CHAPTER 02
Late kaming dalawa ni Rain ng five minutes. Magkaklase kami sa isang subject for one week.
Pinagtitinginan nila kami ng masama. Tuloy lang din kami sa pagpasok.
Nang makaupo na ako, panay lang ang pagsasalita ng Professor namin. Saklap lang kasi walang pumapasok na lesson sa isip ko, maliban na lang sa mga bulong ng iilan. In fact, nagtatanong sila ng walang common sense.
"Uy Ash! Ano na?"
"May nangyari ba sa inyo?"
"Ano, masarap ba?"
"Did he already f*cked you?"
"Sa'n nyo naman ginawa 'yon?"
"Ano bang ginamit ninyo?"
"Baka naman nag-iwan kayo ng bakas sa rooftop".
Sunod-sunod na tanong ng mga kaklase kong walang ibang alam kundi kalandian.
We heard a sudden blag from the back.
Lahat kami ay napalingon. Si Rain, may kung anong hinampas sa upuan.
Biglang tumahimik ang buong klase. Nakatitig sya sa bawat isa saka nagsalita.
"That's a sh*t issue! Masyado kayong nangingi-alam," galit nyang sabi.
"So, how it was?" natatawang tanong ng isa naming kaklase. "May nangyari nga, diba?!"
"At ayaw nyo pa talagang aminin? Seryoso?!" dagdag ng isa pa.
Muling nag-ingay ang buong klase. Talagang nang-aasar ang mga loko. 'Yung iba naman, todo ang tawa't hiyawan, habang ang Prof namin? Walang pakialam!
Nakatingin lang sya sa amin. Mukha naman syang nag-eenjoy sa magulong scenario ng mga anak nya. Kaasar diba? Tsk!
Napansin ko na lang ang biglang pagtayo ni Rain. Lumapit sya sa akin. Humawak s'ya sa kamay ko at saka ako hinatak palabas ng classroom.
Ang higpit nang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Grabe na 'to.
"Bakit mo 'yon ginawa, Rain?" He didn't gave an answer. Instead, pinagbuksan nya ako ng pinto.
"Get in."
"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya.
Actually, He's insane.
Saka nya ako itinulak papasok sa front seat. Siguro nainis sya ng husto, tapos heto pa ako, dumagdag sa inis nya.
We are both inside his car. Walang imikan. He started the engine and drove the car as fast as he could. Nakalabas na kami ng E.U.
Grabe! First time kong mag-cutting class, with him.
"Where are we going?" nagtatakang tanong ko.
"Sa lugar na tahimik," sagot nya.
"Bakit mo nga ba 'yon ginawa?"
"Dahil gusto ko, may angal ka?"
"Talaga. Nahihibang ka na ba talaga, Rain?"
"Naiinis ako ngayon and please, would you shut up?" Simpleng salita mula sa kanya dahilan para tumahimik ako.
Tumigil ang kotse sa harap ng isang malaking building. Nauna syang naglakad habang nakasunod naman ako sa kanya.
Pumasok kami sa loob. Heading to the second floor, iniisip kong baka dito ang condo nya.
Napansin ko na lang ang pagpindot nya ng passcode sa page tapos binuksan nya ang pinto at pumasok kami sa loob.
Ang laki at lawak ng Unit nya. Ang ganda nang design at hindi rin maikakailang maingat sya sa lahat ng mga bagay.
Too silent. No music played. Masyado rin syang tahimik at seryoso para kausapin.
"I will leave you for a while. Don't touch anything or else, I WILL KILL YOU."
Ang yabang nya talaga sobra. Tsk!
Inikot ko 'yong tingin ko sa buong paligid. Kapag kasi nilawakan natin ang tingin sa isang lugar, kahit sa'n ka nito dadalhin.
Ito ang dahilan para mapunta ako sa kwarto nya. And looking around, I saw sketches, paintings, and even the books. It was all about wars, revenge, suspense, murder, and...
A diary? Really?
Natawa ako nang makita iyon. At dahil sa coriosity ko, kinuha ko 'yon kahit medyo may kataasan ang pinaglagyan. May part na binasa ko talaga. Agad ko naman itong ibinalik saka lumabas.
Kunwari wala akong alam, walang natuklasan, walang nabasa at binasa.
Pasimple akong umupo sa sofa. And looking around, he finally came.
"I prepared drinks for us," he said, pouring a wine onto the glass.
He offered me a glass of it. And as a respect, tinanggap ko iyon.
"Thanks," tangi kong sagot. Umupo naman sya sa tabi ko.
"Pasensya ka na sa inasta ko kanina sa loob ng classroom," panimula nya.
"It's okay," iniisip ko ang tungkol sa diary nya. Nakatingin ako sa kanya na para bang nagtataka na nagtatanong.
"May problema ba?"
"W-wala naman."
"Are you sure? You looked pale."
'Yung boses nya, sobrang lamig. Iba sa naging asta nya sa loob ng classroom.
"May iniisip lang ako," tugon ko. "Something unimportant."
"Rain, maiba ko lang. Nasa'n ba ang parents mo?" It seems like ikaw lang ang mag-isa rito sa unit."
Kasi ang totoo, wala akong nakikitang kahit anong family picture; even his parent's picture.
"They're not here. My father was murdered when I was five, while my Mom," staring on me. "She lived far away with her someone, a f*ckin' *sshole."
"I- I'm sorry," sagot ko habang nakatingin sa kanya.
Talagang... Ang lalim ng iniisip nya.
"I just want to say sorry, kung bakit kita dinala rito." Bakas sa mukha nya ang kakaibang lungkot. Ang lungkot ng pangungulila.
"Hindi ako makakapasok bukas," dagdag n'ya at saka tumayo.
"Bakit naman?"
"I have something to do." Inabot nya sa akin ang isa nyang kamay. Tinanggap ko iyon dahilan para mapatayo ako.
"Can I ask you a favor?" tanong nya.
"Ano 'yon?"
"Pwede mo bang dalhin 'yong notes mo rito bukas? After class. Know what I mean?"
Nodding my head, nanibago ako sa kanya. Para bang may anghel na sumapi sa kanya. Kagagawan siguro ito ng Yokai.
"Ihahatid na kita sa Unit mo," sabi nya.
Checking my phone, hapon na pala. Matagal din pala kaming magkasama. Hindi ko na namalayan ang takbo ng oras. We spent much of time.
Pagkarating namin sa condo ko, parang bumalik 'yung mood nya sa dating sya.
"Hindi ka pala high standard?" tanong nya habang tinatanaw ang paligid. Napangiti ako sa tinuran nya. Talaga nga namang sinapian sya ng Yokai.
"Mga mahahalagang bagay lang iyong binibili ko."
"Curious lang ako," sabi nya saka umupo.
"Sa'n ka naman na-curious?" tanong ko habang naka-bend ang isa kung paa.
"About you," sagot n'ya habang nakangiti sa akin, "because you're just a dirty simple."
"A d-dirty simple?" pagtataka ko. "Ano naman 'yon?"
"Don't mind it, Freak."
"Do I looked like a Freak?"
Kasi sa isip ko, hindi talaga. Baka nga sa kanya, gano'n ako.
He smiled.
"Ganyan ka ba talaga umupo?" tanong nya habang nakatingin sa akin. 'Yung tingin nya, parang nangangain ng tao.
Talaga naman, La Costa.
"Kailangan ko ng umalis. Don't forget your appointment tomorrow, Miss Fortalejo," sabi nya at agad na tumayo.
"Thank you sa paghatid sa akin," pagkasabi ko ay tumayo na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top