CHAPTER 09

A S H Y



My phone beeped and reading the message, it was from him.



"Hey Ashy, gumising ka na. May pupuntahan tayo ngayon."



Hawak ang unan, isinubsob ko ang aking mukha. Kinikilig na ba ako? Kasi ang init ng magkabila kong pisngi.



"Hihintayin kita rito sa baba."



What?! He's here??

Agad akong nag-panic para ayusin ang aking sarili. At kahit kaunting ayos lang ang meron ako, talagang okay na ako. Ang magpakasimple ang pinakaalam kong gawin. And after everything, bumaba na rin ako.



Momol! He's here nga.



"You make me wait for so long. Ang tagal mo."



"May ginagawa ako," alibi ko.



"Get in," he said, opening the car's door.



"Saan tayo pupunta?" pagtataka ko at saka pumasok.



"Sa tahimik na lugar." Agad din kaming umalis.



"I've heard what happened yesterday," he began.



"It was all about my locker's issue, pero okay na," I said, smiling. "Red saved me."



"So, he was there?"



"Kinausap nya si head regarding that matter. Actually, ikinansela ni head 'yung sana'y ipapagawa nya sa aking task."



Bigla kaming tumigil sa isang magandang lugar. Bumaba sya mula sa sasakyan at pinagbuksan ako. He was holding my hand as we walked through.



"What are we doing here?" Tuloy lang kami sa paglalakad.



"Maganda rito. At mula sa itaas, matatanaw mo ang buong Villa." Walking upstairs, it was my first time to gone at this wonderful kind of place. Sa totoo lang, nakikita ko ang Parola sa mga movie na napapanood ko.



"I miss this place everyday."



"Madalas ka bang pumupunta rito?"



"I just visited here once or twice a month."



"Bakit mo naman ako naisipang dalhin rito?" Nakakamanghang panoorin ang ganda ng tanawin. Ito nga 'yung sinasabi nilang 'sight-seeing.'



"Sobrang ganda, Rain," sabi ko while spreading my hands and turning around.
Feeling the wind, sobrang ganda.



"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?" Closing my eyes, I kept on smiling.



"I'm so grateful to have someone in my life. That someone na sobrang espesyal para sa akin." I slowly opened my eyes at nilingon ko sya.



"Maganda ang Parola. Para syang magandang bulaklak," he said, looking at me. "Pero mahirap syang pitasin. Sa ganda ba naman nya, e mahihirapan akong kunin sya."



"Ano bang pinagsasabi mo?"



"Ikaw ang tinutukoy ko," tugon n'ya sa mahinang boses.



"A-ako?" Turo ko sa aking sarili.
What does he mean?



"Nakikita mo ba 'yon?" Itinuro n'ya ang nasa aking likurang bahagi. Binigyan ko ng tingin ang malawak na kapaligiran.



"Nakikita mo ba?" Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin.



"Hindi mo ba nakikita?" bulong nya sa aking tainga. Ramdam ko ang bango at init ng kanyang hininga.



"Gusto mo bang makita, Ash?" Marahan nyang hinawakan ang aking baywang hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap nya sa akin. Isang mahigpit na yakap na puno ng saya at seguridad.



"Hindi mo na kailangang makita, Ash. Nararamdaman mo naman, hindi ba?"



BITCH! Bakit ba ito nangyayari? Para akong yelo na nakatayo. Hindi ako makagalaw sa sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap.



"I love you, Ashleigh." Isang malumanay na salita ang narinig ko mula sa kanya. He kissed my neck.



"Tell me this is a joke," sabi ko habang nakahawak sa kanyang mga kamay.



"This is not a joke."



"This is wrong," I said while removing his hands at mabilis na humarap sa kanya.



"You shouldn't love me, Rain. Look, hindi natin pwedeng mahalin ang isa't-isa,"sabi ko habang pinipilit kong hindi umiwas sa kanya ng tingin.



"Una sa lahat, magkaiba tayo. Gangster ka, Rain. At ayoko ng gulo."



"Yes. We are too different. And I don't really care about that differences between us."



"Mali ka ng paniniwala, Rain." Nakita ko sa mukha nya ang labis na pagkadismaya. May kung anong kurot ang nabuo mula sa aking puso.



"If loving you is a disease," he said, holding my hand. "Then I'm sorry for that, Ashleigh."



