CHAPTER 11
A S H Y
Ilang days ko na rin hindi nakikita si Rain. Hindi ko rin sya napapansin. I remembered Light house. I even want to go there.
Sakay sa taxi, narating ko ang Parola within thirty minutes. Not bad.
I heard tweeting of little birds. No cars. Not even people. It was just a wave of living silence.
A nice place to visit, to get the remedy from the pain I've got. Mas gusto ko rito mag-stay all day long.
Narating ko na ang taas nang makita ko ang isang lalaki. Nakatalikod ito habang nakatayo. I saw a plume of gas from him. And maybe, I go wrong.
"Rain?"
Gusto ko lang siguraduhin kong sya nga ba talaga. Nanatili syang nakatalikod.
"What are you doing here?"
Siguro, alam nyang ako ang dumating, or maybe familiar na sa kanya ang boses ko.
"To get the medicine," sabi ko at bahagyang lumapit sa kanya. Hindi sya sumagot. Nakatayo ako sa kanyang tabi habang tinatanaw ang malawak na tanawin.
"This place could help me to reminisce everything."
"Condolence to your friend."
Palihim akong nakatingin sa kanya. Ang maangas nyang mukha ang syang mas nagustuhan ko sa kanya. Hindi sya nakakasawang tingnan.
"How are you?"
"Ikaw, kumusta ka?"
"I'm not fine."
Bakas sa mukha nya ang lungkot. I want to give him a piece of comfort but I'm afraid of him.
"Kaya ba nandito ka rin?"
"Aside from that, alam kong pupunta ka rin dito."
"How did you know?"
"Dahil alam kong gusto mo ang lugar na ito."
Mas naramdaman ko ang lamig na simoy ng hangin. At naramdaman ko rin ang paglapit nya sa akin.
"Gusto ko rito, at mas gugustuhin kong pumunta rito araw-araw."
"You can visit here anytime. Walang babawal sa iyong gawin 'yon," ani n'ya. "Pwede mo rin isama ang kahit sino sa mga kaibigan mo."
"I don't have them. Never at all."
"How about Home fires?" He looked on me.
"They're gone."
"Kaibigan mo sila."
"I think, it was over."
"Dahil ba gumawa ng masama si Cait laban sa 'yo?"
"Nagkamali ako bilang isa sa naging kaibigan nila."
"Alam kong nagkamali ka, pero mas nagkamali sila. May mga bagay kasi na ginagawa nila na sya namang hindi mo gusto."
"Matagal ng nasira ang aming pinagsamahan. Everything about us changed, faded away. At feeling ko, it was my entire fault. Hindi ko sila nagawang ingatan," I took a deep breath.
"I thought I was right before. Ngayon nga, hindi ko lubos maisip kung bakit bigla na lang syang nawala."
"Naiintindihan mo ang 'lose of control' pero alam mong niloloko ka lang ng ibang tao. Ayaw mong tanggapin ang pagkawala nya dahil naniniwala kang kaya syang patayin. She's too innocent, but weak."
"Someone pushed her away. Lumaban sya pero hindi nya nagawang ipagtanggol ang sarili nya. At kung sakaling dumepensa sya para sa sarili nya, may pagkakataon sanang..."
"Hindi sya ang namatay," dugtong nya.
"At kung sakaling hindi sya namatay, maaayos pa ba ang samahan ninyo? Malamang hindi na. Dahil kagaya ng isang bagay na nahulog at nasira, muli itong maaayos pero hindi na kagaya nang dati. Mabubuo pa rin pero sirang-sira na. It's useless!"
He's right. Tama ang sinabi nya. Sa ngayon, mas kailangan ko na muna ang mag-isa ng sa gano'n makakapag isip ako ng maayos.
"Huwag mo na sila masyadong isipin. They're not worthy." He began to walk. Ako na walang kibo, malayo ang tinatanaw.
Muli syang lumapit sa akin. He held my hand. Ramdam ko ang init ng kanyang palad.
Ako na wala sa tamang pag-iisip, sumabay lang din sa agos ng tubig.
Ganito ba talaga kapag empty-minded? 'Yung tipong blank space ang utak. Para kang walang pake sa mga nangyayari.
----
R A I N
Holding her hand, kasama ko sya sa tambayang sh*t. I saw Sky's expression when he saw us together as we entered the house.
"Maligayang pagdating, Ash," masayang bati ni Jack sa kanya. She smiled a little.
"Shall we start?" tanong ni Sky habang nakatingin sa kanyang relo.
Nauna syang naglakad habang nakasunod naman kami sa kanya.
