6
"Damn it, Galaxy!" Wala sa tamang diwa akong napasabunot sa sariling buhok.
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi sa hindi malamang dahilan at ngayon naman, maaga pa akong nagising.
"Why am I like this?" Nababaliw kong tanong sa sarili. Hindi ko maintindihan at bakit parang apektadong-apektado ako tungkol sa nakita at nabasa kahapon.
Oo, naa-attract ako kay Martell. Sabihin pa nating crush ko siya pero... ba't ako nagkakaganito? Hindi naman ako nagkakaganito noon ah?
Ah, 'di bale na. Stress lang ito!
Hindi naman kasi kapani-paniwala na ganitong level na talaga ang pagkagusto ko kay Martell eh kakikilala pa lang namin! At isa pa, hindi naman ako sigurado na type ko siya, ah!
Napailing na lang ako sa pagtatalo ko sa isipan at naghanda na lang para sa mini getaway namin ng mga kaibigan. Hindi ko alam kung saan ang tungo namin nina Olivia at Sasha. Ang alam ko lang ay dagat 'yong pupuntahan namin.
I actually like the idea of spending a day at the sea. I'm probably too worked up that I feel like I'm going crazy. Maybe this trip could help me untangle some mess in my mind and clear some things up for me.
"Sabi ko na nga ba at 'yan ang susuotin mo," ani Sasha bago ako hinalikan sa magkabilang pisngi at ganon din ang ginawa ni Olivia.
I examined each of their outfits and I just realized that we were all wearing crocheted fabrics. Olivia was sporting a sweet and date-like look with her lavender-colored deep-v halter mini dress while Sasha was on her bright yellow tube top and matching mini skirt.
Ako naman ay dark blue bralette with matching shorts and bucket na ginawa ko para sa sarili. Pinatungan ko lang iyon ng cover-up para hindi sobrang revealing.
"We both figured that you'll be wearing something like this so we decided to match," ani Olivia at saka inakbayan ako at naglakad na kami palabas.
"Kung sinabihan niyo sana ako, ginawan ko pa sana kayo ng damit," sabi ko, nanghihinayang. Isa rin sa mga nakahiligan ko ang pag-crochet ng mga kung ano-anong damit kaya willing akong gawan ang mga kaibigan.
Lumabas na kami ng apartment at ang unang nakakuha ng pansin ko ay ang convertible na naka-park. Mangha ko iyong pinagmasdan at nagulat na lang nang biglang kinausap ni Sasha ang lalaking nagbabantay niyon.
She then gestured to us to the car and I just realized what was happening— we're going to use this baby!
"Damn! Corvette!" ani Olivia at ngumisi kay Sasha na ngayon ay pumuwesto na sa driver's seat.
"So damn fine, Sash!" I said, my hands grazing the sleek exteriors of the car. Just like what Olivia said, it was a classic convertible Corvette.
It was light pink in color, and looking so sleek and posh. One look from it, I was immediately reminded by those Barbie life in a dream house episodes that my friends and I used to binge-watch.
I sat at the back of the car and off we went. Malakas ang ihip ng hangin kaya feel na feel ko naman ang paglipad ng buhok ko. Nagpatugtog pa ang dalawa kaya lalo kong nadama ang hindi maipaliwanag na nararamdaman. Ang alam ko lang ay mapayapa ako.
There was something in the way the cold breeze hit my face; the way we all jammed to the song; and the way my chest is enveloped by this overwhelming sensations as I raised both arms in the air to feel the moment that made my whole system so contented and relaxed.
The three of us were just on the car— nothing seems so special about it but to me, it was. Deep down, I was sure that I would never forget such liberating and and satisfying experience.
"We're here!" Sasha announced, then dramatically removing her sunglasses and tossing her hair. Olivia and I chuckled with what she did before stepping out of the car.
We took the picnic baskets and and blankets and walked towards the coast. No one aside from us were in sight and knowing the status of Sasha, I'm pretty sure this is a private property.
The sea was calm and on the horizon was the sunrise and its gentle glares. It was a cloudy day yet the calm and vibrant hues of dawn still tinted the whole sky.