Hindi ko inaasahan mula sa kanya ang mga salitang iyon. Hindi ko rin maiwasang masaktan sa mga mismong sinabi ko sa kanya.









••••
S K Y



"Gusto kong makita ang mukha nila." Inalis ni Lex ang nakatakip sa kanilang mga mata habang nanatili silang nakatali.



"Kayo ba?" tanong ko sa kanila habang nakaupo sa swivel chair.



"Wala kaming aaminin kasi wala kaming ginagawang masama. Hindi nyo kami matatakot, S.G!"

I put my gun out.



"Gusto nyo bang mamatay ng maaga? Kapag walang aamin sa inyong dalawa, ipapaputok ko ito sa inyo ng sampung beses. Tig-lilima kayo," saad ko, habang himas ang handgun.



"Huwag mong gawin 'to, Sky. M-Magpapaliwanag kami."



Agad akong tumayo saka pumuwesto sa harap nila.



"G-Ginawa namin i-iyon dahil n-napag utusan l-lang k-kami," nanginginig na sabi nya.



"Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ni Ford.



"B-babae sya, p-pero hindi namin a-alam ang p-pangalan nya," sagot nang kasama nya.



"Niloloko nyo ba kami?" tanong ko habang itinuon ang baril sa kanila. Wanting to shut them down.



"B-Babae sya. K-Kaibigan ni Franko." Nagpipigil ako sa inis. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila.



"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" panigurado ko.



"Nakita namin ang mukha nya, pero hindi namin alam ang pangalan nya."



"Nagsasabi kami ng totoo sa inyo kaya utang na loob, pakawalan nyo na kami."


I stood.



"How much?" tanong ko habang palakad lakad. Napalingon sa akin si Jack, napangisi naman si Lex.



"Bigyan nyo ako ng kahit ano na pagmamay-ari nya. Ang kapalit, bayad. Literal, pera."



Napalunok ang isang lalaki sa sinabi ko habang ang kanyang kasama ay nakatingin sa akin ng masama.



"Seryoso ako sa sinabi ko. Therefore, find her. Umayos kayo or else... Hindi kayo aabutan ng gabi."



Tumango ang isa habang galit namang nakatitig sa amin ang isa pa. Tinanggal ni Ford ang nakatali sa kanila.



"Get the f*ck off." Pagkasabi ko, kumaripas sila ng takbo.



"Gano'n na lang ba 'yon? Sana tinuluyan mo na lang," iritableng sagot ni Lex.



"Kapag namatay sila, wala tayong malalaman mula sa kanila. It's useless."



"Hindi ba tayo sasabit sa kanila?" tanong ni Ford.



"Alam nila ang consequences kapag nangyaring bumaliktad sila," sagot ko.










**
A S H Y



I saw him standing alone. I'm expecting to see him kasi kailangan ko rin syang makausap.



"Aloha, Red." Nagulat sya nang makita ako. Pa'no ba kasi, busy sya sa paglalaro sa phone nya.



"Hey! What's up?"



"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko.



"Not so."



"Gusto kitang makausap." I gave him a look. Since hindi ako okay sa public area, he truly understand naman.



Naglakad kami palabas ng E.U. Actually, I'm so shy on him. Hindi ako sigurado kung kailangan ko ba syang pagkatiwalaan. We're not totally close, but we talked a lot about our life kapag nagkikita kami. But this time, si Rain ang magiging subtopic ko.



We go along the Cafeteria. He ordered coffee for him and orange juice for me.



"Sinundo ako ni Rain kahapon sa Unit," panimula ko. "Dinala nya ako sa light house. And he told me about being grateful with someone."



"So, ginawa nya na pala?"



"Alam mo ang tungkol dito?"



"Not really. Pero alam kong aabot sa ganito. Wala akong alam tungkol sa kanya para sa'yo. Pero nasisiguro kong may gusto sya sa iyo. Hindi halata pero damang-dama."



"I'm afraid of him."

"It's okay. No need to rush," he said, smiling. "I remembered my grandfather once told us:  'Kung para sa'yo, para sa'yo. At ibibigay 'yon para sa'yo.'"


Nag-aalala tuloy ako.



