Kabanata 1
Tahimik akong nakamasid sa paligid, kanina pa ako rito nakatayo sa gilid. Suot ko ang cap at black kong face mask dahil baka may makakita sa akin. Hindi naman sa bawal ako makita ng mga tao kaso kasi nag-iingat lang kami ni Zyren lalo na big event niya ito. I wasn't invited here so kataka-taka talaga kapag nakita ako ng mga tao rito.
Agad na umagaw ng atensyon ko ang malakas na sigawan agad ng mga tao. Mabilis ako napangiti nang makitang maglakad ang boyfriend ko sa red carpet. Tonight is the premiere night for their movie. As a boyfriend I want to support him no matter what happened.
"Ang pogi ah..." Hindi ko mapigilan ang sariling hindi matawa, totoo naman kasi ang pogi niya sa suot niya. Naka dark blue long sleeves siya while khaki na pants naman ang pang-ibaba, naka clean cut din siya na bagay na bagay sa kanya. Noong una ay ayaw pa magpagupit kundi ko pa sasabihin ay hindi gagawin.
Mabilis ko inilabas ang cellphone ko at itinutok ang camera sa kanya, tuwang-tuwa ako habang vini-videohan siya hanggang sa dumating na iyong ka-love team niya. Clara Gomez is one of the famous models and actress in this industry. Kitang-kita ko kung paano inilagay ni Zyren ang braso niya sa bewang ni Clara dahilan upang mas umingay ang paligid.
Agad ko naibaba ang cellphone ko at sunod-sunod na napalunok. Nang lingunin niya ang pesto ko ay kitang-kita ko agad ang gulat sa mata niya, agad kong inalis ang face mask ko at ngumiti sa kanya at sinenyasan siyang mag-focus nalang sa trabaho. Tinunguan ko ito ng dalawang beses bago malaking ngumiti. Itinikom niya ang bibig bago muling ibinaling ang atensyon sa mga camera na nasa unahan nila.
Bumuntonghininga ako at napahawak sa dibdib ko, may kirot pa rin kahit alam kong trabaho lang, hindi ko pa rin mapigilan hindi magselos at masaktan kahit alam kong ako ang boyfriend niya.
Hindi ko alam, naiingit ako... Minsan iniisip ko sana ganoon din kami lalo na sa public kaso hindi namin magawa dahil nakakatakot ang mundong ito...
Nang makapasok na ang mga artista sa loob ng cinema ay tsaka ako naglakad paalis doon. May iilan fans ang nakakilala sa akin at nagpapicture wala naman akong nagawa kundi ang pumayag lalo't na thankful ako sa kanila.
"Hirap ng buhay showbiz." Sabi ko sa sarili ng makasakay sa sasakyan. Agad ko pinaandar iyon hanggang sa makarating ako sa Condo ni Anna, my cousin slash manager.
"Napanood mo iyong balita?" Agad nitong salubong sa akin nang makarating ako Condo niya, kumunot ang noo ko at kinuha ang cellphone ko para mag-update kay Zyren.
"Anong mayroon?" Taka kong tanong sa kaniya at naglakad papunta sa kitchen niya, wala naman itong pakialam dahil para ko na rin itong bahay sanay na ito sa akin. "Interview ng ZyRa." Sagot niya.
"Oh? Anong mayroon doon?" Tanong ko ulit at sumandal sa counter. "Galing ako sa premiere night ng movie nila."
"They keep asking them if ano na ba status nilang dalawa." Halata sa mukha ni Anna ang inis, natawa naman ako. Sa aming dalawa mas naiinis at napipikon pa siya sa mga ganoon.
"It's okay, ganoon naman sadya ang showbiz." Sagot ko rito at uminom ng Beer na nakuha ko sa refrigerator niya. "Mahal naman ako ng boyfriend ko.x" dagdag ko pa na sabi.
Ngumisi naman siya at inirapan ako. "I know but, hindi ka ba nagsasawa? 3 years na si Zyren sa industry na ito, 3 years na rin silang tinatanong ng ganoon eh ang totoo naman may boyfriend si Zyren which is ikaw!" Pikon niyang reklamo. Umiling-iling ako muling tinunga ang beer.
"It's okay, we both knew na walang malisya sa dalawa iyon." Nakangiti kong sabi at tumawa sa reaction niya. Nakabusangot kasi siya. "Selos ka lang eh." Tumatawa kong sabi, inis naman niya akong hinampas sa braso.
Anna is bisexual and her girlfriend is Clara. Model before si Anna and doon niya nakilala si Clara magkakasabay silang tatlo noon ng boyfriend ko then Clara is Lesbian. Later on nalaman nalang namin may relasyon ang dalawa pero nauna kami ni Zyren magkaroon ng relasyon kaysa sa kanila.