Mangha kaming napatanga ng mga kaibigan. Alam ko na katulad ko, naramdaman din nila ang kapayapaan na dala ng bukang-liwayway. Nang makuntento na sa katititig sa himpapawid, sinimulan na namin ang pag-aayos ng aming puwesto.
Ani Sasha, pagkatapos daw naming mag-agahan, magpe-pedal boat kaming tatlo at pagkatapos niyon, saka kami magsi-swimming.
"Tatlo lang naman tayo pero ba't parang may piyesta?" Ani Olivia habang isa-isang kinuha mula sa basket ang mga pagkaing dala ni Sasha.
"Kasi iba-iba ang preference nating tatlo."
Isa-isa kong sinuri ang mga pagkain at tama nga ang kaibigan. Olivia prefers the Mediterranean breakfast while Sasha prefers a typical American breakfast. Ako naman ay nasanay sa rice meals kaya tapa, longganisa, at tocino ang dala niya para sa akin. Ako lang din ang kumain ng kanin kaya busog na busog talaga ako.
"So, ready to paddle?" Ani Sasha pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga dahil katatapos lang kumain.
Excited kaming nagsitanguan ni Olivia at sinunod na si Sasha. Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa makarating kami kung saan nakadaong ang iilang mga watercraft. Aside from paddle boats, there were also several yachts, cabin cruisers, speedboats, windsurfers, and jet skis.
"Who owns all of these?" I asked, eyes still roaming around.
"My brother's acquaintances and business partners," ani Sasha at hinila kami ni Olivia sa may pedal boat at pinasakay roon.
"Pakilala mo naman sana kami sa mga acquaintances na 'yon," ani Olivia na agad namang nginisihan ng isa at saka tumango.
The pedal boat experience was fun especially that the three of us were also immersed in our conversation until the boat stopped moving. Nagsilakihan ang aming mga mata nang mapagtantong ayaw talagang gumalaw kahit ano pa ang subok namin.
"I think something got stuck at the propeller," I calmly said but deep inside I was panicking a bit. We were stuck at the middle of the sea and also with no means of being able to contact anyone since we left our gadgets at the shore.
"This is the first time I didn't bring my phone with and now this is happening," ani Olivia pero mukhang hindi nababahala.
Napakamot ng ulo si Sasha bago sinabi na titignan niya raw kung may na-stuck ba talaga sa propeller. Sasabihan ko pa sana siya na huwag munang tumayo dahil ma-a-out of balance ang pedal boat ngunit bago ko pa iyon magawa, walang pag-aalinlangan siyang tumayo at gaya ng gusto ko sanang iwasan, gumiwang-giwang ang pedal boat.
Dahil sa pagkataranta, na-out balance si Sasha. Bago siya malaglag sa katubigan, nahawakan siya namin ni Olivia ngunit napakagalawan ng baliw kaya pati kami ni Olivia ay nalaglag kasama niya.
"Oh my gosh! Oh my gosh! I'm drowning," aniya, maiyak-iyak na at nakalmot pa ako sa mukha. Nakapikit ang gaga at akala niya siguro malulunod siya kaya kung anong mahablot niya ay kinakapitan niya.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa hapdi ng pagkalmot ni Sasha o matatawa sa katangahan niya at sa kakalmahan ni Olivia. Ang buong mukha ko ay kinakapitan ni Sasha habang ang isang kamay naman niya ay nasa buhok ni Olivia.
"Sash! Calm down!" Singhal ko sa kaniya at napatingin kay Olivia na kalmadong sinusubukang tanggalin ang hawak ni Sasha sa buhok niya. "You are wearing a freaking life vest!"
"And open your damn eyes," dagdag ni Olivia na biglang nagpakalma kay Sasha. Minulat niya ang mga mata at inilibot ng tingin. Nang dumapo ang mga mata niya sa akin, bumukas ang kaniyang bibig at mukhang may sasabihin ngunit bigla na lang may pumito.
