Simula
"Dylan, sure ka na ba talaga? Ayaw mo talaga?" Pagod kong naibaba ang bag ko at hinarap ang Manager ko. "Alam mo na naman ang sagot diyan." Sagot ko sa kanya at muling bumalik sa ginagawa.
Ayaw ko naman kasi talaga tanggihan ang inaalok niya lalo't na mahal ang ibabayad sa akin para sa event na iyon, debut iyon ng isang fan ko at willing magbayad ng malaking pera ang pamilya ng debutan para lang kumanta ako sa birthday nito kaso nga lang hindi ako pwede sa araw na iyon.
Mahal ko naman ang mga fans ko kaso iyon lang ang araw na nagtugma ang schedule namin ng boyfriend ko and it's also he's birthday and our anniversary.
"Fine, ano pa ba magagawa ko." Pagtataray pa niya, natawa naman ako at napailing nalang. Kundi ko rin ito pinsan ay baka inaway ko na ito.
I've been a singer for almost 5 years, marami akong kanta na nagawa na pumatok sa masa, at first akala ko walang makikinig dahil trippings lang naman iyong pag-a-upload namin ng kanta ng pinsan kong si Anna hanggang sa may isang music company ang lumapit sa akin at kinuha nila ako. Doon na nagsimula umusbong ang pangalan ko.
Pero sa ngayon ang pinsan ko ang naghahandle sa akin, hindi na rin ako handle ng isang company kaya malaya ako sa ginagawa ko.
"Uwi na ako." Paalam ko sa kanya, nagthumps up lang siya sa akin at ang paningin ay nasa cellphone niya lang at malaki pa ang ngiti, napailing ako sa kanya at may ngiti sa labing lumabas ng condo niya. Nasa condo niya kasi ang studio ko, para raw tipid eh sa totoo lang afford ko naman magpatayo ng sarili kong studio kaso ayaw niya.
Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay agad kong dinial ang number ni Zyren.
"Hi Love!" Ganadong bati niya agad sa akin, agad ako napangiti nang marinig ange excited niyang boses. For almost 5 years being a lovers wala nagbabago sa amin dalawa, lalo na sa kanya. Araw-araw ay ganado pa rin siya kapag nakikita niya ako, never niya pinarandam sa akin na nagsasawa siya.
That's why I really love him.
"Love, where are you?" I asked, naka-bluetooth naman call sa airpods ko kaya nasa daan ang paningin ko. Gabi na rin at hindi pa talaga ako nagdi-dinner, alam ko kasing mas gusto ni Zyren na kumain kami ng luto niya.
Kahit pagod siya sa trabaho hindi siya nagsasawang hindi ako pagsilbihan at lutuan.
"Pauwi na, Love. Ikaw ba?" Tanong niya sa akin. "Pauwi pa lang din." Sagot ko.
"So tired na... Pero I'll cook pa rin for us, okay?!"
Ngumuso ako. "You're tired na? You want me to order a food nalang o ako magluluto?" Nakangiti kong tanong sa kanya, kala mo naman ay makikita niya ang reaction ko.
"Heh! Ako na!"
Bahagya akong natawa sa boses niya, halatang naiinis dahil alam niyang ipagpipilitan ko ang gusto ko pero alam ko rin na hindi siya magpapatalo kaya hindi na ako nakipagtalo pa.
Hanggang sa makarating ako sa Penthouse namin dalawa ay naka-on lang ang call pero naka mute siya dahil may pinag-uusapan daw silang dalawa ng manager niya.
Nang makarating ako sa Penthouse namin ay wala pa rin siya kung kaya't nagpunta na muna ako sa kwarto namin dalawa at naligo.
Pagkatapos maligo ay nagpunta ako sa kusina sakto siyang pagbukas din ng pinto ng Penthouse namin, sinilip ko kung sino iyon at agad kong nakita ang naghahanap na mukha ni Zyren.
Napailing ako at napangiti. "Love, I'm here." Agaw ko sa atensyon nito, agad naman ito lumingon sa akin at tatakbong lumapit. Nang makalapit ay agad itong yumakap sa bewang ko at isinubsob ang mukha sa leeg ko, natawa naman ako at niyakap din siya.
"Laki mong tao nagpapababy ka talaga sa akin." Pang-aasar ko rito at tumawa ulit.
"I miss you so much, lovie!" Parang batang sabi nito. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi kiligin pa rin. Sa tagal-tagal ko siyang nakakasama ay wala talagang nagbabago. Mahal na mahal ko talaga ang tao na ito.