Ang hindi pa namin expected ay si Clara at Zyren pa ang magkaka-love team sa showbiz. Hindi naman ako nagseselos kay Clara na tipong dahil kasama niya ang boyfriend ko, alam ko kasing may girlfriend siya, ang kinaiingit ko is iyong ginagawa nila sa public, na sana ganoon nalang kami ng boyfriend ko.
Ngumisi ako napailing sa iniisip, muli ay tinunga ko ang beer, nang lingunin ko si Anna ay nainom na siya ng Soju habang nakaupo sa isang high chair. Mas malala ang isang 'to sa akin.
"I was jealous too but in another way, I was jealous because sana ganoon din kami sa public sana nahahawakan din naman ang isa't isa na ganoon..." Ngumiti ako nang mapait sa kanya. Titig na titig naman siya sa akin habang nakatuon sa table ang braso niya. "Like naisip ko, paano kaya kung babae ako? Edi walang masasabi ang ibang tao sa amin kasi babae ako eh lalaki siya..." Tumawa ako at tinunga ang beer na ngayon ay ubos na.
"Dylan..." Malungkot na tawag ng pinsan ko sa akin.
"I'm fine, don't worry. Halos limang taon na kami nagtatago 'no, ayos pa naman ako."
"Wala naman mali sa atin eh, sadyang marami lang tao ang hindi makatanggap na may ganito sa mundo na... Hindi babae at lalaki lang ang nagmamahalan..."
Umiling ako at huminga nang malalim, binuksan ko ulit ang refrigerator niya at kumuha muli ng beer. "In our society, open na naman iyong ganito sadyang... Nahihirapan lang ako sa ganito kasi iniingatan ko ang pangalan ng boyfriend ko ganoon din siya sa akin..."
"Same here, actually wala akong pakialam sa pangalan ko pero sa pangalan ng girlfriend ko may pakialam ako, pinaghirapan niya iyon tapos masisira lang dahil sa mga walang kwentang tao na wala naman ambag sa kanya!" Sigaw niya at pikon na pikon na uminom ng soju, natawa ako sa kanya. Magpinsan talaga kami. Parehas pa kaming lumiko.
Nagkwentuhan nalang kami dalawa hanggang sa hindi ko na namalayan napaparami na ako ng bote ng beer, nahihilo na rin ako kung kaya't nagpasya na akong pumunta muna sa Guest room para magpahinga.
"Ewan ko ba riyan kay Dylan uminom nang marami eh hindi naman siya heavy drinker!" Rinig kong sigaw ng pinsan ko, nakapikit pa rin ako habang yakap-yakap ko ang isang unan, antok na antok pa ako kundi ko lang narinig ang ingay sa labas ay hindi ako maalimpungatan.
"May nasabi ba siya?" Mahina ang boses na tanong ni Zyren, sigurado akong si Zyren iyon. Saulado ko ang boses ng boyfriend ko, at based sa pagkakatanong niya alam kong nag-aalala ito, bumuntonghininga ako at nagmulat mula sa pagkakapikit ngunit hindi pa rin ako tumatayo.
"Wala naman... Just... You know hehe." Parang gago naman itong pinsan ko. Tumayo ako sa pagkakahiga at iling-iling na tumayo mula sa kama. Marahan kong binuksan ang pinto at kitang-kita ko ang tatlo sa living room, nakatalikod sila sa pwesto ko kaya hindi nila ako nakikita.
Nakahiling ang ulo ni Clara sa balikat ni Anna habang si Zyren ay nasa harap nila na nasa gilid lang din.
"Pahawak-hawak kapa." Rinig kong asar ni Clara kay Zyren, kahit malayo ay kitang-kita ko ang nakanguso at busangot na mukha ni Zyren, nakakruss ang dalawang braso nito sa dibdib niya. Parang bata talaga.
"Inutos lang sa akin iyon, tsaka kadiri ka kaya!" Maktol niyang sabi, natawa ako bahagya ngunit sapat lang para hindi nila ako marinig.
"Mas kadiri ka!" Balik na sigaw ni Clara sa kanya halatang nang-aasar. Nang makita kong kumuha ng unan si Zyren at akmang ibabato iyon kay Clara ay tinawag ko na siya.
"Zyren." Seryoso kong tawag sa kanya dahilan upang matigilan siya, dali-dali itong tumayo sa pagkakaupo at tumakbo palapit sa akin agad na yumakap sa bewang ko.
"I miss you so much lovie...." Bulong nito sa akin habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ngumiti ako at niyakap din siya. "Miss you too."
"I'm sorry..." Hingi niya nang paumanhin at humiwalay sa pagkakayakap sa akin, ngumiti naman ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "It's okay, I know it's part of your work."
Tumungo ito na parang bata, ang cute talaga nitong boyfriend ko parang puppy na iniwan ng amo. Sana... Dumating kami sa punto na kaya na namin hindi itago ano man mayroon kami. Dahil oras na mangyari iyon hindi ako magsasawa ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal ko ang lalaking ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top