Nakaupo na kami sa bawat seating positions namin. Since kasama ko sya, sya ang katabi ko. Looking to them, iba't-ibang ekspresyon ang nakikita ko. Si Jack, nakangiti sa akin. Si Lex naman pasimpleng nakangisi. Si Ford pilit na nang-iinis. Habang si Sky, he said nothing. And maybe, hindi sya masaya sa nakita nya.
We started eating our food. Ako na rin ang nag-serve ng food nya.
"How's the score now, Rain?"
"It is tough enough."
"Mas okay sana kung tuloy-tuloy na."
"Don't make it run away, Rain."
Talagang mokong ang mga kaibigan ko.
"May chance ba?" tanong ni Jack sa kanya.
"Is there any chance?" Ford repeated.
She smiled again and again. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"The adobo, familiar ang lasa. Who cooked this?" tanong nya.
She's really weird. Iba ang itinanong sa kanya tapos magtatanong sya ng iba. Talagang ibang klase.
"Si Sky."
"How about steak?"
"Si Ford."
"The salad?"
"Si Jack."
"How about the shrimp?"
"Mine," I cleared my throat.
Bumaling sya sa akin.
"May problema ba sa hipon?" tanong ko.
Tumaas ang kanyang magkabilang kilay. Seryoso s'ya habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo binalatan."
Maybe, hindi sya kumakain ng hipon na hindi nababalatan.
"Pasensya ka na, Ash," ngumiti si Jack. "Ganyan talaga magluto si Rain ng hipon. Even we."
Tumango naman sya, "Hindi bale, masarap naman." A smile painted on her lips.
Hay naku! Ewan. She's weird talaga.
"So, do you like it?" tanong ni Ford while smirking. She only make a short nod.
Hindi ko sya gets. She really looked like crazy.
"Nagustuhan mo pala ang sinigang na hipon? That means, gusto mo na rin ang chief nyan," nakangiting sabi ni Jack. Natigilan sya saka lumingon sa akin.
"Pwede both?" tanong nya. Gusto ko na sanang maniwala, kaso biglang tumawa si Ford.
"May nakakatawa ba?" Ang masaya nyang mukha ay napalitan ng pagtataka.
"Sorry, natawa lang ako," sagot n'ya.
Pang-asar.
She rolled her eyes. Gusto kong matawa sa ekspresyon nya pero sadyang pinipigilan ko lang.
"At ikaw!" She pointed her finger on me. "Sa susunod, balatan mo na 'yung hipon."
Inakbayan ko sya saka ko inilapit ang mukha ko sa kanya. I smiled a little.
"I will do it next time, Boss."
•••
S K Y
"Let's have a drink," I make a stand.
"Ako na ang kukuha," giit n'ya.
Bumalik ako sa pagkakaupo. I don't know. Iba 'yong nararamdaman ko. Iniwasan ko naman pero, hindi ko sya kayang iwasan. Mas gumaganda sya ngayon. Iba sa taong minahal ko noon.
Leaving her before was their plan. Kailangan kasing mag-aral sa famous school to get an honor and highest achievements in life. According to my parents, importante ang famous life, pati na rin ang pagkakaroon ng known identity. They are selfish.
I missed her, even now.
"I will marry you soon, Maddy."
"Totoo ba 'yan, Tyler?"
"Kapag nasa tamang edad na tayo, pakakasalan kita."
"Pangako mo 'yan?"
"Oo, Maddy. Promise ko 'yan sayo."
"Aasahan ko 'yan, at hihintayin kita, Tyler."
"Basta ba 'wag kang magmahal ng iba habang magkahiwalay muna tayo."
"Basta ipangako mo sa akin na babalik ka."
"Babalik ako Maddy, hintayin mo 'ko. At sa pag balik ko, magpapakasal na tayo."
Ibang Madisson ang kaharap ko sa kasalukuyan. Iba sa past. Malaki na ang ipinagbago nya.
"Sky? Sky!" A hand was tapping on the table. "Hoy! Gumising ka."
DAMN! I Thought it was still a dream. Tsk!
"Nakatulog ka. Are you okay?"
"Yeah. I'm fine."
"Kakain ka pa ba? Kasi kung hindi na, ililigpit ko na ang mga ito."
"No need. Ako na ang gagawa." Tumayo na rin ako para simulan ang pagligpit.
"Bakit ba ang tahimik mo?"
"Nothing."
"Alam mo bang nakatulog ka?"
"Siguro dulot ng pagod. Marami kasi kaming ginawa na activities regarding sa Department namin."
"Gano'n ba? Magpahinga ka na lang. Ako na rito. Kaya ko naman."
"Hindi, ako na."
"It's okay, Sky. Ako na," pamimilit nya at kinuha ang pinggan na syang hawak ko.
"Nasa living area ang S.G. Go with them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top