I didn't expect na siya ang unang makakarelasyon ko. College kami noong nagkakilala kami, we're roommates sa dorm namin sa university na pinasukan namin. We became friends for almost 2 years before he confessed his feelings for me. At first, I was confused. Because both of us are men, pinalaki ako sa pamilyang relihilyoso, kaya noong una hindi ako makapaniwala dahil ganoon ang paniniwala ko isa pa ay sobrang gwapo at sikat si Zyren sa school namin, bago siya maging sikat na actor ay naging sikat na model muna siya. Pero sa huli puso pa rin namin ang nanalo, buti nalang pumayag ang parents ko, legal kami both side. He courted me for almost 2 years before I said yes to him and right now we are almost 5 years in relationships na.
Sa kanila kasi ay open siya, alam ng parents niyang high school pa lang siya ay Bisexual na siya while me hindi ko talaga alam, wala naman kasi akong pakialam sa gender ko noon basta alam ko lalaki ako.
"I'm hungry na." Ungot niya sa akin habang nakayakap pa rin. Kanina pa ito nakayakap sa akin kaya nakikirandam ako, pakirandam ko ay may problema ito o may hindi magandang nangyari.
"You want me to cook for you?" I asks even I know hindi siya papayag. Agad itong umalis sa pagkakayakap sa akin. Doon ko lang napansin na nakasuot lamang ito ng black hoodie niya. "Pagod ka rin eh..." Ungot niya at ngumuso, umiling ako at mahinang pinitik ang noo niya.
"Silly, mas pagod ka sa akin. Maligo kana, magluluto nalang ako ng ramen na gusto mo." Nakangiti kong sabi sa kanya, agad naman nabuhayan ang mukha niya nang marinig niya ang ramen, napailing ako dahil doon, humalik muna ito sa pisngi ko bago parang batang nagtatakbo papunta sa kwarto namin dalawa.
Mas bata siya sa akin ng isang taon pero mas matangkad siya sa akin pero lakas magpa-baby, napangisi ako at umiling.
Nang matapos ako magluto ay siya rin paglabas niya ng kwarto, basa pa ang buhok nito at pinupunasan niya iyon ng white na towel, wala siyang suot na pang-itaas tangging ang khaki na short lamang ang suot niya. Nangewang ako at masama siyang tignan.
"Why?" Agad niyang tanong habang gulat na gulat ang mukha, nagtaas ako nang isang kilay at tinignan ang katawan niyang topless, ngumiti naman siya nang malaki at mahinang tumawa. "Hehe, ito na nga po magdadamit na..." Sabi niya at tumalikod sa akin para kumuha ng damit.
Umiling ako, malamig kasi ang Penthouse namin dahil gusto niya malamig ang paligid pero baka magkasakit naman siya kung lalabas siyang walang pang-itaas.
Inihanda ko na ang lamesa at tinulungan niya naman ako roon, nakasuot na siya ngayon ng itim na sando.
"How's your day?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami, sumubo muna siya ng malaki at nilunok muna ang pagkain bago sumagot. "Okay naman, super pagod lang talaga, lovie! Like kanina pa kaming madaling araw nagsho-shooting tapos natapos kami ng hapon na tapos may event pa after noon." Pagkwekwento niya sa akin, marami pa siyang ikwinento at sunod-sunod na iyon habang nakain kaming dalawa. Tungo lang ako nang tungo at pinakikinggan lahat ng sinabi niya.
Sa totoo lang ay parehas kaming nag-audition dati pero napagpasyahan ko sa music mag-focus nalang, sakto kasi na natanggap siya sa audition at ako naman ay kinuha ng isang company dati.
Nakapagtapos ako ng BSA habang siya ay Civil engineering ang natapos niya. Pero sa pagiging actor siya nag-focus habang ako sa music industry nag-focus.
That's why we are keeping our relationship secret only... We are both in showbiz industry, mainit ang mga tao sa showbiz lalo na kapag sikat ka o may love team ka. For almost 5 years kami lang ng mga family and friends namin ang may alam sa relationship na mayroon kami habang ang showbiz industry ay walang alam, ilang beses na kami nahuhuling magkasama pero agad naman nalulusutan iyon dahil ang alam nila ay magkaibigan lang kami dalawa. Lalo't na may loveteam na sikat na iniingatan si Zyren, at ayoko naman masira iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top