Napatingin ako sa likuran at nakita ang isang yate. May tatlong lalaki roon at ang isa sa kanila ang may dalang pito.
"Hey you, Shannon!" tawag ng isang lalaki na naka-puting buttons up. Nakatupi iyon hanggang siko at bukas ang karamihang mga butones. "What are you guys doing there?"
Bago pa makapagsalita si Sasha, yung isang lalaki naman ang nagsalita. They all looked familiar but I couldn't think straight.
"And why is your friend's face bleeding?"
Dahil sa narinig, napatingin ako kay Olivia. At nang makitang wala namang dumudugo sa kanila, napahawak ako sa mukha at doon naramdaman ang likido na nagpapahapdi sa buong mukha ko.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil hindi ko maisip kung ano ngayon ang kalagayan ng mukha. Hindi pa nakatulong ang reaksiyon ng dalawa at kinabahan tuloy ako.
"Oh my gosh!" Napatakip ng bibig si Sasha. "We should borrow some first aid kit from them."
We swam towards the yacht and the guys graciously helped us. Basing on the way they talked to Sasha and the fact that they are here simply means that they all know each other.
"I'll go get the first aid kit," anang isa pang lalaki at naglakad papunta sa kung saan.
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng yate. Kung kani-kanina, nasa viewing deck silang tatlo, ngayon naman ay nandito kami sa parang salas na hindi mo aakalaing nasa loob ito ng barko dahil sa kalakihan. Sobrang gara rin ito at parang bigla akong nahiya dahil nabasa namin ang iilang kagamitan.
Hindi nagtagal, bumalik din naman ang lalaki ngunit hindi na siya nag-iisa. The person i least expected to here... well, guess what? He's here as well.
"Martell?"
"Axyne?" We both said in unison, surprised to each other.
"Hmm... first name basis, that's nice." Naputol ang tinginan naming dalawa at binalingan ang nagsalita.
And now that my eyes are going back and forth from the guys and to Martell, I think I know now why they all looked familiar. The guys were the cousins and brother of Martell! Kilala ko sila sa mukha dahil palagi silang magkasama ni Martell sa mga litrato na nakita ko noong ini-stalk ko siya.
"Shut up, Martini," Martell hissed, making his cousins chuckle.
Napatingin ako sa dalawa at ngayon lang napansin na pareho pala ang pormahan nilang apat. Naka-polo sila na nakatupi hanggang siko ang sleeves at bukas ang karamihan ng mga butones. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay; may nakaputi, light blue, gray, at dark blue.
Si Martell ang naka-dark blue at siyempre, sa mga mata ko, siya ang pinakagwapo. And yes, terno kaming dalawa!
"It's kuya Martini," his brother corrected, stressing the word "kuya".
Martell only rolled his eyes before taking the first-aid kit from his cousin and walked towards me. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi nilang lahat.
Umupo si Martell sa bowl chair katapat ng inuupuan ko at mas ipinalapit iyon sa akin. He opened the first-aid kit and took a cloth before gently dabbing it on my face.
Napapikit ako sa hapdi pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang damahin ang kaniyang hawak nang nagdapo ang kaniyang kamay sa aking mukha.
Pagmulat ko ng mga mata, wala na akong kasama maliban kay Martell. Nilibot ko ang tingin at sinubukang hanapin ang mga kaibigan. But basing on the noise I'm hearing, they're probably at the top deck.
"You fell asleep," ani Martell at seryoso akong tinitigan. Nakatayo siya sa harap ko ngunit nang napansin na tumitingala ako sa kaniya, umupo siya sa kaharap kong silya.
Napatingin ako sa sarili at nakitang may kumot na nakatabon sa buo kong katawan at may unan na sa likuran ko. May neck pillow din pala ako na napansin ko lang noong sinubukan kong i-stretch ang leeg.
"Do I look that bad?" I asked, pertaining to the scratch I got.
"What do you mean?" He asked back, his voice calm and soothing and I don't even know why it's like that.
I gave him a sheepish smile but immediately regretted it because I felt a pang of pain on my cheeks. It felt like my skin was too tight to even move that smiling was too much to do.