"Natatakot ka bang magmahal? Don't worry, hindi pa nagkaka-girlfriend si Ulan. Hindi ko nga rin alam kung bakit sya nagka-interest sa'yo," he said, sipping his coffee. "Sya lang ang makakapagsabi . That's Love! Unexplainable."









----
S K Y



"Ito na ba lahat?" tanong ko habang hawak ang mga litrato.



"Mula ang mga iyan sa mismong Campus Site. Malaki ang E.U, at sa dami ng mga estudyante, malabong makikita pa namin sya ulit."



"These are enough." I know the importance of my words. Agad kong kinuha ang brown envelope mula kay Jack.



"Take these." Inabot ko sa kanila ang pera. The Greeds. They counted the paper bills. Binigyan nila ako ng isang tinging nagpapakita ng matinding pagtataka. Sa laki ba naman nang ibinayad ko.



"Pera lang 'yan at nahahanap. Samantalang ang buhay, isang beses lang magaganap," I said, standing. "I don't want to see the both of you again. But if you fail, you know what I mean."



Tumango lang sila saka umalis na para bang walang nangyari.


"The Revelation is near," Lex said, smirking.



"Ayokong malaman ni Rain ang tungkol dito," sabi ko saka umalis.










----
R A I N



Mag-isa akong tumambay sa Ecstasy Bar. Obviously, may sarili rin akong mundo. Ayoko muna silang makasama.



"Rain La Costa," he said, patting me from the back. Nilingon ko sila.



"What do you want?"



"Did you see that boys?" he asked, looking onto his friends. "Ang tapang nito. Halatang walang ibubuga."



"I didn't know you." Tuloy lang ako sa pag-inom ng alak. They're just a classy-street boys. Know what I mean? An ordinary men with brave looks, tattoos and piercings. May class pero walang dating.



"You don't know me," giit n'ya. "But I know you very well."



"I don't have time for you." Tumayo ako.



"Really?"



Tatalikod na sana ako nang bigla nya akong hilain hawak ang suot kong jacket.
SH*T! My expensive thing.



"Ang lakas din ng loob mo para gapangin ang girlfriend ko," galit nyang turan sa akin.



Ayoko sana ng gulo, pero talagang ito na ang kusang lumalapit sa akin.



"Your girlfriend? You mean, that b*tch in the Disco Bar? Tsk! I'm telling you once and for all, she's flirt. So don't you dare to SH*T ME. Ask her instead, not me."



"G*GO KA LA COSTA!" He tried to punch me. Agad ko namang napigilan ang kamay nyang nagbabaga sa galit.



"I'm telling you, DON'T... SHIT... ME," diin ko sa kanya. "And if you do, I WILL KILL YOU."


DAMN! He really pissed me off.










**
A S H Y



"Bilisan nyo!"


Narinig ko na lang ang sigawan ng iilan. Nakita ko rin ang ilang nagtatakbuhang estudyante. May nagkakagulo. The Heck??



Sumunod din ako sa iilan papunta sa kinaroroonan nang mga nagkumpulan.



"What happened?" tanong ko sa isang babaeng nakasalubong ko.

"Someone was dead," sagot nya at mabilis na umalis.




"Patay na yata guys."

"Ang taas ng binagsakan."

"Nakakatakot naman."

"For sure, self-interest ang nangyari."

"Nakakaawa naman."

"Bakit sya pa?"

"Sa dinami-rami talaga?"


Nakipag-tulakan na rin ako para makita ang ganap. Pinilit kong makipagsiksikan sa nagkumpulang estudyante.


That girl!



"NO!" Napasigaw ako nang makita ang babaeng nakahandusay. Agad ko itong tinakbo.



"Mukhang may tumulak sa kanya," sabi ng babaeng nasa aking likuran.


Inalog ko sya baka sakaling gigising pa sya but HELL! Hindi na sya humihinga.
Saglit pa ay dumating ang Ambulance. Dumating din ang iilang investigators. May dala silang mga record books at iilang kits.



"Excuse me." Hinawakan ako ng isang lalaki dahilan para ako'y mapatayo.



"What are you doing? Listen, she's still breathing." Kahit alam kong wala na.



"She's dead."



Pagkasabi nya, umiling ako. I can't even believe about this, I don't want to. Sa ganitong paraan sya nawala. Napakaimposible!



I just found myself na umaatras habang nakatingin sa Crime Scene.
B*TCH! How could this happened? This can't be!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top