want to. While looking at him, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit... Kung bakit umabot sa ganitong point ang buhay ko. Dahan-dahan ko syang tinalikuran at saka umalis.







"Finally, you're here," he said. And meeting him is absolutely different.



"How's your article?" Tumango ako.



"Almost done."



"And it will be done," sabi nya habang iniabot sa akin ang isang manila envelope.



"Here." Binuksan ko at tiningnan agad ang laman niyon. I saw a letter. Sinimulan ko itong basahin nang magsalita s'ya.



"She's about to arrest. Siguro naalarma sya nang malaman nyang pupunta kami sa kanya. Sadly, she was dead when we found her. She hanged herself in the cellar of her house."



"Condolence for that, Ms. Fortalejo." Hawak ang envelope, para akong binuhusan ng malamig na tubig.



"'Depression,'" he paused. "Iyon ang dahilan kung bakit nya nagawa ang gano'ng bagay sa mismong sarili nya. That's her case."



"How about Kim?"



"She was arrested yesterday." I said nothing.



"It's your turn to finish your article." Iniabot nya sa akin ang isang mini notebook.



"Nakasulat d'yan ang lahat ng information tungkol sa kaso ni Miss DeLavin. Makakatulong 'yan para sa ginagawa mong article."
Tinanggap ko iyon.



"Thank you, Mr. Suarez," I said, looking to him.



"Aabangan ko ang paglabas ng sinulat mo sa aming magazine." Nanatili akong nakatingin sa kanya. Iniisip ko pa rin ang nangyari. In-i-imagine ko ang image ni Cait before, during, and after she died.



After I met him, umalis na rin ako agad. That letter of her ay hawak ko pa rin. Peeping the envelope, I received a message.



"We need to talk. See me at the top."


Heto na naman sya. Talaga bang lagi ko syang nakikita?"



Tinungo ko ang University para kitain si Rain. Sa hindi kalayuan, agad ko na syang nakita. Nakatalikod sya pero alam kong sya iyon. Lumapit ako sa kanya.




"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko.



"Hindi masyado."



"May sasabihin ka?" At some naman sya humarap sa akin.



"Nakatulog ka ba kagabi?" tanong pa nya.



"How about you?"



"As usual."



"What do you mean?"



"Hindi ako nakatulog na maayos kagabi."



"Dahil ba marami kang iniisip?"



"No," he said. "Nag-aalala ako sa'yo."



"Tungkol ba 'to sa nangyari kagabi? Kailangan pa ba natin ulit pag-usapan ang tungkol do'n?" tanong ko.



"Bakit, kailangan ko pa ba ulit magalit sa 'yo?"



"About last night," I said, looking at him. "Thank you for saving me from that zone. And sorry."



"Ayokong napapahamak ka, Freak."



"Nag-iingat naman ako."



"Nag-iingat ka sa salita pero hindi mo naman talaga ginagawa."



"Hindi mo naman kailangang mag-alala sa akin, Rain. Kaya ko ang sarili ko."



"Bakit hindi? Dahil ba wala akong karapatan sa'yo?"

"Ayokong may nag-aalala sa akin," sabi ko saka umiwas ng tingin.



Lumapit naman sya sa akin. "Mahalaga ka sa akin, Ash."



"Ginagawa mo ba ang bagay na 'to dahil gusto mo lang, o dahil napag-utusan ka lang ng mga kaibigan mo?"



"Kung walang kwenta ang bagay na ito, sa tingin mo ba seseryosohin ko ang lahat ng sinabi ko?"
I lowered my head and said nothing.



"Gusto kong magkaroon ng karapatan sa buhay mo, Ash," he said, lifting my chin. He locked our eyes.



"I will protect you."



"Ang masanay na mag-isa, sa tingin mo ba kakailanganin ko pa ba ang pag-aalala mula sa iba?" I said, ignoring him. "Hindi mo dapat pinoprotektahan ang isang tulad ko."
Nagsimula akong maglakad papunta sa ibang bahagi.



"May mga bagay na nangyayari sa atin na sadyang kay hirap iwasan. I know you are a brave woman, Ash. Pero may kahinaan ka pa rin."
Lumapit sya sa akin. He round his arms around my waist.



"Gusto kong magkaroon ng karapatan at lugar sa buhay mo. Pwede ba 'yon, Ash?"



I held his hands."I appreciated those good words and deeds from you, Rain. And thank you for that." Humarap ako sa kanya.



"Pero malaki ang pinagkaiba nating dalawa. Hindi dahil sa gangster ka, kundi dahil sa... Natatakot ako sa'yo." Looking into his eyes, nakikita ko sa kanya ang lungkot. Ang lungkot na kailangan ng saya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top