Nasapo ko ang mukha at maiyak-iyak na dahil sa hapdi. Kung kani-kanina, hindi ko iyon naramdaman, ngayon naman ay ang kabaliktaran. The fact alone that I have a wound on my face weakens me, how much more now that the pain is not-so-bearable?
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan ko. Dinala niya ang dalawang hinlalaki sa magkabilang gilid ng aking mga mata at doon ko lang napagtanto na lumuluha na pala ako.
"I have low pain tolerance," pag-amin ko.
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi bago ako tinulungang tumayo.
"The bathroom is over there," aniya sabay turo sa isang pintuan.
"Uhh... anong gagawin ko sa banyo?" Mahina kong sabi dahil alam kong baka sumakit ulit ang mukha ko. Pero kahit pa nag-ingat ako sa pagsalita, napangiwi pa rin ako sa hapdi.
"Aren't you going to change? You slept with your wet clothes on."
At dahil alam kong mas hahapdi ang mukha ko kung magsasalita ako, nag-hand gesture na lang ako sa kaniya.
I pointed at myself then formed an "X" with both arms. He chuckled on what I did. It was a contagious smile that I couldn't prevent myself from doing the same. At dahil sa pagngiti, mas humapdi na naman ang mukha ko.
He gestured me to follow him and we walked towards one of the door, different from the one he pointed as the bathroom. He opened the door that led us to one huge room.
Before I could even look around, the first thing that caught my attention was the smell. It was too good. I couldn't quite pinpoint as to what this room smelt like but it's like a mixture of sexy and mysterious. Like some sort of manly fragrance but not pungent.
Martell probably went to one of the doors inside this room because he was nowhere to be found. Kaya habang naghihintay, siniyasat ko ang buong kwarto.
A huge bed was situated on the middle and at the end of it was a bedroom bench. Beside the bed was a table with a lamp on top it. Sa harap naman ng kama ay isang TV na nasa gitna rin ng dalawang pintuan.
Ang nasa kabilang parte naman ng kwarto, katapat ng kinatatayuan ko ngayon, ay ang mahabang glass door at sa labas niyon ay parang maliit na espasyo, parang mini viewing deck.
Kahit pa may sinag naman ng araw, mas nangingibabaw pa rin ang madilim na interiors ng kwarto. Pinaghalong itim, puti, at gray iyon kaya parang bigla akong inantok. The room looked really cozy that I suddenly felt the urge to sleep again.
"You can take a shower here." Napaigtad ako nang magsalita si Martell. Nilahad niya sa akin ang dalang mga nakatuping damit at saka tinuro ang isang pintuan katabi ng TV.
Nag-thumbs up ako sa kaniya at dumiretso sa tinuro niyang pintuan. Katulad ng inaasahan, hindi rin nagpatalo ang banyo sa kagarbohan. Tama lang ang kalakihan niyon at may bathtub pa sa tabi ng glass window.
Gustohin ko mang maligo sa bathtub, nakakahiya naman sa may-ari at sa kay Martell kung magtatagal ako rito dahil nakikigamit lang naman ako.
My face was mostly covered by the dressing. For this to happen, it simply means that I got a lot of wounds.
Isa-isa ko 'yong tinanggal at nang matapos, pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at hindi mapigilang mapaatras nang makita ang repleksyon.
Oo, ganon iyon kasamang tingnan na ako mismo nagulat.
There were five scratches on my face: one was from my right cheek down to the corner off my mouth, the other was from the upper left of my forehead down to the bridge of my brows and the remaining three were on my left cheek.
Hindi ko mailarawan ang itsura. Ako mismo natatakot at nababahala sa nakikita, hindi dahil napapangitan ako sa sarili, kundi dahil hindi talaga iyon magandang tignan! Hindi pa nakakatulong na sobrang hapdi niyon!
Paano na lang ako makakapagsalita? Hindi rin ako makangiti! Hahapdi rin ito kung babasain ko. So, paano ako makakapagligo at makakapaghilamos?
Ah, 'di bale na. Hindi naman sobrang lalim ng sugat kaya pwede ko siguro itong basain. Madali lang ang pagligo ko at agaran kong tinuyo ang sarili lalo na ang mukha. Wala ang first aid kit dito kaya mamaya ko na lang lalagyan ng dressings ang mga sugat.
Isa-isa kong tinitigan ang mga damit na pinahiram ni Martell sa akin— isang T-shirt na sigurado akong magmumukhang mini dress sa akin at isang boxer shorts.
Sinuot ko ang mga iyon at tulad ng inaasahan malaki iyon para sa akin. May nakita akong sewing kit sa isang sulok at tinahian ko ng kaunti ang shorts para hindi iyon maging sobrang maluwag.
Mahirap na at baka malaglag iyon. Edi kahiya!
Napatingin ulit ako sa salamin, hindi mapigilan na kung ano-ano na naman ang maisip.
It was like one of those stories and movies where the girl "slept over" at the guy's place which then made her borrow that guy's clothes the following day.
Napangisi ko sa naisip. Wala lang... makulay lang talaga ang imahinasyon ko.
Lumabas ako ng banyo at natagpuan si Martell na nakaupo sa may paanan ng kama. Nang makita ako, tinapik niya ang espasyo sa tabi niya at doon naman ako umupo.
"Does it hurt?"
"Medyo," sagot ko sabay tingin sa first aid kit na nasa kandungan niya.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa at hindi ako sanay. Ang kakaibang nararamdaman ay bumalik na naman at mas tumindi pa nang sinimulan niyang gamutin ulit ang mga sugat ko.
Marahan ang paggalaw niya kaya hindi ako nangamba na baka mas humapdi ang mga sugat. At habang nakatuon ang buo niyang pansin sa paglagay ng dressings sa mukha ko, ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
Ito ang unang beses na naging ganito kami kalapit sa isa't-isa. He smelled as good as his room. It was so alluring and pleasing that I couldn't stop myself from inhaling his scent, doing it in the most inconspicuous way.
And now that we're in close proximity with each other, I also got the chance to closely examine his face. His skin looked so warm and healthy and there weren't any blemish nor acne marks in sight!
"Why is your skin so clear?" Huli ko nang napagtanto ang nasabi. Hindi ko namalayan na napatanong pala ako!
"Cause I wash it every day," maikli niyang sagot at saka ngumisi.
But I wash my face too! Day and night with complete skincare set but my skin isn't as smooth as his. Wala akong mga tigyawat o ano pero may kakaiba lang talaga sa kakinisan ng balat niya na hindi ko mailarawan.
"All done," he announced, a small smile appearing on his lips.
Napahawak ako sa mukha at tapos na nga siya. Sayang!
"Did my clothes fit you? Those were the smallest that I could find," aniya at napakamot sa ulo.
Smallest?! Eh, sobrang laki nga 'yon para sa akin tapos smallest na 'yon?
Nag-thumbs up lang ako sa kaniya. Okay naman na malaki ang fitting lalo na't wala akong suot na undergarments kaya hindi bakat.
"Uhh... are you comfortable not wearing..." he trailed off and looked at me. I could sense that he was hoping that he wouldn't have to continue.
Nag-thumbs up ulit ako sa kaniya at saka kumindat. Hindi ko na alam kung anong gagawin kaya itinuon ko na lang pansin sa malambot na kama. Parang gusto ko tuloy matulog ulit.
"You can sleep here while we wait for the doctor," aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. "I called a doctor to check on your wound. Is that fine with you?"
At dahil ayaw kong magsalita, nag-thumbs up ulit ako. Hindi naman iyon kailangan dahil hindi ganoon ka lala ang mga sugat ko. Marami pa sana akong gustong sabihin pero saka na lang.
I crawled towards the bed and made myself comfortable. I was right about the bed being soft and plush.
I looked up to Martell as he adjusted the lights. I wanted to thank him but I'll just do that when I could speak comfortably. For now, I hope a smile would do.
He smiled back; it was a small yet heart-fluttering kind of smile.
"Sleep tight, Axyne."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top